CHAPTER 9

1939 Words
 “LATE ka na ba, Bella?” tanong ng kaniyang ina sa kaniya. Inaayos niya lamang ang mga gamit niya sa school bago siya umalis. “Hindi pa naman po,” sagot lang ni Fabella. Lagi naman talaga siyang maagang umaalis ng school. Ilang minute na lang din ay darating na si Misael kasama si Carmie. Madalas kasi ay dinadaan ni Misael ang dalawa niyang pinsan. Pero kadalasan ngayon ay si Fabella na lang ang sinasabay ni Misael. Dahil kay Achill na madalas sumabay si Carmie. Hindi talaga naniniwala si Fabella na hindi mag-s'yota ang dalawang 'yon. Sa tingin niya'y higit pa sa magkaibigan ang relasyon ng dalawa. “Ahhhh…” “Bakit po?” tanong lang ni Fabella. Kumuha siya ng suklay at madali lamang na nagsuklay. “Nagtatanong lang naman ako,” sagot ng kaniyang ina na si Stella. “Anong oras ka uuwi?” “Mga three pm, Ma. Depende po, kasabay ko po si Misael. Message ko na lang po kayo, after?” Fabella stated. Napatango naman ang kaniyang ina. “Sige, ingat ka ‘nak.” Lumabas na si Stella sa kuwarto niya. Siya naman ay nagpatuloy na lang mag-ayos ng mga kagamitan niya. Pagkatapos niyon ay nagpasya na rin siyang lumabas ng kuwarto niya. Pagdating niya sa ma living room ay naabutan niya ang kaniyang ina, may kung ano siyang ginagawa at hindi niya na lamang pinansin. Nagpaalam lang si Fabella na aalis na talaga siya. Ilang minuto na lang ay inaasahan niya na ang pagdaan nila Misael. Hindi pa man siya nakakalabas sa kanila ay tiningnan niya ang cellphone niya. May mensahe roon si Carmie at sinasabi nitong sabay na lang sila sapagkat wala pa si Misael.  Napataas naman ang kaliwang kilay niya. Hindi pa ba siya nakakauwi ng Tastotel? Ang huling alam niya kasi ay sinundo si Misael nina Adam at Xander no’ng isang araw. Akala niya ay nakabalik na ang mga iyon dito sa Tastotel. May klase na sila Misael ngayon. Ay bahala na nga sila. Baka nagustuhan niya na roon sa rest house ni Lola Quanda. Baka naman naramdaman nila ang tunay na pagpapahinga. Katulad nga ng sinabi ni Xander na ang gagawin nila roon ay magpapahinga. Napairap na lang siya. Nang makalabas na sila sa kanila ay agad na natanawan ni Fabella sa hindi kalayuan ang pinsan niya na naglalakad papalapit sa kaniya. Hindi si Misael ang pinsan na tinutukoy niya kundi si Carmie. Naglakad ba ang pinsan niya galing sa kanila papunta sa bahay nila Fabella? Na naman? Ilang beses bang dapat sabihin ni Fabella kay Carmie na huwag siyang maglakad?! May distansiya ang bahay nina Carmie at Fabella— may distansiya rin mula sa bahay ni Carmie at sa Tastotel University ngunit bakit palagi pa ring naglalakad ang pinsan niya?!  Kaya isa rin sa mga dahilan kung bakit isinasabay talaga namin ‘yan sa pagpunta sa school para masiguro namin na hindi na siya naglalakad. Madalas din kasing maglakad si Carmie papuntang ro’n. Lalo na no’ng wala pa si Achilliance. Hinahayaan lang kasi talaga siya ng mga magulang niya. Hindi naman kasi ganoong kahigpit si Tita Sandra at Tito Ernesto. Fabella folded her arms over her chest. Hinihintay niya lang na makalapit sa kaniya ang pinsan niyang si Carmie at nang mangyari ‘yon ay agad niyang binatukan ang pinsan niya. Carmie just groaned. “Bakit ka na naman naglalakad?” tanong ni Fabella sa kaniya. Napasimangot lang ang pinsan niya. “Exercise…” Fabella rolled her eyes. “Hindi ka talaga marunong makinig.” Mas matanda si Fabella kay Carmie ng ilang taon. At saka ayaw niya rin talagang naglalakad ang pinsan niya. Baka may mangyaring hindi maganda kay Carmie sa daan  “At saka tinatakasan ko kasi si Achill,” sabi niya na lang. “Hindi ka ba napapagod? Ang layo-layo!” “Exercise nga kasi. Ano? Tara na? Lakad na lang din tayo,” ngumisi pa sa kaniya si Carmie. Mabilis lang na umiling sa kaniya si Fabella. “Hindi tayo maglalakad,” sagot lang ni Fabella na ikinasimangot naman ng mukha ni Carmie. “Bakit hindi?” tanong lang ni Carmie. “Wala kang magagawa.” At wala na ngang nagawa si Carmie. Sinubukan nilang tawagan si Misael ngunit hindi siya sumasagot. “Si Tita Sara ang tinawagan ko kanina. Ang sabi niya ay kasama raw ni Lola Quanda— ‘yong Lolo ni Adam." Napatango naman kaagad si Fabella. Alam din pala ni Carmie. Nasobrahan naman yata ang pagpapahinga nila sa rest house nila.  Tsk. Sana naman ay bumalik na ang mga ‘yon ngayong araw. Wala ba silang practice ngayon? Baka naman mapagalitan sila Misael ni Coach Fajardo. Pero ano nga ba talaga ang ginagawa nila Misael doon bukod sa pagpapahinga? Bahagya pa siyang natigilan nang biglang mag-flash sa utak niya si Adam. Ngunit napangiti na lamang din siya. Bakit ba ang guwapo talaga ng lalaking ‘yon? Dahil wala pa talaga si Misael ay nagdesisyon na si Fabella na ilabas na sa garahe ang kotse niyang niregalo pa sa kaniya ni Misael no’ng 18thbirthday niya. Hindi niya naman kasi ito madalas ilabas dahil nga sa sumasabay siya palagi kay Misael.  Pero marunong din siyang magmaneho. Sabay silang nag-aral ni Misael na magmaneho ng sasakyan. Itong si Carmie lang ang hindi marunong. Let say that she’s afraid. Hindi talaga siya nagmamaneho ng sasakyan dahil ‘yon ang palagi niyang sinasabi. Natatakot siya.  Pero alam niya kung paano magmaneho. Ilang libro na ba ang nabasa ni Carmie tungkol sa pagmamaneho? Alam niya lang pero hindi pa naman niya aktwal na sinasagawa. Walang practice. Bigla niya namang naisip na sabihin ‘yon kay Achill baka pumayag si Carmie na magpaturo magmaneho. Matagal na kasi talaga nila itong tinturuan dahil bibilhan nga rin si Carmie ng kotse ni Misael sa sunod nitong kaarawan. “So, may gusto ka nga ba talaga kay Nathan Santiago?” tanong lang ni Fabella habang siya’y nagmamaneho. Bigla niya kasing naalala si Nathan. “Wala naman…” kalmado lang na sagot ni Carmie. “Oh, bakit sinasabi ni Achill na nagpapa-impress ka kay Nathan?” tanong pa ni Fabella. “Imbento ‘yon, eh. Mas magaling pang mag-over think sa akin,” panimula pa ni Carmie. “Nagpunta kasi ‘yan sa building ko. Tapos naabutan niya kaming nag-uusap ni Santiago, ayon, nainis sa akin. Hindi ko talaga maintindihan ‘yong gunggong na ‘yon palagi.” Napataas lang ang kaliwang kilay ni Fabella sa sinabing ‘yon ni Carmie. “Hindi mo ba talaga boyfriend si Achill?” tanong lang ni Fabella. “Yak, iw. Ayaw ko nga— never,” sagot kaagad sa kaniya ni Carmie. Bigla na lang napaisip si Carmie kung ano na ang status nito sa mga susunod na buwan. Imoposibleng walang made-develop. Ano ‘yon? Ganiyan na lang sila palagi? Natawa naman sa thought na ‘yon si Fabella. “Pero best friends na talaga kayo?” “Oo daw." "Daw? Halatang napipilitan ka, ha?" "Talaga. Bakit mo naman kakaibiganin ang kaaway mo. Abnormal kasing tunay, akala mo hindi anak-mayaman," saad ni Carmie. Nakita pa ni Fabella ang pag-irap ng ng pinsan. She shook her head. "Hindi naman ibig sabihing anak-mayaman ka ay kailangan mo nang um-akto ng formal, siguro 'yong Achilliance Yohann Montinelli na kilala mong personalidad na 'yon— siya talaga 'yon, walang pagpapanggap..." Matagal naman bago nakasagot si Carmie. 'Yon din kasi ang isa sa mga iniisip ni Fabella. Once nag-graduate ang mga kaibigan niya ng Tastotel at hindi na sila magkita-kita ay malaki ang magiging pagbabago nito. She means they're heirs to their own empire.  Naalala niya pa nga si Misael dati, sa totoo lang ay hindi 'yon dito sa bansa ipinanganak at doon din nag-aral ng primary. Alagang-alaga talaga si Misael ng mga Consejo. Hindi nga dapat 'yon papauwiin ng Tastotel hangga't hindi pa natatapos ang pag-aaral ngunit pagdating ng highschool ni Misael ay nagtalo raw si Tita Sara at si Tito Ricardo. Gusto kasi ni Tita Sara na magpatuloy ng pag-aaral dito sa Tastotel si Misael, hindi naman doon sang-ayon si Tito Ricardo pero wala rin siyang nagawa pagkatapos. Kaya kasama niya na ngayon si Misael. Iyong mga pinsan ni Misael katulad nina Vaux ay sa ibang bansa nag-aaral— sandali, maliban kay Zachary Consejo—  dito pala sa bansa nag-aaral ang isang 'yon. "Hmp. Lagi-laging nagpapanggap 'yon! Ang hilig din mang-uto. Ilang beses na niyang sinabi sa akin na hindi niya na ako aasarin pero wala pang isang minuto nang-aasar na naman."  Napahalakhak na lang si Fabella. "Hindi ko rin alam kung bakit siya nagsimulang magpakita nang magpakita sa akin at manira ng araw. Sana hindi na lang," dugtong pa ni Carmie. Nakita pa ni Fabella ang pagsimangot ng pinsan niya. “So paano mo nga ba nakilala si Achill?” tanong pa ni Fabella. “May dala-dala akong kape no’n—” Natigilan siya. “Bakit?” “Wow. Taon na rin pala mahigit ang lumipas…” bulong nito. “Ayon na nga, nagsimula ang lahat no’ng binangga niya ako no’ng nagkasalubong kami sa may corridor yata. Hindi ko na masyadong maalala. Matagal na rin pala. Basta natapunan ako ng kape noon tapos in-away niya ako, in-away ko rin siya.” “Talagang binangga?” Natatawa na lang si Fabella. “Oo, binangga niya talaga ako. Imposibleng hindi niya sinadya. G*go ‘yon, eh.” Fabella laughed. Nasa Tastotel University na pala sila kaya naman ipi-nark na ni Fabella nag sasakyan niya pagkatapos ay sabay na silang lumabas ng sasakyan. Mabilis naman silang naglakad papasok ng university. Nagku-kuwentuhan pa sila habang naglalakad hanggang sa natigilan si Fabella nang bigla na lang may dumating. Agad niyang kinaltukan si Carmie. “P*tang1n@!” napamura lang si Carmie. Dinaanan lamang pala sila ni Achill. Naglalakad na ‘to papalayo sa kanila. “G*go ‘yon, ah,” wika pa ni Carmie habang napapakamot pa sa kaniyang ulo. Nagulat lang din si Fabella nang sumunod kay Achill si Carmie. Yes. It was Achill. Hindi na siya sumunod. Nakangiti na lang din siya habang naglalakad papunta sa klase nila. Pagdaan niya sa may corridor ay natigilan siya nang may tumawag sa kaniya. "Fabella!" Base sa boses ay nakilala niya na kaagad kung sino 'to. Si Richsza. Lumingon naman siya sa direksyon kung saan nanggaling ang boses. Doon niya nakita ang kaibigan niya na naglalakad papalapit sa kaniya. Simple lang ang suot ni Richsza. Sa school na 'to may sariling uniform na hindi naman madalas suotin ng ibang estudyante sapagkat okay lang din naman kung magsuot ng kahit ano— basta maayos. May kakilala nga lang siya na hindi sumusunod. Si Eirah Bennisse. Revealing clothes ang madalas nitong suot. "Oi, anong balita Richsza? Ganda ng ngiti mo, ah!" sabi niya rin nang makalapit na ang kaibigan at mapansin niya ang mga ngiti nito. "Hindi ko na pala talaga kailangan ang tulong mo na mag-set ng date. Nilakasan ko loob ko kahapon! Kinausap ko siya tapos sinabi ko sa kaniya kung gaano ko siya kagusto! Nagulat siya siyempre, tapos alam mo ba, hindi ko na kailangang ayain siya kasi siya na mismo ang nag-aya sa akin!" Kinikilig pang sabi ng kaibigan. Natuwa naman si Fabella. Buti naman. Totoong natutuwa siya sa kaibigan niya. May paghanga rin si Fabella kay Kate— paghanga lang naman 'yon at kaya niyang isantabi. Lihim namang natawa si Fabella. Hinahangaan niya si Kate at hinahangaan niya rin si Adam— sa tingin niya'y mas matimbang ang paghanga niya kay Adam. "Good for you! Sabi ko sa iyo, eh! Congrats kaagad!" sabi lang ni Fabella. Bigla naman siya kaagad niyakap ni Richsza. "Salamat talaga!" sabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD