TOTOO.
Masaya talaga siya para kay Richsza. Hinahangaan niya lang naman si Kate Blake. No big deal.
Katulad lang din naman ‘yon ng paghanga niya kay Adam— sandali… katulad nga ba talaga?
Sa palagay niya talaga ay mas lamang sa kaniya si Adam. Hindi niya alam. Naguguluhan siya…
Lalo na ngayon.
“Isang libo lang kaya ko kasi alam ko naman na malalaki ang mga ilalapag niyo.” Naglabas ng isang libo si Adam galing sa wallet niya at pagkatapos ay ipinatong ‘to sa mesa.
Sabay-sabay namang umismid ang iba pa nilang kaibigan. Kumpleto ang magkakaibigan ngayon kasama si Fabella. Present din dito si Keith dahil may usapan na naganap.
“Ano? Dapat ko pa bang ilista ‘yan?” tanong naman ni Fabella sa mga kaibigan.
“Sige. Ilista mo na,” Xander answered her. Hindi naman sumang-ayon ang iba niyang kaibigan.
“Huwag na maglista. Hindi na kailangan.”
She shrugged. “Okay,” sagot na lang niya.
Kinuha na rin ni Fabella ang five-hundred niya sa bulsa niya at inilagay din ito sa ibabaw ng mesa. “Five-hundred lang sa akin. Walang kukuntra.”
“Five thousand.” Naglapag naman limang libong piso si Xander sa mesa. Napairap na lang si Fabella.
“Sa yaman mong ‘yan— five thousand lang ang ambag mo? Kuripot,” nanghahamon pa na singhal ni Kate Blake kay Xander.
Pinanliitan lang din naman siya ng mga mata ng dakilang Xander Alejandro. “Wala kang pakialam. Nag-iipon ako kasi maglalayas na ako.”
Natawa si Fabella sa sinabing ‘yon ni Xander. “Seryoso ka na sa maglalayas?”
“Hindi,” tipid na sagot nito kaya napilitan kaagad ang mga tawa niya. She gritted her teeth.
“Mamaya ka sa akin…” sinamaan ng tingin ni Fabella si Xander. Inismiran lang siya Ni Xander.
“Tama na ‘yan,” sabi sa kanila ni Adam kaya natahimik naman sila. “Ikaw naman, Achill.”
Napabaling naman si Fabella kay Achilliance lalo na nang maglapag ang binata ng pera na naka-sealed pa. Napanganga naman si Fabella. Medyo makapal.
“Fifty-thousand,” saad pa nito.
Pati mukha ang kapal. Talaga bang palakihan ng perang ilalapag? Parang gusto na lamang niyang talikuran ang mga kaibigan niya.
Fifty-thousand? Malaki na ‘yon! Siya nga ay five-hundred lang ang ambag! Grabe ‘tong mga kaibigan niya!
No wonder. Mayayaman naman kasi talaga ang mga kaibigan niya. Pero sa sitwasyon nila ngayon bakit kailangang malaking pera ang ilapag nila? Okay nan ga kung tig-iisang libo lang sila. Solve na!
“Mahina,” mayabang lang na bulong ni Keith Louisse. Napanganga na naman si Fabella.
Inilabas nito ang wallet niya’t kinuha mula roon ang credit card. Inilapag ‘yon sa mesa kung saan din nakalagay ang five-hundred ko, ‘yong one-thousand ni Adam, five thousand ni Xander at ang fifty thousand ni Achill.
Magkano naman kaya ang laman ng credit card na ‘yan? Huwag niyang sasabihin na mas mataas pa ‘to sa fifty-thousand! Hindi naman sila nagbi-bidding!
“May seventy-thousand sa credit card ko na ‘yan. Kunin niyo na,” sabi lang nito. Prenteng-prente pa ang pagkakaupo nito.
Feeling cool lang?
Hindi naman siya nakapagsalita. Napalunok na lang siya. Nahiya ‘yong five-hundred niya!
“Ikaw naman Kate. Ambag mo,” pagalit pang sabi ni Achill kay Kate.
“Kalma lang, Achill.” Napaismid lang si Fabella. Lagi nang galit ang tono ni Achill tuwing si Kate ang kakausapin niya. Buti naman ay kalmado lang ‘tong si Kate at hindi pinapatulan si Achill.
“Chill. Sa iyo na si Alonzo— hindi ko naman inaagaw, eh,” sabi lang ni Kate sa kaniya.
“Bakit napunta na kay Alonzo? ‘Yong ambag mo,” sabi naman ni Adam kay Kate. Pinigilan niya na lamang ang matawa kahit na ang totoo ay natatawa siya.
“Puwede bang ka-guwapuhan na lang ang ambag ko?” mahangin pang sagot ni Kate.
“Huh?” Napataas pa ang sulok ng labi ni Fabella. “Eh, kung umbagan ka namin?” dugtong pa ni Fabella. Dahil mas malapit siya rito ay nahampas niya si Kate sa balikat niya.
“Walang gano’n. Pera ang kailangan hindi kahanginan,” sabi ni Xander sa binata.
Ang kapatid naman ni Kate na si Keith ay pasipol-sipol na lang.
“Gano’n na rin ‘yon— ‘di ba nga, sabi ni Crisselle ang pera may dalang hangin.” Bigla siyang sinamaan ng tingin ni Xander.
Bigla kaagad na-sense ni Fabella na something’s going on…
She will find it out soon.
“Ang dami mong sinasabi— mag-ambag ka na kasi ako naman sunod!” sabi naman ni Misael na kanina pa tahimik.
“Mauna ka na Mr. Consejo…” Ngumisi lang si Kate sa pinsan ni Fabella na si Misael.
Napapalatak lang si Misael bago inilabas mula sa bag niya ang pera— sandali... hindi pala pera.
Nagulat siya nang maglabas ‘to ng cheque…
Huwag nitong sabihin na makikipagsabayan din ang pinsan niya? Alam ni Fabella na kaya rin nitong maglapag ng malaking halaga!
“Ballpen,” sabi nito. Napairap lang si Fabella at saka inabutan ang pinsan ng ballpen.
Ipinatong ni Misael sa mesa ang cheque at saka nagsimulang nagsulat. Napatingila naman si Fabella upang masilip ang kung magkano ang ilalagay doon ng pinsan niya.
Unang numerong isinulat nito ay eight.
Gosh. Kung seventy-thousand kay Keith— magkano naman ang ibibigay ni Misael Consejo? Mas mataas pa sa perang inilapag ni Keith?
Hula niya ay eighty-thousand.
Pero napangiwi na lamang siya nang makita kung magkano ang inilagay ni Misael doon.
“Eight thousand lang,” sabi ni Misael.
“Ang kapal i-chineque pa talaga,” pabulong na sabi ni Fabella. Narinig pa rin naman ng kaniyang mga kaibigan iyon at lalo na ni Misael.
“Wala akong cash. At saka malalaki naman na ‘yong mga inilapag niyo. Sobra-sobra na ‘yon. Parang doon na tayo titira sa Palawan, tsk,” sabi ni Misael.
Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit sila nag-aambagan. Si Xander ang nakaisip ng 3-day vacation na ito. Pupunta sila ng Palawan upang mag-relax ng kaunti. Nalalapit na kasi ang basketball tournament ng magbabarkada. Naisip na muna nila na mag-Palawan.
Siyempre kasama na siya— palagi. Kapag may lakad ang mga ito ay lagi na siyang kasama. Minsan pa nga ay sinusundo pa siya ng magkakaibigan simula nang maging malapit silang lahat sa isa’t isa.
“Oh, ikaw naman Kate, nasaan na ang ambag mo?” tanong na naman ni Xander kay Kate Blake.
May kutob si Fabella na hindi mag-aambag si Kate.
“Don’t worry”— kumuha na siya ng pera sa kaniyang bulsan— “ambag ko.”
Her mouth twitched. Nahampas niya na naman si Kate. “Sigurado ka riyan?!” inis na tanong ni Fabella. Kahit na guwapo rin ‘tong si Kate ay bubugbugin niya talaga ang lalaking ‘to kapag hindi umaayos!
“Oo! You know…” Kate shrugs.
“Huwag ka na sumama,” sabi na lang ni Xander.
“Sasama ako. Wala lang talaga akong ibang dalang pera— ‘yang bente lang kaya hayaan niyo na ako,” sabi pa ni Kate Blake. Napairap na lang si Fabella.
Paano?! Bente pesos ‘yong nilapag! Hindi na pala kailangang mahiya ng five-hundred pesos niya!
“Okay, ako ang mas mayaman,” mayabang pa na sabi ni Keith Louisse na akala mo’y walang problema. Hanggang ngayon pa rin kasi ay hindi pa pumapayag si Mikai.
Gusto nga ring makausap ni Fabella si Mikai— ngunit unang-una ay baka tarayan lang siya ni Mikai at sabihin na huwag manghimasok sa gulo nila. Guilty siya kapag ganoon. Pangalawa naman ay hindi nagkakasalubong ang landas nila ng babaeng ‘yon.
Ewan niya na lang kay Keith.
“Baka nakakalimutan mo na magkapatid tayo,” sabi naman ni Kate Blake. Sininghalan lamang siya ng kapatid.
“Wala ka ngang pera ‘di ba?”
“Wala akong dala,” sagot naman nito. Napairap na lang si Fabella. Baka nakakalimutan nil ana pareho lang silang Armalana! Puwede na rin siguro ang bente na binigay ni Kate Blake sapagkat malaki naman na ang naibigay ng kapatid niya.
“Basta mas mayaman ako,” sabi pa ni Keith.
“Sige,” pagsang-ayon na lang ng magbabarkada sa kaniya. Fabella rolled her eyes.
Nakailang irap na ba siya?
Napatikhim naman si James Sandoval na kanina pa tahimik. Hindi rin nagsasalita ang lalaking ‘to magmula kanina. Ang sabi niya lang ay pagod siya.
Inihanda niya na lang ang sarili niya sa kung magkano ang ilalapag ni James. Alam niya rin na kaya nitong maglapag ng malaki pero sana naman ay hindi. Sobrang-sobra na ‘yong mga pera na nasa mesa ngayon.
“Ako naman…” sabi niya. “Sagot ko na lahat— kunin niyo na ang mga pera niyo.”
Napanganga na naman si Fabella. Hindi niya inaasahan iyon!
“Ayaw ko nga,” sabi ni Achill. “Diyan niyo na ‘yan,” dugtong niya.
“Nakakahiya ka, Sandoval,” sabi naman ni Keith.
Tiningnan lang siya ng diretso ni James. “Ayaw niyong kunin? Sige. Donate ko na ‘yan sa R’s. Ako na ang bahala sa expenses ng trip natin. Puwede na ba akong umuwi?” tanong lang ni James.
Sumang-ayon naman ang lahat. Umalis nan gang tuluyan si James. Nasilayan naman kaagad nila ang mga ngisi ni Keith.
“May corrupt,” sabi ni Misael.
“Siguraduhin niyong mapupunta sa maayos na lugar ang perang ‘yan,” sabi naman ni Adam. Napatango-tango naman si Keith.
"Of course, everyone in R's has a good heart..." Si Kate Blake ang sumagot.
“Manahimik ka, kuripot,” Xander told him.
Natawa naman si Fabella. Bigla siyang napabaling kay Adam nang mapansin niyang nakatitig ang binata sa kaniya. Biglang kumabog ang puso niya.
“Bakit?” naguguluhang tanong nin Fabella kay Adam.
“May gagawin ka ba mamaya?”
Paulit-ulit ang mag salitang ‘yon sa utak niya. Hindi alam ni Fabella kung ano ang dapat niyang sagutin. Hindi niya inaasahan ang pagtatanong nito ng ganoon.
Bakit naman nito tinatanong kung may gagawin ba siya mamaya?
“W-Wala naman…” kumikibot pa ang labing sagot niya. Pakiramdam niya rin ay namumula siya.
Iba kasi ang pakiramdam niya sa mga titig ni Adam. Nilabanan niya lang naman ang mga titig na iyon at pakiramdam niya ay si Adam lang ang nakikita nila. Kahit na nandoon pa rin naman ang mga kaibigan niya.
Wala rin siyang ibang marinig kundi ang malakas na pagtibok ng puso niya na animo’y countdown ng isang bomba at ilang segundo na lang ay sasabog na.
“Fabella!”
Bumalik lamang siya sa riyalidad nang marinig niya ang boses ni Xander.
She blinks a few times. Umiwas na siya ng tingin kay Adam. Kay Xander na siya tumingin.
“Bakit?” tanong niya. She just acted normal— pakiramdam niya ay malapit na talaga siyang sumabog.
“Hindi ka nakikinig, magkano ba lahat ‘to?” si Kate ang sumagot sa tanong niya kaya napabaling siya rito.
“’Di ba, sabi niyo hindi na kailangan ilista? Bilangin niyo na lang!” sabi niya pa.
Pero sa isip niya ay nag-compute siya. Inalis niya na muna sa isip niya ‘yong nangyari.
Kahit na hindi niya gusto ang pagku-compute ay ginawa niya na lang upang makalimutan lang ng kahit na kaunti ang mga titig ni Adam.
Seventy-thousand kay Keith…
Fifty-thousand kay Achill…
Eight thousand kay Misael…
Five thousand kay Xander…
One thousand kay A-Adam…
Five hundred sa kaniya…
At…
Twenty pesos naman kay Kate.
“One hundred thirty-four thousand five hundred twenty lahat,” sabi ni Fabella.
Grabe! Ang laki!
“Oh ayan, tandaan mo ‘yan, ah. Siguraduhin mong ibibigay mo ‘yan sa mga nangangailangan. Wala kang kukunin diyan. Para ‘yan sa platform niyo,” sabi ni Xander. Tukoy niya sa R’s iyon.
“Wala ka bang tiwala sa amin?” sabi naman ni Keith. Natawa na lang si Fabella.
Imposible naman na ibulsa ni Keith o ni Kate ang pera. Ang yaman niya kaya! Tsaka gusto naman talaga nila ang makatulong— marami na rin silang mga projects na natapos.
Marami silang natulungan at natutulungan.
OA na naman kasi ‘tong si Xander. Pinaka-OA sa lahat. Mas OA pa sa mga babae.
Iyon naman talaga ang layunin ng grupo nila. “Sa’yo? Medyo meron pero sa kapatid mo? Wala,” sagot lang ni Xander.
“I agree,” saad ni Achill. “Anyway, uwi na ako. Bahala na kayo, kita na lang tayo sa Tastotel University bukas,” dugtong niya naman. Tumayo na siya.
“Sabay na ako,” tipid na sabi ng pinsan ni Fabella. Nakatingin na si Misael sa kaniya kaya lihim na lang siyang napairap.
Nauna nang naglakad palabas sa condo ni Xander si Achill. Nasa condo unit talaga sila ni Xander Alejandro— doon sila nagdesisyon na mag-usap usap kanina tutal ay nakatambay naman pala roon si Adam at Kate.
Sumunod na lang siya kasama ang iba pa.
“Let’s go…”
Bago pa man sumunod si Sael kay Achill ay lumapit na muna ito sa kaniya at kinuha ang braso nito bago pinatayo. Wala namang nagawa si Fabella kundi ang sumunod.
“Goodbye, friends—”
Hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil sa pagsasalita ni Adam.
“Wait, Sael, puwede bang ako na lang ang mag-uwi sa kaniya?”
Ayan na naman…
Ang kaniyang puso…
Sabay-sabay na nagsi-tikhiman sila Xander, na animo’y may virus ang sinabing iyon ni Adam.
“Akala ko ba wala kayong gusto sa isa’t isa?” Rinig niyang bulong ni Kate.
“Wala pa lang relasyon… eherm,” wika naman ni Xander.
Hindi niya na lamang pinansin ang mga ito.
Sa sagot na siya ni Misael nakatuon. “No,” sabi lang nito.
Hindi niya naman ang naiwasan ang panlalaki ng mga mata. She looks at Adam, nakangiti lang ang binata sa kaniya. Hinila na siya ni Misael palabas ng lugar na ‘yon— nakaramdam siya ng guilt.