Episode 4

2530 Words
Nakaramdam ako nang hiya sa harapan ni Benedict. ang makita nya akong hubad at nakaposas sa kama ay isang kahiya hiyang itsura. Alam kong wala ako sa posisyon para magmalinis sa kanyang harapan, ngunig hindi ko magawang mag-mulat at tumingin sa kanya. Ang alam ko lang ay nararamdaman kong unti unti nyang binalot ang aking katawan at kinalagan ang aking mga kamay. Saka nya ako biuhat at sa palagay ko ay palabas kame ng mansion. Pinanatili kog nakapikit ang aking mga mata. At ngayon ay nakasakay na ako sa kotse at kinabitan ng seatbelt. Naramdaman kong naupo na sya sa driver seat, pero bakit kaya hindi kame umaandar. Kinakabahan ako, paao kung hindi na si Benedict ang kasama ko?! Bigla ko iminulat ang aking mata dahil sa aking naisip. At nakitang tila sasabog ang lalaking nasa tabi ko, na nagpipilit kalmahin ang sarili. Benedict? Please don't talk! Pabayaan mo muna ako, sandali lang at aalis na din tayo! Natakot ako at nanahimik nalang, nag-bago kasi ang tono ng boses ng lalaking kaninang malambing at puno ng respeto kung makipag-usap. Pero ngayon ay parang gusto nya pumatay kaya sa takot ko ay ipinikit ko nalang ulit ang aking mata. Lumipas ang ilang minuto ay may humawak sa aking dalawang kamay na kanina pa magkakuyom at halog naninigas na nga, ngunit hindi ko naman ito makontrol. Ms. Louise, I am very sorry.. Hindi ko kasi alam! bakit hindi mo pa kasi sinabi sakin kanina kung anong totoo?! I am so pissed off! I really wanted to kill that man! And you! Why don't you just tell me that! Oh sh*t! Hindi ko magawang ituloy ang gusto ko sabihin. Na-guiguilty din ako ngayon, kasi wala akong nagawa at hindi ko napigilan ang nangyari kay Ms. Louise. I'm sorry... I don't know how to tell you and hindi ko alam kung paano magtiwala. Dahil wala namang gusto maniwala sa akin, kahit pa ang sarili kong ina. wala na akong nasabi pa at tuluyan ng kumawala ang aking luha at tuluyan na akong humagulhol. Lalo ako naawa sa aking sarili ng maramadaman kong niyakap ako ni Benedict at sinasabi nya sa akin na.... Okay na, okay na ang lahat. Hindi ka na babalik sa lugar na yan. Hindi na ako papayag na bumalik ka dyan. Just cry and let it all go. It's not your fault at biktima ka lang ng isang malupit na mundo. Everything will be fine now. Sa unang pagkakataon, may lalaking nagtiwala, naniwala at hindi ako pinagsamantalahan. And pag-sabi ng ng ayos na ang lahat ay syang nagpaagos ng aking luha na tila ang mahabang pasakit na pinagdaanan ko ay unti-unting inaanod palayo sa aking buong pagkatao. Tumahan ka na Louise, umalis na muna tayo dito. Kailangan magamot ng mga sugat mo. At kailangan mo din makapag-bihis. Pupunta muna tayo sa kapatid kong doktor. At pansamantala ay doon ka muna. Sigurado ka ba? Malaking abala ang nangyaring ito sa iyo. Kung mag-stay pa ako sa kapatid mo, baka mapahamak ka pa. Sana ay matulungan mo lang ako na makapagbihis, at ako na ang bahala sa aking sarili. Pwede naman akong lumayo. At tapos ano?! Magpapatakbo takbo ka ulit hanggang sa mahuli ka nanaman at maulit lang ito? Please huwag ka na kumontra at hayaan mong tulungan kita. Hindi alam ng agency na may kapatid ako, kaya magiging safe ka dun. Dati akong miyembro ng special forces, at minalas lang na mapagbintangang traidor kaya ako nawala sa serbisyo. Kaya hindi ko hahayaan na may maargabyado o maabuso mismo sa harapan ko. Bakit kaya bigla ako nakaramdam ng lungkot? Siguro kanina ay umaasa akong may special na kahulugan ang pagtulong nya sa akin. Pero ang totoo pala ay public service lang ito. Parang isa ako sa mga misyon nila na marescue.Sabagay bakit ba ako umaasa sa mga ganitong bagay. Alam ko naman kung anong standard ko, at sa lalaking ito pa ba ako maghangad. Alam na nya at nakita pa nya ang pinaka madilim at maruming parte ng buhay ko.. Are you okay? Don't worry my sister will help you. Mag ka edad kayo at palagay ko magkakasundo kayo. Ha? Sana nga kung ganun. Pero never pa ako nagkaroon ng kaibigan. Baka hindi nya ako mapagpasensyahan. Di bale makarecover lang ako ay lalayo na ako sa inyo. Mahirap na baka ikapahamak nyo pa ang pag-tulong sa akin. Ayoko ng makipagtalo kay Louise, alam kong pinipilit lang nya na magmukang ayos lang sya at ginagawang matapang ang sarili para mag-isa ulit lagpasan ang nangyaring ito sa kanya. Sige matulog ka na muna at magpahinga, bubuhatin nalang kita mamaya pag-akyat sa condo ni Liza. Liza pala ang pangalan ng sister mo. Nice name. Sige gusto ko din na matulog muna.. Maraming Salamat Benedict. Don't worry, you'll be fine. Just sleep ako ng bahala sa iyo. Ang sarap pakinggan ang salitang huwag ka mag-alala at akong bahala sa iyo. Okay na ang lahat... Sana nga ay ganoon na ang mangyari. Gusto kong maging okay ang lahat. nakapikit ako habang nag-uusap mag-isa ang puso at isip ko. maya maya ay hindi ko na namalayan ang buong byahe, siguro ay sa sobrang pagod ko na. ------------------------------------ Pag-bukas ng pinto ng condo ni Liza ay sumenyas ako kaagad na huwag sya maingay. Kaya mabilis naman nya kame inalalayan at binuksan ang pinto ng kwarto kung san ko inihiga ang buhat-buhat kong si Louise. Na halos wala ng namalayan sa sobrang pagod. Galit ang nararamdaman ko ngayon at lubos na paghanga sa tapang, tibay at tatag ng kanyang kalooban. Na sa loob ng mahabang panaho ng pasakit sa kanyang buhay ay pinili nyang protektahan ang kanyang Ina. Na ngayon ay walang kaalam alam sa kanyang pinagdadaanan. Matapos ko ilapag ay nakatitig ako kay Louise, at saglit pa ay hinila na ako ni Liza palabas ng kwarto. Hayaan muna natin sya magpahinga kuya. Ano bang nangyari sa kanya? Pwede mo ba sabihin sa akin? Liz, I really don't know where to start. And This is a tragic memory for her, and I can't imagine this situation. I am very angry right now, at kung hindi ko napigilan ang aking sarili ay muntik ko ng mapatay ang ama ni Louise! Kuya!! Nawala kana sa serbisyo dahil dyan sa ugali mong padalos dalos. Tapos ano wala ka na bang trabaho ulit? Ano bang nangyari at nakakagulat ka na bigla ka naguwi ng babae dito. Tapos sorry b kuya but if I asses her condition is masasabi kong inabuso sya. Don't tell me kuya?! Stop it! Ofcourse not Liz, I can't do that horrible thing to anyone. By the way I need your help Liz. Ano yon kuya? Gusto kong ikaw ang gumawa ng medical certificate nya, dahil hindi ko maipagkakatiwala sa kahit na anong ospital ang bagay na ito. Mahirap na baka mapagtakpan lang ulit ang nangyari kay Louise. Sige kuya, ako ng bahala at sisiguraduhin kong mahahawakan nyo ang lahat ng medical test na gagawin ko sa kanya. Pero hayaan muna natin sya magpahinga sa ngayon. Will you stay here ba? Yeah! Bukas nalang ako magsisimulang trumabaho, para mailagay ko sa tamang lugar ang gumawa nito kay Louise. Basta kuya mag-iingat ka at baka pati ako masiraan na din kung pati ikaw ay mapahamak nanaman. Don't worry Liz, I will be careful, extra careful for this assignment. Kailangan ko ito maresolba for Louise to be completely healed. --------------------------- Mga inutil kayo! Babalik tayo ng Manila, natakasan nanaman kayo ni Louise! Sa aking pagsigae ay nagulantang ang mga bodyguards ko. Nataranta sila ng madinig ang sinabi kong nakatakas nanaman si Louise. Wala kahit isa ang naghanap kay Garcia at hindi ko din sinabi sa kanila ang nangyari. Alam kong babalik si Garcia at kakausapin ako. Kailangan ko ihanda ang malaking halaga para sa pananahimik nya at para isurrender nya sa akin si Louise. Yes Sir babalik na po tayo ng Manila. Tatawagan ko nalang si Chief Garcia para malaman nyang pabalik na po tayo. Huwag nyo na sya sabihan, may usapan na kami at sigurado akong dadating sya sa aking opisina. Sigurado ako na babalik ang Garcia na iyon. Siya ang higit kong pinagkakatiwalaan sa team na n'ya. Hindi ko inaasahan na sya pa ang unang makakatuklas sa sikretong ito. Yes Sir! Handa na po ba kayo umalis? Okay umalis na tayo! At gusto kong mahanap n'yo kaagad si Louise sa pag-kakataong ito! sa Mansion na tayo tutuloy ngayon. Kopya po Sir! ----------------------- Ms. Louise? Ayos ka lang ba? Huwag ka munang tumayo, tatawagin ko lang si Liza. Wait! Huwag ka umalis. Nasaan na tayo? Nandito tayo sa condo unit ni Liza, ang sister ko. Huwag ka mag-alala safe ka dito. And Liza will take care of you. Maraming salamat sa inyo ng kapatid mo. Hayaan mo at magbabayad ako sa tulong na ginawa n'yo sa akin. Hindi mo kailangang magbayad, kahit naman sa ibang tao ay tutulong din kami ng hindi hihingi ng kahit anong kapalit. Iwan muna kita para matulungan ka ni Liza. Oh kuya, gising na ba si Ms. Louise? Oo ngayon lang, gusto ko sanang maeksamin mo s'ya ng mabuti, at huwag mo muna sasabihin sa kanya ang bagay na ito. At simula ngayon ay ako muna ang tatayong guardian n'ya. Kaya lahat ng resulta ng test na gagawin mo sa kanya ay sa akin mo muna ipakikita. Sige kuya huwag ka mag-alala. Thank you Liz! Kumatok ako sa pinto at pumasok ng kwarto. Hi Ms. Louise, kamusta ang pakiramdam mo? Ako nga pala si Dr. Liza Garcia. At kapatid ko si kuya Benedict. Pasensya na kayo sa abalang nabigay ko at maraming salamat sa inyong magkapatid sa pag-tulong sa akin. Huwag ka mag-alala, kapag nakabawi ako kaagad ng aking lakas ay aalis na din ako/ Naku wag ka mag-madali na umalis dito, gusto ni kuya na masiguradong maayos na maayos ka na bago ka umalis. At sa sitwasyon mo ngayon ay mas ligtas ka sa bahay ko. Mas okay siguro ay may maganda ka nang plano bago ka umalis dito. Sa ngayon ay hihingiin ko ang permiso mo na maeksamin kita. You can definitely need it, and hindi papayag si kuya na umalis ka na walang resulta ang test na gagawin natin. I hope na pumayag ka? Napaisip ako, alam kong magagamit ito sa legal na paraan kung irereklamo ko ang halimaw kong ama amahan. Pero may maipapanalo nga kaya ako? Alam kong malawak ang connection nya at mababaliwala lang ang lahat. Maari bang huwag na natin gawin iyan? Ang gusto ko nalang ay maglinis ng katawan, at kung maaari ay makahiram ako ng kahit na lumang damit mo na maisusuot ko? Nagulat kami ni Liza ng bumukas ang pinto ng kwarto. NO Liza, just do all the examination that you think Louise can use for any legal matters. And please huwag ka mag-refuse kung gusto mong matulungan ka namin na maging malaya sa masamang sitwasyon mo! Gusto kong maiyak, hindi dahil may nag-sesermon sa akin at nagagalit. Naiiyak ako kasi ngayon lang may taong gusto akong tulungan, at nararamdaman kong totoo ang pag-aalala nila sa akin. Ms. Louise, tama si kuya. Maaaring hindi ka pa handa na lumaban ngayon, pero maaari nating paghandaan. Nauunawaan namin ang takot at pag-aalala mo. Hindi ka namin pupwersahin na gawin ito kaagad. Pero hindi din kami papayag na wala kaming gagawing aksyon para matulungan ka. Kaya huwag ka na umiyak, makinig ka nalang muna kay kuya at hindi ka niya pababayaan. Gagawin ko ang lahat, para matulungan kita. Alam kong malawak ang connection ng pamilya mo, lalo na ang papa mo. Pero sigurado din ako na may tutulong pa din sa atin, at nagtitiwala pa din ako sa batas. Maiaayos din natin ang lahat. Huwag ka mag-alala hindi kita iiwanan hanggang sa mapagdesisyunan mo ang pag-laban at hanggang sa huli ng magigig laban mo. Tumango nanlng ako sa magkapatid na parang batang inamo nilang dalawa. Ang kilos ko ngayon ay kabaligtaran ng lahat ng tapang at tatag na noon ay tangi kong sinasandalan para makasurvive. Pero ngayon ay parang gusto kong maging dependent sa lalaking ito. Ang hindi ko lang sigurado ay kung may espesyal bang kahulugan ang pagtulong nya sa akin o dahil lang sa awa nang makita nya ang pinagdaanan ko sa aking ama. Siguro nga ay dahil lang ito sa awa, at bilang isang dating naglilingkod sa bayan ay marahil hindi nya ako matalikuran na tulungan. Pero kahit ganoon ay isang malaking pasasalamat ko ito sa mag-kapatid na ito. Thank you Ms. Louise, sisiguraduhin namin na malaki ang maitutulog nito sa atin para manalo sa laban. Hindi ka man makapagdesisyon ngayon ay ang mahalaga ay napaghahandaan na natin. Maraming salamat din sa inyong dalawa. Matapos gawin ni Liza na eksaminin ako at, inalalayan na nya ako at tinulungan hanggang sa paliligo ko at pagbibihis. Hinandaan nya din ako ng aking masusuot. Dahil sa totoo lang ay halos wala na akong lakas na asikasuhin ang aking sarili. Nagpapaslamat pa ako ngayon na may tumutulong sa akin ngayon, noon ay halos hindi ko na nagagawang linisin ng maayos ang sarili ko. Ikinukulong ako sa resort at tanging ang halimaw lang ang nakakapasok sa aking kwarto. At paulit ulit lang ang eksena namin, kahalayan at sa aking panlalaban ay sakit ng katawan mula sa bugbog ang inaabot ko na halos ikamatay ko na. Nagagawa ko lang ang aking pagtakas, kapag bumabalik sila sa Mansion at inaalisan nya ng kandado sa labas ang kwarto ko, upang hindi mahalata ng mga taga-pangalaga ng resort. Kaya kapag nakahanap ako ng tyempo ay natatakasan ko ang bantay ko. Siguro dahil iniisip nilang hindi naman talaga ako dapat higpitan dahil anak ako ng kanilang amo. Kaya wala pa nakakita sa akin kahit minsan na ganito ang aking itsura. Kuya, mag-aahin lang ako ng pagkain natin, puntahan mo si Ms. Louise at alalayan na lumabas para sabay sabay na tayong kumain. Kumatok ako at pumasok.. Kamusta na pakiramdam mo? Mas maayos na ngayon, maraming salamat sa inyo ni Liza. Mabuti naman kung ganun. Gusto mo bang alalayan kita na lumabas? Kakain na muna tayo at pagkatapos ay mag-pahinga ka na muna ulit. Ah hindi na kaya ko ng lumakad mag-isa. Dahil nahihiya na ako kay Benedict, sobra na ang abalang ginawa ko. Ngunit sa pagtayo palang ay tila mabubuwal na ako. Sige na Ms. Louise, aalalayan na kita, nanghihina ka pa at baka lalo ka pa masaktan kung pipilitin mo kumilos mag-isa. kaya hindi na ako tumanggi na alalayan ako, at nang akmat lalakad ako ay bigla ko nalang nasabi kay Benedict. Si Don Felix Cortes ay hindi ko tunay na ama. Ang buong pag-aakala ko din ay s'ya ang tunay kong ama. 15 years old ako nang malaman ko na anak ako ng aking mama sa ibang lalaki, at noong araw din na yun una ko naranasan ang bangungot na ito sa kamay ng halimaw kong ama amahan. Hindi ko naman napigilan ang aking pagiyak, at hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang itong sinabi sa kanya. Hindi s'ya nagsalita, bagkos ay niyakap nya ako ng mahigpit habang hinahagod nya ang akig likod na parang sinasabing tumahan ka na at magiging ayos din ang lahat. Kaya hindi ko na napigilan ang pag-agos ng aking luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD