Chapter 5
-Edison-
Halos maubos ko ang lahat ng bala ng baril ko habang binabaril ko ang isang target andito ako ngayon sa firing range sa loob mismo ng mansion ko. Punong-puno ako ng galit dahil sa mukhang naisahan ko ni Whanalyn ginawa ako nitong t***ga at b*bo, ganon ba talaga ang ugali ng babae yon pagkatapos ng lahat ay para lang akong basahan na basta lang nito itatapon pagkatapos nitong gamitin. Alam ko naman na una palang ay mali na ng alokin ko ito na maging girlfriend ko sa loob ng ilang buwan, pero pumayag naman ito sa akin kaya naman ang buong akala ko ay magiging ok rin sa amin ang lahat, pero mukhang nagkamili ko ng pagkilala sa babaeng yon dahil nagawa niya akong paikutin sa palad niya ng wala akong kalam-alam. At mas lumakas ang aking kutob ng pumunta ako sa kanilang mansion at nakita ko mismo ang pagkailang nito sa akin, para itong nangdidiri sa katawan ko na ayaw ako nitong lapitan, hindi ko pa alam kung ano ang nangyayari kaya naman pinag-aaralan ko ang mga kinikilos nito.
Pero naisip kong baka pagod lang ito at marahil ay maraming iniisip dahil na rin sa kakalabas lang ng hospital ng Mommy nito, alam kong nag-aalala lang siguro ito sa kanyang ina kaya mainit ang ulo nito ngayon. Handa ko naman itong intindihin kung meron itong pinagdadaan sa kanyang pamilya, kaya ko itong suportahan kahit gaano pa kahirap ang problema nito. Subalit napapaisip ako kung ano ang totoong dahilan nito dahil ramdam ko ang panglalamig nito sa akin, may nakikita ring akong galit sa mga mata nito na hindi ko rin malaman kung saan ng mumula o nanggagaling? Gusto ko sana itong kausapin para tanungin at mapag-usapan kung ano nga ba ang problema nito o kung ano ang meron dito at ganito ang pakikitungo nito sa akin ngayon? Nagulat pa nga ako noong isang araw dahil nalaman ko sa ama nitong dumating na pala ito ng bansa ng hindi man lang ito nagsasabi sa akin, kaya naman gusto ko na agad itong makita at makasama pero ang mataray at kaartehan alng nito ang pinakita nito sa akin, nawala na rin dito ang pagiging sweet at maalalahanin nito sa tuwing magkausap kami sa phone.
Doon pa man ay napaisip na ako sa kung ano ang dahilan nito at nagagawa nitong pasakitan ako ng ganon na dati naman ay hindi nito nagagawa sa akin. Malakas ang kutob ko na may iba dito hanggang sa puntahan ko ito sa kanilang mansion, welcome naman ako dito dahil sa ilang beses na rin akong nakarating sa kanila, kilala na rin ako ng Mommy nito at alam nilang mangliligaw ako ng kanyang anak, maging ang lahat ng kapatid nito ay nakakausap ko na rin sa tuwing aabutan ko ang mga ito sa kanialng mansion. Subalit iba ngayon kahit nasa malapit lang ito sa akin ay hindi ko magawang lapitan o mayakap man lang ang babaeng mahal ko. Oo mahal ko na si Whanalyn, balak ko na ring umamin dito sa darating na date namin gusto ko na rin totoohanin ang lahat ng tungkol sa aming relasyon ng sa ganoon ay makita nito ang pagiging seryoso ko dito. At kung papalarin ay gusto ko na rin itong makasama at maging asawa, handa naman akong amghintay dito kahit gaano pa katagal kung ayaw pa nitong magpakasal kaming dalawa. Pero ngayon ay malaking katanungan sa akin ang lahat, dapat kong malaman kung ano ang dahilan nito at gusto na lang nitong tapusin ang lahat sa aming dalawa ng hindi man lang nagpapaliwanag sa akin o kahit sabihin man lang nito ang kanyang dahilan at baka maunawaan ko pa.
Nagngingit-ngit ako sa galit at halos maubos ko na rin ang lahat ng balang meron ako kanina, hindi ko alam kung ano nga ba ang mali sa akin at bakit parang ayaw na nitong muling maniwala pa sa akin. Uminom ako ng alak at pagkaubos ng laman ng baso at basta ko na lang ito tinapon sa kung saan dito sa loob ng library ko, kakauwi ko lang din galing sana sa inakala kong isang masayang date namin ni Whanalyn, subalit delobyo pala ang mararanasan ko. Nakipagkita lang ito para sabihan ko ng masasakit na salita na sa hinagap ng panahon ay hindi aakalain na sasabihin nito sa akin, hanggang ay napapaisip pa ako kung ano ang ginawa ko dito at galit na galit ito sa akin ngayon. Nasa ganoon akong pag-iisip ng amkita kong umilaw ang phone ko hudyat an may nagtext sa akin, tinignan ko ito at nakita kong mula kay Mr. Patterson ang text binasa ko ito at sinabi nitong kailangan kong pumunta sa isang hide out nito para makausap ng masinsinan.
Dumarecho na agada ko doon at nakita ko itong nakaupo sa isang parang trono at para itong hari na kinatatakutan ng lahat, naupo naman ako sa isang coach na malapit dito. Makikita sa mata nito ang walang imosyonal o walang pakialam sa kung ano man ang nangyayari sa paligid nito, muli kong pinagana ang aking isip kung ano ang kailangan nito sa akin ngayon mukhang alam na rin nito kung ano ang ginawa ng anak nito kanina sa akin. Hanggang sa isang folder ang binigay nito sa akin, nagtaka pa ako kung ano ang binigay ito sa akin haggang sa sianbi nitong buksan at basahin ko ang nilalaman nito. Dinampot ko naman ang folder para basahin, subalit nanglaki ang aking mata ng makita ko ang isang picture na kamukha ko at isang babaeng nakayakap sa akin, sa isang picture naman ay hinalikan ko ang noo ng babae habang nakayakap ako sa bewang nito. Nagtataka naman akong tumingin sa ama ni Whanalyn dahil hindi ko alam kung sino nga ba ang lalaking kamukha ko at ang babaeng kasama nito.?
“I know it's not you in the picture, because that guy is ugly. That's why you need to prove to my daughter Whanalyn that you were not the one she saw at the airport when she came home. I know my daughter hates you, but I won't interfere with whatever you two have. You are the one who made a way to find those people who destroyed my daughter Whanalyn's trust in you. And when you find them, you will face my daughter in such a way that she will see that your love for her is true. Because if not, I can't promise that my daughter will change her mind about you.” Walang imosyonal nitong sambit sa akin, pero makikita sa bawat salita nito na may laman iyon na dapat mong intindihin at unawain. Muli kong tinignan ang picture at masasabi ko ngang tama ito, dahil lamang ako ng halos isang libong paligo sa lalaking gumaya sa aking mukha. Napatingin pa ako kay Mr. Patterson ay saka tumango, napabuga pa ito ng hangin sa akin at saka tinapik ako sa aking balikat at muling nasalita o masasabi kong pinayuhan ako nito.
“Take action because your enemies are already taking action, and I don't want my daughter to suffer because when something happens to her, you will be the one responsible for me. But I know Whanalyn won't let it get her down, I know my daughter she doesn't back down from a fight.” Madiin pa nitong sambit sa akin, na mas kinagulat ko ibig sabihin kilala n anito kung sino ang aking kalaban kaya nito nasasabi ang ganon, ngayon ko na patunayan na ibang mag-isip ang isang Uno Patterson, sabi nan ga bang kilala nito ang galaw ng kanyang mga kalaban. Natahimik lang ako habang umaalis ito sa aking tabi napapaisip ako kung paano nito nalaman ang lahat at bakit hindi ko magawa kung ano man ang kaya nitong gawin sa lahat, sa buong buhay ko sa pagiging police at mafia boss at ngayon lang talaga ko nakakilala ng isang taong mabilis mag-isip at kumilos dahil ang tulad nito at hindi basta matatalo sa kahit na anong larangan lalo na pagiging ama nito o protektado ng kanilang pamilya.
Nang gabing yon ay sinimulan ko na ang dapat kong gawin, dahil maging ako ay hindi makakapayag na mapahamak ang babaeng mahal ko. Tama si Mr. Patterson kailangan ko munang mahanap ang mga taong sumira sa aming dalawa ni Whanalyn, at ako mismo ang magpaparusa sa mga ito humanda sila dahil maniningil ako ng matindi at sisiguraduhin kong iiyak sila ng dugo sa akin. Nasa loob ako ng office ko ng makita kong bigla na lang dumating si Janet at may dala itong pagkain na nakalagay pa sa isang paper bag, hindi ko na lang muna ito pinansin pa dahil marami akong dapat na asikasuhin at mahahalagang bagay kaysa ang makipag-usap sa isang ito, natitiyak ko rin na mangungulit lang din ito na samahan ko siya sa birthday ng kanyang Lolo sa Cebu. Magdadaos din ng kaarawan ang kanyang Lolo na ngayon ay nasa Cebu na nakatira hindi ko alam kung ilang taon na rin ito ngayon dahil ang alam ko ay matanda ang Lolo ko dito ng ilang taon din. Alam nitong ginagalang ko ang Lolo nito kaya naman nangungulit na ito na samahan ko siya.
“Edison, are you really not going to go with me to my grandfather's birthday in Cebu? Please, I know that Lolo will be happy to see you then, go ahead please come with me, let's visit Lolo there.” Sambit nito sa akin na malambing na boses pa. Napapahilot pa ako sa aking sintido dahil talagang sumasakit na ang ulo ko sa dami na rin ng aking iniisip at sumasabay pa ang isang ito sa mga problema ko ngayon, nagpunta naman ito sa aking likod at hinawakan ang aking ulo. Banayad nitong hinilot ang aking ulo pero hinayan ko na lang din muna dahil nakakaramdam ako ng kaginhawaan sa kung paano nito hilutin iyon, napapikit pa ako dahil sa nakakaramdam din ang kong anok dahil dito. Nasa ilang minute din iyon ng may marinig akong isang boses na hindi inaasahan na maririnig ko ngayon.
“Wow, your new girlfriend is so sweet Mr. Police officers? You know I think you two are perfect, I wish you happiness. But I hope that before you become sweet to others, you will fulfill what we both talked about.” Masaya nitong sambit sa akin, naupo pa ito sa isang coach at tumingin sa akin na walang imosyon. Magaling din magtago ng tunay nitong nararamdaman si Whanalyn, kaya naman pilit kong hinuhuli ang tingin nito sa akin pero sadyang wala akong makita sa mga mata nito. Napatayo naman ako para sana lapitan ito pero hinrangang nito ang kanyang kamay kaya naman muli akong napabalik sa aking kinauupuan. Magsasalita na sana ako dito ng si Janet ang sumagot dito.
“Are you one of Edison's ex-girlfriends? You know, girl, if I were you, just accept that you've lost and I'm the winner in our fight, I'm more beautiful and better than you, that's why Edison chose me over you dirty woman. Just leave if you don't want me to throw you out.” Mataray na salita ni Janet kay Whanalyn, aawatin ko na sana si Janet dahil sa pinagsasabi nito kay Whanalyn. Pero nagulat ako ng bigla na lang itong tumawa ng malakas at makikita talaga dito ang tawang nakakapang-insulto, haggang sa tumigil ito at lumapit kay Janet.
“Excuse me, I'm not the ex-girlfriend of the man you're talking about, and one more thing I haven't lost because the fight between the two of us hasn't started yet. And what do you say I'm a dirty woman, just so you know I'm still a virgin and no man can get me without going through my hands. And you know I have advice for you, when you say you should do it.” Sambit nito at saka hinawakan si Janet sa buhok nito ni Whanalyn at hinila palabas ng office ko, wala ding gustong umawat kay Whanalyn dahil kilala ng mga ito ang babae at dahil isa itong Patterson ay walang sino man ang gustong makialam sa kung paano nito hinagis palabas ng prisinto si Janet. Nakita kong nasaktan si Janet, pero hindi ko magawang tulungan ito dahil sa nakikita kong sama ng tingin sa akin ni Whanalyn ngayon. Napapasinghap pa ang mga tauhan ko sa kanilang nasaksihan hindi nila akalain na kaya itong gawin ni Whanalyn, pagkatapos ay muli itong nagsalita sa akin.
“Give me my painting and I'll let you and your girl go. I don't want trouble so don't get me started Mr. Police Officer.” Galit nitong salita sa akin at basta na lang nito binigay ang bagong papael na may nakasulat na address kung saan ko ipapadala ang painting na hinihingi nito, napalingon pa ako dito ng lumabas na ito ng presinto. Mabilis itong sumakay sad ala nitong motorbike napakuyom naman ako sa aking kamao dahil nakadress ito pero wala itong pakialam na sumakay ng motor, hindi man lang ito nagiisip na maraming lalaki ang pwdeng makakita sa maputi at makinis nitong hita. Bakit naman kasi ang tikas ng ulo ng isang ito sinabihan ko na ito na huwag magsusot ng mga sexy dress lalo na kung sasakay ito ng motor dahil talagang pagtitinginan ito ng maraming lalaki, kung hindi pa ako nakapatimpi baka nakabaril na ako ng mga mata ngayon. Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa nangyaring gulo, inutusan ko na lang ang mga tauhan ko na dalhin sa hospital si Janet at baka kung mapaano pa ito, naaawa ako dito pero wala kong magagawa dahil sinimulan nito si Whanalyn mahilig pa naman pumatol ito sa mga ganoong salita.
Ilang araw pa ang lumipas ay wala pa ring nangyayari sa paghahanap ko, wala akong mahanap na kahit maliit na ibidensiya naiinis na rin ako dahil nalaman kong may ibang nakakadate na daw si Whanalyn ayon naman sa Kuya Dos nito na naging kaibigan ko na rin, at dito ako humihingi ng tulong para malaman ko kung nasaan ang kapatid nito at kung ano ang ginagawa nito. Napapasuntok pa ako sa aking mesa dahil sa galit na nararamdaman ko, wala din akong magawa kahit pa alam kong may ibang lalaking kasama ang babaeng mahal ko. Umiinom na lang ako dito sa office ko dahil sa wala akong maisip na tamang gawin, hanggang sa nakita kong bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok ang best friend kong isa pa sakit ng ulo ko ngayon. Napapailing na lang ako dahil tiyak na may gulo na naman itong pinasukan. Hindi ko na alng ito pinansin muna hanggang sa lumapit ito sa akin at ngumisi na parang siraulo, napipikon na naman ko dahil sa inaasta nito ngayon sa harapan ko.
“I have good news for you and that way you can be with the woman your heart beats for.” Nakangisi pa nitong sambit sa akin, napasama naman ang tingin ako dito. Pero alam kong isang kalokohan na naman ang sasabihin nito kaya naman umalis na lang ako sa harapan nito at saka muling naupo sa swivel chair ko para din masimulan ko na ang pagbabasa sa iba ko pang mga kasong hawak, sumunod naman ito sa akin at para talaga itong siraulo na panay pa ang ngisi sa akin. At dahil na pipikon na talaga ako dito parang gusto ko na lang ito barilin sa ulo ng sa ganoon ay manahilik na rin ito. Hanggang sa muli itong magtanong sa akin.
“What? don't you want to be with your girl? Believe me, I know a way where you can be with your Whanalyn for a long time, on an island where the two of you are the only people, you can't see anyone else but each other.” Masaya naman nitong turan sa akin, ayoko sana itong pansinin dahil kilala ko itong walang matinong sasabihin lalo na pagdating sa mga babae, pero aaminin kong nagiging intrisado ako sa kung ano man ang gusto nitong ipahayag sa akin tungkol kay Whanalyn. Magiging pabor pa sa akin kung makakasama ko nga ang babaeng ito dahil makakausap ko ito ng masinsinan, pero kailangan ko munag masigurado kung ano nga ba ang sinasabi ng hayop na ito sa akin.
“What do you really want to say, Miguel? Don't add to my problem because I'll really shoot you right now.” Galit ko ng sambit dito at ipinakita pa dito ang masama kong tingin, pero sadyang mapang-asar lang ang ito at talagang tinawanan lang ako. Kaya naman kinuha ko ang baril ko at itinutok sa hayop na ito, subalit nagtaas lang ito ng kamay na animoy sumusuko na sa akin, nakatingin lang ako dito at pinahihiwatig ko dito na kailangan na nitong sabihin sa akin kung ano nga ba ang sadya nito sa akin. Tumayo ito at lumapit sa akin at isang invitation card ang inilabas nito at nilapag sa aking mesa, ngumisi pa ito ng nakakaloko subalit napapaisip naman ako kung ano ang ibinigay nito sa akin, g*go din talaga ang isang ito ang daming pasakalye ayaw nalang sabihin kung ano ang gustong sabihin.
“That's a birthday invitation to the birthday party held by Mr. Venice is a friend of the girl you like. And did you know Whanalyn was the special guest at that party. The party will be held on an Island and you probably know what happens to those party dudes. I just want to remind you because Whanalyn is beautiful and I'm sure many men like her, act now and maybe another man who is richer and more handsome than you will get ahead of you.” Salita nito at saka tumalikod na sa akin, natatawa pa ito habang napapalabas ng office ko. Tinignan ko naman ang invitation card at napakuyom ang aking kamao dahil kilala ko kung sino si Mr. Rafael Venice, pero mas kumunot ang aking noo kung paano ito nakilala ni Whanalyn dahil ang pagkakakilala ko kay Whanalyn ay ayaw nito sa lalaking babaero at masyadong mayabang, pero ngayon ay pupunta pa siya sa birthday nito at ang mas nakakagalit ay ito pa ang special ng lalaking yon.
Minsan ko ng nakilala sa isang pagtitipon ang lalaking si Rafael Venice, isa itong negosyante at maraming nagsasabing sobra itong babaero at may mga tao rin ang angpapatunay na malupit ito pagdating sa pakikipagtalik at kung minsan ay nagiging sadista pa ang lalaki lalo na kung ang babaeng nakakatalik nito ay sadyang ayaw sa kanya o hindi ito gusto. Nakaramdam ako ng takot para sa babaeng mahal ko, kaya naman wala na akong sinayang na oras ay sinimulan ko ng kumilos at pinatawag ko ang ialng tauhan ko na magagaling sa pakikipaglaban at pinapunta ko na agad sa lugar kung saan gaganapin ang party, bahala na ang mga ito kung paano makakapasok ng party basta nag importante at masunod nila ang aking gusto. Hindi ko gagamitin dito ang pagiging police ko dahil kilala ang mga taong makakaharap ko dito ay kilala sa mga underworld kaya naman dapat kong itago ang kabilang katauhan ko, mabuti na lang at pwde kaming magsuot ng mask ng sa ganoon ay hindi nila makikita ang aking mukha at ng sa ganoon ay makalapit pa din ako kay Whanalyn ng hindi nito na papansin ang aking presensya. Naghanda pa rin ako at talagang kaialngan kong kumilos dahil maaaring mapahamak ang mahal ko, papunta na ako sa airport ng makita ko si Janet ngayon din pala ang punt anito sa Cebu para sa birthday ng kanyang Lolo. Nagkausap na rin kami nito at humingi ako ng tawad dito, hindi ko rin naman alan na gagawin iyon ni Whanalyn eh, alam kong galit din ito sa akin dahil sa nangyari sa pagitan nila ni Whanalyn, subalit ganoon pa man ay naaawa pa rin ako dito dahil halos ilang araw din ito sa hospital dahil sa tinamo nitong mga sugat ng dahil sa paghagis dito ng mahal ko. Doon ko lang din napagtanto n amalakas din talaga ito at ang totoo ay nakakaramdam ako ng takot dito dahil siguradong akpag ito ang naging asawa ko ay makakatikim ko ng mananakit nito, kahit pa sabihing police ko ng lunsod. Pero handa naman akong magpakaander dito basta ba ito ang magiging ina ng mga anak ko, at wala akong ibang babaeng nakikitang makakasama kung hindi ito lamang.