Matapos namin mag-usap ni Louise ay nakumbinsi ko ulit sya na mag-stay pa dito sa bahay ni Liza. Alam ko namang puno pa sya ng takot para lumaban kay Don Felix. Ngunit gagawin ko ang lahat para matulungan sya na makalaya sa kanyang patago-tagong sitwasyon at suportahan sya para makapamuhay sya ng normal.
Kamusta kayo kuya? Si Louise nagpapahinga ba?
Liza, gusto ko sana humingi pa ng pabor sayo.
Ano yon kuya?
Gusto kong bigyan mo ng extrang atensyon si Louise?
Bakit? Maynangyari bang masama?
Wala naman, kanina lang kasi kung hindi ako dumating para sana kamustahin kayo, malamang ay nakaalis na sya ngayon. Nagkataon lang na bago sya makalabas ay dumating naman ako. At inamin nya na plano na talaga nya umalis. Pero sinabi ko sa kanya na dahil sa pabigla bigla nyang desisyon, ay maaari nya tayong ipahamak. Kaya nakumbinsi ko sya na mag-stay.
Nauunawaan ko si Louise, pero susubukan ko syang paliwanagan para naman alam nya na kailangan nya din protektahan ang kanyang sarili. Ang naranasan nya ay hindi isang biro na mabilis nya lang malilimutan. Kaya gagawin ko din ang lahat kuya, para matulungan sya na tanggapin ang nakaraan at magsimula ng panibago.
Maraming salamat little sister. Ikaw lang naman ang maaasahan at mapagkakatiwalaan ko na mangalaga kay Louise.
Kuya, gusto ko lang sana magtanong sayo. Okay lang ba?
Ano yon?
May espesyal ka bang feelings for Louise?
Ha? Ano bang klaseng tanong yan? Maganda si Louise, pero hindi ko alam kung posible ba na magkagusto ako sa kanya.
Sigurado ka ba kuya? o baka hindi ka lang aware sa tunay mong nararamdaman.
Hay naku tumigil ka na, ikaw talaga kung anu-ano ang naiisip mo. Alam mo naman na ang makatulong sa kanya ang mas mahalaga natig gawin for Louise.
Okay! Sinabi mo yan ha, baka mamaya pag-sisihan mo yan.
-------------------
Hindi ko naman gustong makinig sa usapan ng magkapatid, lalabas lang sana ako para uminom pero narinig ko ang pag-uusap nila. Alam ko naman na imposible pag may lalakig magkakagusto sa akin ng seryoso. At lalo pa nga si Benedict na nakasaksi kung paano ako binaboy ng ama-amahan ko, at alam nya ang storya ko base na din sa background na ibinigay sa kanila noong panahong isa sya sa humahanap sa akin. Pero bakit nakaramdam ako ng kurot at lungkot sa puso ko sa mga sinabi nya kay Liza. Tanggap ko naman ang bagay na iyon, at iyon marahil talaga ang gusto nya, ang makatuong lang sa akin. At kalabisan din siguro na mag-expect pa ako ng higit pa sa pagtulog na ibinibigay nila. Tama lang siguro na ipagpasalamat ko na nakilala at nakasama ko ang magkapatid na ito.
knock knock!
Nagulat ako ng biglang kumatok si benedict, kaya nagmadali akong bumalik at umupo sa kama. Pasok!
Kamusta ka? Nagising ba kita?
Ha? Hindi naman, kakabangon ko lang at lalabas na din sana ako nang kumatok ka. Ano bang kailangan mo? May ipapagawa ka ba sa akin?
Wala, gusto ko lang malaman kung ayos ka lang. At mag-dinner na din tayo. At gusto ko sana mangako ka sa akin na hindi ka aalis dito sa pangangalaga ni Liza, hanggat hindi ako bumabalik.
Aalis ka? Saan ka pupunta? Ay pasensya na, hindi mo naman kailangan sabihin sa akin.
Ayos lang, may aasikasuhin lang ako. At babalik din naman ako, siguro ay in 1-2 weeks.
Ganoon katagal ka aalis? Hindi ka manlang papasyal kahit saglit dito?
Hindi eh, medyo malayo ang pupuntahan ko at hindi ko sigurado kung kailan talaga ako makakabalik. But I will do my best to get back here in 2 weeks. Ayos lang ba sayo? Isa pa nandito lang si Liza, at kung may iba kang kailangan ay sabihin mo lang sa kanya. Ipangako mo lang na hindi ka aalis dito, at aantayin mo akog makabalik.
Sige, pangako hindi ko na uulitin ang ginawa ko kanina. Hindi ko din naman gusto na maipahamak pa kayo sa kabila ng mga pagtulong nyo sa akin. Hayaan mo kung aalis ako ay sa oras na bibigyan nyo ako ng permiso na umalis. Para hindi na din ako makadagdag sa alalahanin nyo.
Salamat Louise, pangako pagbalik ko ay sisiguraduhin ko na makukuha mo ang kalayaang para sa iyo.
Salamat di Benedict at mag-iingat ka.
Tara na at kumain na muna tayo. Pagkatapos ay aalis na din ako.
------------
Kung dumating talaga si Benedict dito ay tuwing padilim na at kung aalis naman sya ay tuwing maghahatig gabi. Dahil nga siguro dito nya ako itinago kaya sinisigurado nya na walang makakakilala sa kanya, para mailayo nya ako at si Liza sa mga taong naghahanap sa amin.
Kuya, kumain na kayo ni Louise dyan. May emergency call ako sa hospital, kaya doon na lang ako magdinner after ko sa patient ko.
Pero kauuwi mo lang Liza, hindi ka ba napapagod?
Ganito talaga ang profession ko Louise, walang oras na susundin basta may tawag sa hospital. Kaya ikaw na muna ang bahala dyan sa kuya ko. At siguraduhin mo naka-lock ng mabuti ang pinto kapag umalis si kuya. Siguradong umaga na ako makakabalik para magpahinga.
Sige Liza, mag-ingat ka sa pag-didrive.
Thank you! Kuya, aalis na ako..
Okay, mamaya na din ako aalis. Samahan ko nalang muna si Louise hanggang makatulog sya at ako na bahala magsecure ng bahay nyo.
Okay bye!
Nakakatuwa si Liza, may magandang trabaho at marami syang natutulungan, at isa na din ako don. Desente ang hanap buhay at kagalang galang. Kaya siguro hindi sya nakakaramdam ng pagod, dahil alam nyang malinis ang trabaho nya.
Louise, bata ka pa at maaari ka pang magsimula ulit. Mag-aral ka at patunayan mong kaya mo ulit bumangon.
Imposible na ang bagay na yan, sigurado ako na habang nabubuhay si Don Felix ay hindi hahayaan na maging maayos ang buhay ko. Gusto kong tawaging, demonyo o hayod ang Don Feliz na yon, pero nahiya ako kay Benedict at baka isipin nya na dahil wala akong pinag-aralan ay simple lang sa akin magsalita ng hindi magagandang salita.
Sisiguraduhin ko na makakapag-simula ka ulit ng bagong buhay. Basta pangako na tutulungan mo din ang sarili mo na makabangon at maging matapang!
Bakit?
Anong bakit? Syempre para matupad mo ang pangarap mo.
Bakit mo ako tinutulungan hanggang ngayon? Pwede mo naman ako iwanan matapos mo akong tulungan na makatakas sa resort. Hindi ka ba nagsasawa na unawain at alalahanin ako kahit wala naman ako maibibigay na bayad o tulong manlang sa inyo ng kapatid mo? Kung tutuusin ay nakakabigat na ako sa pang-araw araw nyong pamumuhay.
Huwag na natin pag-usapan yan, kumain na tayo. At pag-katapos ay may beer sa refrigerator, baka gusto mo uminom ng isang bote para mabilis ka din makatulog.
Sige, salamat pati naman sa paginom ng beer sagot nyo pa din ako. Napaisip ako saglit at nangarap na Sana nga makapag-aral ako ulit at makapag-trabaho ng desente tulad ni Liza. Medyo late na para sa pangarap ko, pero sana mabigyan ako ng pag-kakataon.
Tama yan, huwag ka tumigil na mangarap at dadating ang oras na makukuha mo din ang gusto mo.
Imposible man ang bagay na iyan, pero salamat Benedict kasi binibigyan mo ako ng lakas ng loob na mangarap, kahit na ang totoo ay hanggang sa pangarap ko na lang ito makikita.
Huwag ka mag-alala, pangako ko din naman na tutulungan kita. Mag-antay ka lang sana na makabalik ako. Ayokong may mangyaring hindi maganda habang nasa malayo ako. Oo nga pala, may biili akong cellphone para may magamit ka kung kailangan mo ako tawagan directly at si Liza. Alam ko naman na hindi ka tatawag sa ospital para humingi ng tulong kay Liza, kaya ibinili kita ng cellphone mo.
Sobra na ata Benedict, dahil sa akin ay nawalan ka ng hanap buhay. Tapos ginagastusan nyo na ang mga pangangailangan ko, ngayon ay may cellphone pa. Hindi ko na iyan matatanggap.
Kailangan mo ito tanggapin, para sa ikakapanatag ng kalooban ko habang malayo. Kahit hindi mo ako tawagan, ang mahalaga ay kapag kakamustahin kita ay alam kong may matatawagan ako. Kaya huwag mo yan aalisin sa katawan mo, para magkaroon man ng emergency ay mabilis mo akong makontak at ganoon din si Liza. Nakasave na din dyan ang number namin. Isang bagay lang ipapakiusap ko sayo. Do not open any of your social media account, para hindi ka nila matrace. Okay?
Maraming salamat at tatandaan ko lahat ng bilin mo. Mauna ka na sa salas at magpahinga Benedict, ako na ang magliligpit ng mesa. Magpeprepare na din ako ng prutas bago tayo mag-beer.
Mas maganda ka kapag lagi kang nakangiti, pero hindi ko akalain na beer lang pala ang magpapangiti sa iyo.
Pasensya na, matagal na din ng huli ako nakainom ng beer, at gusto ko lng naman marelax. Pasensya na sa pag-ngiti ko.
Ano ka ba? Dapat nga ay lagi kang ngumiti at maging masaya. Pero sana huwag naman dahil araw araw ay iinom ka ng beer.
Hindi naman, masaya din talaga ako na sa unang pagkakataon ay makakasabay kita na uminom at magkwentuhan. Dati kasi ay... Ah wala sige na sa salas ka na mag-antay.. Hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko, nakakahiya naman na ikwento ko pa kay Benedict ang mga panget na gawain ko. Alam ko namang ibang iba sya sa lahat ng lalaking nakilala ko, at sa unang pagkakataon nga ay sya lang ang lalaking nagawa akong respetuhin sa kabila ng lahat. Kahit na alam kong hanggang doon lang iyon. Masaya na din ako na nakilala ko sya at ipagpapasalamat ko na din kung kahit na paano ay maituturing nya akong kaibigan.
Hindi mo nalang ako tinawag para ako na ang nagbitbit ng tray.
Magaan lang ito, hindi naman ako mahihirapan sa 3 beer at kaunting prutas.
Teka, bakit 3 ang beer?
Okay lang ba na dalawa ang inumin ko? Hayaan mo babayaran ko kapag nagkatrabaho na ako, medyo matatagalan pa nga lang.
Ikaw talaga, nagbibiro lang ako. Pwede ka uminom dyan kahit anong oras mo gusto, basta limitado lang at huwag kang magpapakalasing. Pero sana dalawa na din ang prinepare mo para sa akin.
Naisip ko kasi na aalis ka, at baka mamaya malasig ka at makatulog sa byahe. Ayoko naman na ikapahamak mo pa iyon.
Okay huwag mag-alala. Isa lang ang iinumin ko. Maupo ka na at magkwentuhan tayo.
Wala naman ako magandang maikukwento sa iyo, at hindi ka naman siguro matutuwa kung ikukwento ko ang buhay ko sayo. Ang mas maganda siguro ay ikaw nalang ang mag-kwento sa akin, at ako nalang ang makikinig sa iyo. Simulan mo kung paao ka napasok sa military service!
Ahmm... Sige, paano ko ba sisimulan. Mahirap pala magkwento, pero sige susubukan ko kung magagawa ko sabihin isa-isa..
Habang nakikita ko nag-eenjoy sa pagkukwento si Benedict ako naman ay nawili din sa pag-inom. Hindi na din ya namalayan na nakakarami na ako ng inom. Marami din sya pinagdaanan. Masasayang memorya, malungkot, makulit at mga kalokohan. At ilang gawain nila bilang special forces na habang iniimagine ko ay kahanga-hanga talaga. Wala na akong magawa kundi titigan sya habang nagsasalita. At ngayon ko talaga masasabi na ang gwapo nya at halos perfect na sya sa paningin ko. Maliban sa isang bagay, na kahit ata pangarapin ko o bangungutin na ako ay hindi ko makukuha ang lalaking ito. Pero siguro ay maging masaya nalang talaga ako sa ganitong sistema. Medyo nahihilo na ako, pero gusto ko pa din marinig ang boses nya.
Louise, okay ka lang ba? Nakarami ka na pala ng inom at medyo late na din. Tulungan na kita na pumasok sa kwarto mo, okay lang ba na alalayan kita? Hindi na nya magawang sumagot sa akin, kaya binuhat ko na si Louise para ihatid sa kwarto nya. At nang maihiga ko sya at nagdilat ang kanyang mata na nakatitig sa akin, hindi ko alam ngunit hindi ko magawang ilayo ang mukha ko sa kanyang harapan. Nagulat ako ng hawakan nya ang braso ko, at ang kabilang kamay nya ay ikinapit nya sa aking leeg. Alam kong hindi ko ito dapat samantalahin, ngunit hindi ko din magawang tumanggi, lalo ng hilahin na nya ako palapit sa kanya at halikan. Bumilis ang t***k ng puso ko at pakiramdam ko talaga ay mawawalan na ako ng kontrol sa aking sarili. Hindi naman ako lasing dahil isang beer lang ang nainom ko, kaya kung gugustuhin ko na tumanggi ay hindi iyon imposible. Lalaki lang din ako at hindi ko masasabi na isa akong inosente, pero pinilit ko na pigilan ang aming ginagawa dahil alam kong lasing na lasing lang si Louise at ayokong samantalahin ang oras na ito at mapabilang sa mga lalaking sinasabi nya na hindi rumespeto sa kanya. Kaya dahan dahan ay lumayo ako sa kanya, at tumayo. Hindi naman na gumawa ng ibang hakbang si Louise, kaya sa palagay ko dahil lang talaga iyon sa kalasingan nya. Kaya iniayos ko sya muli ng higa, kinumutan at matapos ko likumin ang aming pinag-inuman ay umalis na din ako sa condo.
Alam kong nalasing ako sa mga nainom ko, hindi ko man gustong gawin iyon kay Benedict ay hindi ko na napigilan ang aking sarili. At sa totoo lang ay halos pinag-nanasaan ko na sya habang nagkukwento sya. Kaya siguro nagawa ko syang halikan nang maramdaman kong binuhat nya ako. Ang nakakahiya lang ay nagawa nya akong tanggihan, sana ay isipin nya na hindi ko na ito maaalala dahil lasing lang ako. Kundi ay hindi ko na alam kung paano ko sya haharapin sa pag-balik nya. Gustung guto ko tumayo at silipin kung nasa labas pa ba sya o iniwanan na nya ako dito sa condo. Gusto ko pa sana makita ang kanyang mukha, ngunit hindi ko na nagawang magmulat, nang maramdaman kong dahan dahan sya umaagwat sa paghalik ko, kaya para hindi ako mapahiya ay itinuloy ko nalang ang pag-papanggap kong natutulog na. Nakakahiya talaga, kung bakit naman hindi ko na nagawang pigilan ang sarili ko. Baka isipin ni Benedict ay hindi ko kayang tumanggi sa kahit na sinong lalaki.
Pag-alis ko sa condo ay sinigurado kong sarado ang pinto, dahil iniwan ko ng natutulog si Louise. Ayoko sanang iwan sya mag-isa, ngunit may usapan kami ni Leo na magkikita, para lumikom ng impormasyong makakatulong sa amin para mapabagsak si Don Felix. May mga illegal silang negosyo na kailangan namin kumpirmahin, kaya tahimik namin itong tatrabahuhin. Kaya kahit hindi kampante ang kalooban ko na iwan mag-isa si Louise ay napilitan pa rin ako na umalis. Ang hindi lang mawala sa isip ko ngayon ay ang nangyari sa amin kanina. Marahil ay sa sobrang kalasingan lang nya iyon, na kung hindi ko napigilan ang aking sarili ay baka mawalan na din ng tiwala sa akin si Louise. Bagay na iniingatan ko, para patuloy syang magtiwala at makumbinsi na kasama nya akong humarap sa mga pagsubok nya. Pero ngayon ang totoong pakiramdam ko ay parang sasabog sa init ang aking katawan, lalo na at nakarehistro sa isip ko ang magandang mukha ni Louise na nakatitig sa akin. Ang hiling ko lang ngayon ay hindi na sana ito maaalala ni Louise, ayokong isipin nya na sinamantala ko din sya katulad ng iba. Ngunit kung hindi ako lumayo ay hindi ko na din magagawang pigilan pa ang sarili ko na angkinin sya. Siguro kung mangyayari ang bagay na iyon ay kapag napatunayan ko nang seryoso ako sa mga ginagawa ko para mapalaya sya sa kanyang madilim na nakaraan.