Chapter 2
-Edison-
Hating gabi na rin pero andito pa rina ko sa office ko, nalilito kasi ako kung ano ang dapat kong gawin sa sinabi ni Mr. Uno Patterson kanina sa akin. At kung tama bang tanggapin ko ang inaalok nito sa akin? Kung titignan ay magiging ok pa nga sa akin ang sitwasyon dahil mapapalapit na ako sa babaeng gusto ko rin makilala, pero ang hindi ko alam ay kung magagawa ko nga bang matatino ang anak nitong babae. Ang babaeng pa lang naka mask sa event at ang anak ni Mr. Patterson ay iisa, nagulat pa ako sa sinabi nito pero naitago ko parin ang pagkagulat ko sa aking narinig. At dahil sa likas sa anak nito ang pagiging maarte at maluho sa maraming bagay ay naisipan na nitong humingi ng tulong sa akin, para patinuin ko ang anak nito na ubod ng arte sa katawan. Ang magiging kapalit ay ang protection na magmumula dito, naisip kong mas lalakas ang pamumuno ko kung magiging kakampi namin ang mga Patterson, alam ko rin na hawak ito ng mga De Lana dahil ang napangasawa nito ay isang De Lana. Hindi naman sa mahina ang grupo ko pero kung ikukumpara sa mga Patterson at De Lana ay magmumukha lang akong baguhan sa kanila.
Hindi na rin ako magtataka kung paano nito nalaman ang tungkol sa akin o maging sa painting na gusto ng anak nito. Ganito talaga ang ugali nito magugulat ka na lang sa mga lalabas sa bibig nito at sa mga nalalaman nito na hindi mo rin aakalain na alam na nito. Nakakatakot itong kalaban dahil nagpaplano ka pa lang ay alam na agad nito, kung paano pababaksakin ang mga kalaban. Kaya naman kahit maraming tao ang sumubok na mapabagsak ang isang Patterson ay ni isa ay walang nagtatagumpay, at ang lahat ay nauuwi lang sa isang malamig na bangkay. Dahil sa angking nitong talas ng pag-iisip ay hindi ito basta nauuto ng sino lang maging kanegosyo o personal na kaaway ng mga ito, iba ito gumalaw lalo na kung ang magiging kalaban nito ay ginagamitan ng utak. Si Mr. Patterson ang isa sa kinatatakutan ng mga katulad kong mafia lord, wala itong sinasanto kaya sigurdong may kakalagyan ka dito oras na ito ang makaharap mo.
“Do everything for my daughter Whanalyn to grow up and I won't have any problem if you can also make her love because sometimes her heart was made of stone. I will take care of all your transactions and I will make sure you get what you want.” Naalala akong sambit nito sa akin. Labis naman akong natuwa ng sabihin nito pwde kong mapa-ibig ang anak nito nitong babae, subalit nag-iisip pa rin ako kung anong plano ang gagawin ko para lang mapasa kamay ko ang isang Whanalyn Patterson. Dahil aaminin kong una ko pa lang makita ang babaeng ito ay tumibok na agad ang puso ko ng ganon kalakas at kabilis na kaylan man ay hindi ko naramdaman sa lahat ng naging girlfriend ko. Labis kong pinag-iisipan ang lahat na pwde kong gawin para lang mapatino ang anak nito, dahil naaalala kong sobrang lakas ng dating nito at natitiyak kong magiging mahina ako oras na makasama ko ito. Lalaki ako at ang kahinaan ay ang magandang babaeng katulad nito na masasabi kong bumihag sa aking puso, hindi ko alam kung magagawa ko itong masaktan o mapasunod sa gusto ko, pero alam kong kailangan ko yon gawin para makuha ang pag-ibig nitong wagas. Tumawag ako kay Mr. Patterson para sabihing tinatanggap ko ang hamon nito. Mukhang hindi rin alam ng anak nitong si Whanalyn ang plano ng kanyang ama kaya dapat ko pa rin maingat dito. Nasa lahi na rin kasi nila ang magaling kumilatis at lakas ng pakiramdam kaya kailangan kong mag double ingat, mukhang dito ko magagamit ang pagiging police ko, sana lang ay umubra ang gagamitin kong teknik sa dalaga.
“What Mr.? are you going to give me my painting now?” Mataray na tanong sa akin ni Whanalyn ng magkita kami sa isang restaurant, hindi pa man ito nakakaupo pero nagtanong na agad ito sa akin, iba talaga ang babae itong tulad nga ng sinabi kanyang ama at makikita ang katigasan ng ulo nito, pero buo na rin ang desisyon kong mapatino ito sa mga kamay ko, at titiyakin kong mawawala nag kaartehan nito kapag ako ang kasama nito. Tinawagan ko kasi ito para pag-usapan ang tungkol sa painting at kung ano ang magiging kondisyon ko dito, alam kong hindi ito papayag sa mga magiging kondisyon ko pero wala rin itong magagawa dahil ako ang kailangan masunod ngayon at hindi ito. Pero nagulat ako ng ganito agad ang kanyang naging reaksyon, alam kong sadya itong maarte kaya naman pinaghandaan ko na kung paano ko ito mapapasunod sa gusto ko. Hindi porke anak ito ng mayaman at pwde na akong matakot dito, mayaman din ako at kaya kong ibigay dito ang lahat yon ay kung susunod ito sa akin.
“Can you sit down first and let's talk about what I want to happen if you want to get the painting that is in my care.” Salita ko dito sa seryosong boses at saka uminom ng alak na nasa aking baso, mukhang kailangan ko kumuha ng lakas ngayon sa alak dahil tingin pa lang nito mukhang matatakot ka na. Subalit tinaasan lang ako ng kilay nito bago naupo sa tabi ko pinunasan pa nito ng tissue ang upuan at saka inayos ang paglagay ng bag nito sa ibabaw ng mesa. Napapailing naman ako sa kung paano ito kumilos at magsalita sa harapan ko, wala din itong pakialam kung nasaan ito basta ilalabas nito ang kanyang kaartehan, napatingi ako sa palagid at nakita kong nagbubulungan ang mga ito habang nakatingin sa babaeng nasa harapan ko, pero napasama ang aking aura ng makita ko na maging ang mga lalaki ay napapatingin din dito. Maiksi ang suot nitong dress na kulay asul na bumabakas ang pagkaganda ng katawan nito, sexy talaga ang katawan nito at masasabi kong pang suprer model ang datingan nito lalo na kapag naglakad na akala mo ay nasa isang stage.
“Oh, what do you want to talk about?” Maarte nitong tanong sa akin at saka pinagsalikop ang dalawang braso at saka tumingin sa akin na parang sinusuri nito ang sasabihin ko, napabuga pa ako ng hangin at saka umayos ng upo bago sinagot ang tanong nito, malalim din ang naging tingin ko dito at hindi ko matatawaran ang tingin nitong para akong nauubos. Nakakaramdam ako ng kaba dahil sa tingin nitong nakikita kong may ibig sabihin na rin. Pero police at hindi ko pwdeng maduwag sa isang babae lang, at isa pa ay ako ang lalaki kaya dapat kong ipakita dito na hindi ko magpapatalo sa pagiging matapang nito dahil mas dapat itong matakot sa akin dahil baka makagawa ako ng isang na alam kong magugustuhan din nito.
“Let's eat first. I can't think when I'm hungry.” Sagot ko dito at saka tinawag ang waitress. Nag-order naman ito ng carbonara at juice. Pati sa pagkain nito ay maarte talaga makikita dito at ang pagiging maselan sa lahat ng bagay. Pero ewan ko ba kung bakit hindi ako naiinis sa nakikita kong kaartehan nito sa katawan, ang totoo ay lihim pa akong natutuwa sa kinikilos nito kaso iba ang tingin ng mga tao dito. Hinayaan ko na lang sila alam ko naman na hanggang tingin lang ang mga ito dahil mukhang hindi rin papatalo sa kanila ang dalagang kasama ko, mataray din itong tumingin sa lahat at alam kong maging ito ay naiinis sa kung pano ito tignan ng iba. Napapatanong pa ako sa aking sarili kung ano ang katangian nito bukod sa pagiging maarte at masungit, gusto kong makita ang other side nito kaya naman magpupursige akong makita iyon at sa dalaga dahil alam kong may maganda rin itong katangian na tinatago lang nito sa akin.
“Mr. let's end this conversation because I'm going to go shopping.” Inip na nitong turan sa akin at saka kinuha ang phone nito at may tinignan doon, hindi ako nito tinitignan habang nagsasalita ito. Tahimik ko lang ito pinagmamasdan pero hindi pa rin nagbabago ang pagiging masungit at suplada nito sa akin, para akong may sakit o pangit na lalaking ayaw nitong tignan man lang kaya naman nagkakaroon ako ng galit sa aking sarili dahil naiisip kong baka wala na akong a feel sa mga babae dahil parang hindi naman ito nagkakaroon ng kahit na konting paghanga sa akin. Subalit napatingin ito sa akin, kaya naman bigla akong nagulat sa bigla rin tingin nito sa akin. Napansin ko ring mukhang bubuga na ito ng apoy kapag hindi ko pa sinimulana ng gusto nitong marinig mula sa akin, kaya naman bago pa ito tuluyang mainis ay nagsalita na ako dito.
“I have one conditions for you to get me the painting you want.” Salita ko dito, na ikinahinto nito sa paggamit ng cellphone, at tumingin sa akin na nakataas ang kilay nito, sinasabi ko na nga bang magsusuplada naman ito sa akin. Wala naman yatang oras na pwde itong hindi maarte, subalit hinayaan ko na lang din ito dahil ugali na nito ang ganoon.
“And what is that?” Pagtataray nito sa akin at saka umayos na rin ng upo. Makikita dito ang pagiging seryoso kaya naman napapaisip pa ako kung magagawa ko ng tama ang plano ko para mapatino ito o kahit ang mapapayag ito sa magiging kondisyon ko dito.
“Be your boyfriend for three months.” Seryosong sagot ko dito at tumitig pa sa mga mata nito, para makita nitong seryoso ako sa gustong sabihin dito. Pero naninggit lang ang mata nito at talagang kinikilatis kung tama ba ang narinig nito sa mula akin, nagawa pa nitong taasan ulit ako ng kilay at halos matunaw ko dahil sa talim ng tingin nito sa akin, pero nasabi ko at hindi ko na rin itong pwdeng bawiin pa buo na nag desisyon ko kaya dapat kong panindigan kung ano man ang nasabi ko na.
“Ok three months and the painting I want will be mine. Is it clear?” Sagot naman nito at saka tumingin sa akin na makahulugan. Nagtaka pa ako dahil sa naging pagpayag nito na maging boyfriend ko loob ng ilang buwan. Ganon pa man ay nakaramdam ako ng saya dahil sa wakas ay makakasama ko ito at kahit isang pagpapanggap lang ay alam kong madali ko na rin itong makukuha, gagamitan ko na lang ito ng mga galawang hokage ng sa ganoon ay maging akin din ito sa tamang panahon. Subalit napapaisip pa ako kung ganito ba talaga nito gustong makuha ang painting na kahit ang maging boyfriend ko ay papayag ito, hindi naman agad ako nakapasalita dito dahil na rin siguro sa pagkabigla ko na malamang papayag ito ng ganon din kadali, parang wala din kasi ang sagot nito sa kanyang.
“I just want you to know that I'm a jealous girl, so hide your girls because if I see that, I'll make them all bald.” Mataray nitong sagot sa akin at saka kinuha ang bag sabay alis din sa harapan ko. Wala akong nasabi ng simula naman itong magtaray sa harapan ko. Pero imbis na mainis at kinilig pa ako dahil sa sinabi nitong selosa siya. Mukhang hindi ako mahihirapan na paibigin ito dahil natitiyak kong makukuha ko agad ito sa paraang nais ko, sana lang ay hindi nito malaman ang totoo dahil siguradong may kakalagyan ako dito. Pero bago pa mangyari ay sisiguraduhin ko na rin mahal na rin ako nito at ng ganoon ay hindi na ito makaalis pa sa puder ko.
Bumalik ako sa office ko ng may ngiti sa labi at kahit may pangamba ay makikita pa rin sa akin ang pagiging masaya ko ngayong araw, hindi rin muna ako tumanggap na kahit anong reklamo sa office ko dahil marami pa akong dapat na ayusin. Pero nabago yon ng makita ko si Janet na nasa loob ng office ko at mukhang kanina pa ito naghihintay sa akin nagtaka pa ako kung paano ito nakapasok pero naisip kong dahil kilala ito ng mga tauhan kong pulis ay pinapasok na lang nila ang dalaga sa loob. Si Janet ay isang kababata ko sa Europe sabay kaming lumaki at naging magkaibigan na kami dahil sa magkalapit lang din ang mga mansion ng mga Lolo naming dalawa. Alam ko may pamilya siya sa Cebu kaya madalas siyang pumunta ng bansa para bumisita sa mga ito, pero hindi ko talaga alam na dadalaw ito sa akin ngayon.
“Janet, what are you doing here?” Tanong ko dito at hindi pinansin ang tangka nitong paghalik sa pisngi ko. Alam kong nadismaya ito sa ginawa ko pero para lang alam nito na hindi na kami mga bata na pwdeng gawin nito ano man ang kanyang gusto. Malalaki na kami kaya dapat lang dumistansya ako dito, isa pa ay may girlfriend na akong dapat kong isipin yon ang magiging damdamin nito oras na makita ako nito na may kasamang ibang babae. Kinikilig naman akong isiping girlfriend ko na ang isang Whanalyn Patterson ang pinakamaarteng babaeng nakilala ko, pero pinaka gusto ko ring makasam sa buong buhay ko. Hindi ko nalang pinahalata kay Janet na naiilang na ako sa kanya, dahil kahit papaano ay naging kaibigan ko pa rin ito at magkaibigan ang aming mga Lolo kaya minabuti ko na lang na magpokus samga papeles na nasa aking mesa ngayon.
“I just arrived and I want to see you right away honey.” Malambing nitong sabi sa akin, naupo naman ito sa harapan ng mesa ko, at saka tumingin sa akin na mapang-akit kaya naman napaiwas na lang ako ng tingin dito. Hindi naman ito ganito dati saka, alam nitong ayokong tinatawag ako nitong honey dahil wala naman kaming naging relasyon, subalit sadyang makulit din ang isang ito kaya naman mas umiinit ang aking ulo.
“I'm sorry I have a lot to do so I'm really busy right now. It's better to go to Cebu and then you can rest.” Sagot ko dito at nagpapanggap na may ginagawa akong report sa computer, kahit ang totoo at gusto ko na talagang umiwas diro. Pero sadayang makulit ito at nagpunta pa sa likod ko at hinimas ang balikat ko. Nasa ganoon kaming tagpo ng bumukas ang pintuan ng office ko at ang galit na mukha ni Whanalyn ang nakikita ko ngayon. Napatayo pa ako dahil kinakabahan ako sa pwdeng mangyari dahil nakita nito ang paghimas ni Janet sa akin, halos mawalan din ako ng dugo dahil kinakabahan ako sa kung ano ang gagawin ni Whanalyn kay Janet.
“Whanalyn, did you see wrong? Janet and I didn't do anything, she was just my friend and she was already here when I arrived at my office. We don't have a relationship so I hope you don't get mad at me please baby.” Kinakabahan kong paliwanag dito, nagtaka pa ako sa aking sarili dahil kung bakit kailangan kong magpaliwanag eh, alam ko naman isang kondisyon lang ang tungkol sa aming relasyon, pero hindi ko pa rin maiwasang hindi matakot at kabahan dito. Sa tingin palang nito ay alam ko at nakikita kong nasasaktan ito sa kanyang nakita sa aming dalawa ni Janet.
“Just relax hubby, I don't have to do anything, I just brought your food. And Janet you're just a friend so don't touch something that doesn't belong to you if you don't want me to cut off your hand.” Sambit ito at saka nilapitan si Janet para tignan mula ulo hanggang paa. Bumaling ito ng tingin sa akin at napalunok pa ako dahil sa paraan ng pagtingin nito sa akin ngayon. Masama naman ang naging tingin dito ni Janet, pero mas nakakatakot pa rin ang tingin ni Whanalyn dito, subalit sadyang kaya ni Whanalyn na makiapglaro kaya naman madali lang para dito magbago ng kanyang aura.
“Eat that and I'll leave hubby. And fix it, I'm telling you I'll break your egg the moment you fool me.” Bulong nito sa tenga ko at saka ako hinalikan sa leeg, nag-init naman ang buong katawan ko dahil sa ginawa nitong paghalik sa akin. Tinignan ko naman ito pero mabilis na itong nakalabas ng office ko, wala akong nagawa at saka muling tumingin kay Janet na masama na rin ang tingin sa pintuang nilabasan ni Whanalyn kanina lang. Lihim naman akong napangiti dahil alam kong kahit papaano ay ok pa rin kami ni Whanalyn at masasabi kong ang cute nitong magselos. Pero alam kong kailangan ko ng mag-ingat kahit natitiyak kong totohanin nito ang kanyang sinabi kanina lang.
“Your wife? Salubong na kilay na tanong sa akin ni Janet. Tumango lang ako dito at sa kinain ang dalang pagkain ni Whanalyn. Nakita ko ang galit sa mukha ni Janet pero hindi ko na lang ito pinansin pa dahil sa tuwang merona ko ngayon, hindi ko akalain na ganito pala ito ka sweet na napapaisip tuloy ako kung nakailang boyfriend na nga ba ito? Pero napagtanto ko na tapos na iyon at ako na ngayon ang boyfriend nito at hindi ko hahayaan na lumayo ito sa akin, kaya kong pumatay o mamatay para lang hindi ito mapunta sa iba. Dahil gagawin ko ang lahat para dito, umalis na rin si Janet na hindi ko na rin namamalayan pero alam kong galit ito sakin, pero wala akong pakialam don dahil ang iniisip ko ay kung paano ko makakasama ang babaeng gusto ko na ngayon.
Lumipas pa ang ilang araw ay palagi na rin kaming magkausap ni Whanalyn, kaso madalas ay hindi ko alam kung nasaan ito, kilala kasi ito sa fashion designer kaya naman palagi itong busy at nasa ibang bansa. Sa ilang linggo na rin naming magkasama ay unti-unti ko na rin ito nakikilala talagang masungit ito at suplada hindi rin nawawala dito ang pagiging maarte, subalit nakikita ko dito ang kagandahan ng loob nito sa ibang tao, dahil nung minsan kaming napadaan sa may quiapo maynila ay may nakita itong mga pulubing may mga kapansanan na gusto niyang matulungan rin.
“They are still disabled but they are still able to beg? Don't they have family that can help them?” Sambit nito sa mahinang boses. Tinigan ko naman ang tinatanaw nito at nakita kong isang lalaking lumpo at nakalupasay sa bato na mamalimos sa mga taong dumaraan roon, napatingin ako kay Whanalyn dahil sa nakikita kong gusto niyang tulungan ang isang pulubi.
“Some were intentionally abandoned by their families because of their disability, while others were just a way to make money. In this world you no longer know what is real and fake.” Sagot ko dito at saka pinaandar ko na ang kotse dahil sa ng green na naman ang stop light, nasa bayahe na rin kami at nagiging tahimik ito at sa tingin ko ay ngayon lang din ito napadaan sa ganitong lugar, napapaisip ito sa kung ano ang meron sa pulubing nakita nito. Sa nagiging matanong ito ay alam ko na rin na mayroon ng tumatakbo sa isip nito, nakikita ko dito ang pagiging ugali ng kanyang ama kaya natutuwa akong isiping magagawa nitong tumulong sa mga pulubi sa pagdating ng araw.
“Hey, what are you police doing, why don't you help them to reduce the number of beggars on the road.” Kuno’t noo tanong nito sa akin, napakamot pa ako sa aking batok bago sinagot ang tanong nito sa akin, sinasabi ko na nga bang may gumugulo sa isip nito ngayon. Wala naman akong maisagot dito dahil hindi naman naming tungkulin na matulungan ang lahat ng pulubing nasa lansangan, may mga taong gobyerno ang dapat na tutulong sa mga ito at kaming mga pulis ang magiging taga pagtanggol lang mga mamayanan.
“We are police and our aim is not to adopt all the beggars on the road, well we have other families that should be cared for and valued.” Sagot ko dito. Nakita kong nanahimik naman ito kaya naman nagpatuloy na lang ako sa pagmamaneho at hindi ko na lang pinansin pa ang iniisip nito. Doon ko namatunayan na may gintong puso rin ito at hindi puro kaartihanan lang ang alam, natutuwa naman akong isipin na ganitong kabait ang babaeng minamahal ko.