THE STRUGGLE

3378 Words
Chapter 4 -Whanalyn- Nasa mansion ako ngayon at inaalagaan si Mommy, sinabi ko kay Ate Fristcy at Daddy na gusto kong alagaan si Mommy, tutal ay wala pa naman akong event na kailangan puntahan o kailangang salihan kaya dito muna ako sa bahay at para din makasama ko si Mommy ng matagal, ang totoo ay nahihiya na rin ako kay Mommy dahil matagal na itong nalulungkot dahil sila na lang ni Daddy ang mag kasama sa mansion, kaya naman naisipan kong samahan ko na lang muna ito habang nagpapagaling pa ito. Ganito pala ang pakiramdam kapag mag-aalaga ka na ng magulang mo, masaya at nakakatuwang makitang alam mong kailangan ka nila bilang anak nila, at nagagawa mo ang tungkulin mo sa kanila. Ilang araw ko ring naalagaan si Mommy hanggang sa maging maayos na naman ito bumabalik na rin ang lakas nito dahil nagagawa na nitong paluin kami sa tuwing naiinis na ito sa amin. Natutuwa naman akong muli pa naming makakasama si Mommy at alam kong maging ito ay masaya dahil makakasama pa kami nito ng matagal. Pero ayos lang sa amin na nakikita itong masigla at masaya, madalas din andito si Juan at Kuya Dos, si ate Rizza pala ay umuwing probinsya dahil sa may sakit rin pala ang ama nito. Ilang beses na rin akong tinatawagan ni Edison pero hindi ko ito pinapansin, inaantay ko lang sumapit ang linggo at pupuntahan ko na rin ito sa kanyang office, para kunin ang painting na napag-usapan naming dalawa, tapos na ang kasunduan kaya dapat lang nitong ibigay kung ano man ang aming na pag-usapan. Wala na rin akong pakialan dito kung gusto nitong mang babae, o kahit ilang babae pa ang gusto nitong sipingan ang importante sa akin ngayon at ang painting ko na gusto ko lang makuha mula dito. Ayos na rin sa akin ang lahat dahil naisip kong hindi ko naman pala ito totong boyfriend, pero alam kong nasasaktan ako pero ano ang magagawa ko hindi naman totoo ang lahat sa amin at isa lang iyon kasunduan. Kasunduan na alam kong mali at hindi sana ako pumayag dahil nahulog ako sa kung ano man ang naging plano nito sa akin, pasalamat na lang talagas ako at nakita ko ang totoo nitong kulay at pagkatao dahil kung hindi ay patuloy lang ako nitong lolokohin at baka naibigay ko pa dito ang isang bagay na alam kong pagsisihan ko sa huli. Isang araw ay nasa kusina ko at gumagawa ng cake para sa kaibigan kong si Eloisa dahil sa kaarawan nito ngayon, at gusto ko rin itong sopresahin sa naisip kong ireregalo dito. Hanggang sa sinabi ni Ate Solly na may bisita kong naghihintay sa may sala. “I don’t expect anything now so you can send him away.” Sagot ko ng hindi ito tinitignan, naging busy ako sa pagdedecorate ng cake at hindi ko na lang ito pinansin pa, wala naman talaga akong inaasahang bisita kaya mabuti pang paalisin na lang nito dahil talagang busy ako ngayon, at ayoko ng istorbo lalo na sa paggagawa ko ng cake ngayon. Hanggang sa naging busy pa rin ako at may naramdaman akong parang may nakatingin sa akin, kaya naman napatingin ko sa may pintuan at nakita kong nakatayo roon si Edison na kuno’t noong nakatingin sa akin. Hindi ko ito pinansin at basta ko na lang ito inirapan, wala akong panahon na makita o kausapin ito kaya anong ginawa pa nito dito. “You really don’t want to talk to me Whanalyn?” Tanong nito sa galit na boses. Hindi ko parin ito pinansin at patuloy lang ako sa ginagawa kong paglalagay ng design sa cake, hanggang sa maramdaman ko na nasa likod ko na ito at hawak ang bewang ko. Napaigtad pa ako dahil sa ginawang nitong pag-amoy sa buhok, napakagat naman ako ng tabi dahil ka kinikilabutan ko sa paghawak nito na banayad at haplos nitong pino. Pero kung inaakala nitong madadala ako sa paghaplos nito ay nagkakamali ito dahil wala ng dating sa akin ngayon ang paghawak nito dahil nangdidiri lang akong dumikit at hawakan nito. Nang hahalikan nito ang batok ko ay mabilis akong umalis sa harapan nito at saka nagpanggap na may gagawin pang ibang bagay sa kabilang mesa. Napahawak naman ito sa kanyang batok at nakita ko rin kumagat ito sa mapula niyang labi, na alam kong nagbibigil ng inis dahil sa pagkabitin nito. Dati-rati kasi ay hindi ako umaangal sa kung paano ako nito halikan, at hawakan hanggang sa mauwi na lang iyon sa mainit na halikan. Pero ngayon ay alam kong hindi na tamang maulit pa yon dahil alam kong may iba itong mahal at alam kong ilang araw na lang din ay maghihiwalay na kami dahil tapos na rin ang three months na on a relationship naming dalawa. “Whanalyn, do we have a problem?” Tanong nito habang nakatitig sa akin. Tinignan ko ito ng seryoso kaya nakita ko ang pagbabago ng aura nito, nagtataka rin ito sa kung ano ang kinikilos ko ngayon pero nagtaas lang ako ng kilay dito at saka ako kumuha ng isang flower na ilalagay ko sa cake na ginagawa ko, pinakita ko dito na wala akong pakialam sa kung ano man ang gusto nitong sabihin sa akin, galit ako dito at iyon lang ang tanging nasa isip ko. Pero alam kong hindi pa nito alam yon kaya magdusa siya, siya rin ang may kasalanan kaya naman dapat lang yan sa kanya. “Nothing, I’m just busy right now. Buy the way why are you here?” Preskong tanong ko dito na lalo naman nito pinagkata. Inartihan ko pa ang aking salita dahil para lalo lang ito mainis sa akin, kung magaling itong magpanggap pwes mas magaling din akong magkunwari na hindi ko ito karelasyon at isa lamang kakilala, tutal wala na rin naman talaga kami at malaking pagkakamali sa buhay ko ang pumayag ako sa gusto ito. Nakita kong nag-iba rin ang tingin nito sakin, kumuno’t ang noo nito at mababakas ang takot na nakikita ko dito. Pero hinayaan ko lang ito at muli ako nagpatuloy sa pag-aayos ng cake ko, malapit ko na sana itong matapos kung hindi lang dumating ang hayop na ito, nagmamadali pa man ako dahil baka malate pa ako sa party mamaya kay Eloisa. “I think we have a problem now, because you forget today is Friday and today is our date love.” Sagot nito sa seryoso pero maririnig ang lambing sa dulo. Napahinto naman ako sa ginagawa ko at napatingin dito na walang imosyon, wala talaga akong maramdaman dito na kahit ano kung di galit at parang gusto na lang ito sapakin o saktan at kung maaari ay ay ipapabugbog ko ito sa mga pinsan kong lalaki, dahil sa ang galing nitong magtago ng totoong kulay. Akala siguro nito ay wala pa akong alam sa lahat ng kalokohan na ginagawa nito sa akin, nakakalimutan ata nito na isa akong Patterson at De Lana at nagagawa nito akong paglaruan ng ganon-ganon lang, pero dahil magaling din talaga ito ay sasabayan ko ang pagiging actor nito. “I can’t now, you see I’m so busy. And also, it’s my friend birthday so I really can’t go today. If you want, you can invite someone to date with you tonight. Because I’m not in the mood to go with you.” Mataray at maarte ko paring sagot dito, wala akong pakialam sa kung ano ang gusto nitong isipin sa akin dahil ngayon pa lang ay kaya ko na itong ituring na ibang tao, iniwan ko na rin ito dahil talagang naiireta ako sa pagmumukha nito. Ngunit nasa sala na ako ng maabot nito ang kamay ko at napadikit ako dito nabigla ako sa nangyari kaya naman hindi agad ako nakakilos. Nakita ko sa mata nito ang pananabik at nagsusumamo na sumama ako dito ngayon, pero sa tuwing naaalala ko ang nakita ko ay nagagalit ako sa kalooblooban ko, hindi ko talaga makakalimutan ang araw na may nakita itong ibang babae at talagan sweet pa silang dalawa. “Let me go Edison” Galit kong turan dito, pero itong lalaking to ay niyakap lang ako ng mahigpit at ikinulong sa kanyang mga bisig, naririnig ko pa ang malakas na t***k ng kanyang puso napapaisip tuloy ako kung bakit ganito ito sa akin, hindi ko malaman kung bakit ako nito pinahihirapan ng ganito. Sana kung hindi ito ngaloko at magiging ok pa nasa sa amin ang lahat pero ngayon ay huli na kaya naman wala na rin ako magagawa kung di ang umiwas at kalimutan ano man ang nararamdaman ko para dito. Para naman ako nanghihina dahil sa ginagawa nitong pagyakap sa akin, subalit nilalabanan ko kung ano man ang ginagawa nito sa akin, ayokong muling madala sa kung ano ang gusto nito sa akin, dapat na ako ang masusunod sa kung ano ang gusto kong gawin sa lalaking ito, at hindi siya. Ayoko ring matalo sa larong ako mismo ang nagsimula. “Please tell me if I did something so I know, so I won't do it again. I can't stand how cold you are to me, so please tell me what's bothering you, Whanlayn, because I can't be quiet when you're like this, please tell me?” Pagsusumamo nito at sa nang hihinang boses, ako naman ay napangiwi dahil sa ang galing nitong umarte na akala mo talaga ay nasasaktan, o baka naman hindi ito napagbigyan ng babae nito kaya nasa akin ito ngayon at ako ang gustong makuha. Pinilit kong humiwalay dito at baka hindi ko na rin kayanin at bumigay ako sa lalaking to, nararamdaman ko pa naman ngayon ang paghalik nito sa aking noo. Binuhos ko ang buo kong lakas para lang makakawala dito ngayon dahil talagang nakakaramdam ako ng pangdidiri para sa binata. Hindi ko talagang kayang dumikit dito dahil naiisip ko na marami itong babaeng dinidikitan at hinahalik ito. “Leave first and I still have a lot of things to do, we're only going to date next week after all the contract is about to end.” Malamig at walang buhay kong sagot dito, tinignan ko ito sa mata at nakita ang mas lalong pagtataka nito, alam nitong meron mali pero taas noo lang akong tumingin dito at hindi ako nagpakita ng kahit na anong awa dito, tinaasan ko lang din ito ng kilay para naman maisip nito kung ano nga ba ang kanyang pagkakamali. Pero ayon sa nakikita ko dito ay magaling talaga itong magpanggap na inosente kaya naman napapangisi na lang ako dito na parang nakakaloko, magalit na siya pero wala akong pakialam. Ilalabas ko ang pagiging maldita ko at hindi talaga ako papatalo sa manglolokong at babaerong ito. “Ok, it's up to you, I'll see you at the weekend and then I'll make sure no contract ends.” Determinadong sagot nito sa akin, at saka ako iniwan na tulala at nakatanaw sa likod nitong papaalis. Wala akong ibang masabi sa lalaking ito talagang pulis ang pag-uugali at hindi nagpapatalo sa lahat ng bagay, lalo na sa paninindigan nito sa mga salitang binitiwan. Masama naman ang naging tingin ko dahil talagang ang lakas pa ng loob nitong masabing walang magaganap na end of contract samantalang ito naman ang unang nagloko, sige gusto mo ng laro makikipaglaro ako sayo kaya humanda ka Mr. Police Officer dahil sa labang ito ay ako ang mananalo, at ikaw ang susunod sa gusto ko at ibibigay mo sa akin ang gusto ko. Hindi ako magpapakita ng kahit na anong takot dito, dahil handa akong humarap kahit sino pa ang makakalaban ko. At mas lalong hindi ko natatakot kahit sabihin pang police ito o isang heneral ng bansa, dapat ay siya ang matakot sa akin dahil sa pagiging Patterson at De Lana ko, kaya kong bilhin ang batas maging ang buhay nito ay kaya kong bayaran kung gugustuhin ko. Pero hindi ako ganoon kasama pero oras na malaman kong may gagawin itong hindi maganda sa akin ay talagang lalabanan ko ito ng ayon sa kagustuhan ko at hindi dahil sa batas na meron ako sa aming pamilya. Hindi ako hihingi ng tulong kay Daddy dahil alam kong magagalit lang ito sa akin, dahil iisipin lang nitong nagpapatalo ako sa isang walang kuwentang lalaki at police na wala man lang silbi sa buhay namin. Mali man ang iniisip ko ay kaya ko pa rin iyon gawin dahil hindi ako papayag na matalo lang ng walang ginagawa, hindi pa ako kilala ng police nito kaya dapat ko talagang paghandaan ang paghaharap naming dalawa. Dumating ang weekend at sa isang sikat na reastaurant kami nagkita, sinama ko si Eloisa para maging witness sa aming dalawa ng pulis na matulis na ito. Nang laki ang mata ng police office ng makitang may kasama akong kaibigan at katulad ko ring maarte at suplada. Hindi ko ito pinansin at naglakad lang papalapit sa kinaroroonan nito, napangisi pa ako dahil alam kong naiinis na ito ngayon sa akin, pero ganitong alro ang gusto niya ay ibibigay ko tignan natin kung sino ang unang susuko sa aming dalawa. Sana kung hindi niya ko niloko baka sakaling maniwala pa ako sa sinasabi nitong pagmamahal, pero dahil hindi ako t***ga at hindi ko hahayaan na mapaikot lang ng isang taong mas t***ga pa sa akin. Ito ang laban na gusto ko at alam kong ikakapanalo ko ito. "I think we need to switch seats, you see I'm with someone so we can't just sit on two seats." Mataray kong sambit dito at saka ako tumingin sa paligid para maghanap ng ibang mauupuan, may nakita naman akong bakante kaya naman muli akong tumingin sa binatang ng ngingit-ngit na ngayon sa galit, buo ang magiging plano kaya naman ayos lang sa akin kahit magalit ang pa ang mokong na ito basta ibigay na nito ang painting na kailangan ko, ng sa ganoon ay walang mangyaring gulo sa pagitan naming dalawa. "Sissy, what kind of food is there? I would like to eat at an Italian restuarant." Sabat naman ni Eloisa sa maarteng boses rin, sympre dapat maarte rin ang kaibigan ko dahil mas maarte ako, mas suplada pa sa akin si Eloisa at kung titignan ay talagang sosyal kaming dalawa ngayon na nag-uusap. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao sa restaurant, pero sympre wala pa rin kaming pakialam dito ni Eloisa, basta gagawin naming kung ano ang gusto naming gawin. Mataas ang tingin ko sa aking sarili, hindi dahil sa pangalang dala ko kung di dahil ganito na talaga ako, hindi ako mas yuyuko sa mga taong alam kong hindi dapat igalang sa mundo. "I don't know, maybe it's Filipino food. Sagot ko naman dito habang pareho na kaming nagmamasid sa buong paligid, maraming kumakain kahit na simple ang mga pagkain na andito, pero nakikita kong masasarap ang pagkain ang totoo ay natatakam na nga ako at parang gusto ko na ring maupo at kumain na lang. Pero hindi iyon ang sadya ko kaya naman isinang tabi ko ang aking pagakgutom at muling tumingin sa policer officer na hanggang ngayon at nakatanga pa rin sa aming dalawa ni Eloisa. Nakita kong nakasimangot at nakataas na ang kilay ng pulis kaya mas lalo naman ako natuwa dahil kita ko na ang panalo ko ngayon pa lang. "Wait, there doesn't seem to be an empty seat for the three of us, maybe it would be better if we finish the contract now and you give me the painting, after all, it looks like you enjoyed being with me. And I think I played well as your FAKE girlfriend for a few months, right Mr. Police officers? Well, I don't know if you did your part to temporarily become my boyfriend.?" Pangiinsultong tanong ko dito, pinadiin ko pa dito ang salitang Fake dahil iyon naman talaga ang totoo, una pa lang at isang malaking fake na ang lahat, at isa iyon sa pinagsisihan ko sa buong buhay ko ang makipagrelasyon sa isang police officer na isang babae, nakalimutan ko ang sinabi ni Mommy noon na ang mga police ay hindi maaaring pagkatiwalaan dahil ang iba dito at taksil at traydor sa lipunan. Napapatingin akong muli kay Edsion at tinignan ito mula ulo hanggang paa, at naisip kong baka nga isa ito sa mga police na kalaban din nga ming pamilya, at kung sakaling tama nga ako at nasisigurado kong isa lang sa amin ang pwdeng mabuhay. Kung kanina ay inis at galit lang ang makikita dito, ngayon ay parang gusto ako nitong sakalin o patayin dahil sa tingin nitong sobrang tigas at talim, iba na ang naging aura nito kaya naman mas nageenjoy ako sa larong ito. Alam kong magagalit ito pero magandang hangga't maaga ay alam na nito ang totoo na walang sinong tao ang pwdeng lukuhin ko at gawin t***ga sa paningin ng ibang tao, ito ang sinasabing bagsik ng isang api, napapkuyom pa ang kamao nito at nanginginig ang panga sa galit. Kaya naman lumayo ako ng konti at saka tumingin dito ng nakangisi, naglapag ako ng isang papael sa harap ng mesa nito at saka ngumisi ng matamis, pinakita ko dito ang mapang-akit kong tingin kaya naman gumalaw ang adams apple nito at nakita ko ang paglunok nito sa aking harapan. Iniwanan ko na ang isang maliit na papel na may nakalagay na address, napatingin naman ito sa papel na binigay ko at binalik ang tingin nitong nakataas ang isang kilay. Grabe din ang isang ito dahil ang galing din nitong magpataas ng kilay na akala mo ay babae, sana nga lang naging babae na lang ito ng maranasan nito ang masaktan tulad ng ginawa nito sa akin ngayon. "There you send the painting for me and I will take care of it. Thank you for your time, at least I enjoyed it; bye Mr. Police officer." Sagot ko pa dito at saka ito tinalikuran, wala akong narinig na sagot dito dahil alam ko ring ano mang oras ay sasabok na ito sa galit. Nilambutan ko pa ang aking paglalakad dahil alam kong naktingin ito sa akin, nagtawanan pa kami ni Eloise habang papalabas ng restaurant. Kanina habang papunta kami ay sinabi ko na dito ang plano ko, tumutol pa nga si Eliosa sa gusto ko dahil mukha naman daw seryoso sa aking ang police officer na yon. Pero sinabi ko dito ang tungkol sa nakita ko kaya naman napapayag ko itong samahan ako kanina na hindi man alng angdalawang-isip, kilala naman ako nito hindi ako gagawa ng isang bagay kung hindi ako sigurado at natitiyak kong tama ang lahat ng hinala ko. Matagal na kaming mag kaibigan at isa lang ito sa mga taong lubos na nakakakilala sa buong pagkatao ko, ito rin ang katuwang ko sa lahat ng pangarap na meron ko, simple lang ang buhay nito ng makilala ko pero dahil sadyang masipag ito at madiskarte sa buhay ay nakamit din nito ang pagiging event coordinator na ito mismo ang may-ari. Sa ilang taon naming magkakaibigan ay nakita ko na kung paano ito masaktan at mahirapan, lalo na noong iwan at lokohin din ito ng dati nitong boyfriend. Subalit ganoon pa man ay humanga ako dito ng hindi ito sumuko at muling bumangon sa at muling tumapari at abutin ang pangarap na matagal na niyang gustong marating. Natutuwa naman ako habang papaalis sa lugar, natawawa pa kami ni Eloise hanggang sa makasakay kami ng kotse nito, hindi ako nagdala ng kotse dahil dadarecho na kami ni Eloisa sa airport dahil pupunta kami ng Taiwan ngayon dahil sa dadalawin namin ang anak nito na nasa puder ng kanyang mga magulang. Dalang ina ang kaibigan ko, hindi rin nito kilala ang lalaking kanyang naka one night stand. Pero magkaganoon pa man ay masaya siyang pinapalaki ang anak nitong si Jerome, masayang bata si Jerome nasa tatlong taon na rin ito at ako lang ang nag-iisang Ninang nito dahil ayaw ipaalam ni Eloisa sa iba pa naming mga kakilala ang nangyari sa kanya dahil nahihiya daw siyang malaman ng iba ang nangyari sa kanya noon at baka maging tampulan ng tukso ang kanyang anak dahil sa wala itong amang matatawag. Ang sabi ko naman dito at darating ang araw na maghahanap ng isang ama ang kanyang anak, pero ang sagot lang nito ay saka na lang daw niya iton iisipin kapag nangyari na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD