Chapter 2 : " What could go wrong?" [Yina's POV]

1934 Words
Nang makarating kami sa harapan ng malaking mansion ay pinababa na ako ni Madam Silvia. Hindi na raw siya mag-aabala pa na bisitahin ang pamangkin niya lalo na at hindi rin naman siya nito kakausapin kaya mas mabuti raw na ako na lang ang pumasok sa loob at magpakilala sa sarili ko. Sa mga oras na ito ay pakiramdam ko tinapon nila ako sa kuta ng isang leon. Sobrang bilis ng t***k ng akin'g puso at napakalakas na ito bukod pa roon ay kung ano-ano rin ang pumaasok sa isip ko, mga ideya ba kung paano ko mapapasaya ang kawawang pamangkin ni Madam Silvia. Kay bata-bata pa kasi ay puro pahirap na ang nararanasan. Namatayan na nga ng mga magulang tapos nabulag pa. Ang saklap ng buhay niya. Nang makapasok ako sa loob ng mansion ay na hulog agad ang akin'g panga. Makintab ang kulay itim na sahig at napakaraming mga antique na mga gamit. Naging bida na ba ako sa isang horror movie ng hindi ko nalalaman? Bakit ganito ang bahay ng magiging amo ko? Sinong matinong bata ang titira sa ganitong klase ng bahay? Madilim at puro mga nakakatakot ang gamit. Wala nga akong makitang ibang kulay maliban sa kulay itim at kulay gray. Goth yata ang may-ari ng lugar na ito. Sunod-sunod akong napalunok ng laway at kahit na binabalot na ng takot ang akin'g katawan dahil sa akin'g nakikita ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad papunta sa pinaka gitna ng sala. Sa aking uluhan ay nakabitin ang napakalaki at kulay itim na chandelier, nasa tapat ko naman ang kulay gray na hagdan na mahigit isang daan yata ang baitang. Agad nga'ng nalukot ang mukha ko ng makita ang napakahabang hagdan na ito. Kung sino man ang gumawa ng bahay na ito. Tiyak ako na hindi talaga ito para sa mga bata. Hindi ko pa man nakikita ang magiging amo ko ay binibilang ko na agad ang mga baitang. Oorder ako online ng foam na pwede kong ilagay sa bawat sulok ng matutulis ma bahagi ng hagdan na ito. Para sa kaligtasan nun'g batang aalagaan ko. Abala ako sa pagsukat at pagbibilang sa bawat baitang ng makarinig ako ng mahihinang yabag. Napahinto ako saglit sa pagbibilang at napatingin sa direksyon kung saan nanggagaling 'yong mga yabag. Meroon'g isang babae na nakasuot ng pang maid na uniporme ang lumalapit sa akin ngayon. Agad akong napatayo ng maayos, siguro ay ito 'yong sinasabi ni Madam Silvia na mayordoma rito. Kailangan kong magmukhang mabait para hindi ako mag- "Ikaw ba yun'g pinadala ni Señorita Silvia?" Masungit na tanong sa akin ng babae. Ah nagbago na ang isip ko. Okay lang siguro kahit na hindi na ako magbait-baitan sa kaniya? Nakangiwi akong napatango sa babae. Nakalukot ang mukha niya habang pinapasadahan ako ng tingin. Mula ulo hanggang paa ay sinuri niya, lumakad pa nga ito sa akin'g likoran at doon ay matiim akong tinitigan. Habang ginagawa niya 'yon ay nandito lang ako sa pwesto ko. Nakatayo na parang tanga. Siguro ay ginagawa niya lang ito para sa amo niya kaya hinayaan ko na lang. "Hindi na masama." Komento pa nito habang magkasalubong ang dalawang nagkakapalan niyang mga kilay. Pilit akong napangiti at napayuko. "S-Salamat po..." "Bueno pumunta ka na sa kwarto mo atsaka magpalit ka ng uniporme. Hindi pwede ako mga mukhang palaboy-laboy sa lugar na ito," Ah wow. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya, ako ba o ang sarili niya? Natatawa akong napakamot sa akin'g batok. "Salamat po. Kayo po ba ang mayordoma rito?" Tanong ko bago ito tumalikod sa akin. Napatigil ito sabay tingin sa akin'g mukha. "Hindi," May kasungitan niyang sagot na nakapag pangalit sa akin'g mga ngipin. Hindi naman pala mayordoma! Sobra-sobra ang pasensyang hinugot ko para pang hindi ko mabatukal ng sapatos yun'g babae. Nagmamadali at tila kinakakagat ng langgam sa puwet siyang tumakbo palayo sa akin, pabalik sa direksyon kung saan siya unang nanggaling. Bago pa nga ito makalayo ay narinig ko pa ang malakas na pagtawa nito na animo'y nababaliw. Hindi kaya mental hospital talaga ang lugar na ito? Muli kong nilibot ang akin'g paningin sa paligid. Bukod sa mga magagarang gamit na naka display ay wala naman ng ibang palatandaan kung sino o anong klase ng tao ang naninirahan dito. Basta ang alam ko ay goth siya at wirdo. Sino ba naman kasing bata ang gugustuhing tumira sa napakalaking bahay na punong-puno ng mga nakakatakot na bagay? "Ikaw!" May biglang sumigaw. Isang matandang babae na nakasuot ng masikip na pencil cut skirt na kulay itim at black suit na meroon'g chest watch sa bulsa. Naka-bun ang kulay puting buhok nito at pulang-pula ang may kakapalan niyang labi. Nakakatakot ang matanda at kahit hindi ko pa ito nakakausap ng matagal ay nakaramdam na ako ng pagka-intimida at panliliit lalo na sa paraan kung paano niya ako titigan ngayon. "Ano'ng pangalan mo?" Tanong nito sa akin. Napalunok muna ako ng laway bago nanginginig ang boses na sumagot. "Y-Yina po," "Full name!" Napatalon ako sa akin'g kinatatayuan ng bigla siyang sumigaw. "Yina Velasquez po!" Pasigaw kong sagot sa matanda. Napatango-tango ito ngunit nanatiling blangko ang kaniyang mukha. "Ako ang mayordoma rito. Baguhan ka pa lang kaya ililibot ka ni Lizzy sa buong mansion," Pagkasabing-pagkasabi niyon ng mayordoma ay muling lumapit sa akin yun'g parang baliw na maid kanina. Nakayuko ito at muntikan ng madapa. Parang bata na piningot sa tenga. "Pagkatapos niyon ay ipapakilala ko sa'yo ang magiging amo mo," Yumuko ulit ako. "Salamat po." Rinig ko ang mahinang pag-ismid ng matanda. "Wear your uniform. Sa oras na makita kitang hindi naka suot ng uniporme ay mababawasan ang sweldo mo. Sa oras na makita kong gulo-gulo ang uniporme mo ay madadagdagan ang trabaho mo at sa oras na makita kong tatamad-tamad ka sa trabaho..." Tumigil saglit ang matanda at napaalon ang kaniyang lalamunan. "Tatanggalin kita sa trabaho." "Lizzy dalhin mo siya sa kwarto niya!" Malakas na sigaw ng matanda bago ito tumalikod at diretso ang katawan na naglakad papunta sa kung saan. Kahit na nasa ikalawang palapag at pinaka dulo ng hagdan ay napakalakas na ng boses niya kaya hindi na kinakailangan na bumaba pa siya. "Hello sis!" Natatawang bati sa akin ni Lizzy na nakuha akong pagtripan kanina. Sinundan ko muna ng tingin yun'g mayordoma bago ko tinapunan ng tingin si Lizzy. Sinimangutan ko ito. "Saan ang kwarto ko?!" Inis kong tanong. Akala yata niya ay nakalimutan ko na 'yong ginawa niyang panloloko sa akin kanina! Napahagikgik ang babae. "Ito naman kabilis mong magalit. Biniro lang naman kita kasi para kang takot na takot na sisiw!" Sino ba ang hindi matatakot sa ganitong klase ng lugar?! Halimaw ba ang amo nila at ganito ang set-up ng bahay niya? Baka naman mangkukulam talaga itong si Lizzy?! Pinaningkitan ko ang babaeng nasa akin'g harapan. Bukod sa makapal niyang kilay at malaking nunal sa dulo ng kaniyang ilong ay wala ng ibang ebidensya na magsasabing mangkukulam siya. Pero... Naguguluhan akong napatingin sa mahaba niyang buhok na naka pigtail. Wala pa akong nakikitang mangkukulam na naka pigtail ang buhok. "Halika na dadalhin kita sa kwarto mo!" Hindi na ako nakatutok dahil kinuha na niya ang bag ko at nagsimula itong tumakbo papunta sa direksyon kung saan siya pumunta kanina. Bago ako tuluyang sumama kay Lizzy ay napatingin muna ako sa mahabang hagdan at sa ikalawang palapag. Sigurado ako na nasa isa sa mga kwarto sa itaas ang batang magiging amo ko. Hindi na ako makapaghintay na makilala siya. I'm sure isa siyang cute na bata! Dinala ako ni Lizzy sa isang parte ng mansion na madilim at tila hindi na nalilinisan. Akala ko nga ay dadalhin niya ako sa basement ng lugar na iti dahil habang tumatatal ay nagiging nakakatakot na ang paligid ng dinaraanan namin ngunit pagkatapos ng ilan'g minuto ay tumigil kami sa harap ng isang luma at gawa sa kahoy na pinto. Maliit ang pinto at upang makapasok sa loob ay kinakailangan pa namin'g yumuko. "Bahay ito rati ni Cerberus," Nakangiting ani ni Lizzy habang binubuksan ang pinto. "Sino si Cerberus?" Nagtataka kong tanong. Hindi mapahinga sa isang lugar ang akin'g mga mata at patuloy kong sinusuri ang paligid ng lugar kung nasaan kami ngayon. Sa tabi nitong kwarto ko ay meroon'g bintana na tulad nun'g nakikita ko sa mga simbahan. Stained window na meroon'g iba't-ibang kulay at imahe. Itong imahe na nasa bintana. Parang imahe ng isang bulaklak, hindi ko alam kung anong bulaklak ito pero kulay itim ito na medyo mamula-mula. Sinuri ko ng maigi ang bulaklak pero kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga malaman kung ano ito. "Ito na 'yong magiging kwarto mo." Naalis sa bintana ang akin'g pansin at natuon ito kay Lizzy na ngayon ay nasa loob na ng isang lumang kwarto? Pagkapasok ko sa kwarto ay sumalubong agad sa akin ang ma-alilabok na sahig at tambak-tambak na mga gamit. Meroon pa akong nakitang mga kadena sa isang gilid atsaka kakanan ng aso at mga laruan. Kwa-Kwarto ba talaga ito o tambakan ng mga kung ano-ano? Sagad ang ngiting lumapit si Lizzy sa bintana na natatakpan ng makapal at lumang tela. Tinanggal niya ang tela kung kaya't pumasok na ngayon dito sa loob ang liwanag na nanggagaling sa araw, hindi na ganoong kadilim kaya malaya ko na rin'g nakikita kung ano ang itsura ng kwarto. kwarto na parang naging kulungan ng tao. "Kaninong kwarto nga ulit ito rati?" Wala sa sarili kong tanong kay Lizzy habang nililibot ko ang tingin ko sa paligid. Malakas na napatawa si Lizzy. yun'g tawa ba na matinis at natural ng masakit sa tenga. "Kay Cerberus!" Sagot niya. Hindi naman siguro ganito ito noon'g nandito yun'g Cerberus na sinasabi niya ano? "Cerberus?" "Oo. Iyong alagang Great Dane ni boss na namatay na," Mabilis at hindi makapaniwala kong tinignan si Lizzy. Great Dane. So hindi talaga para sa tao ang kwartong ito? "Ba-Bakit ito ang binigay na kwarto sa akin?" Lakas loob kong tanong sa babae. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero kakaiba kasi talaga ang kwartong ito. Malayo sa ibang kwarto. Nasa pinaka dulo, madilim at madumi. Puro sapot ng gagamba at kung siguro swe-swertehin ay baka makakita na rin ako ng ahas dito. Sino'ng hindi magrereklamo sa ganitong klase ng lugar?! Napahalukipkip si Lizzy. Ang manipis at kulay pula niyang labi ay mas napangiti, halata na iniinis ako nito. "Bakit? Akala mo ba sa pang prinsesang kwarto ka papupuntahin ni Ma'am Klara?" Naitikom ko ang akin'g bibig. "Maghirap ka muna bago ka makakuha ng magandang kwarto hmph!" Padaskol niyang binigay sa akin ang nakabalot na uniporme bago siya pantalon-talon na lumapit sa pintuan. "Dalian mong magbihis at ipapasyal pa kita!" Masaya niyang sigaw sa akin. Nakatulala akong napatitig sa uniporme na nasa akin'g mga kamay. Hindi ko inaasahan ang lahat ng ito. Akala ko ay normal na mga tao ang makakasama ko pero... Pagkatapos kong isuot ang kakaibang uniporme na binigay sa akin ni Lizzy ay nilagay ko na lang sa isang tabi ang mga dala kong bag. Sa sulok ba kung saan may medyo malinis ang sahig. Bago ako lumabas ay mas binaba ko pa ang palda ng akin'g uniporme at inayos ang kuwelyo ng kulay itim na polo nito. Hanggang itaas lang ng tuhod ko ang palda at hindi ako sanay sa mga ganito kahikling damit kaya naasiwa pa akong tignan ang sarili ko sa lumang full-size mirror na nandito sa kwarto. Hinayaan ko na lang ang akin'g itsura atsaka ako tuloy-tuloy na naglakad palabas sa maliit na kwarto. Muntik pa akong mauntog dahil nakalimutan kong maliit nga lang pala ang pinto. "Bagay sa'yo ah? Mukha kang mannequin," Natatawang komento ni Lizzy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD