“KAILAN mo ba balak na mag-girlfriend?” Fabella asked. “Oh, baka naman, meron ka na riyan. Ayaw mo lang ipakilala. Alam mo matutuwa pa sa’yo no’n si Tita Sara.”
Nasa kuwarto niya si Misael. Nagulat na nga lang si Fabella sa biglaang pagdating nito sa bahay nila Fabella at mukhang nagbabalak pa si Sael na matulog sa kama niya. She rolled her eyes.
What’s wrong with her cousin now?
She suddenly remembers what happened the other day. Ang paghatak na lang ni Sael bigla sa kaniya. Nilayo siya nito kay Adam. Tapos ang rason ng kaniyang pinsan ay huwag daw silang maiiwan na magkasama. Misael just said again about Fabello that she didn’t even know if it’s true.
Kung talagang may ganoong bilin ang kakambal niya ay sana alam na ni Fabella iyon bago mamatay ang kakambal.
Kasi kung totoo talaga ang bagay na iyon— na ayaw ni Fabello na manligaw si Adam kay Fabella ay didiretsuhin siya nito.
As if naman liligawan siya ni Adam.
“Hindi ako matutuwa,” sagot lang ni Misael sa kaniya. Napamura naman siya nang magtalukbong na si Misael ng kumot niya. Lumapit naman si Fabella at pilit na tinatanggal ang kumot nito.
“Explain mo na muna sa akin kung bakit ka nandito!” she hissed.
Wala naman kaso sa kaniya kung matulog si Misael sa kuwarto niya. Pero sana naman ay mag-explain na muna si Sael sa kaniya bago matulog!
“I wanna sleep!”
“Mas malaki kuwarto mo!”
Sinamaan ng tingin ni Fabella si Misael. Hindi niya talaga maintindihan ang trip nitong pinsan niya.
Kung tutuusin ay mas malaki ang bahay ni Misael kaysa kay Fabella. “Kahit na malaki kuwarto ko, wala naman akong kasama…”
Napataas naman kaagad ang kilay ni Fabella nang sabihin iyon ni Misael. Pinigilan niya lang ang matawa— nagda-drama ang nag-iisang anak ni Ricardo at Sara Consejo!
Pero alam naman talaga ni Fabella na madalas walang kasama si Misael sa kanila dahil busy sa business nila ang mga magulang niya.
Ganoon din naman ang in ani Fabella. Kaya wala rin namang ibang kasama si Fabella bukod kay Sael.
“Mas malapit ang bahay nila Carms, bakit ka sa akin pumunta?”
Same village lang naman sina Carmie at Misael kaya mas malapit talaga sa kaniya si Carmie. Dapat ang ginawa niya na lang ay nagpunta sa bahay ni Carmie or ang magkakapatid na Alonzo ang pinapunta nito sa bahay niya.
Mga wala naman iyong masyadong ginagawa. Free silang lahat sa school and school work sa araw na ‘to.
Ang magkakapatid na Alonzo na tinutukoy niya ay sina Carmie at ang mga kapatid nito na si Cassie at Clare.
“Galing na ako ro’n. Kasambahay lang nila ang nandoon,” sagot ni Misael kay Fabella. Saan naman nagpunta ang mga iyon?
“Eh, sina Achill at Adam? Bakit hindi mo na lang sila in-invite?” tanong na naman ni Fabella. Inagaw na lang din ni Misael at nagtalukbong muli ng kumot.
Napairap lang siya. “Pangit mo, Misael.”
“Just let me sleep here. Wala ka rin naman kasama, hindi ka ba natatakot sa multo?” sabi pa ni Misael habang nakatalukbong.
“Hindi. Bakit naman ako matatakot? Baka ikaw iyong takot!” Natawa na lang si Fabella at iniwan na lang sa kuwarto ang pinsan niya.
Bahala siyang matulog doon.
She goes downstairs. Dumiretso siya sa kusina para kumain. Kanina pa talaga siya nagugutom at gusto nang kumain pero bigla ngang dumating ang pinsan niya.
Wala rin kasi ang kaniyang ina ngayon. Maagang umalis— maaga naman talaga itong umaalis. Nagta-trabaho rin ito sa Consejo kaya naman magkasama sila ng kaniyang Tita Sara— ang ina ni Misael.
May pagkain naman nang nakahanda roon kaya nagsimula na siyang kumain. Nagtira rin siya ng pagkain doon at sinigurado niyang may kakainin si Misael kapag nagising siya. Mahilig pa naman iyon maghanap ng pagkain kapag bagong gising.
Anyway, pagkatapos niyang kumain ay nagpunta siya sa porch ng bahay. Doon niya napagdesisyunan na tumambay na muna. Wala naman kasi siyang gagawin. There’s a wicker chair there and she decided to sit there. Nakataas pa ang kaniyang dalawang paa sa mesa na nandoon.
Nakatingin lang siya sa may gate ng bahay nila habang nag-iisip isip.
Aaminin niya na sa mga oras na ito ay si Adam ang laman ng utak niya.
Hinahangaan niya lamang ang lalaking ‘yon. That’s it. Katulad lang din ng paghanga niya kay Kate noon. Hindi pa yata buo ang magkakaibigan ay hinahangaan niya na ang binata. Literal naman kasi na guwapo si Kate Blake. Ini-imagine niya pa lang ang itsura nito sa susunod na sampung taon.
Parang gusto niya na lang sumigaw. Malamang ay magiging mas guwapo ito at saka mas mature na tingnan.
Malamang sa malamang ay may kaniya-kaniya na silang buhay kapag dumating ang oras na iyon.
Natawa na lang siya sa isiping iyon.
Maya-maya pa ay natigilan siya nang mapansin niya na parang may tao sa labas ng gate. Nanliit ang mga mata ni Fabella. Umayos siya ng upo bago tumayo.
Naglakad siya papalapit sa may gate at dahan-dahan niya itong binuksan. Napataas naman ang sulok ng bibig niya nang makumpirma niya na may tao nga sa labas.
“Hindi ka ba marunong mag-doorbell?” tanong niya kay Xander na abot tenga ang ngisi. Hindi na siya magtataka. Baliw din kasi ang isang 'to.
Kung hindi pala niya napansin na may tao sa labas ay dito lang si Xander hanggang mamaya?!
Pero dati ay sobrang tahimik. “Hinihintay ko pa kasi si Adam na bumaba ng kotse. May naiwan lang,” sagot ni Xander at napatingin pa si Fabella sa direksyon kung nasaan ang kotse niya.
Lihim naman siyang napangiti nang makita niya nga roon si Adam. Naglalakad na si Adam papalapit sa kanila.
“Anong ba ang ginagawa niyo rito?” tanong ni Fabella kay Xander.
“Nandiyan ba si Misael?” tanong ni Xander. Fabella crossed her arms. Tumaas pa ang kaliwang kilay niya sa kaibigan.
“Bakit?”
Nandoon na rin si Adam sa harap niya. Siya ang sumagot sa tanong ni Fabella. “Hinahanap siya ng Lola ko. Pupunta kami sa rest house namin sa labas ng Tastotel. Hindi kami aalis hangga’t hindi kasama si Misael.”
Parang kulang pa ang pagtaas ng kilay ni Fabella. Bakit naman isasama ng Lola ni Adam si Sael? Kailan pa sila naging malapit sa isa’t isa?
“Bakit?” tanong niya na naman.
“He promised to my grandmother that he will come with us today,” sagot ni Adam.
Napatango na lang si Fabella kay Adam. Tinatago niya lang ang kilig niya.
Bakit parang araw-araw na lamang ay mas lalong guma-guwapo sa paningin niya si Adam?
Iyon naman talaga ang rason kung bakit niya nagustuhan si Adam. Dahil sa ka-guwapuhan nito kaya naman humanga siya nang husto.
“Ano naman ang gagawin niyo sa rest house?” tanong na naman ni Fabella.
Sa pagkakataong iyon ay si Xander Alejandro na ang sumagot. “Magpapahinga, kaya nga tinawag na rest house,” pabalang pang sagot nito. Sinamaan niya na kaagad ng tingin ang kaibigan.
Parang gusto na lang tuloy ni Fabella manakal ng tao.
“Gusto mo na bang makita ang langit?” Fabella asked sarcastically. Ngumisi lang naman sa kaniya si Xander.
“Oo naman. Kung kasama ka, bakit hindi?” pilyo pang saad nito sa sa kaniya. Napadaing lang si Xander nang sikuhin siya ni Adam.
Napairap na lang si Fabella.
“Nandiyan ba si Misael?” tanong na lang ni Adam. Tinanong na ito kanina ni Xander ngunit hindi naman nasagot.
Mas mabuti nang huwag na muna siyang magsalita. Sabihin na nandito nga sa bahay niya si Misael kaya siguro iyon ang dahilan kung bakit nagpunta ang pinsan niya sa kanila… para lang magtago?
She snorted.
“Paano niyo naman nasabi na nandito siya?” wala pang kasiguraduhang tanong ni Fabella. Hindi niya alma kung tama lang ba ang kaniyang pagtanong.
“Wala naman kasi siya sa bahay nila— wala rin sa bahay nila Carmie… so we simply guess that he’s here?” mahinahon lang na saad ni Adam.
Hindi naman napigilan ni Fabella ang mapangiti sa binata.
Ngumiti lang din sa kaniya si Adam. Hindi niya napansin na nakikipagtitigan na pala siya rito. Bumalik lang sila sa riyalidad nang marinig niya ang pagtikhim ni Xander.
“Kanina pa naghihintay si Lola Quanda,” tukoy ni Xander sa Lola ni Adam.
Nang tingnan siya ni Fabella ay hindi maitatago ang ngiti nito na nang-aasar. “Alam mo r—”
Pinigilan kaagad ni Fabella ang kung ano man ang sasabihin ni Xander. Parang instinct na ‘yon. Base sa itsura ng kaibigan ay alam na kaagad nito kung ano ang gustong sabihin.
At ayaw niya na munang mapunta sa topic na iyon.
“Shut up.”
“Why? Hindi pa nga ako tapos magsalita!”
“Ewan ko sa iyo, Xander,” napapailing-iling na lang na sabi ni Fabella. “Anyway, nandito nga si Misael pero tulog siya. Pasok na kayo,” sabi pa ni Fabella sa dalawang kaibigan.
Hindi naman ito ang unang beses na pumasok ang mga kaibigan niya sa bahay niya.
Nakangisi pa rin si Xander. Bago siya nito malagpasan papasok ay hindi nakatakas ang pabulong na sinabi ni Xander.
“Aamin ka rin…”
“Bastos,” bulong lang din ni Fabella at sinundad lang ang kaibigan nang masasamang tingin.
“Don’t mind him. You know him, kulang talaga siya sa atensyon.” Natigilan siya nang magsalita si Adam. Tinapik pa siya nito balikat niya bago magtuloy-tuloy papasok sa bahay niya. Pinanood niya lang si Adam na naglalakad na papasok sa bahay.
Nakasunod lamang ito kay Xander. Hindi naman muna kaagad sumunod si Fabella. Tinitingnan niya lang ang dalawang kaibigan hanggang sa makapasok sa bahay niya.
Lumawak lang ang ngiti niya at napatingin pa siya sa balikat niya kung saan ba niya naramdaman ang marahang pagtapik ng kaibigan.
Ayaw man niyang umalis sa posisyon na iyon ngunit kailangan niya ring sumunod sa loob.
Baka may gawin si Xander na hindi niya magugustuhan. But… Adam’s there, and she trusts him. Hindi naman niya kayang mangialam ng mga gamit do’n. Unlike sa dating aloof na si Xander.
She rolled her eyes.
Gosh.
Isinara niya na lang ang gate ng bahay nila at pagkatapos ay sumunod na rin siya sa dalawa niyang kaibigan. Pagdating niya sa living room ay naabutan niya si Adam na nakatayo malapit sa may bintana. At nakita niya rin si Xander na naaka-upo sa sofa.
Kay Xander natuon ang atensyon niya. Feeling niya ay bahay niya ‘to! May hawak na kaagad siyang gamit ni Fabella!
Naiwan niya nga pala ang isa sa mga notebook niya ro’n. Doon siya madalas magsulat ng kung ano-ano.
Nagsimulang magbasa si Xander kaya naman nakaramdam na talaga ng inis ang dalaga.
“Magugutom ako kapag hindi ako nagsipag?”
Patanong pa ang pagbasa nito sa mga salitang isinulat niya sa notebook na iyon.
“Oo. Akin na nga ‘yan. Napaka-pakialamero mo talaga!”
Inagaw ni Fabella ang notebook mula kay Xander at hinatak niya agad ang tenga nito.
“Fabella! Aray!” daing lang nito. Narinig niya ang marahang pagtawa ni Adam.
“Why don’t you apply it to yourself, Xander Alejandro?” tanong ni Adam. Nang magtanong siya ay binitawan naman ni Fabella ang tenga nito.
Napahawak lamang doon si Xander. “Apply, what?” he asked him while he was caressing one of his ears.
“’Yong nabasa mo,” wika niya. “Magugutom ka kapag hindi ka na nagsipag.”
Fabella purses her lips. Natahimik lang siya pero sa utak niya ay gusto na niyang sumayaw sa tuwa. Nasa likod niya ang kaniyang mga kamay na hawak-hawak ang notebook.
“I don’t need to apply that. Magsipag man ako sa hindi. Hindi pa rin ako magugutom. I am rich.”
Mayabang pa ang pagkakasabi nito.
“Nauubos ang yaman,” singit na lang ni Fabella. Adam turned his gaze to her. Napatingin na lang din ng diretso sa kaniya si Adam. Pinigilan niya lamang ang sarili niya na mapakagat labi.
Seeing his adam's apple now makes her want to bite her lip.
“What?” tanong na lang ni Fabella.
“You are rich too. Why would you want to write something like that?” tanong ni Adam.
Hindi niya inaasahan na itatanong niya iyon.
Hindi naman talaga siya ganoong ka-yaman. Katulad nila.
May pera lang.
Sa totoo lang ay noong nakaraang buwan niya pa ‘yon nasulat sa notebook niya.
Bakit niya nga ba ‘yon nasulat?
Dumadating din kasi siya sa punto na gusto niya nang sumuko sa buhay at gusto niya na lang mamahinga ng matagal katulad ng kakambal niyang si Fabello.
Maraming stress and pressure din kasi ang panay pasok sa buhay niya.
“I-it wasn’t actually about my money. It’s about my dream. There are times na parang gusto ko na lang sumuko sa pangarap na gusto kong maabot. You know to be the best, well-known fashion designer,” Fabella tells him.
Hindi niya lang kasi pangarap ‘yon. Pangarap din ng kakambal niya— she’s doing this to herself and to her brother.
Bata pa lamang ay pangarap niya na iyon. Her brother wasn’t gay. She means, most of the people— hindi niya sinasabing lahat— always have stereotypes, na porke gusto ng kapatid niyang lalaki na maging fashion designer ay gay na.
Hindi gay si Fabello.
Mas lalaki pa nga siya kay Misael Consejo.
“And?”
Bakit niya pa sinabi ang buong detalye? Hindi naman dapat! She scolded herself.
“And motivation lang. Ayaw ko kasing magutom kaya gano’n,” sabi na lang ni Fabella. Nag-iwas na siya ng tingin. Pakiramdam niya ay matutunaw na siya anumang oras.
Why is he so d*mn handsome and hot?
“I see…” Adam said.
“I think, you should wake Misael up if he’s sleeping. Kanina pa kasi naghihintay si Lola Quanda,” sabi naman ni Xander. Tumango naman si Fabella ngunit bago niya sila iwan sa living room ay sinamaan niya na muna si Xander.
“Keep your hands off on anything here,” she warned him. Natawa lang din ang dalawa.
Siya naman ay dumiretso sa kuwarto niya upang gisingin na si Misael.