Episode 5

2850 Words
Sigurado ako sa sarili ko na kahit sa ibang babae pa mangyari ang nangyari kay Louise ay tutulungan ko pa din. Pero hindi ko alam kung bakit sobra ako nasasaktan sa kanyang pag-iyak. Gusto kong sabihin na ayos lang ang lahat, ngunit alam kong hindi iyon possible. Wala akong idea paano mag-comfirt, so i just lend her my shoulder for her to cry on. I really hopes that it will help her feel a little better. Dahil gusto ko din magalit sa mga oras na ito na halos gusto kong sabihin na ipaghihiganti ko sya. Ngunit hindi ito ang tamang gawin, at wala ako sa posisyon para gawin iyon para sa kanya. Pero iyon talaga ang nais ng puso ko, kahit ako ay nagtatanong sa aking sarili kung bakit ko ito nararamdaman. I'm sorry Benedict. Na-giguilty ako sa nangyari, pati ikaw ay nailagay ko sa alanganin na sitwasyon. Ngayon ay mawawalan kp ng hanapbuhay. Kung may magagawa lang sana ako para hindi ka mawalan ng trabaho. Patawarij mo sana ako, hindi ko na kasi kayang bumalik sa impyernong lugar na iyon. Huwag mo akong alalahanin, hindi ako nanghihinayang sa trabaho ko kay Don Felix. Hind ko din hahayaan ang sarili ko magsilbi sa mga taong walang kalukuwa, at kayang gumawa ng kasamaan sa kapwa. Hindi ko alam kung paano makakabayad sa utang na loob ko sa inyong magkapatid. Halika na, huwag mo nang isipin ang utang na loob. Lumabas na tayo para kumain at pagkatapos ay magpakihinga ka pa ulit. At pinunasan ko ang kanyang mga luha. Tapos ay alalay kong lumabas ng kwarto si Louise. ----------- Doctora, talaga bang ayos lang na mag stay ako dito? Hindi ba ako magiging abala sa iyo? Liza nlng itawag mo sakin Louise. Magkaedad lang naman tayo, at hindi mo kailangan maging sobrang pormal sa akin. Napangiti lang ako kay Liza. Salamat sa pag welcome sa akin kahit na hindi mo naman ako kakilala Hayaan mo tutulungan kita sa mga gawain dito sa bahay mo, bilang nayad ko sa pagpapatira mo sa akin. Hay naku wag mo iyan alalahanin, ang mahalaga ay magpalakas ka lang. At pag-isipan mong mabuti ang sinabi namin sayo ni kuya na magfile ng complaint against Don Felix at susuportahan ka namin. Hindi ko alam kung may kakayahan ba ako na gawin yan, natatakot ako. Sigurado ako na tototohanin nya ang banta nya sakin na saktan ang mama ko oras na ipahamak ko sya sa publiko. Isa pa hindi rin maniniwala ang pamilya ko sa akin at baka sila pa mismo ang maging kalaban ko. Kumain ka na Ms. Louise, saka nalng natin pag-usapan yan. Liza hayaan nalang muna natin na makarecover si Louise. Maraming salamat talaga sa inyong dalawa.. ------------------ Tinawagan ko ang aking kaibigan mula sa serbisyo noon. Mahusay sya sa pagtrack ng records ng kahit na sinong target.. Kamusta na Leo? code name nya ito. Captain napatawag ka?! Anong meron? Kamusta na? ang tagal na ating hindi nagkausap, mukang may kailangan ka? Matalas padin ang pkiramdam mo. May gusto sana ako hinging pabor sa iyo.Kung pwede sana na maabala kita? Sige ano yun? Kahit pa ano yan gagawin ko para sayo captain! Sa ganitong pagkakataon lang ako makakabawi sayo. Pasensya ka na, hindi naman kita gustong abalahin, pero ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko. Hayaan mo at babawi ako sayo. Sabihin mo lang captain kung ano o sino yan. Hindi mo kailangan bumawi pa, kasi kulang pa ito para makabawi din ako sayo. Maraming salamat Leo. Email ko sayo ang detalye at sana mabigyan mo ako ng magandang impormasyon sa lalo't madaling panahon. Copy captain! I will work on that! I hang up the phone and I checked Louise if she is sleeping now. Hindi ko maipaliwanag, pero parang dinudurog din ang puso ko sa nangyari kay Louise. At ang isiping dinanas nya ito simula pa noong 15 pa lamang sya ay tila sasabog ako sa galit. Sana ay may maitulong ako sa kanya. Hindi ko man kayang burahin ang ala-ala nya sa bagay na ito, gusto kong mapalaya sya sa kaisipang wala na sya magagawa at ganito na lang ang buhay nya. Ang dinanas na parusa ng kanyang katawan, at pagdurusa ng kalooban at hindi kahit kailanman magiging makatwiran. Kaya gagawin ko ang makakaya ko, upang mailagay sa tamang lugar ang Don Felix na iyon. --------------- Ano nang balita sa paghahanap kay Louise? Hanggang ngayon ay hindi nyo pa din alam kung saan sya matatagpuan?! Kay Chief Garcia ba may update?!? Sir, hindi po namin macontact si Chief. Siguro po ay mag-isa nya ulit tinatrabaho ang paghahanap kay Ms. Louise. Siya lang po ang nakahanap sa kanya, marahil po ay mag-update sya kapag natagpuan na nya ulit si Ms. Louise. Mga inutil kayo! Wala ba kayo magagawang maganda para kayo na ang makahanap sa kanya!?? Ano kaya ang plano ni Garcia? Hindi ko masabi sa team nya na si Garcia ang kasama ni Louise na umalis sa resort. Hindi ko maaaring ipaalam sa iba, baka ikasira ito ng pangalan ko na matagal kong iningatan. Sa palagay ko ay babalik si Garcia para humingi ng malaking halaga, Alam naman nya ang connection ko, kaya siguradong alam nya na ikapapahamak nya lang kung ilalabas nya ito sa publiko. At ang Louise na yan, sa oras na isurrender sya ni Garcia ay sisiguraduhin kong hindi na sya makakatakas at ibang lugar na mapagtataguan!! Don Felix, may letter po na dumatig kanina na naka address po sa inyo. Who is the sender? Anonymous letter Sir, babasahin nyo po ba or ipapacheck ko po muna sa security team? Ah hindi ibigay mo sakin at baka isa lang din yan sa mga prank letter. Hindi ako tumatanggap ng anonymous letter, ngunit kinutuban akong baka nag-mula ito kay Garcia kaya hindi ko na ipinaubaya sa security team. Kinuha ko kaagad ito sa sekretarya ko at paglabas nya at agad na binuksan. Tama ang hinala ko, kay Garcia nga ito galing at kopya ito ng medigo-legal ni Louise. Bukod dito ay wala ng ibang laman ang sobre. Ano kaya ang ibigsabihin nito. Malamang ay tama ang hinala ko, magdedemand ng malaking halaga si Garcia kapalit ni Louise. Mas kampante na ako ngayon, iintayin ko nalang na sya ang lumapit. Tinawagan ko ang driver ko para ihanda na ang sasakyan, makakapagrelax na ako ngayon. Mautak ang Garcia na iyon, at wala talagang hindi nareresolba ng pera. knock knock.. Sir, babalik na po ba tayo sa mansion? Hindi dumaan muna tayo sa Bar, para makapag-relax ako today. Wala naman magandang makikita sa Mansion. Si estella puro kaartehan lang ang madidinig ko, kanina ay nag-shopping nanaman sya. Siguradong puro basura nanaman ang makikita ko sa bahay. Sa bar ay mas marerelax ako, iinform mo na din na parating ako, para maihanda na nila ang mga maaari kong pagpilian. Sige po Sir, nakahanda na din po ang sasakyan nyo. --------------------------- Don Felix!!!! Matagal tagal na po kayo hindi pumasyal. Sobrang busy nyo po ata sa pagpapayaman?!!! Ipinahanda ko na po ang room for you at sure po ako na matutuwa kayo kasi marami kaming bago na mapagpipilian. Katulad ng mga gusto nyo puro po fresh at mga bata pa. Ganoon ba? Mukang masusulit ang pagrerelax ko tonight. Kailangang kailangan ko talagang marelax dahil sobrang stressed ako these fast few weeks. Ihanda mo na din ang pinaka mahal na alak na paborito ko. Ofcourse Don Felix automatic na po iyan. Ihahatid ko na po kayo sa kawarto at isusunod ko kaagad ang lahat ng baguhan ko, dahiman mo ang pili. Hahahaha... Ang kisig mo pa din talaga Don Felix.. Binobola mo pa ako, papasok na ako at huwag mo ako pagintayin ng matagal. At sabihin mo sa kanila mag-antay, dahil mag-shower muna ako. No problem Don Felix kahit tagalan mo maghihintay silang lahat. ----------------------  Nag-hubad ako at dumarecho sa banyo. May 10 minuto din akong naligo at pagkatapos ay nakatuwalya na lang akong bumalik ng kwarto. Nagulantang ako ng may magsalita sa aking likuran. Kamusta na Don Felix? Natanggap mo ba ang sulat ko? Walang hiya ka Garcia! Ang akala ko ay tinulungan mo lang si Louise na makalayo sa akin, yun pala ay gagamitin mo lang din sya para perahan ako! Magkanong kailangan mo? Ahhhmmm 1Billion? Nasisiraan ka na ba ng isip?! Palagay mo ba ay magbabayad ako ng ganyang halaga para sa basurang babae na yun? Kung basura pala ang tingin mo sa kanya, bakit mo pinag-aaksayahan na ipahalughog ang buong mundo para makuha sya? Wala ka ng pakialam sa bagay na yon! I-surrender mo sakin si Louise at bibigyan kita ng 50Million! Whoahh.. Masyado naman atang maliit ang offer mo sa akin Don Felix! Kapalit para maprotektahan ang mabangong pangalan.. Siguradong maraming magkakandarapa na hukayin ang storyang ito, kahit ito ay magmula sa isang simple at baguhang reporter. Kaya anong plano mo ngayon? Tarantado ka pala! Ang akala ko ay nakatagpo na ako ng matinong tauhan na mapagkakatiwalaan ko sa lahat. Yun pala ay kapareho ka din ng iba! Well, iba talaga ako sa kanila, kasi ay hindi ako magpapabayad sa maliit na halagang inooffer mo. At isa pa, sisiguraduhin kong hindi mo mahahanap si Louise. Malaki ang sisingilin ko sayo na bayad para kay Louise. Kaya kailangan mo itong paghandaan. At huwag na huwag mo gagamitin ang nanay nya para takutin si Louise! Dahil sa oras na malaman kong may ginawa ka na hindi magugustuhan ni Louise, asahan mong ikaw ang magiging susunod na headline. Pina-aalalahanan lang kita, kaya pag-isipan mong mabuti Don Felix! May nakapilang mga babae sa labas ng kwartong binabayaran nya sa Bar. At sya lang ang gumagamit nito. Trabaho ko din naman na mag-antay sa kanya sa labas ng Bar noon. Kaya alam ko na din ang sistema ng Bar kaya madali lang sakin ang makapasok dito. Pagkatapos ko naman kausapin si Don Felix ay umalis na din ako ng tahimik. Hayop na Garcia yan! Ano kaya ang pinaplano nyang gawin?! Ang akala nya ata ay matatakot nya ako ng ganoon kadali. HUwag nya akong subukan, sisiguraduhin kong pagsisisihan nya ang ginawa nyang pagtulong kay Louise! Hi Don Felix... Eto na po ang aking mga bagong babies.. Pasensya na may emergency meeting ako, nextime nalang Madam Sandra at wala na ako sa mood na mag-relax. Bakit naman Sir?! May ibang set pa ako na maaari nyo pagpilian kung hindi nyo po sila nagustuhan. May problema po ba? Tinalikuran ko na si Madam Sandra na owner ng bar. Sya mismo ang nag-aasikaso sa mga VIP ng bar na katulad ko. Mabilis naman akong lumabas ng bar, at niyaya ko ng umuwi ng Mansion ang Driver at mga security Guards ko. Sir, ano pong nangyari? Bakit po tayo uuwi sa Mansion, hindi po ba inihanda ni Madam Sandra ang pinaguutos nyo po? Simula ngayon Bautista ikaw na ang Chief of security ko! Sir, paano po si Chief Garcia? Kasama na sya sa mga hahauntingin nyo, dahil tinangay nya ang anak ko! Gustong hanapin nyo sila at sabihin kaagad sa akin ang lokasyon nila kapag nalaman nyo na. Copy Sir, Maraming salamat po at sisikapin ko po na mahanap namin ng team ko ang anak nyo po at si Garcia! Ihahatid na po namin kayo sa Mansion. ------------------- Ring ring.. Hello Capt.? Oh Leo kamusta na? Salamat sa pag-tawag mo, plano ko na ngang tawagan ka at alamin kung may nakuha ka na bang impormasyon tungkol kay Don Felix. Capt., base sa nakalap kong impormasyon ay marami talaga syang legal na negosyo. Ngunit may isang sikretong transaksyon sya mula sa isang banyaga 6 na taon nang tumatakbo ng illegal. Isa ito sa malaking source ng kayamanan nya simula ng ito ay sinimulan nila. Anong klaseng negosyo iyan? Pagdistribute ng mga luxury na sasakyan na walang legal na papeles at tax na ipinapasok sa bansa at kadalasan din ay ibinabyahe sa ibang bansa. Bukod dyan ano pang nahalungkat mo? Bukod dyan ay suportado ang illegal na negosyo nya ng malalaking sangay ng gobyerno kaya malaya itong nakakapag-operate. Kaya tinatrabaho ko ngayon ay ang posibleng suhol na natatanggap g mga tao g pumoprotekta sa kanya. Maraming salamat Leo at malaking tulong yan para sa laban ni Louise. Capt., may isa pa pala akong sasabihin. Ano iyon? Ang nag-iisang anak mo ni Felix Cortes na si Louise Cortes ay hindi nya tunay na anak sa kanyang asawa. Maliit pa ang bata ng Mapag-asawa nya si Estella na nanay po ni Louise. Kaya si Felix ang kinilalang ama ni Louise. Na ngayon po ay hinahanap nila, dahil naglayas daw ito at walang nakakalam kung saan namamalagi. Ganoon ba? Sige Leo maraming salamat, at balitaan mo ako ulit kung may malaman ka pang ibang impormasyon. Alam ko na ang tungkol kay Louise, at hindi ko pa plano na ipaalam kay Leo ang tungkol sa kanya. Sa ngayon ay maayos na ang lagay ni Louise at nagkakasundo na sila ni Liza. Pero alam kong malalim ang sugat nito sa kanya, kaya sa ngayon at pinaplano ko muna ng maayos ang mga posible naming gawin sa oras na makapag-decide na si Louise na lumaban. Kaya maingat na maingat ako sa tuwig lalabas at uuwi sa condo ng kapatid ko. Mula pa ng ako ay nasa serbisyo ng special forces ay sinisigurado kong patago ako nakakapasyal sa kapatid ko sa minsanang bakasyon ko. Ito ay para na din sa kanyang kaligtasan, dahil palagi ako malayo sa kanya at tanging sya nalang ang natitira kong kapamilya, simula ng madawit sa aksidente ang aming magulang. Kaya si Liza ay nasanay na din na bigla nlng ako dumadating at umaalis ng hindi nya nalalaman. ------------------- Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng condo ni Liza at bumulaga sa harapan ko si Benedict. Plano ko na sanang iwanan si Liza dahil mag-iisang buwan na din ako naging abala sa kanya. At ganitong oras ay duty nya sa ospital. May ilang araw din na hindi umuuwi si Benedixt dito sa condo kaya plinano ko talaga na umalis ng hindi nagpapaalam ng personal. Ngunit nagiwan naman ako ng sulat para makapagpasalamat sa kanila. Saan ka pupunta? Aalis ka ba?! Ha? Benedict, masyado na akong naging abala sa inyong magkapatid at nahihiya na ako. Wala din ako kakayahan na magbayad, dahil naiwan ko lahat sa resort ang gamit ko. Kung nabitbit ko manlang kahit ang cellphone ko ay maaari ako makapag-transfer ng pang upa ko sa pagtira ko dito. Tapos ay ano, matrace nila ang transaction mo at magsisimula ka nanaman tumakbo at magtago? Pero wala naman akong maibabayad sa inyo, kung hindi ako maghahanap ng kahit anong trabaho. Ang sa akin ay kung may trabaho ako, kahit manirahan ako sa kahit sa paupahang bahay ay may maibabayad ako. Louise, wala namang nagsasabi sayo na magbayad ka. Wala din naniningil para sa mga gamit at pag-kain mo. Ang pakiusap lang namin ay mag-stay ka dito, para sa ikapapanatag din ng kalooban namin ni Liza, mahirap ba yun!?!? Nagagalit ka ba sa akin? Oo!! Nagagalit ako kasi, ang tapang mo magdesisyon ng mag-isa pero hindi mo kayang lumaban sa taong umargabyado sayo! Tapos ngayon, tatakas ka nanaman para ibalik ang sarili mo sa pagiging malaya sa labas pero hinahabol ka naman ng demonyong ama mo! Ang akala ko ay gusto mong maging malaya? Pero mukang ang gusto mo talaga ay lalong mapariwara! Tumigil ka!! Hindi mo alam ang pinagdaanan ko! Oo marumi ako, wala akong maipagmamalaki kahit pa kanino! Mas pinili ko sirain at babuyin ang sarili ko, dahil kahit matabunan pa ng 100 memorya ng iba't ibang lalaki ang dinanas ko sa dimonyong yun ay hindi kahit kelan nabago ang mukha nya lumalabas sa gabi gabing bangungot ko! Kaya kung gusto ko na magpagamit sa masmarami pang lalaki, wala ka ng pakialam dun! Parepareho lang kayo, kahit kelan hindi nyo ako mauunawaan. Gusto ko mang tumakbo palabas ay, hindi ko magawa dahil sa malaking bulto ni Benedict na nakaharang sa pintuan. na ngayon ay nakahawak sa magkabila kong braso, na halatang nagpipigil ng kanyang galit sa akin, habang ito ay nakatungo. Matapos ko magpigil ng aking sarili na makapagsalita pa muli ng hindi maganda kay Louise ay niyakap ko nalang sya at humingi ng pasensya. I'm sorry Louise, pasensya ka na, alam kong mali ang mga sinabi ko sayo. Sorry... Gusto ko lang na maprotektahan ka at si Liza na din. Sa oras na may makakita sayo sa mga taong naghahanap sa iyo, hindi lang ikaw at ako ang mapapahamak. Pati si Liza na nagiisang pamilya ko nalang. Kaya sana ay maunawaan mo ako. Hindi ko naisip na mahihila ko sa kapahamakan si Liza, patawarin mo din ako. Hindi ako dapat nagdedesisyon ng mag-isa. I'm sorry too Benedict. Hindi ko gustong mapahamak si Liza. Salamat sa pang-unawa mo. Hindi lang naman si Liza ang concer ko. Nag-aalala din ako sayo at wala pa akong nagagawa para tuparin ang pangako ko sayo na tulungan kang palayain sa sitwasyong kinalalagyan mo ngayon. Wala ka naman obligasyon sa akin, at hindi mo kailangan pwersahin ang sarili mo a tulungan pa ulit ako. Ang lahat ng nagawa mo at ni Liza ay sapat na para sa akin at lubos ko itong ipinagpapasalamat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD