“GISING, hoy!”
Sa inis ni Fabella ay kumuha na siya ng unan at pinaghahampas niya ito kay Misael. Paanong hindi siya maiinis? Kanina niya pa ito ginigising!
“Hindi ka babangon?”
Mukhang um-epekto naman ang paghampas niya ng unan. May kalakasan din kasi ‘yon.
Misael groaned. “Ano ba?”
“Nandito sina Xander. Hinahanap ka.” Sumimangot lang si Misael sa sinabi niya.
“Sabihin mo, wala ako rito,” sagot ni Misael.
Natawa naman si Fabella. Sa tingin niya ba ay makakapagsinungaling pa siya?
“Ha! Nasabi kong tulog ka rito!”
“What did you do?! Sabihin mo na lang na umalis na ako!”
“Hep! Bumangon ka na riyan at harapin mo sila Xander do’n!” sabi na lang ni Fabella. Siguro iyon talaga ang dahilan kung bakit nagpunta rito ang pinsan niya. Para magtago! Hindi niya man lang naisip ni Sael na may ideya ang mga kaibigan niya kung saan siya hahanapin. Tsk.
“Eh, ayaw ko naman sumama!”
“Nangako ka raw sa Lola ni Adam,” saad ni Fabella.
Malamang ay tinatamad lang ang lalaking ‘to!
Hindi sumagot sa kaniya si Misael. Nakasimangot lang ang pinsan niya habang nagsisimula na rin na bumangon.
Maliwanag na maliwanag sa kuwarto niya. Bago niya kasi simulan na gisingin si Misael ay binuksan niya ang mga bintana sa kuwarto.
“So, bakit ka nangako?” nakapameywang na tanong ni Fabella.
“I don’t even know…”
Napataas naman ang sulok ng kaniyang bibig. “Huh?”
Anong he doesn’t even know?!
“No’ng nagpunta ako kina Adam. Sabi ni Lola Quanda sa akin ay sumama raw ako kapag nagpunta sila ng rest house. I said, yes and I promised that I’ll be there.”
Ayon naman pala! May pa- I-don’t-even know pa siyang nalalaman. Alam niya naman pala.
“Then, you need to be there. Hala! Bangon, naghihintay nga sina Xander sa baba!”
“Xander lang?” Misael raised his left eyebrow.
Agad naman ngumisi si Fabella sa kaniya.
“Kasama si Adam,” she tells him. Mas lalo pang lumawak ang ngisi sa mga labi niya. “Bakit ang ga-guwapo ng mga kaibigan mo, Misael? Lalo na ni Adam?”
“He’s not handsome…” Misael even made a ‘tsk’ sound.
“He is,” mabilis lang na sagot ni Fabella. Handsome naman talaga si Adam Morris, ha!
“Hindi nga. Mas matino pa itsura ni Kate sa kaniya. Hindi mo ba pansin?”
Inirapan lang ni Fabella si Misael. “Alam mo, kung hindi ka bababa do’n—”
“Ayaw kong sumama!” Misael cuts his sentence off.
“Edi ako na lang!”
Kanina niya pa talaga gustong magpresinta na sumama. Tutal wala rin naman siyang ginagawa. Bakit kaya hindi man lang siya naisipang ayain?
Agad siya nitong sinamaan ng tingin. “No. Stay here,” he says, standing. Napairap na lamang muli si Fabella. Hindi rin siya nagpatalo sa matatalim nitong tingin.
May naisip naman si Fabella na itanong kay Misael.
Hindi niya talaga alam kung ano pa ba ang dahilan bukod sa bilin ni Fabello na huwag na huwag niyang hahayaan na manligaw sa kaniya si Adam.
Palabas na ng kuwarto niya si Misael ngunit nagsalita na siya kaya naman.
“Paano kung ma-in love ako?” Nakakaloko pang tumawa si Fabella. Natigil ito at hinarap siya. Ang sama pa rin ng mga tingin nito sa kaniya.
“Ihuhulog kita sa kanal,” sagot ni Misael bago siya nagpatuloy sa paglalakad paalis sa kuwarto ni Fabella. Natawa na lang muli si Fabella at pagkatapos ay nagkibit-balikat na lang.
Imposible naman siguro na ma-in love siya kay Adam. Hinahangaan niya lang ito. That’s it.
Parang ‘yong paghanga niya lang din kay Kate Blake Armalana.
Bago siya sumunod kay Sael palabas ng kaniyang kuwarto ay pinili niyang tingnan na muna ang cellphone niya. Iche-check niya lang naman ito.
Baka may balita na si Keith sa kaniya tungkol sa problema niya. At hindi naman nga siya nagkamali. May mensahe siya mula kay Keith. Binasa niya ito.
She furrowed. “What?” naguguluhan pang tanong niya sa sarili habang binabasa ang mensahe mula kay Keith.
Hindi na raw sila magka-kaso or whatsoever. Sabi naman daw ng Lola ni Keith ay hindi na raw kailangan. Nagdesisyon na lang daw siya na kunin ang loob ni Mikai— but then, he still asking for Fabella’s help.
Napailing-iling na lang si Fabella. Nag-reply naman siya agad nito ng salitang OK.
Bahala si Keith. May mas duduwag pa ba sa kaniya? Malamang kasi kapag um-abot pa ito sa korte malalaman na rin ng mga magulang niya. He’s really afraid.
Pero, t*ngina, ha. Hindi niya man lang ba naisip ‘yon habang may nangyayari sa kanila ni Mikai?
Kailan kaya mago-grow up ang mga kaibigan niya?
Naku, Keith. Kung hindi lang talaga siguro naging malapit sa kaniya si Keith ay hindi siya tutulong.
But she still can’t believe that Keith Louisse is already the father of Mikai’s child. Sana lang ay maging dahilan na rin ito para magtino siya. Leksyon na ‘to sa kaniya.
Natawa naman siya.
One-down.
Sino kaya ang sunod na mabibigyan ng leksyon sa magkakaibigan? Natawa na lamang siyang muli. Maaaring ang kapatid ni Keith na si Kate Blake. Baka alphabetically arrange— oh, edi dapat pala ay si Xander ang nauna dahil Alejandro ang apilyedo niya. Mas mauuna nag apilyedo niya kaysa sa Armalana.
Kung ano-ano naman ang iniisip mo, Fabella!
Ang sama mo talaga. Hinihiling niya ba talaga na maturuan ng leksyon ang mga kaibigan niya? Lahat?
Kung puwede lang, bakit naman hindi? Lahat naman sila mga abnormal na. Maliban na lang kay Adam.
For her, parang naiiba naman talaga ang ugali ni Adam sa magkakaibigan.
Binitawan niya na ang cellphone niya roon at saka lumabas na rin siya sa kuwarto niya.
Naabutan niya sa porch ang magkakaibigan. It looks like they are having a serious conversation.
Kaya imbes na lumapit si Fabella ay hindi niya na ginawa. She sat down on the sofa. Kinuha niya na lamang ang newspaper na nandoon.
Napataas lang ang kaliwang kilay niya nang makita niya kaagad ang nasa headlines ng newspaper. Ito ay tungkol kay Mikai. Kumalat na pala ang tungkol sa pagkakaroon niya ng anak.
Sabi sa diyaryong ‘yon— ay hindi pa nga natutukoy kung sino ang ama. May mga komento roon ako na nabasa. Lalo na sa co-model ni Mikai years ago. Sa pagkakatanda ni Fabella ay alam niyang inggitera ang babaeng ‘yon.
Si Ciandra.
“Noon ko pa alam ang tungkol sa pagbubuntis ni Mikai Serratore. Kaya nga siya binitawan ng agency namin. Hindi lang talaga namin nagawang mag-ingay tungkol dito, pero ngayon na sumabog na ang issue ni Mikai. Gusto ko lang dagdagan, before she said to the agency that she was pregnant. Nakikita ko siyang kasa-kasama ni Keith Louisse Armalana. Sa tingin ko ay si Keith ang ama. Malandi kasi talaga ‘yan, kahit tanungin niyo pa sa lahat ng mga naka-trabaho niya dati sa industriya.”
—Pahayag ni Ciandra Gabriel sa Talk with Seliztin.
“Dagdagan pa nga!” inis na sabi ni Fabella matapos mabasa ang pahayag nga ni Ciandra.
“Ano ‘yan?” nag-angat siya ng tingin nang marinig niya ang boses ni Xander.
Kalat na kalat na siguro ang balitang ito. Sa tingin niya ay may ideya na rin ang mga kaibigan niya tungkol sa isyung ito.
Ibinaba niya nag dyaryo na hawak niya. Itinabi niya lang ito.
But even she thinks that her friends already knew about it. She won’t say a thing.
Nangako siya kay Keith na tahimik lang siya.
Hindi naman mahilig mangialam si Fabella kung hindi naman kinakailangan.
Hihintayin niya na si Keith mismo ang magsabi niyon sa mga kaibigan niya.
“Wala. Aalis na kayo?” tanong lang ni Fabella. Nakatuon sa kaniya ang atensyon ng tatlo. Pinanatili niya lang din ang pagiging kalmado ng kaniyang mukha.
“Oo, gusto mo bang sumama?” si Adam ang sumagot. Bigla naman kumislap ang mga mata niya sa sinabing ‘yon ni Adam. Sasagot na sana siya ngunit inunahan siya ni Misael.
“Hindi siya sasama. Let’s go.”
Hinila ni Misael si Adam palabas na ng bahay nila. Napanguso naman siyat at napatingin na lang kay Xander. “Ano ba kasing gagawin niyo sa rest house?” Nakatingala pa si Fabella dahil nakaupo siya sa sofa habang si Xander naman ay nakatayo.
“Magpapahinga nga,” mabilis na sagot ni Xander kaya naman nakatanggap siya ng sipa mula kay Fabella.
Napadaing naman kaagad si Xander. “Aray naman! Kanina ka pa!”
Alam niya na may iba pang dahilan at hindi lamang 'yon pagpapahinga!
“Nagtatanong kasi ako ng maayos. Puro kayo kalokohan mga buwis*t na ‘to. Umalis ka na nga rito!” inis na sigaw ni Fabella kay Xander. Ngumisi lang ito sa kaniya.
"Kaya nga tinawag na rest house, eh. Akala mo ba niloloko kita?" sagot pa sa kaniya ni Xander. Sinamaan niya lang talaga ang binata ng tingin.
"Bukod sa pagpapahinga? Anong gagawin niyo do'n?"
“Secret lang kasi namin iyon ni Lola Quanda,” saad ni Xander. Napairap na lang siya. Looking at his grins— she felt like Xander has similarities with…
“Kapatid mo ba si Achilliance?”
“Hindi. Mas guwapo ako do’n,” Xander said.
“Bakit kasi parang pareho ang pagngisi niyo nang nakakaloko?”
Sinamaan naman siya ng tingin ni Xander. “Paano mo nasasabi ‘yan? Anong pareho? Hindi mo ba nakikita, may dimple iyon— ako wala. Mas maputi ‘yon kaysa sa akin pero mas guwapo ako kaya bakit mo sinasabi na pareho?”
Fabella rolled her eyes. Dapat niya nang paalisin ang lalaking ‘to!
“Parang lang naman. Umalis ka na rito kung ayaw mong sipain kita palabas.”
Natawa na lang sa kaniya si Xander. “Alam mo, maganda ka. Ayusin mo lang ‘yang pananalita mo.”
“Wala kang pakialam,” sagot lang ni Fabella at pinaningkitan niya ng kaniyang mga mata si Xander. “Layas.”
“Okay.” Iyon lang ang huli niyang sinabi bago naglakad palabas. Hindi na siya lumabas ng bahay niya. Minuto lang ang lumipas ay narinig niya ang pag-andar ng sasakyan nila kaya naman malamang sa malamang ay umalis na ang mga iyon.
Napabuntong hininga siya.
Naiwan na naman siyang mag-isa sa bahay. Okay lang— magi-sketch na lang siya. May naiisip na naman siyang design kaya ayon na lang ang gagawin niya.
Iyon na lang ang ginawa niya habang nagpapalipas oras siya. Wala naman kasi siyang kailangan na gawin kaya naman dito na lang talaga siya sa bahay nila.
But she still wonders what her friends are doing with Lola Quanda, Adam’s grandmother.
Gustuhin niya naman kasing sumama ay alam niyang hindi siya mananalo kay Misael. Sasabihin lang nito nang paulit-ulit ang bilin ni Fabello. Wala siyang panahon na makipagtalo.
Bago magdilim ay dumating na ang kaniyang ina.
Ngumiti kaagad sa kaniya si Stella Ruwiz. “How’s your day?”
“Okay naman, Ma. Sa inyo po?”
Tumabi ang kaniyang ina sa kaniya. “Nakaka-stress sa Consejo ngayon. Nag-aaway iyong magkapatid,” her mother said. Kinuha pa nito ang sketch pad niya’t sinuri iyon.
Napakunot lang ang noo ni Fabella. “Magkapatid?”
“Yes. Si Ricardo at Ruben,” sagot naman ng kaniyang ina.
Napatango naman siya. Si Ricardo ay ang tatay ni Misael Consejo. Habang si Ruben naman ay ang ama ni Vaux Consejo. Magpinsan si Misael at Vaux.
“Bakit daw po?”
“Ngayon pa lang kasi ay nagtatalo na sila kung sino ba ang dapat na pumalit sa posisyon. Sabi naman ni Rianna, wala naman daw favoritism. At saka hihintayin pa nilang magtapos ‘yong dalawa— siyempre. Pagsisikapan ni Misael or Vaux ‘yon kung gusto talaga nila maging chief executive officer ng Consejo company. Of course, titingnan pa nila kung sino ba ang karapat-dapat at mas responsible.”
Napataas lang ang kaliwang kilay ni Fabella. “Bakit si Misael at si Vaux lang?”
Si Rianna Consejo – Campo ay ang bunso naman sa magkakapatid na Consejo. Lalaki rin ang panganay nitong anak. Si Stan Lee Consejo – Campo.
Kaya bakit naman si Misael at Vaux lang?
“Wala naman balak ‘yong anak ni Rianna. Gusto raw maging police. Hindi naman na siya napigilan.
Napatango-tango naman si Fabella. “Kaya naman po pala,” sabi niya.
“Ang ganda nitong design mo rito,” papuri na lamang ng kaniyang ina na si Stella sa iginuhit niyang mga simple designs sa sketch pad niya.
Napangiti na lang si Fabella. “Maganda talaga ‘yan, Mama. Anak ni Stella ang gumawa, eh.”
Nagkatawanan na lamang ang mag-ina.