FIRST MEET
Chapter 1
-Edison-
Naglalakad ako ngayon papasok sa office ko ng makita kong nakatayo sa mismong pintuan ko si Miguel at nakangisi pa sa akin ang isang ito, napabuga naman ako ng hangin ng makita ko itong natatawa at parang asong sumunod sa akin sa loob ng office ko. Best friend ko ang mokong na ito at isa rin itong businessman at higit sa lahat ay likas na sa katawan nito ang pagiging babaero, pero torpe naman sa babaeng nagugustuhan. Kung minsan ay umiiwas na nga ako dito dahil sa nalalaman kong ginagawa nito sa mga babaeng nakakasama lang nito sa kama, pagkatapos kasing makuha nito ang mga babae ay basta na lang nito iiwan ng wala man lang pakialam sa kung ano feelings ng mga babae para rito. Kaya naman hindi na rin ako magtataka dahil madalas din itong napapahamak, o mapaaway dahil na rin sa pagganti sa kanya ng mga babaeng kanyang nakakasiping. Hindi ko rin malaman sa isang ito kung ano ang nakukuha sa iba’t-ibang babae at naging mahilig ito doon, samantalang ang gusto nitong babae ay hindi man lang malapitan, ni hindi nito kayang kausapin man lang. Matagal na itong may gusto kay Fristcy isa sa anak na babae ni Uno Patterson at higit sa lahat ay may dugong De Lana.
Hindi ko rin malaman kung ano ang takbo ng utak nitong kaibigan ko, nagtataka tuloy ako kung paano ko nga ba ito naging kaibigan, iba rin ito makipaglaro sa larangan ng pagnenegosyo kaya naman marami rin ang takot na kalabanin ito. Ganoon pa man ay alam kong alam pa rin nito kung ano ang tama, at sinabi ko rin dito na huwag gagawa ng isang bagay na kanyang pagsisihan dahil sa mahirap kalaban ang batas at mas mahirap kung ako pa ang kanyang makakaban kaya iniiwasan nitong makagawa ng isang bagay na ikakapahamak rin nito, bilang kaibigan at police ng bayan nito wala rin akong sinasanto basta lumabag ka sa batas ay siguradong may kakalagyan ka sa akin. Kaya naman kahit papaano ay hindi pa kami nangkakaroon ng problema ni Miguel sa ibang bagay, malakas lang Talaga itong mang-asar kaya ito ang isang bagay na madalas naming pagtalunan kung minsan ay pinapatulan ko na rin ito dahil hindi ko maiwasan ang mapikon dito.
"What do you need, animal?" Inis kong tanong dito, pero ang gago tinawanan lang ako. Napapailing na lang ako dito at hinayaan ko na lang din itong sumunod sa akin na pumasok sa loob ng office ko at basta na lang ito nahiga na akala mo ay bahay niya ito. Dito pa talagag gustong matulog ng hayop na ito, kung di ko lang ito kaibigan ipapakulong ko na ito para naman mabawasan ang animal sa mundo. Napabuga na lang ako ng hangin dahil kahit anong gawin ko ay hindi naman ito aalis, makapal din kasi ang mukha ng isang ito kaya naman talagang maiinis ka na lang dito. Hindi naman ito kumibo at patuloy lang sa paggamit ng cellphone nito at parang wala lang din ito ang pinagsasabi ko, police ako pero mukhang pagdating dito ay hindi rin nito nakikita kung anong istado ako sa lipunan. Naupo ako sa swivel chair ko at sinimulan ang trabahong kailangan ko ring simulant, marami akong magiging trabaho ngayon kaya kahit gusto kong paalisin si Miguel ay hindi ko na lang din ito pinansin pa dahil baka mabaril ko lang din ang isang ito, nasa ganoon akong pag-iisip ng may kumatok sa pintuan at nakita kong pumasok ang isa sa mga tauhan kong police.
"Good morning, Major. Cortez, this is my team's report, Sir. Also, tonight we will take action to rescue the women kidnapped in various provinces to be sold to the Chinese." Sambit nito sa akin pagkatapos nitong sumaludo. Tinignan ko naman ang folder na binigay nito at saka pinag-aralan ang laman ng kanilang report. Isa ito sa binabantayan ko ngayon mga kasing Chinese ang kasangkot sa mga human trafficking ang pinaghahanap ng aming pulisya, magagaling magsipagtago ang mga ito kaya naman talagang nahihirapan kami na hanapin ang mga lungga ng mga ito. Napatingin naman ako kay Miguel dahil natatawa pa ito habang hawak ang cellphone nito, baliw na rin ata ang isang ito. Muli akong tumingin sa kasamahan kong police at saka muling binasa ko ang hawak na folder na dala nito ngayon. Tumayo na rin ako para puntahan ang team ni Lt. Tolentino at dapat kong makita ang magiging paghahanda ng mga ito, lumabas na rin ako at hindi ko na rin pinansin ang g*go kong kaibigan, mukhang may bagong bihag na naman itong babae. Pumasok kami sa isang kuwarto at sumaludo ang lahat sa akin, nakita ko ang ginagawa nilang paghahanda maging ang mga armas na gagamitin ng mga ito ay handa na rin. Malaki ang tiwala ko sa team ko at alam kong magiging maayos ang kanilang lakad ngayong gabi. Matapos kong macheck ang lahat ay nagbigay na ako ng command sa mga ito na kung ano ang dapat nilang gawin.
“Team, I know you are walking dangerously today. But I know you will succeed, do everything to catch the Chinese involved in this. I also want you to return safely, and if you need help, let us know right away and we will come. I'm just fixing something so I won't be able to join you, but I hope you all succeed.” Pahayag ko sa mga ito, hindi ako makakasama sa kanila dahil may iba akong lakad ngayong gabi. Pero ganoon pa man ay may inilaan akong ibang tauhan ko para sumunod sa kanila dahil ayoko pa ring mawalan ng mga tauhan lalo na at alam kong may mga pamilya din ang mga ito. Mahirap din mawalan ng mga kasamahan na magagaling at alam kong mabubuting tao, kahit nasa ilalim kami ng batas ay hindi nagagwa ng mga ito ang mang-abuso o gamitin sa kasamaan ang kanilang pagiging police. Ganito ako mag-alala sa mga kapulisan ko, ang gusto ko lang ay palagi silang ligtas sa ano mang laban ang kanilang haharapin. Pagkatapos kong kausapin ang mga ito ay bumalik na ako ng office ko pero wala na doon si Miguel at mukhang tama ako dahil natitiyak kong may bagong babae na namang naloko ang g*go. Ganoon pa man ay malaki ang tiwala ko dito bilang kaibigan nito. Nag-aalala lang ako dito dahil baka lalo lang siya hindi magustuhan ng babaeng gusto nito, kapag nalaman nito ang pagiging babaero ng isang ito. Saktong pagkaupo ko ay may tumunog ang phone hudyat na may tumatawag dito.
"What?" Pagod na sagot ko sa kabilang linya, wala akong ganang makipag-usap sa ngayon dahil na rin sa dami ng aking trabaho sa pagiging police. Napapahilot pa ako sa aking sintido dahil alam kong problema naman ang halid nito sa akin, galing sa ibang bansa ang tawag.
"Boss, you have to go to Singapore tonight because of the bidding for Aurora Alipi's pintings." Sagot ng tauhan ko sa kabilang linya. Napa-ayos naman ako ng upo dahil sa narinig kong magandang balita mula sa tauhan ko. Si Aurora Alipi ay isang sikat na pintor sa ibang bansa, at talagang kilala ang art work nito dahil sa husay at galing nito sa pagpipinta at isa ako sa collector ng mga ginagawa nitong obra, kaya naman hindi ko maaaring mapalampas ang pagbili o ang pagkuha sa obra nito kahit gaano pa ito kamahal, isa ito sa mga nagiging libangan ko ang mangulekta ng mga obra nito, dahil sa sadyang magaganda ang gawa nito at hindi rin biro ang halaga pero wala akong pakialam kung magkakano pa ito. Dahil ang mahalaga ay mapasa akin ang bagong painting nito.
"Ok, I'll come." Maikling sagot ko dito at saka binaba ko na ang tawag nito. Wala na akong sinayang na sandali at umalis na rin ako ng araw na yon. Pero bago ko yon gawin ay nagbilin ako sa iba ko pang mga tauhan na maghintay ng tawag mula sa team ni Lt. Tolentino, hindi ako pwdeng pabayaan na lang ang mga ito, kahit alam kong may iba pa akong inutusan para bantayan ang mga ito dapat kong manigurado na magiging ligtas ang mga ito at magiging matagumpay nag kanilang misyon, subalit buo ang tiwala ko sa kanilang lahat na kaya nga nilang magtagumpay.
Pasado alas otso ng gabi ng magsimula ang bidding nasa may pinakagitna ako ng puwesto dahil gusto kong nakikita ang lahat ng ilalabas na obra. Hanggang sa dumating na ang pinakahihintay kong obra na talagang pinangarap kong makuha. Ang painting ng isang babaeng naka gitna sa mga ulap na siyang magsisilbing takip sa hubog ng katawan nito, masasabi mong pangkaraniwan ang painting at kayang magaya ng iba, ngunit iba pa rin kapag ang isang Aurora Alipi ang gumawa. Makikita sa painting nito na may gusto itong iparating sa mga tumitingin iba ang meaning ng mga likha nito, makatuhulugan at talagang iisipin mo kung among ibig sabihin nito. Marami ang gustong kumuha ng obra, pero hindi ko hinayaan na matalo ako dahil sinugurado kong iuuwi ko ngayong gabi ang larawan na ito.
"One hundered thousand dollar" Sagot ng isang lalaking matanda at mukhang Chinese.
"One hundred fifty-thousand-dollar” Sagot namam ng isang babaeng naka mask. Kunot noo naman akong nakapatingin dito dahil sa pagiging maarte nitong magsalita at mababakas dito ang pagiging mayaman talaga, nakuha naman nito ang attention ko at napapaisip aako kung sino nga ba ito?
"Two hundred thousand billion" Sagot ko naman para lang matigil na ang pagbibid at ng wala na rin gusto pang lumalaban sa akin, at kahit taasan pa nila ang biding ay kaya ko pa rin tapatan yan. Napasinghap naman sa akin ang lahat at maging ang babaeng naka mask ay sa akin ang tingin. Hindi ko ito kilala dahil sa tinatago nitong mukha pero alam kong galit ito sa akin ngayon, dahil halata rin ditong gusto rin nito ang larawan na nais ko, pero sorry na lang siya dahil hindi ako kaylan man magpapatalo, nagalak naman ako dahil ako ang nanalo. Natapos na at naiuwi ko ang obra ng gabing yon, ngunit ang masayang ngiti ko habang pasakay sa aking kotes ay nawala dahil sa isang isang marangang kotse rin na humarang sa daraanan ko. Hindi ko na sana ito papansinin pero bumababa mula roon ang babaeng nakasuot ng mask kanina sa bidding, naglakad ito papalapit sa akin at maingat din nitong tinanggal ang mask na suot nito sa aking harapan at tumanpad sa akin ang isang maganda at maputing babae, matangkad rin ito tulad ko pero sadyang mas matangkad pa rin ako dito sa sobrang liit ng mukha nito ay nagmumukha na itong manikang buhay.
"Hi, I know I'm beautiful and sexy. So, keep your mouth shut man and maybe a fly will enter." Mataray nitong sambit sa akin at saka nito hinawakan ang baba ko para itikom iyon. Napaubo naman ako ng hindi sinasadya dahil sa paghawak nito ay parang mag dumaloy na kuryente sa buong pagkatao ko at maging sa Sistema ko. Natawa naman ito dahil sa naging reaksyon ko at saka sumandal pa sa unahan ng kotse ko at tinignan ako nito mula ulo hanggang paa ng may ngiti sa maganda nitong labi. Nakatingin lang ako dito at walang gustong lumabas na salita dahil para akong hinihigop ng presensiya nito.
"Well, that's why I came here because I want to buy Alipi's work and if you want, I can double the price as long as I can get the work that you have in your hand man." Masaya pang pagkakasabi nito sa akin. Hindi naman ako makapagreak sa sinabi nito dahil sa aaminin kong napapatanga talaga ako sa maganda nitong mukha at isa pa ay hindi ko kayang ibigay dito ang painting na gusto nito mula sa akin, ang tagal kong inasam na makuha ito pero kukunin lang sa akin ng isang babaeng ni pangalan ay hindi ko alam, mukhang hindi rin tama ang nangyayari.
"Sorry, but even if you pay triple, I won't give you the painting because it's mine now." Madiin at seryoso kong sagot dito. Natahimik naman ito at ang masayang aura ay napalitan ng madilim at galit na tingin sa akin. Lumapit ito sa akin at sa sobrang lapit nito ay aakalain mong naghahalikan na kaming dalawa. Nakita ko na sobrang ganda talaga nito at nakakaakit ang mapupula at maliliit nitong mga labi na hugis puso. Naamoy ko rin ang hiniga nitong nakakahali sa pangdama ko, halos takasan ako ng ulirat dahil sa nararamdaman ko ngayon sa babae kaharap ko, ewan ko pero may iba talaga sa babaeng ito.
"You're really tough man. But remember, there's nothing I can't get, and when I say I'll get it, I'll get it. Because I will make sure that it will be mine when the light comes." Sagot nito sa akin at sa gigil na boses. Lalo namang ako hindi nakagalaw dahil sa pagtitig nitong nakakatunaw sa akin, namalayan ko na lang na umalis na ito at mabilis na nakasakay sa kotse nito at saka pinaharurot ng sobrang tulin. Napabuga naman ako ng hangin dahil sa hindi ko malaman kung bakit nagiging pipi ako sa tuwing magsasalita o nasa harap ko lang ito, kasabay pa noon ay ang mabilis na t***k ng aking puso dahil sa ginawa nitong paglapit na hindi ko inaasahan.
Napahilamos naman ako ng aking mukha dahil sa inis na nararamdaman sa aking sarili. Isa akong police officer pero nagawa nitong pagsalitaan ako ng ganon-ganon lang. Kinuha ko ang phone ko at inutos ko sa tauhan ko na hanapin ang babaeng yon dahil nakakaramdam ako ng hindi maganda rito, piling ko ay may gagawin itong hindi maganda at kailangan kong maging handa. Pero aaminin kong nasasabik akong muli itong makita at makasama, kahit na alam kong hindi kami magkakasundo sa maraming bagay. Bumalik ako ng bansa para maging police officer, dahil kapag nasa ibang bansa ako ay isa akong mafia boss na kinatatakutan ng maraming tao. Marami din akong kaaway sa larangan ng pinili kong buhay subalit nakakaya kong magtagumpay sa lahat ng laban na meron ako.
Ito ang isang katauhan na matagal ko ring itinago sa maraming taon. Dalawang ang trabaho ko ang pagiging mafia boss na pinapana sa akin ng nasira kong Lolo at ang pangarap kong maging police officer ng bansa. Alam kong mahihirapan ako sa una dahil sa magkaiba ang tungkulin na meron ako, pero hindi ko kayang mamili sa pagiging police o mafia boss. Dahil sa pareho ko itong gustong gawin at mapagtagumpayan. May mga taong umaasa sa akin at alam kong kapag binitiwan ko ang isa ay may mga taong mahihirapan. Kaya kahit alam kong mahirap ay kinaya ko pa rin ang lahat para sa karamihan. Kaya naman tahimik akong ginagampanan ang tungkulin ng bawat isa sa tulong rin ng mga taong may tiwala sa kakayahan ko. Tuwing isa akong mafia boss at nagiging mabangis akong lion na gusto kong pagpapatayin ang lahat ng kumakalaban sa negosyo ko lalo na kung wala itong takot na kalabanin ako. Kilala ako sa underworld dahil isa ako sa kanila, pero hindi ako kasing sama ng iba dahil ang pinapatay ko ay sadyang salot din salipunan.
Sa pagiging mafia boss ko ay pwdeng kung patayin ang lahat ng walang sinusunod na batas, kaya kung hindi mapatay sa pagiging police ay ginagamit ko ang pagiging mafia ko para patayin ko silang lahat. Hawak ko ang batas kaya naman nagagawa kong kontrolin ang lahat ng sitwasyon ng walang makakaalam o manghihinala na ako ang may kagagawan ng mga ito. Mabilis ko ring natatapos ang trabaho sa pagiging police o mafia boss, wala akong inaaksayang oras o panahon kapag alam kong kaya kong mauli ang lakaht ng may kasalanan sa batas man o sa akin. Nahihirapan lang ako kung minsan dahil nagkakasabay ang trabaho at ang pagiging mafia ko, mabuti na lang at may mga tauhan akong kayang ayusin ang ibang trabaho na dapat ay ako ang gumawa. Ang mga tauhan ko sa mafia, ay alam nila na isa akong police office. Subalit ang tauhan ko sa larangan ng pagiging police ko ay wala silang alam sa pagiging mafia ko, at hindi rin nila pwedeng madamay dahil tiyak na matatakot lang sila sa akin, at baka isipin pa ng mga ito na isa akong kalaban para sa kanila.
Nakabalik na ako ng bansa at isang tawag ang natanggap ko mula sa isang Uno Patterson, kilala ko ito pero hindi ko alam kung ano ang kailangan nito sa akin. Malaking katanungan sa akin kung bakit ako nito gustong makausap, gayong wala akong alam na ,pwde naming pag-usapan? Magkaiba rin ang hawak naming organization kaya naman talagang napapaisip ako kung bakit ito lalapit sa akin? Ang dami kong tanong dahil ang tulad ni Uno Patterson ay hindi basta lumalapit o nakikipag-usap sa isang tulad kong wala naman ginagawa sa kanya. Gayong kilala ko itong tahimik na tao ang hindi ko lang alam ay kung kilala ko nito sa pagiging mafia ko o hindi, matinik ang isang ito pagdating sa maraming bagay. Magaling kasi ang isang ito lalo na sa pagkilatis ng mga tao, hindi ka pa nagsasalita dito ay alam na niya kung ano ang pakay mo sa kanya, ganito kabilis ang isip niya kaya naman madalas niyang nahuhuli agad ang mga taong gusto siyang kalabanin, wala din makatalo dito sa larangan ng pagbubusiness mahusay din itong makipaglaban kahit pa sabihin pa na meron na itong edad. Nagpunta agad ito sa office ng pumayag ako sa gusto nitong makausap ako, pero aaminin kong kinakabahan ko sa maging pag-uusap namin ng isang Mr. Patterson.
“Good afternoon Mr. Patterson, what can I do for you?” Tanong ko dito ng makaupo na ito sa harapan ng mesa ko. Tinignan nito ang paligid ko at maging ako, nakita ko sa mata nitong makahulugan kaya naman nakaramdam ako ng kaba para sa kung ano ang nais nito ngayon. Bihira lang ito pumunta sa isang lugar na hindi naman nito kailangan, lalo na sa isang police station. Nakita ko ring pinagkaguluhan ito ng mga kapulisan ko dahil nga sa biglaan nitong pagdating sa presinto na walang nakakaalam na ngayon ito pupunta. Kaya naman nagtataka talaga ako kung ano ang sadya nito sa akin bilang police o bilang isang mafia boss? Hindi naman kami magkalaban kaya naman wala akong maiisip na dapat naming pag-usapan dalawa, maliban lang kung may sadya talaga ito sa akin na importante o may nais malaman mula sa akin.
“This is how your office as a police officer is, I thought it was like your grandfather's office in Europe where we first met Mr. Moser.” Sagot nito sa akin naikinalaki ng mata ko, at ikinatayong aking mga balahibo. Nakita ko naman ang pangisi nito at sa akin at dahil don ay napaisip ako kung tama na nga bang nagkita na kami nito noon sa loob ng office ni Lolo. Hanggang na sa unti-unti kong naaalala ang lahat, ito pala ang kausap ni Lolo noon sa office nito, binata na rin ako noong una ko itong nakita at nakilala. Kasama pa ni Mr. Patterson ang kanyang ama na si Juanito Patterson ang ka business partner ni Lola sa isang Wine Company sa Europe. Pinakilala ito sa akin ni Lola dahil sa isang maganda daw ka partner sa negosyo ang mga Patterson, nagbigay galang pa ako sa mga ito at saka nakinig sa kanilang pag-uusap. Isa lang ang ibig sabihin nito, matagal na akong kilala nito, pero ang layunin nito sa akin ay iyon ang dapat kong malaman, dahil matinik makipaglaro ang isang Patterson at dapat akong maging alisto sa kung ano ang nais nito sa akin. Ganoon pa man ay hinarapa ko ito bilang isang police officer dahil nasa station kami ng police at dahil isa rin akong police ng lugar na ito. At hindi ko pinakita dito ang magiging mafia ko, saka na lang kung kailangan ako nito bilang mafia. Ang tunay kong pangalan ay Edison Lee Cortez Moser, sa mundo ng mafia ko ginagamit ang Moser dahil ito rin ang pinamanang pangalan sa akin ni Lolo, kilala ang aking pamilya Europe dahil isa rin kamin sa may pinakamalaking pagawaan ng alak doon. Ang Moser’s Wine Company.