“ANG arte mo, talagang nagpahanap ka pa sa amin.”
Tahimik lang si Adam habang nagmamaneho ng sasakyan niya. Nasa passenger’s seat nakaupo ang kaibigan niyang si Xander habang si Misael naman ay nasa backseat.
“Natatakot kasi ako kay Lola Quanda,” sagot ni Misael. Natawa naman si Xander.
“Bakit ka naman matatakot? Hindi naman nakakatakot si Lola Quanda, ha! Ang bait-bait niya pa nga,” wika naman ni Xander.
Nasa labas na sila ng Tastotel City. Papunta sila sa rest house nila malapit sa hacienda nila Xander. Nagkita sila roon ni Xander kaya naman no’ng pinabalik siya ng Lola Quanda niya upang sunduin si Misael ay sumama na si Xander pabalik ng Tastotel.
Inaasahan kasi nila na susunod si Misael ngunit wala namang nagparamdam kaya pinasundo na si Sael ng Lola niya sa kaniya.
“I don’t know…” sabi naman nito.
Napasinghal na lang din si Adam. “Hindi ka talaga marunong tumupad sa usapan.”
“Marunong akong tumupad.”
“Oh, bakit hindi ka sumunod? Alam mo naman ang address ng rest house namin ‘di ba? Gusto mo pa talaga ‘yong sinusundo ka,” sabit pa ni Adam. Nakita niya sa rear-view mirror na sinamaan lang siya ng tingin ni Misael.
“Fine. Ayaw ko talagang sumama kasi natatakot talaga ako kay Lola Quanda baka kasi may ipagawa siya sa akin na hindi ko magugustuhan.”
Natawa naman si Xander.
“Katulad ng?”
Si Adam naman ay napailing lang. He's being unreasonable. May naiisip pa siyang isang rason kung bakit ayaw nito.
“Basta,” sagot ni Misael kay Xander.
Alam niya na narinig niyang sinabi ni Misael na ilang beses nang may nakuhang ahas sa rest nila. Hindi naman kasi sila madalas doon. Ang kaniyang ama ang nagpatayo ng rest house sa lugar na ‘yon.
Simula nang mamatay ang mga magulang niya ay bihira na lang sila na magpunta roon.
Ngayon, paglilinis ang gagawin nila.
Hindi naman matahimik ang Lola Quanda niya kakasabi na dapat ay kasama nila si Misael.
Walang kaso ang paglilinis kay Xander dahil lumaki naman ang binata sa hacienda. Normal sa kaniya ang mga bagay na iyon. Dahil kahit naman anak siya ng may-ari ay tinuturuan pa rin ‘to sa mga gawain sa hacienda nila.
Si Adam naman ay okay lang naman ang maglinis.
Kay Sael?
Laki sa yaman at hindi sanay sa mga gano’ng bagay. Iyon din ang rason ng kaniyang Lola Quanda kaya naman gusto niyang sumama si Misael sa paglilinis nila ng rest house.
“Takot ka ba sa ahas?” tanong ni Adam sa kaniya. Napansin niya naman ang pag-iwas ng tingin ng kaibigan niya.
“Hindi,” tipid lang nitong sagot. But he still senses Misael's unease.
“Lahat naman takot sa ahas kasi nakakamatay kaya okay lang naman ang umamin,” sabi lang ni Adam.
Sumagot naman si Xander. “Hindi naman lahat. Hindi naman ako takot sa ahas. May alaga pa ngang sawa noon ‘yong kapatid ko na si Xandro.”
Nagkibit-balikat naman si Adam. “Sige. Sabi mo, eh. Pero bago tayo umuwi ng Tastotel bukas, ilibot mo kami sa hacienda niyo,” saad ni Adam kay Xander. Tumango naman kaagad si Xander bilang pagsang-ayon.
“Sige ba—”
Hindi na natapos ni Xander ang sasabihin niya dahil naunahan na nito ni Misael. “Hanggang bukas tayo sa rest house?!” he asked in disbelief.
Natawa si Xander habang napakunot lamang ang noo ni Adam. “Nakalimutan mo ba? Overnight,” sabi lang ni Adam. Nakita niya naman na napasimangot lang si Misael.
“Okay lang iyan p’re. Magiging masaya do’n,” sabi pa ni Xander. Hindi naman na sumagot sina Adam. Tahimik lang sila hanggang sa madaanan nila nag Hacienda Alejandra.
Ang lawak talaga ng lupain ng mga Alejandro kaya sobrang yaman din talaga nitong si Xander.
“Sasama ka ba pa ba sa rest house or ihahatid pa kita sa loob?” tanong ni Adam nang malapit niya nang makita ang entrance papasok sa Hacienda Alejandra.
Umiling lang si Xander.
“Sama pa rin ako sa rest house,” sagot ni Xander. Napatango lamang si Adam at nagpatuloy lang sa pagmamaneho.
Ilang minuto lang matapos nilang malampasan ang hacienda ay nakarating na sila sa rest house. Sinalubong kaagad sila ng Lola ni Adam na si Quanda Llagas. Anak ni Quanda ang ama ni Adam Morris.
Naabutan ng magkakaibigan si Lola Quanda na nagwawalis sa harapan ng mismong rest house. Napangiti na lang si Adam. Masyado na pa lang luma ang lahat ng ‘to. Nagbabalak din talaga siya na siya na mismo ang mag-renovate ng rest house na ito.
Presko sa lugar na iyon, kahit sikat na sikat ang araw ay hindi naman masyadong mainit sa balat. Mahangin kasi talaga sa lugar na ‘yon.
Naglakad siya papalapit sa kaniyang Lola at saka nagmano.
Nakapameywang lang ang lola habang nakatingin ng diretso kay Misael. “Halika, magmano ka sa akin,” saad pa ni Lola Quanda. Nakita ni Adam na napalunok pa si Misael.
Hindi naman nakakatakot ang Lola niya, ha?
“Good day…” sabi ni Misael.
“Magmano ka sa akin,” sabing muli ni Lola Quanda. Nakataas ang kamay nito at nakaharap ang likod ng palad niya sa kanila. Hinihintay niyang lumapit sa kaniya si Misael, kunin ang kamay nito at saka magmano.
“Lapit ka,” sabi pa ni Xander na siyang malapit kay Misael. Siniko niya pa nga ang binata sa tagiliran nito. Wala namang ibang nagawa si Misael kung hindi ang lumapit kay Lola Quanda at magmano.
“May subject naman kayong GMRC sa eskuwelahan niyo ‘di ba? Alam niyo naman siguro kung ano ang ibig sabihin ng pagmamano at ang halaga nito,” sabi pa ni Lola Quanda sa kanila. She smiles at them. “Oh, siya, pumasok na muna kayo sa loob. Kumain na muna kayo.”
“Kayo po ba, ‘La? Kumain na po ba kayo?” tanong ni Adam sa Lola niya. She looks straight at him.
“Oo na. Kayo na lang, susunod din ako pagkatapos kong magwalis dito. Ang daming kalat,” sagot ni Lola Quanda kay Adam.
“Ako na po ang magwa-walis,” presinta ni Adam ngunit mabilis lang na umiling sa kaniya nag Lola.
“Hindi na. Kaya ko ‘to,” tanggi niya. “Pumasok na kayo sa loob. Nandoon din si Jaries sa loob, kumakain sabayan niyo na.” Tinalikuran na sila ni Lola Quanda upang ipagpatuloy ang pagwawalis.
Adam sighed. He was always eager to provide a hand to his grandma in any way he could. Pero kahit na gusto niyang tumulong ay hindi siya pinapatulong lalo na kapag hindi naman kailangan ng Lola niya.
Ayaw niya na ngang gumagawa ng mga gawaing bahay si Lola Quanda sapagkat simula noong bata pa lamang si Adam ay ang Lola niya na halos ang gumagawa.
Kaya naman nilang magpa-suweldo ng kasambahay ngunit ayaw talaga ng Lola nila.
Mas mabuti na raw na matuto sila sa Adam sa mga gawaing bahay.
Sixty-seven years old na si Lola Quanda ngunit malakas pa rin talaga. At ipinagpapasalamat niya talagang tunay ‘yon.
He really loves his Lola so much. Hindi rin siya magsasawang magpasalamat sa mga taon ng pag-aalaga nito sa kanilang magkapatid.
Nagsimula na rin maglakad sina Adam papasok sa loob ng bahay ngunit natigil lang sila nang magsalitang muli si Lola Quanda.
“Xander,” tawag nito sa kaibigan ni Adam.
“Ano po ‘yon, Lola?” tanong naman ni Xander.
Tumigil nang muli sa pagwawalis si Lola Quanda at tumingin ng diretso kay Xander.
Adam raised his left eyebrow. His grandmother's looks towards his buddy were unflattering.
“Halika rito, Xander.” Sinenyasan ni Lola Quanda si Xander na lumapit. Agad naman itong ginawa ni Xander at nang makalapit siya’y agad siyang piningot ni lola.
“Lola! Aray ko po!” daing pa ni Xander.
“Akala mo ba natuwa ako sa ginawa mo, ha? Pag-alis niyo rito ni Adam Morris kanina’y may mga dumating na trabahador niyo’t nagpe-presinta na sila ang maglilinis ng buong rest house at ikaw pala ang nagpadala ng mga ‘yon!”
Natawa naman si Adam. Alam niya naman ang tugkol doon dahil sinabi ito ni Xander sa kaniya kanina habang nasa biyahe.
Sinabihan na nito ang kaibigan niya na hindi dapat ituloy ang naisip nito ngunit tinuloy pa rin pala. Ayan, pingot ni Lola ang in-abot niya.
“Sorry na po, Lola! Hindi ko po alam. Pasensya na po! Hindi na mauulit!”
“Dahil nandito ka naman na ay tutulong ka na sa amin dito nila Misael, naiintindihan mo ba?” tanong ni Lola Quanda.
He knew how painful the pingot ni Lola was. Palagi rin kasing napipingot si Adam hanggang ngayon.
Pero para sa kaniya ay mas masakit pa rin ang kurot nito sa tagiliran. Lalo na ‘pag nanggigil si Lola Quanda. Ngunit hindi naman sila pipingutin o kukurotin kung wala naman silang ginagawang hindi kanais-nais. Mabait talaga ang Lola niya.
Sa totoo lamang ay natutuwa si Adam sa nakikita niya ngayon. Sa sobrang bait ng Lola niya ay tinuturing na rin nitong tunay na apo ang mga kaibigan niya. Lalo na si Xander.
“Opo! Opo!” sagot lang ng binate kay lola.
Binitawan naman ni Lola Quanda ang tenga nito.
“Tara na,” natatawa na lang na sabi ni Adam.
“Dalawang beses akong nakaramdam ng pingot ngayon, ah,” bulong pa ni Xander. Natawa na lamang siya nang maalala niyang piningot din pala ang kaibigan niya kanina ni Fabella.
“Ayan ang napapala ng mga mayayabang,” sagot ni Adam. Dumapo naman ang tingin ng binata kay Misael.
“Mayabang ka rin naman, Adam,” bulong na naman ni Xander ngunit hindi niya na lamang iyon pinansin. Sinenyasan niya lang si Sael na pumasok na sa loob.
Nagpatuloy na sila sa pagpasok. Pagpasok nila sa loob ay marami pa rin ang mga nagkalat na gamit. Marami pa rin ang kailangan linisin.
May mga putik pa rin sa tiles, at isa rin iyon sa mga dapat nilang linisin. Matagal na rin kasi— ilang taon na ring hindi nalilinisan. Wala rin kasing nagpupunta rito para maglinis. Halos nakalimutan na nga nila na may rest house pa lang pinatayo ang Dad niya.
Tahimik lang talaga si Misael at para bang ang lalim ng iniisip. Hindi lang siya ang nakapansin niyon pati na rin si Xander kaya naman…
“Misael, may ahas!”
Malapit na sila sa may kusina nang biglang isigaw ‘yon ni Xander. Nakita naman nila kung paano napabalikwas si Misael at mapatalon pa. Tumingin pa ito sa sahig. Malapit si Adam sa kaniya kaya naman napahawak din ang nagulat niyang kaibigan sa kaniyang balikat.
Hindi na napigilan ni Adam ang matawa. Naririnig na rin ang malakas na paghinga ni Misael na malamang sa malamang ay kinabahan nang husto.
Kung si Adam ay tuma-tawa, mas malakas naman ang tawa ni Xander na hindi mo na alam kung totoo ba o peke.
“P*tang*na, p’re, ang bakla!” Xander laughed. Lumayo naman kay Adam si Misael. Napansin niya kaagad ang pagsisimula nitong magpawis.
“P*tang*na mo rin, Xander! Wala ka talagang magawang matino!” sagot naman ni Misael at in-ambahan ang kaibigan ng suntok.
So, he confirmed it. Takot nga talaga si Sael sa ahas. Kapansin-pansin din ang mabilis na pagtibok ng puso nito base sa kaniyang paghinga.
“’Wag kayo magmurahan dito baka marinig kayo ni Lola,” natatawang saway ni Adam sa mga kaibigan.
Nauna nang nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kusina si Adam habang nag-aambahan pa rin ng suntok ang dalawa sa may bandang likuran.
Hindi niya na lang ‘to pinansin na nag-aaway na sa likod niya ngunit mahihina ang mga boses dahil natatakot na baka marinig ni Lola Quanda.
Katulad nang inaasahan niya ay naabutan niya roon ang kapatid niya. Naabutan niyang naghuhugas ng plato si Jaries. Malamang ay tapos na siyang kumain.
Lumapit si Adam dito at hinalikan kaagad sa ulo ang kapatid. He’s still thankful until now that her sister survived dengue. Naging critical na rin kasi ang kondisyon nito dahil sa masyadong pagbaba ng platelets niya.
“Nandito ka na pala, Kuya Adam. Sabi ni Lola, pagdating niyo raw ay kayo raw ni Kuya Xander. Kayo raw ang maglilinis dito sa buong loob tapos kami ni Lola kasama si Kuya Sael ay sa labas. Magtatagal kami ng mga dámo,” diretsong sabi ng kapatid niya.
Napangiti na lang siya. Kilala kasi talaga ni Jaries ang mga kaibigan niya— kahit si Fabella ay kilala niya rin talaga.
He nods at her. “Tapos ka na bang kumain?” Tumango lang din nag kapatid.
“Opo. Nagluto si Lola ng gulay, masarap ‘yan,” sabi ng kapatid. Ano pa nga ba, masarap talagang magluto ang Lola niya.
In-aya niya na ang mga kaibigan niya na kumain na. Nagpaalam na rin si Jaries na lalabas.
Habang kumakain sila ay pansin pa rin ni Adam ang inis sa mukha ni Misael.
“Alam mo, mabait talaga ‘yan si Lola,” sabi lang ni Adam.
“Alam ko naman na mabait si Lola Quanda,” sagot naman ni Misael.
“Sad’yang takot ka lang sa ahas?” nakangisi pang tanong ni Xander. Sinamaan na lamang niya ng tingin ang kaibigan. “Strikto lang talaga si Lola Quanda pero mabait talaga ‘yan,” dugtong nito sa sinabi niya.
Natawa na lang siya. “Huwag ka matakot. Huwag ka kasi mag-isip masyado,” sabi lang din ni Adam kay Misael.
“May iku-kuwento nga pala ako,” pag-iiba ni Xander sa usapan.
“Ano ‘yon?” halos magkapanabay na tanong ni Adam at Sael.