Chapter 1 : "A child who lives in a Haunted Place"

1892 Words
UMAGANG-UMAGA ng magsimulang magbalot ng gamit si Yina. Tulog pa ang nakababata niyang kapatid habang lasing na lasing naman ang kaniyang ama at nakahiga sa nag-iisang sofa na nasa kanilang sala. Noong isang araw pa mabigat ang loob bg dalaga dahil ayaw niyang huminto sa pag-aaral at magtrabaho para sa isang lalaki na nagngangalang Atlan Silvestre, gusto niyang makapagtapos at ipagpatuloy ang pag-aaral niya ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay gustong-gusto ng ina niya na patigilin muna siya at ipadala sa pamangkin ng amo nito. Mabigat pa rin ang loob ni Yina. Sobrang dami niyang katanungan sa mga magulang ngunit hindi naman niya ito matanong dahil nga ayaw siyang kausapin ng mga ito. Bakit kasi sa kanilang dalawa ng kakambal niya ay siya pa ang napili na patigilin at sapilitang pagtrabahuhin? Mas lalong humaba ang pagkakanguso ng labi ng dalaga. Tapos na niyang ilagay lahat ng gamit niya sa bag kaya tumayo na siya at sinukbit ito. "Ma aalis na po ako," Mahinang paalam nito sa ina na walang kibo at nanatiling naka-upo sa gilid ng kaniyang kama. Kahapon pa iyan ganiyan. Simula noong bisitahin sila nun'g bumbay na pinagkakautangan ng ama niya ay tulala na ang ina niya. Siguro ay namro-mroblema ito lalo na ngayon na mas lalo pang nagiging magastos ang pag-aaral ng kapatid niya. Naawa naman si Yina dahilan upang mapasimang siya at mapahaplos sa kaniyang braso. Okay na rin siguro ito? At least mapapagaan niya ang loob ng ina kahit papaano. Kung sakali man'g makatapos ang kakambal niya ay tiyak naman na pag-aaralin siya nito kaya magsasakripisyo na muna siya. "Ma?" Tawag ulit ni Yina sa ina. Humakbang siya upang sana lumapit dito ngunit na hinto ng bigla itong tumayo at walang lingon-lingon na pumasok sa loob ng banyo. "Umalis ka na. Hinihintay ka na ng sasakyan nila Madam Silvia." Malamig na wika sa kaniya ng ina. Ngayon na nga lang ito nagsalita tapos ganoon pa ang sinabi sa kaniya. Mapait na napangiti ang dalaga bago dismayadong napailing. Wala naman siyang magagawa kung ayaw na siyang kausapin ng ina niya kaya tumalikod na lang siya at bagsak ang mga balikat na nagtungo sa sala, kung nasaan ang ama niyang lasing na lasing at tila wala sa sarili. "Pa aalis na po ako," Malungkot na imporma ni Yina sa ama. Mahina naman'g napabungisngis ang matanda bago nito kinusot-kusot ang mga mata. "Tina anak may ikaw ba 'yan? Me ibibgay ako mamaya sandali lang hindi ako makatayo eh nahihilo ako." Imbes na siya ang alalahanin ay talagang ang kakambal pa niya ang naalala nito. Mukha nga'ng handa na ang mga tao rito sa bahay nila na paalisin siya. Napailing na lang ulit ang dalaga bago ito humarap sa pinto. Ito na. Sa oras na sumama na siya sa Madam Silvia ng mama niya ay dadalhin na siya nito sa isang lugar malayo rito sa bahay nila. Mag-isa siya roon at mangangapa sa dilim habang inaalagaan ang isang bata na nagngangalang Atlan. Nakakatakot yun'g pangalan ng bata pero sana mabait ito. Sana hindi tulad nun'g mga bata na anak ng mayayaman, matitigas ang ulo at suplado. Hinawakan na ni Yina ang doorknob at handa na sana itong pihitin upang makalabas na ng bahay ng bigla siyang mapatigil dahil sa maliit na boses na pumawi sa katahimikan. "Ate?" Nanigas ang katawan ni Yina bago siya dahan-dahang napatingin sa pinto kung nasaan ang kwarto ng nakababata niyang kapatid na si Lina. Kalagitnaan na ng gabi pero gising pa rin ito? Nalukot ang mukha ni Yina. Kay bata-bata pero natutunan ng magpuyat! "Ate nasaan ka? Ate Yina?" Paulit-ulit na wika ng musmos na bata. Parang nanaginip ito kaya ang inis na nararamdaman ni Yina ay napalitan ng pag-aalala. Na sobrahan na naman siguro sa laro ang bata kaya heto at na naginip na naman. Dahil sa tuwa para sa bunsong kapatid ay hindi na napigilan pa ni Yina ang mapatawa ng mahina, balak na sana niyang lumakad papunta sa kwarto nito pero napatigil siya ng lumabas ang mama niya sa kwarto kung nasaan siya kanina. Tinapunan siya ng ina ng malamig na tingin. "Ako na ang bahala kay Lina. Umalis ka na at baka naiinip na sila Madam Silvia," May diin'g wika ng ginang. Hindi man lang ito makatingin sa anak na ngayon ay naka busangot na ang mukha. "Ate Yina. Ayokong mag-isa rito..." Tuloy-tuloy ang pagpalahaw ng bata at habang naririnig ito ni Yina ay parang meroon'g kumukurot sa puso niya. Gusto niyang puntahan ang kapatid, para gisingin at patahanin ito pero paano niya magagawa 'yon kung nasa harap ng pinto ang ina niya at matiim siyang pinagmamasdan. "Yina lumabas ka na. Hindi pwedeng paghintayin sila Madam Silvia!" Nauubusan na ng pasensya ang ginang. Napapalatak pa ito ng dila ng subukan ni Yina na humakbang ng isang beses palapit sa pinto ng umiiyak na bata. "M-Mama titignan ko lang si Lina. Parang hinaha-" Hindi na natuloy ni Yina ang sasabihin ng sunod-sunod nioang marinig ang may kalakasang katok sa kanilang pinto. Parehas silang natigilan ng ina at napatahimik. "Umalis ka na Yina. Ako na ang bahala sa kapatid mo." Sternong utos sa kaniya ng ina. Nag-aalala siyang napasulyap sa kwarto ng kapatid at wala ng nagawa pa kung hindi ang hawakan ang doorknob at malungkot itong pihitin pabukas. Noon'g gabi rin'g iyon ay umalis si Yina sa bahay nila ng hindi man lang nagpapaaalam sa nakababatang kapatid. Habang humahakbang siya palapit sa nakaparadang kotse ni Madam Silvia ay dinig na rinig niya ang palakas ng palakas na iyak na nanggagaling kay Lina. Gusto niyang tumakbo pabalik sa kapatid at patahanin ito ngunit paano niya magagawa 'yon ngayong nakasarado na ang pinto ng bahay niya at hawak-hawak na siya sa braso ng driver ng Madam Silvia nila? Malungkot siyang napabuga ng hangin. Babalikan ka rin ni Ate... Uuwi rin naman siya. Sa oras na gumaan na ang loob ng magiging amo niya sa kaniya ay sisiguraduhin niyang makakauwi siya para bisitahin ang kapatid. Tapos bibilhan niya rin ito ng napakaraming laruan atsaka mga pagkain. Oo tama. Bibilhin ko yun'g paborito niyang candy atska mga tinapay para hindi siya magalit sa akin sa pag-uwi ko. Paninigurado niya sa kaniyang sarili. Pinapalakas niya ang kaniyang loob para hindi malungkot sa naging huling pagkikita nila ng kapatid. Pagkapasok na pagkapasok ni Yina sa loob ng kotse ng matanda ay sumalubong sa kaniya ang nakakahilong pabango nito. Naka-upo ito sa passenger seat, sa mismong tabi niya at kasalukuyang humihitit ng matabang tobacco na naka ipit sa pagitan ng may ka-kulubutan niyang mga daliri. Naka diretso ang tingin ng matanda sa dinaraanan nila habang siya naman ay nanatiling naka yuko habang iniisip kung ano na ang nangyari sa kapatid niya. Sana ay makabalik ito agad sa pagtulog dahil meroon pa itong pasok bukas. Paulit-ulit niyang nilalaro ang mga daliri na tila ba iyon na ang pinaka interesanteng gawin sa mga oras na ito. "Iha si Atlan Silvestre ang pagsisilbihan mo. May kasungitan ang taong iyon at madalang makipag-usap sa mga tao pero sigurado naman ako na gagaan ang loob niya sa'yo," Ani ng matanda. Napaangat ang ulo ni Yina at kunot noo niyang tinitigan ang matandang nasa kaniyang tabi. Iba talaga pag mayaman ang isang bata. Kay bata-bata pero masungit na? Atsaka madalang lang makipag-usap sa mga tao? Bakit, wala ba siyang kalaro? Hindi bale. Sa oras na makapag simula na siya sa trabaho ay makikipaglaro siya rito. "Ka-Kakayanin ko naman po." Nahihiyang sagot ni Yina sa matanda. Bahagyang napatingin ang driver ng kotse sa kaniya mula sa rearview mirror at sarkastikong napangiti. Kahit na driver lang siya ni Mrs.Silvia ay kilala at alam niya kung ano ang ugali ng pamangkin nito. "Hindi ka pa man nakakausap ni Atlan pero kilalang-kilala ka na niya kaya huwag ka ng magugulat pag meroon siyang sinabing masasamang salita sa'yo." Dagdag pa ng matanda. Nakatuon pa rin ang pansin niya sa labas ng sasakyan. Napaisip naman si Yina. Meroon bang ganoong klase ng bata? Parang masyado naman yatang matalino 'yon? "Patay na ang mga magulang ni Atlan. Namatay sila noon'g Five years old pa lamang siya kaya lumaki siya sa puder ng yaya niya. Kamamatay lang nun'g yaya niya nitong nakaraan'g buwan kaya medyo mainitin ang ulo niya ngayon," Paliwanag sa kaniya ng Ginang. Five years old? Ilan'g taon na ba itong bata na ito? Ang aga naman pala niyang naulila. Parang meroon'g kung anong humaplos sa puso ni Yina at nakaramdam siya ng awa para sa magiging amo niya. Siguro ito ang dahilan kung bakit masungit ito at madalang makipag-usap sa mga tao. "Ilan'g linggo pagkatapos mamatay ng yaya niya ay na aksidente ito dahilan para mabulag siya," Agad na nanlaki ang mga mata ni Yina. Bukod sa pagiging ulila ay na bulag pa ito. Ano ba ang ginawa ng batang ito at parang pinaparusahan ito ng langit? Kay bata-bata pa pero andami ng nararanasang masasamang bagay. Napapailing na lang si Yina sa sobrang pagka-awang nararamdaman niya. "Pero makakakita pa po ba siya?" Nakasimangot niyang tanong sa matanda. Naalis sa view ang tingin nito at natuon sa kaniya. Hindi maiwasang mapalunok ng dalaga ng makita kung gaano kalamig at katalim ang mga tingin na binibigay sa kaniya ng ginang. Parang noong isang araw lang ay mukha pa itong mabait at pala ngiting matanda pero ngayon para itong nag mukhang matapobre. Masungit at parang kontrabida sa mga telenovela. Napasiksik si Yina sa kaniyang upuan at napakuyom sa kaniyang kamao. Nakakapanliit ang paraan ng pagtitig sa kaniya ng matanda at hindi niya gusto ang prisensya nito. "Tsk. Sana nga ay hindi na," Bulong pa nito. Hindi iyon na rinig ni Yina ngunit may pakiramdam siya na hindi maganda iyon. Ilan'g oras din ang inabot bago sila makarating sa isang malawak at puro punong lupain. Sa pinaka gitna nito ay meroon'g malaki at napakataas na gate. Sumikat na ang araw kaya kitang-kita na ni Yina ang tanawin at itsura ng buong lugar. Maganda sana kaso bakit parang ang dumi atsaka ang bigat ng awra. Habang palapit sila ng palapit sa bahay ay parang pumapasok sila sa isang horror movie. Baka mamaya ay imbes na bata ang sumalubong sa kaniya ay si Dracula pa ang makita niya. Lihim na napatawa ang dalaga sa naisip niyang kalokohan. Nang nasa harapan na sila ng kulay itim at mataas na gate ay dahan-dahan itong bumukas. Hind alam ni Yina kung paano nangyari 'yon kaya napabilog ang kaniyang labi sa sobrang pagkamangha. Hindi pa nga siya nakakabawi sa kakaibang gate ng sa wakas ay bumungad sa kaniya ang bahay na tinitirahan ng magiging bagong amo niya. Diyos ko... Ang akala niya ay bahay lang ang pupuntahan niya. Hindi naman siya na inform na palasyo pala ang bahay ng taong pagsisilbihan niya. Isang mansion na tila kastilyo. Malaki at elegande ang disenyo nito at napapaligiran ng napakaraming mga nakakatakot na estatwa. Estatwa ng mga halimaw, sirena at demonyo. Meroon din'g mga kulay pulang bulaklak pero halos lahat ay lanta na at kulay itim. Sa harap ng mansion ay nakadikit ang napakalaling ulo ng dragon na meroon'g kulay pulang mga mata. Katulad ito nun'g mga nakikita niya sa mga sinaunang movies tungkol sa mga multo at halimaw. Nakakatakot at nakakapanindig balahibo! Totoo nga na parang si Dracula ang pagsisilbihan niya ngayon at habang tumatagal mas lalong nakakaramdam ng kilabot si Yina. Sinong bata ba kasi ang tutuloy sa ganitong klase ng lugar?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD