Chapter 17

1331 Words
Pabiro ko na lamang tiningnan si Marion Devan nang masama bago itinuloy ang pag-aayos ng mga bulaklak sa center worktable. Pinuputulan ko ang mga tangkay habang pilit na ibinabalik ang propesyonal kong wisyo, pero si Marion, parang wala talagang balak tumigil sa panunukso. “How long would you cage yourself as NBSB?” natatawang tanong pa niya, looking at me with genuine, brotherly concern. As long as hindi ko pa natatagpuan ang katulad mo, sa isip-isip ko. Sino ba naman kasi ang ayaw sa lalaking katulad niya? Stable ang career, maalaga, loyal, at hindi nakakalimutang mag-effort para sa taong mahal niya lalo na ngayong Valentine's Day. Tiningnan ko siya saka umirap. “I’m happy being entitled as NBSB.” Pagkasabi ko niyon ay ibinaba ko ang tingin ko saka itinuloy ang pagpupugot ng tinik sa natitirang tatlong rosas para sa bouquet ni Leticia. Marion let out a soft sigh, clearly raising his hands in defeat. “Fine,” pagsuko niya saka kinuha mula sa counter iyong solong dilaw na rosas na binayaran niya kanina. “At least may kasama at katulong ka na rito sa shop habang wala si Hijomi. Mukha naman pati siyang mapagkakatiwalaan. And he's handsome.” "You're unusually silly today," sabi ko. "Oh. Am I?" pang-aasar pa niya. "Oo. Sarap mong tusukin ng tinik." Tinawanan niya lang ako. Muli akong nag-angat ng tingin, bahagyang sumulyap sa pinto ng kusina bago ibinalik ang atensyon sa kaniya. “Rehan will deliver this dozen of red roses to Ms. Leticia Talavera after lunch,” sabi ko bilang pag-iiba ng usapan upang hindi na kami bumalik sa paksa ng buhay pag-ibig ko. Mukha namang nakahalata siya na ibinabalik ko na sa negosyo ang usapan kaya ngumiti na lamang siya nang malawak. “Sure. I'll count on you, Heila.” Pagkasabi niya niyon ay muli niyang iniabot sa akin ang dilaw na rosas. Sa mga oras na iyon, dahil wala na ang panunukso sa kaniyang boses, ay tuluyan ko na ngang tinanggap ang bulaklak. “Happy Valentine’s Day, Heila.” “Happy Valentine’s Day, Marion. Salamat ulit sa donuts and dito... sa flower,” nakangiting sagot ko. Those smile of him as he stepped out of the shop made my heart flutter. He was the first guy to give me a flower on Valentine’s Day, even if it was just a friendly gesture from a loyal customer. I would definitely let go the crown of NBSB if I could find a man similar to him. Pero posible kayang may isa pang Marion Devan sa mundo? Sinundan ko siya ng tingin sa malaking glass window. Nakita ko ang paglakad niya patungo sa kalsada, ngunit biglang natigilan ang aking paningin. Doon sa dulo ng kalye, nakaparada pa rin ang isang makintab at mamahaling black luxury sedan. Hindi ito nagkataon. Nitong mga nakaraang araw ay tahimik at mabagal itong umaikot sa paligid. Habang dahan-dahang umaalis si Marion, nakita ko ulit ang sasakyang itim na naka-idle sa malayo, ang mga madidilim nitong bintana ay parang nagtatago ng mga sikreto. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon. Nawala lang ang atensyon ko sa labas nang may babasaging kumalampag sa aking harapan. KLANG! Halos tumalon ang puso ko sa gulat at napaatras ako nang makita ko si Rehan na nakatayo na pala sa tapat ng counter. Hindi ko man lang narinig ang paglakad niya pabalik mula sa kusina! May ipinatong siyang isang platito ng pancake na may chocolate syrup sa ibabaw. Iyon iyong kumalampag dahil bubog at salamin ang ibabaw ng display counter ko. Galit ba siya? O sadyang mabigat lang talaga ang mga kamay niya ngayon? “Kanina ka pa riyan?” mautal-utal kong tanong habang pasimpleng ibinababa ang aking kamay sa ilalim ng counter upang itago doon iyong dilaw na rosas galing kay Marion Devan. Hindi ko alam kung bakit kabado ako ngayon kapag malapit siya sa akin. Mukha kasi siyang wala sa mood ngayon kahit sa buong isang linggo na pananatili niya rito ay pare-parehas naman ang malamig at seryoso niyang hitsura. Pero ngayon, may kakaibang bigat sa kaniyang awra na parang nagpapaliit sa espasyo ng buong shop. “I guess my presence isn’t that strong,” aniya sa kaniyang baritonong boses, na agad tumingin sa gilid kung nasaan iyong kahon ng mga premium donuts na bigay sa akin ni Marion Devan. Napakamot ako sa aking batok, biglang nakaramdam ng matinding awkwardness. Masyado yata siyang sentimental o may pagkatampururot ngayon? Is it because of Marion? “Hindi naman sa ganoon,” alo ko, sinusubukang pagaanin ang paligid. Paglingon niyang muli sa akin ay sumalubong ang singkit niyang mga mata. Sa sobrang lapit niya, kitang-kita ko ang mahahaba at malalantik niyang pilik-mata na tila sumasayaw sa tuwing kumukurap siya. From those deep eyes came a sense of vague, unreadable expression. Kung sanay tayo sa kasabihang 'eyes speak all the mouth can’t say,' sa kaniya, ibahin niyo. Kahit ano sigurong titig ang gawin ko sa mga mata ni Rehan ay hindi ko mahuhulaan ang ibig sabihin ng mga iyon. Misteryoso, madilim, at masyadong malalim. “With effort or without? Choose,” biglang muling pagsasalita niya sa malamig na tono. Nawala ang kaba ko nang magsalita siya, napalitan iyon ng purong pagtataka. Agad pang umarko ang pareho kong kilay sa biglang tanong niya na hindi ko maisip kung saan galing o kung ano ang koneksyon sa kasalukuyang sitwasyon. Kahit pa tonong inuutusan niya akong sumagot na parang isang boss na nagdedemand ng report, binalewala ko iyon dahil minsan lang naman siyang magsalita ng mahaba. Instead of asking why he’s asking me that all of a sudden, sinagot ko na lang kung ano ang mas lohikal. “With effort?” sabi ko sabay kinuha iyong tinidor sa gilid ng platito. Tinusok ko ang hiwa ng pancake saka kinagat iyon sa harap niya. Dagdag ko habang mabilis na ngumunguya, “With effort, of course. Thank you sa pancake, Rehan. Masarap!” Nangingiti pa ako habang ngumunguya sa harap niya, sinusubukang ipakita na naa-appreciate ko ang ginawa niya. Pero agad na nawala ang ngiti ko at napalitan ng bibig kong halos malaglag ang nasa loob dahil sa matinding gulat. Napanganga ako, muntik nang malaglag ang pancake. Sandali... ngumiti ba si Rehan? Hinabol ko siya ng tingin habang mabilis siyang tumatalikod pabalik ng kusina. “Tama ba iyong nakita ko? Ngumiti siya?” bulong ko sa aking sarili dahil hindi ako makapaniwalang hindi pala siya takot sa ngiti, at may emosyon din pala ang lalakeng ito. Alam kong nakita kong kumurba nang bahagya ang mga sulok ng labi niya. “Oo. Ngiti iyon bago siya tumalikod. Oh, first time.” And honestly? He looked way better when he smiled. Nabawasan ang pagiging mukhang masungit at mapanganib niya. Nagkibit-balikat ako saka muling tumingin sa counter. Nang mapalingon ako sa kahon ng donuts na bigay ni Marion, muling pumasok sa isip ko ang kakaibang tanong ni Rehan kanina. Nakailang beses pa akong napatingin doon sa donuts at sa pancake na nasa harap ko ngayon. My eyes squinted in wonder. Donuts and pancakes? “Was he pertaining to these foods?” sabi ko sa sarili ko habang dahan-dahing nag-ko-connect ang mga tuldok sa utak ko. “Itong pancake na siya mismo ang nag-abala at nagluto para sa akin sa kusina... with effort. Tapos iyong donuts na binili lang ni Marion Devan sa shop sa labas nang mabilisan... without? Ganoon ba iyon?” Ilang segundo pa akong natuod sa aking kinatatayuan bago ako biglang nasamid sa sarili kong laway dahil sa mga naisip ko. Agad kong natapik ang aking dibdib habang umuubo nang bahagya. “Anong pakulo ni Rehan iyon? Nagpapatalbugan ba sila ng pagkain?” Muli akong tumusok ng pirasong pancake saka iyon mabilis na isunubo. “So, napangiti ko siya dahil pancake niya ang una kong kinain kaysa sa mamahaling donuts? Ang corny niya, ha? Selos ba tawag doon?” Selos?! Napailing ako bago mahinang natawa habang ngumunguya, ang kakaibang kaba sa aking dibdib ay biglang napalitan ng isang mainit at nakatutuwang pakiramdam. Heila, stop being assuming.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD