HINDI niya naman lubos akalain na ginagawa talaga nila iyon. Tungkol iyon sa kasalukuyan nilang ginagawa ngayon—ang pagbbibilang ng mga hakbang hanggang sa makarating sila sa may main gate. Bigla siyang nag-alangan na malayo ang kaniyang hula sapagkat nasa anim na daan pa lang sila na hakbang at malapit-lapit na rin sila. They’re counting out loud. “Six hundred seventy-eight,” Adam and Fabella counted. “Six hundred-eighty-nine.” Patuloy lang ang kanilang pagbilang hanggang sa matanaw na nila ang main gate ng subdivision na tinitirahan nila at natawa pa siya nang bahagya nang mapansin niya na malapit ang sagot niyang one thousand seven-hundred dahil nasa one thousand five hundred na ang bilang nila. Wala naman na silang paki kung kanina pa sila parang t*nga na naglalakad habang nagbib

