10

1091 Words
NAPAKAGARBO ng okasyong iyon. Pakiramdam ni Hector ay nanonood siya ng palabas sa TV. Organisado ang lahat. Mula sa pagsisilbi ng pagkain hanggangs a mismong programa para sa debutante. Meron pang pang-aliw sa kanila, isang sikat na singer na binayaran ng mama ni Gemma upang magbigay ng ilang kanta. Female guests swoon, bakit hindi, ang naturang singer ang siyang binansagang kilabot ng kolehiyala. Masagana rin ang pagkain. Mayroon pang wine na napansin niyang sinamantala nina George at Rainier dahil wala namang restrictions sa waiter kung sino lang ang sisilbihan ng mga iyon. Tumikhim din naman siya pero kaunti lang. Hindi siya likas na mahilig sa alkohol kagaya ng mga kaibigan. At sa napapansin pa niya ay tila tinatablan na ng alak ang dalawa. They were getting wild. At ang napagdidiskitahan ay sina Jillian at Kaye—na willing din naman sa advances ng mga ito. Nawala ang dalawang pareha. Ipinagkibit-balikat na lang niya kung saan nagtungo ang mga ito. Tapos na ang programa at simula na ng sayawan. Tapos na rin ang parte niya sa debut. Kanina, habang oras niya sa eighteen roses ay hindi niya maipaliwanag ang damdamin niya. He was too anxious, too excited. May takot siyang nakatutok ang mga mata sa kanya ng mama ni Gemma na binabantayan ang bawat kilos niya. May kaba din siyang magkamali siya sa sandali ng pagsasayaw nila ng dalaga. Nang magdaop ang kanilang mga palad, anhin na lang niya ay huwag nang bitawan iyon. He wanted to embrace her, he wanted to kiss her. Pero pinagkasya na lamang niya ang kanyang sarili sa pagpapalitan nila ng matatamis na ngiti. Anhin na lang niya ay masolo si Gemma hanggang sa matapos ang okasyong iyon. Subalit mayroon pang ibang magsasayaw dito. Ayaw man niya, bumitaw siya kay Gemma at binati itong muli bago lumayo. Ngayon ay nag-iisa na lang siya sa mesa. Ewan niya kung babalik pa sina George at Rainier. Ni wala silang usapan na sabay-sabay na uuwi. Kungsabagay ay inaasahan na niyang sina Jillian at Kaye ang kasama ng dalawa. Wala nang naka-pormal ng gayak sa paligid. Ang iba ay mayroong baong damit para sa sayawan. Ang iba naman ay kagaya niyang inihubad na lang ang barong. At least, hindi siya nag-iisa doon na naka-plain T-shirt lang. Hinanap niya ng mata si Gemma. Sandali itong nawala nang tawagin ng ina. Maybe he was paranoid. Bigla at natakot siyang baka kinausap si Gemma ng mama nito upang iwasan siya. He dreaded that idea. Then he saw her again. Iba na ang suot ni Gemma. Wala na ang mukhang bagong sibol na bulaklak sa kulay rosas na damit. She was wearing jeans now. A low cut jeans that hugged her rounded hips. Inihantad ng hanging blouse nito ang makitid na bewang. She was so sexy. His testosterone instantly reacted. Bigla ay hindi mapakali si Hector sa kinauupuan. Gusto niyang salubungin si Gemma at solohin na lang. Subalit bago pa man siya makakilos ay napaligiran na si Gemma ng mga bisitang lalaki. Isang tingin pa lang niya ay alam na niya ang pakay ng mga iyon. He got jealous. Pero nagpigil siyang agawin ang mikropono sa inupahang DJ upang ianunsyo sa lahat na siya ang boyfriend ni Gemma. Nanatili siya sa kinauupuan. Tiim ang kanyang mga bagang. At sa isip niya ay pinagbububuntal niya ang mga lalaking umaaligid kay Gemma. Kulang na lang ay magbaga ang mga mata niya habang nakatitig sa mga iyon. “Mag-usap tayo sandali.” Napakislot siya sa tinig na iyon. Muli ay ang mama ni Gemma. Nakatayo ito sa kanyang harapan at napatingala siya dito. “Ano po iyon?” Sinikap niyang itago ang umahong kaba. “Iba ang kutob ko sa iyo, Lim. May gusto ka sa anak ko, ano?” prangkang tanong nito. Napalunok siya. “O-opo,” amin niya mayamaya. Naisip niyang walang ibang pinakamagandang sagot kundi ang sabihin niya ang totoo. “G-gusto ko nga po na magpaalam sa inyo para makaligaw kay G-Gemma.” Maano ba kung magkandautal siya sa nerbyos? Ang mahalaga ay masabi na niya ngayon ang layunin niya—malabnaw man iyon kung ang tutuusin ay ang estado ng relasyon nila ngayon ng dalaga. Ngumiti ito pero halatang patuya. “Hanga ako sa lakas ng loob mo.” At nagkibit ito ng balikat. “Buweno, may isang salita naman ako sa anak ko. Hahayaan ko siyang magpaligaw. Pero gusto kong malaman mo na hindi lang ikaw ang may gusto sa anak ko. At lalong gusto kong malaman mo na hindi ikaw ang gugustuhin ko para sa kaisa-isa kong anak. Maraming ibang lalaki, anak ng mga amiga ko na lubos kong kilala ang pinagmulan. Kauri namin. Natural lang na mas paboran ko sila kaysa sa iyo,” matayog na sabi nito. Napatikom ang kanyang mga labi. Hindi pa niya naramdamang nanliit siya sa buong buhay niya pero sa mga sandaling iyon ay tila siya lobong unti-unting umiimpis. Parang gusto niyang matunaw sa pagkapahiya. Pero sa huling segundo, sa wari ay nangibabaw ang pag-ibig niya kay Gemma. Hell, kahit ilan pang mga lalaki ang paboran ng mama nito, siya naman ang pinapaboran ni Gemma! Tumingin siya ng deretso sa mama nito. “Mahal ko po si Gemma. Mahirap lang po kami pero marangal ang mga magulang ko. At maisusumpa ko po ngayon sa harap ninyo na hindi ko lolokohin ang anak ninyo.” Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng tapang upang masabi ang mga salitang iyon. Pero ang importante ay nasabi niya—kahit na nga ba parang dumadaan sa apoy ang mga salita. He felt he was fast shrinking with insult fired towards him yet his adrenaline rushed to fight for his love. Kung natinag man ang kausap niya ay hindi niya nahalata. Tiningnan lang siya nito at saka walang salitang tumalikod na. Naiwan siya doon na hindi alam kung ano ang ikikilos. Ni hindi niya alam kung magagalit siya o matatakot o nenerbyusin. Nang ikuyom niya ang mga palad ay saka lang niya natuklasang nanginginig pala siya. Hindi niya alam kung ano ang meron sa personalidad ng mama ni Gemma para magkaganoon siya. He was young, all right, pero hindi siya duwag. Hindi rin siya madaling matakot. Sa ampunang pinanggalingan niya, namanhid na siya sa bagsik ni Miss Vergel. Nakasanayan na rin niya ang pagkatuso ni Claudio pati ang maliliit na pagsasamantala nito sa kanila kahit mga kaibigan pa sila nito. But Gemma’s mother was different. Siguro ay dahil nakakanti nito ang sensitibong bagay sa kanya. It was his first time to fall in love. And he was too vulnerable.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD