11

1035 Words
HINDI matiyak ni Hector kung gaano katagal ang sandaling lumipas pero nang matanto niyang walang mangyayari sa pag-upo niya ay kumilos na siya. Tinawid niya ang dance floor ar deretsong lumapit kina Gemma at sa lalaking kapareha nito. Kapwa tumigil sa masiglang pag-indak ang dalawa. He wasn’t smiling at all. Seryoso lang siyang tumingin sa dalawa. “Excuse me,” ani Gemma sa kasayaw na lalaki. “Siya naman.” Umatras ang lalaki. “Ang yabang,” pabulong na sabi nito bago lumayo. “M-Matt, kasi ang dami nakikipagsayaw,” paliwanag agad ni Gemma. She looked guilty. At nakadama siya ng galit. “Kanina pa ako mag-isa sa mesa.” At anhin na lang niyang idugtong na: Kinausap na ako ng mama mo. Deretsahang niyang sinabi sa akin na hindi niya ako magugustuhan para sa iyo. “Sorry.” Si Gemma ang umabot sa kamay niya. “Let’s dance.” Wala sa asta niya na interesado siyang sumayaw. Pinagsalikop niya ang mga kamay nil at bahagya itong hinila. “Mag-usap tayo, Gem.” “P-Pero ang mama ko,” may takot na sabi nito. “Sandali lang tayo.” Nagpatangay si Gemma. Bukod sa entrance gate ng clubhouse ay mayroon service gate iyon. Natuklasan iyon ni Hector kanina nang gumamit siya ng CR. Doon sila nagdaan ni Gemma. Sa katabing mini-park, kung saan walang tao ay tumigil sila. “Galit ka ba?” simula ni Gemma. “Kung nagseselos ka, please understand. Maraming mga bisita. Hindi naman puwedeng tanggihan ko sila na isayaw ako. Saka hindi naman puwedeng palagi na lang akong dumikit sa iyo. Baka makahalata si Mama—” “Kinausap ako ng mama mo,” putol niya dito. “Ha?!” Inulit niya ang maikling pag-uusap nila ng mama nito. Tiniyak niyang walang dagdag at bawas ang mga salita. Hindi agad nakapag-react si Gemma. Kumibot-kibot ang mga labi nito pero walang lumabas na salita. Pagkuwan ay may kumislap na luha sa mga mata nito. “Don’t cry, Gem,” alo niya agad. “Paano na tayo?” hikbi nito. “Anong paano na?” Kumunot ang noo niya. “Ayaw sa iyo ni Mama. Tahasan na niyang sinabi.” Nagtagis ang mga ngipin niya. “Gem, kung ayaw ba sa akin ng mama mo, ayaw mo na rin ako?” Mabilis na tumitig ito sa kanya. “Alam mo ang sagot diyan, Matt. Mahal kita. Sinuway ko ang mama ko sa bagay na iyan. Palihim akong nakipagrelasyon sa iyo.” Nakadama siya ng tuwa sa isinagot nito. “Bakit ka nagtatanong kung paano na tayo, mahal mo naman pala ako?” “Hihigpitan ako ni Mama. Hindi na tayo puwedeng magkalapit.” “Palaging may paraan kapag gusto, Gem. Tandaan mo iyan.” Umusod siya ng upo palapit dito at isinalikop niya ang kamay sa bewang nito. Malambing siyang umunan sa balikat nito. Nakakangawit dahil ams matangkad siya kay Gemma pero maano ba, masarap namang magkadikit sila. “I love you, Gem.” “I love you too.” Kinuha niya sa bulsa ang kanyang regalo. “May ibibigay ako sa iyo, Gem. My gift. Kaya lang ay pagpasensyahan mo na, hindi ito kasing-mahal ng regalong natanggap mo ngayon. Ito lang kasi ang nakayanan ko sa ngayon.” “Ano ka ba, Matt? Nagbibigay ka ng regalo, nanghihingi ka rin ng dispensa,” malambing na saway nito. “Basta galing sa iyo, natural na iingatan ko.” Inilabas niya ang isang ID bracelet buhat sa maliit na velvet pouch. Nakaukit ang katagang Gem sa labas niyon. Sa ilalim ay ang salitang my love. Kinuha niya ang kamay ni Gemma at isinuot iyon. “Silver lang ito, Gem. Pero magsisikap ako. Darating ang araw, yayaman din ako. Papalitan ko ito ng ginto. O kung mayroong mas mahal pa sa ginto—” “Platinum.” “Platinum. Ibibili kita ng platinum, Gem. Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng luho.” Magaan siyang hinampas nito. “Loko ka. Bakit ka nagda-drama? Kahit hindi ito ginto, maganda, ah? Delikado pa nga kapag ginto, baka maholdap ako. I will treasure this, Matt. Thanks.” “Wala bang thank you kiss?” lambing niya. Kumiling ang leeg ni Gemma para tingnan siya. Hindi na naghintay si Hector ng sagot nito. Inabot niya ang leeg nito at tinawid ang pagitan ng kanilang mga labi. Magaan niyang pinaglapat ang kanilang mga labi. Subalit hindi siya nasiyahan at idiniin niya iyon. He nipped her lower lip. Naramdaman niya ang munting pagkibot niyon at bahagyang pagbuka. Napuno ng antisipasyon ang dibdib niya. Sinamantala niya ang maliit na pagbuka niyon at nangahas na palalimin ang halik. Nagulat si Gemma. Bahagyang lumayo ang mukha nito subalit nilagyan niya ng bahagyang puwersa ang paghawak sa gilid ng leeg nito. He delved deeper. And he got tasted of her tongue. God it was warm and sweet. He got more excited and kissed her more. Walang actual na nagturo sa kanya kung paano gawin iyon. He watched adult film. Pinahiram siya nina George at Rainier ng X-rated film na nagpamulat sa kanya sa kamunduhan. And he saw far more than a simple kiss. Narinig na rin niya sa mga kaibigan kung ano na ang nagawa ng mga ito. He learned tricks here and there. Wala naman siyang balak na gawin iyon kay Gemma. Not now. Not so soon. Naniniwala siyang may mga bagay na mas matamis kapag ipinaghihintay ng tamang panahon. For now, he was contented that they were sharing a wonderful kiss. Their lips were wet and numbed and convulsing a bit when they stopped. Tila kapwa namangha sa namagitan sa kanila. They couldn’t speak after a while. Nagtitigan lang sila ni Gemma. Hinaplos niya nang marahan ang mga labi nito. “Halos isumpa ko sa mama mo na hindi kita lolokohin, Gem. And that’s true. Mahal na mahal kita. Gago lang ang taong manloloko sa isang taong mahal niya. Huwag kang mag-alala kung higpitan ka man ng mama mo. We’ll find a way. Dati nga nakalusot tayo, di ba?” Bahagya itong tumango at yumakap sa kanya. “I love you, Matt. Natatakot ako kay Mama pero ayokong magkalayo tayo.” “Huwag kang mag-alala. Hindi mangyayari iyon.” “Gemmalyn!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD