PLAYING WITH FEELING

3373 Words
Chapter 3 -Whanalyn- Ilang linggo na rin ang nakakaraan ng mag date kami ni Edison, wala naman talaga akong intention na sumang-ayon sa gusto na maging girlfriend nito sa loob ng tatlong buwan. Naisip kong mabilis lang ang panahon at madali lang ang tatlong buwan, at makukuha ko na rin mula dito ang painting ni Alipi ang isang artist at paborito kong pintor, marami na akong nabiling obra nito kaya naman talagang masaya ako dahil makakaroon naman ako ng bagong obra nito. Nang malamang kong magkakaroon ito ng bidding ay pumunta agad ako ng Singapore para sumali sa bidding, bilib pa ako sa aking sarili na makukuha ko ang obra nito at mailalagay sa bagong pinatatayo kong bahay na hindi alam ng pamilya ko. Ganito talaga ang isa sa aking ugali mas gusto kong ako ang gumagastos sa sarili ko lalo nasa mga bagay na gusto ko kong gawin at bilhin. May sarili rin akong company na hindi pa alam ng mga pamilya ko, hindi ko alam pero masaya akong ganito ang ginagawa ko, at nakukuha ang mga bagay na gusto ko mahirap man ito o hindi, basta ginusto ko ay kinuha ko at hindi ako mahahadlangan nino man. Nasa Taiwan ako ngayon dahil sa gaganaping fashion show ng kaibigan at ka business partner na si Eloisa Park isa itong half pinoy half Korean. Matagal ko na itong kaibigan at kasama sa ganitong klase ng business, ang alam ng mga magulang ko ay isa lang akong modelo at walang parangarap sa buhay, pero ang hindi nila alam ay isa rin akong designer ng mga gown at iba’t-ibang klase ng damit. Si Ate Fristcy lang ang nakakaalam na isa akong designer dahil kung minsan ay ako ang gumagawa ng gown nito lalo na kung may lakad ito sa ibang bansa, na hindi rin alam nila Mommy at Daddy. Sa totoo lang ay pasaway kami ni Ate dahil meron kaming mga kayang ilihim sa aming pamilya, hindi man naming gustong maglihim pero nagagawa naming dahil na rin sa natatakot kaming magkamali at madamay ang pamilyang aming pinagmulan. Hindi kasi biro ang pamilyang aming kinabibilangan kaya naman nagiging maingat lang kami ni Ate Fristcy, ikaw ba naman maging anak ng isang Kendal De Lana at Uno Patteron tignan ko lang kung hindi mapressure sa mga taong nasa paligid mo. Marami na rin akong nagawa at naipakilala sa buong mundo, kilala na rin ako maging sa ibang bansa. Saktong natapos na ang event ng tumunog ang phone ko at si Edison ang caller, napangiti naman ako at saka sinagot ang tawag nito. “Yes hello!” Kunwaring pagtataray ko dito, pero ang totoo ay kanina ko pa inaantay ang tawag nito sa akin. Hindi ko pa sinasabi ang totoong nararamdaman ko dito dahil sa nag-aalala pa ako dahil baka naman kasi ako lang ang may gusto dito at ito at wala naman talagang gusto sa akin, at gusto lang nitong maging girlfriend ko dahil lang din sa painting na gusto ko. Pero kung minsan ay napapaisip pa ako kung anon ga ba ang dahilan nito at nagawa nitong makipagkasundo sa akin ng dahil lang sa painting na gusto ko. Subalit ganoon pa man ay magiging ok lang din sa akin kung pagkatapos kong makuha ang painting ay magkakahiwalay na rin kami nito, basta ang importante at tumapad ito sa aming naging kasunduan. Dahil kung hindi ay sinisigurado kong may kakalagyan ito sa akin, hindi naman sa tinatakot ko ito pero iba akong magalit lalo na kung alam kong pinaglalaruan lang din ako nito. Mahilig pa naman ako makipaglaro kaya kung ayaw nitong gumawa ko ng isang bagay na gusto nito ay huwag nitong isipin na lokohin ako, dahil natitiyak kong maghihirap ito ng sobra. “I just want to know when I can see my girlfriend and I miss her so much?” Nagtatampo nitong boses, kaya natawa naman ako ng lihim dahil sa para itong batang naglalambing. Napakagat ako ng labi ng maalala ko kung paano ito pasaway sa tuwing magkatabi kami. Palagi itong nakahalik sa pisngi ko, hinahayaan ko lang din naman dahil sa gusto ko ang piling na parang meron isang taong laging nakaprotekta sayo. Ito lang unang lalaking nakahawak at nakahalik sa akin pero hindi ko pa kayang ibigay dito ang lahat dahil hindi pa ako sigurado kung ano talaga ang nararamdaman ko para dito. Maaaring nadadala lang ako sa pagiging sweet nito dahil sa magkasintahan kaming dalawa, kaya todo ang pagpipigil kong ibigay dito ang aking sarili dahil mas gusto ko paring ibigay ang aking sarili sa lalaking sigurado na akong mahal ko at hindi ang pagtingin ko kay Edison na may pag-aalinlangan sa aking puso. “Stop it, I haven’t been here in Taiwan for a day and you miss me right away. Go ahead and work hard because I don’t want to suffer in the future.” Sagot ko dito sa pa supladang boses. Natawa naman ito sa kabilang linya kaya ako rin ay natuwa ng marinig ko ang maganda nitong pagtawa. Sa totoo lang ay hinahanap-hanap ko rin ito kung minsan dahil sa aaminin kong namimiss ko rin na makasama ito. Pero alam kong may katapusan lang din ang lahat kaya naman kung minsan ay ako na lang ang kusang umiiwas dito. Pagkatapos ng event ko sa Taiwan ay nagtungo naman ako sa Japan para magpahinga dito ako nagstay sa tuwing pagod ako at gusto ko lang ng tahimik na lugar. Dito rin ako gumagawa ng bago kong damit na gagamit naming sa susunod na event. Nung humiwalay ako ng bahay sa mga magulang ko ay natuto akong pag-aralan ang lahat, mag-isa akong naglilinis ng bahay ko dito at maging sa pagluluto ay kaya kong gawin ng hindi humihiling ng tulong sa iba, dito rin ako naging independent lalo na sa kung paano mamumuhay. Si Mommy ay sobrang protective sa aming magkakapatid lahat ng galaw naming ay nakamonitor, kaya naman hindi pwdeng magsinungaling sa kanya noon. Pero ngayon ay nagagawa ko ang maraming bagay na hindi nito alam, pero kung minsan ay nakokonsensya ako dahil sa pagsisinungaling ko sa mga ito, kaya naman bumabawi na lang ako sa mga ito kung minsan pinapasyal ko si Mommy at pinagshoshopping ko ito lalo na alam nitong kumite ako ng malaki. Pero alam kong magagalit at pipigilan ako ng mga ito kapag nalaman nila ang totoo, kaya naman nagiging maingat ako sa lahat ng bagay, nang sa ganoon at hindi sila manghinala sa mga bagay na ginawa ko lalo na at nasa ibang bansa ako lumalaban sa pagiging designer ng mga damit. Kaya naman ginagalingan ko ang pagtatago dahil malakas makakutob ang Daddy ko at alam kong wala akong magiging takas dito. Kasalukuyan akong gumuguhit ng isang katawan ng isang babae ng tumunog ang phone ko at si Ate Fristcy ang tumatawag nagtaka pa ako kung bakit ito tumatawag dahil hindi nito gawain ang tumawag sa akin kung hindi naman inportante, kaya naisipan kong sagutin at baka may gusto lang itong sabihin sa akin o ipabili. “Yes Ate!” Tanong ko dito at saka tinignan ang ginagawa ko, gumuguhit kasi ako ngayon ng mga bagong design ng damit na pwde ko ulit ipanglaban sa susunod na event sa korea, hindi ko pwdeng palagpasin ang event na yon dahil magiging big event iyon para sa aming lahat na gustong maging sikat na designer sa buong asia. Isa iyon sa dream ko na gusto kong matupad ang maging top designer sa buong asia, at dahil doon ay nagagawa kong masinungaling muli sa aking mga magulang, ayaw ko mang gawin pero napipilitan ako dahil sa ayokong mapahiya ako at makikita ng aking buong pamilya. Hindi naman sa ikinahihiya ko ang pamilyang pinagmula ko, ang totoo super proud pa ako dahil sa dalawang pangalan nakakabit sa pangalan ko pero may mga pagkakataon na nagkakaroon ako ng takot na madisappoint ko ang mga ito dahil sa maling magagawa ko, kaya naman kung minsan ay sinasarili ko muna ang tagumpay na meron ko. Gumamit na rin ako ng code name ng ganoon at hindi maisip ng aming pamilya na ako ang taong nasa likod noon, sasabihin ko naman sa kanila pero hindi pa siguro ngayon saka na kapag nakamit ko na ang pangarap na gusto ko pang makamit para sa aking tagumpay, at oras na mahawakan ko ang tagumpay na yon ay ang pamilya ko ang unang makakaalam dahil sila ang tanging inspiration ko sa lahat ng bagay na aking ginagawa. “Where are you?” Madiin nitong tanong sa akin. Kinabahan naman ako kaya napaayos pa ako ng upo. Iba ang naging boses ni Ate Fristcy para itong naiiyak o natatakot na hindi ko malaman, nilalamig na rin ako dahil sa kabang meron ako ng marinig ko ang ganitong boses nito. Si Ate ang tanong hindi ugaling tumawag kaya talagang mababalot ka ng takot kapag naririnig kong tumutunog ang phone ko at ito ang caller, iba kasi ang pagiging seryoso nito at hindi ito madalas nadadala sa biro, kaya maging ang mga tauhan nila ay ilang din sa kanya. Dahil kapag nagkamali ka dito at nagkataon na mainit ang ulo nito ay siguradong may kakalagyan ka sa kanya, ito ang isang ugali na mana nito kay Daday ang pagiging seryoso sa buhay. “I’m in Japan why? Is there a problem?” Nangingig ko na ring tanong dito, ramdam kong may nangyayari kaya naman halos hindi na rin ako makapag drawing o hindi ko na rin mahawakan ang pen na kanina lng ay hawak ko pa, parang na bablanko na rin ang isip ko at ayaw ng gumana. Dahil doon ay labis ang takot ko sa kung ano ang maririnig ko kay Ate ngayon. “You need to go home now, because Mommy had a heart attack. Mommy needs us now.” Sambit nito sa naiiyak na boses, kaya mabilis ang kilos kong inayos ang lahat ng gamit ko at saka ako nagpabook sa secretary ko ng pabalik ng bansa dahil sa hindi ko pwdeng baliwalain ang utos ni Ate at saka isa pa iniisip ko ang kalagayan ni Mommy ngayon, kung kamusta na nga ba ito at kung ano ang lagay nito sa hospital. Bihirang magkasakit si Mommy kaya naman labis ang pag-aalala nararamdaman ko ngayon. Hindi pa naman ganoon katanda si Mommy para magkasakit, maalaga din ito sa kanilang kinakain kaya alam kong healthy pa ang mga ito. Si Mommy ang tipo ng taong hindi madaling sumuko kaya naman natitiyak kong malalagpasan ni Mommy kung ano man ang karamdaman nito. Tumunog pa ang phone ko pero hindi ko na lang ito pinansin pa dahil ang pokus ng utak ko ay na kay Mommy, bumibigat na rin ang kabog ng aking dib-dib dahil sa kung ano-ano na rin ang gumugulo sa isipan ko. Ayokong mawalan ng ina sa ganitong sitwasyon at isa pa hindi nito pwdeng iwan kami dahil sa wala pa akong asawa at maging si Ate Firstcy at vigin pa rin, wala pa aking mga anak kaya hindi pa rin ito pwdeng mawala sa buhay naming, tiyak rin na malulungkot si Daddy kapag iniwan ito ni Mommy. Halos wala ako sa aking sarili habang papunta ng airport, hindi ko rin kung alam kung tama pa ang mga gamit na dala ko kanina pa rin kasi hindi gumagana nag isip ko kaya naman wala talaga kong magawa ng tama. Ilang sandali pa ay lumapag nasa naia ang airplane na kung saan ako nakasak, nagmamadali pa akong lumabas dahil alam kong kailangan ko ng puntahan si Mommy sa hospital, may kotse naman dito kaya madali lang sa akin ang makapunta doon ng mabilis. Pero hindi ko inaasahan na makita si Edison ngunit nang lalapitan ko na ito ay nakita kong meron itong ibang babaeng hinihintay at hindi ako. Niyakap nito ang babae at hinalikan sa noo. Hindii ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero parang gusto ko na lang lamunin ng lupa o basta na lang mawala dahil sa doubleng sakit nanararanasan ko. Hindi ko aakalain na ganito pala ang pakiramdam ng masaktan na makitang may ibang babae ang lalaking nagugustuhan muna. Tumalikod ako ng dumaan sa harapan ko ang kotse nito, at kasabay nito ang paglandas ng luhang kanina pa gustong lumabas. Tahimik akong umiiyak habang papalapit sa nakaparada kong kotse, nanginginig ang tuhod ko at parang ayaw ng mga kamay kong magpaneho, pero naisip kong hinihintay ako ni Mommy at kailangan ko nito ngayon, hindi ko kailangang isipin ang iba dahil may ina akong naghihintay sa akin. Kaya naman pilit kong lakasan ang aking loob ko at madiin kong hinawakan ang manubela ng sa ganoon ay makaalis na ako sa lugar na yon. Habang nasa biyahe ay pinupunasan ko ang luha kong ayaw tumigil sa pagtulo, alam kong hindi naman ito para kay Mommy dahil alam kong hindi pa kami iiwan nito. Pero ang lalaking inakala kong kaya naman akong tanggapin at mahalin ay bigla na lang nawala ng hindi ko na rin alam. Siguro ay tatlong buwan lang talaga kami at ang alam ko ay malapit na yon matapos dahil dalawang linggo na lang din ay tapos na ang kontrata naming dalawa, mabuti talaga at hindi ko nagawang ibigay dito ang aking sarili dahil natitiyak kong mas lalo lang ako masasakyan ngayon. Muli kong pinahid ang huling hula at saka mabilis na nagbago ang aura ko. Matalim ang tingin ko at makikita rin sa mata ko ang galit, pero may kasamang pang-iinsulto, isa akong Patterson kaya walang sino man ang kayang manakit sa isang tulad ko, hindi ako pwdeng matalo ng ganito lang dahil gaganti ako at sisiguraduhin kong hihinngi ito ng awa sa harapan ko, nakamali ka ng kinalaban Mr. Cortez dahil ako ang nakatapat mo. Pinabilis ko ang takbo ng kotse ko at ng makarating ako sa hospital ay walang akong pakialam kung sino ang haharang sa daraanan ko wala rin akong paki kung wala sa ayos ang parada ng kotse ko, at bumababa ako na matalim ang tingin sa lahat. Inalis ko sa sarili ko ang pagiging mabait ng ilang taon at muli kong pinakita sa lahat kung gaano ako kataray at walang pakialam sa lahat ng natatapakan ko, galit ang makikita sa akin kaya naman wala din gustong humarang sa daan ko. Pumasok ko ng hospital na taas noo at alam kong lahat ay nakatingin sa akin, nakita ko ang isang body guard ni Daddy kaya naman dinala ako nito sa room kung nasaan si Mommy. Pagod ako dahil sa mabilisang biyahe ko pero mas pagod ang utak at puso dahil sa pagtataksil na nakita ko sa hayop na lalaking yon. Nakita kong nakatayo si Kuya Dos malapit sa may binta at karga nito ang anak nitong lalaki, wala naman si Daddy at Ate Firstcy at si Mommy ay natutulog sa kama nito. Nagulat pa si Kuya sa pagdating ko pero hindi naman ito nagtaka sa naging pagkilos ko. Bumalik lang naman ako sa magiging mataray at madilta, alam kong sanay na sila sa akin kaya alam kong ayos yun sa kanila, ito ako kaya daoat lang na ito ang makita nila sa akin. Dahan-dahan akong humalik sa Mommy sa noo at saka hinawakan ang kamay nitong mapulta, pumayat din ito at halata dito na may sakit nga ito, pero magkaganoon man ay nakikita kong maganda pa rin ito. Naupo ako sa tabi nito at saka hinalikan ang kamay nitong malambot pero nakikita na pa rin ang magiging makinis nito, maalaga kasi si Mommy sa kanyang katawan kaya naman makikita talaga ang maganda nitong kutis, nagpupunas na rin ako ng luha pero tahimik lang ako dahil ayokong marinig ng iba ang kalungkutan ko. Alam kong nakatingin sa akin si Kuya Dos kaya naman hindi n anito mapigilan ang magsalita. “Mommy is ok, the doctor said that she just needs to rest ang that she also needs someone to be with her, she shouldn’t get tired first, she can go out tomorrow because everything is fine with her.” Sambit ni Kuya sa likod ko, tumango lang ako dito at saka muling tumingin kay Mommy na mahimbing ang pakakatulog. Masaya naman akong malamang mabuti na rin ang kalagayan nito, dahil baka hindi ko talaga kayanin kung ano man ang mangyayari dito. Ilang sandali pa ay dumating na sila Daddy ay Ate Firstcy galing daw sila sa doctor ni Mommy para malaman kung anong kondisyon ng puso nito, nakikita ko ang kalungkutan na mata ni Daddy. Alam kong masuwerte si Mommy dahil alam naming lahat kung gaano nito kamahal si Daddy, maganda rin ang story ng nilang dalawa at aaminin kong umaasa pa rin akong makakahanap ako ng tulad ni Daddy, isang lalaking kaya akong mahalin ng tapat at wagas. “Ate,” Tawag ko dito at saka kami ng besong dalawa. Simple lang si Ate at hindi makikitaan ng kaartihan sa katawan, hind kagaya ko na halos na sa akin na ang lahat ng kaartihan sa mundo, pero wala naman akong pakialam kung ayaw ng iba sa akin dahila ang importante lang sa akin ay tanggap ako ng aking buong pamilya. Niyakap naman ako ni Daddy at hinalikan ako nito sa aking noo, si Kuya naman ay nasa tabi na ni Mommy at inaayos ang swero nito sa kamay. Kompleto kami ngayon ang asawa naman daw ni kuya Dos ay bumali ng pagkain sa babae dahil hindi pa daw sila kumakain, mabait ang asawa ni Kuya Dos na si Ate Rizza at nakikita kong mabuti rin itong babae at mapagmahal na asawa kay Kuya. “What time did you arrive?” Mahinang tanong sa akin ni Daddy habang nakahilig ako sa balikan nito at nakasandal pa kami sa isang coach dito sa mismong loob ng kuwarto ni Mommy, malambing ko kay Daddy dahil isa akong Daddy’s girl at proud akong sabihin yon sa lahat. Kahit kasi pareho kaming babae ni Ate ay malaki ang aming pagkakaiba, magkapatid kaming dalawa pero opposite ang mga ugali namin. Si Ate ang tipo ng taong pwde mong iwan sa loob ng bahay at kaya rin nitong mabuhay sa sarili nitong mundo, may mga kaibigan naman ito pero hindi ito madalas sumama o makipaghalubilo sa ibang tao introvert din kasi ito kung minsan. Samantalang ako ay kaya kong sabayan ang lahat kahit sino pa ang nasa harapan ko, palaban din ako at hindi ako basta nagpapaapi sa mga taong walang kuwenta. “I just got here today and I’m going straight away because I want to see Mommy right away.” Simpleng sagot ko dito habang nakatingin kay Mommy sa kama nito at natutulog pa rin. Si Ate Fristcy naman ay naghihimay ng mansanan at saka ibinigay sa pamangkin naming si Juan ang unang anak ni Kuya Dos. Umuwi na rin kasi muna sila Kuya Dost at Rizza para ayusin ang magiging kuwarto ni Mommy bukas, kailangan kasing walang alikabok sa paligid nito at kaialngan din maaliwalas ang magiging paligid nito, kaya naman nagpatawag na si Kuya ng mag-aayos ng magiging kuwarto ni Mommy para pag-uwi nito bukas ay magiging maayos ang pagpapaghinga nito. Lumapit naming sa amin si Juan at nagpakandong kay Daddy at saka binigyan si Daddy ng mansanas, mapacute talaga ni Juan at kung magkakaroon ako ng anak ay gusto ko ring lalaki ng sa ganoon ay para itong si Kuya Dos na palagi kaming inaalagaan at mas iniisip pa kami nito kaysa sa kanyang sarili. Ang sweet ni Daddy kay Mommy kahit kaylan ay hindi nagbago ang pagtingin nila sa isa’t-isa, ang alam ko nga kahit na matatanda ang mga ito ay naglalabing-labing pa rin ang mga ito. Gaya ni Daddy ang hinihiling ko pero sa ngayon bihira na ang makatagpo ng lalaking tapat at totoo, dahil ang mga lalaki ngayon ay hindi na marunong makontento sa iisang babae, kaya talagang masuwerte si Mommy dahil si Daddy ang kanyang nakatuluyan at kanyang panghabang buhay na. Pero hangad ko pa rin ang pagsasama pa nila ng matagal dahil hindi pa kami na ikakasal ni Ate Fristcy ko, dapat din bago sila mawala ay maranasan pa ng mga ito ang mag-alaga ng maraming apo ng sa ganoon ay malibre kami sa pag-aalaga. Grabe noh ang lakas ng loob kong masalita ng apo eh, wala naman ako lalaking papaksalan. Wala na talaga dahil may iba na ang lalaking gusto ko sana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD