GABI na nang tuluyang maitabi ni Levi ang kaniyang itim na SUV sa basement parking ng isang ultra-exclusive high-rise condominium complex sa BGC. Tahimik ang buong paligid, at ang tanging naririnig ko lang ay ang mababang ugong ng makina ng sasakyan.
Habang nakatitig ako sa dalawang malalaking luggage ko sa backseat, pakiramdam ko ay gusto kong umurong.
Gosh, Natasha, sign agreement muna bago gulong ng buhay, 'di ba? pangaral ng isip ko sa sarili ko.
Pirmado ko na ang kontrata. Nakasaad doon ang lahat ng mga kakatwang probisyon na isinulat ni Levi: libreng tirahan, allowance linggo-linggo, libreng pagkain... kapalit ng pagiging tagalinis niya ng bahay at pagpapanatili ng katahimikan habang nagtatrabaho siya.
“Are you planning to sleep in my car, Miss Santos?”
Nabalik ako sa realidad nang marinig ang malamig na boses ni Levi sa tabi ko. Naka-unbuckle na ang seatbelt niya at nakatitig siya sa akin habang inayos ang salamin sa mata.
Mabilis kong pinaluwag ang balikat ko at pinatigas ang mukha ko. “Of course not! Nag-iisip lang ako kung papayagan kitang buhatin 'yang mga maleta ko, or if I should just hire a porter.”
Isang nakakalokong smirk ang lumitaw sa mga labi niya. “There are no porters here, Natasha. And frankly, with those high heels, you won't even make it to the elevator carrying half a bag.”
Dahan-dahan siyang bumaba ng sasakyan at naglakad papunta sa compartment. Bago pa man ako makaprotesta, halos parang wala lang na binuhat niya ang dalawang mabibigat kong maleta... 'yung mga maletang naglalaman ng halos kalahati ng buhay at gamit ko mula sa Germany!
Napakunot ang noo ko habang nakatitig sa likod niya. Pucha, 'yung lalaking ito na sinabihan kong “kapag hinipan ng hangin ay tatangayin sa sobrang payat” noon... ngayon ay walang kahirap-hirap na nagbubuhat ng dalawang limampu't limang librang bag na parang foam lang!
Nagtatakbong sumunod ako sa kaniya papasok ng private elevator. May ibinara siyang keycard sa scanner at pinindot ang penthouse floor.
Habang pataas ang elevator, naghari ang isang matinding tensyon sa loob ng maliit na kwadrado. Amoy na amoy ko ang panlalaki at kaaya-aya niyang pabango... amoy ng mayaman, matalino, at dominanteng lalaki. Naipit ako sa sulok ng elevator habang nakatayo siya sa tabi ko, sobrang tangkad na kailangan ko pang mag-angat ng tingin para lang makita ang panga niya.
Ting!
Bumukas ang pinto ng elevator at direktang bumungad sa amin ang mismong loob ng kaniyang unit.
Nalaglag ang panga ko.
It was a modern minimalist penthouse with floor-to-ceiling glass windows that overlooked the breathtaking night view of the Manila skyline. Puno ng mga kulay gray, black, at dark wood elements ang buong lugar. Malawak, napakalinis, at mukhang museum sa sobrang maayos.
“Welcome to my unit,” malamig niyang sabi habang inilalapag ang mga maleta ko sa gilid ng foyer. Inalis niya ang kaniyang leather shoes at isinuot ang house slippers. “That door on the left is your room. It has its own bathroom, a walk-in closet, and a balcony. Make yourself comfortable.”
Naglakad ako papasok sa ibinigay niyang kwarto at halos mapasinghap ako sa gulat.
Malamig na, may malaking king-sized bed, at may sariling walk-in closet! Mas maganda at mas malaki pa ito kaysa sa kwartong inupahan ko sa hotel kahapon!
Lumabas ako ng kwarto at nakitang nakatayo si Levi sa kitchen island habang nagbubuhos ng malamig na tubig sa baso. Inalis na niya ang salamin niya at nakabukas ang tatlong button ng kaniyang white dress shirt, revealing a hint of his toned chest.
Napalunok ako. Control yourself, Natasha. Professor mo 'yan at boss mo na ngayon.
“So...” panimula ko habang nagde-kuwatro ng braso sa harap ng counter. “Since I am technically your... housekeeper now, anong mga rules dito sa bahay? Kailangan ko ba ng uniform? May tiyak na oras ba ang paglilinis?”
Tumingin siya sa akin habang humihigop ng tubig. Ang matatalim niyang asul-berdeng mga mata ay nakatitig nang diretso sa akin, tila binabasa ang bawat takot at kaba sa dibdib ko.
“First rule: no house guests. No Babi, no friends from university, and definitely no boys,” panimula niya habang inilalapag ang baso. “Second rule: my home office is strictly off-limits. Do not touch my papers or my laptop.”
Tumango ako. “Easy. Fine with me. Ano pa?”
Dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa kinalalagyan ko sa tapat ng kitchen island. Ang bawat hakbang niya ay may kasamang matinding awra na nagpabilis ng t***k ng puso ko. Pinalibutan niya ako ng kaniyang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng counter, effectively trapping me in between him and the marble table.
Napa-atras ang katawan ko hanggang sa bumaon ang balakang ko sa gilid ng counter.
“And the third rule, Natasha...” bulong niya sa isang napakalalim at baritonong boses na nagpalabas ng balahibo sa buong katawan ko. “...you must remember who is in charge here. Outside this condo, I am Professor Hoffman. Inside this condo... you follow my words. Is that clear?”
Habol ang paghinga ko habang nakatitig sa mapupula at perpekto niyang mga labi. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin... mga tatlong pulgada na lang ang distansya at mararamdaman ko na ang init ng kaniyang paghinga sa pisngi ko.
Gosh! Bakit ganito 'to kabigat?!
Pilit kong pinanatili ang tapang ko, itinaas ko ang aking baba at tinitigan siya nang diretso sa mga mata.
“ clear, Professor,” hamon kong sagot habang idinidikit ang hintuturo ko sa dibdib niya para itulak siya nang kaunti. “Pero huwag mong kakalimutan... hindi ako alipin mo. Housekeeper lang ang nakalagay sa kontrata. Clear din ba 'yon?”
Isang nakakalokong, peligrosong ngiti ang lumitaw sa mga labi niya. Hindi man lang siya nagdalawang-isip na ibaba pa ang kaniyang ulo para maibulong ang huling salita sa mismong tainga ko.
“We'll see about that, Natasha. Welcome home.”
Kinabukasan, nagising ako sa amoy ng freshly brewed coffee at toasted bread.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ilang segundo pa akong natulala sa napakalinis at napakalaking kisame ng guest room bago muling bumalik sa utak ko ang lahat ng nangyari kahapon.
Nandito pala ako sa condo ni Levi.
Bumangon ako at mabilis na tumingin sa oras sa phone ko: 6:30 AM.
Gosh! Unang araw ko pa lang bilang "housekeeper" pero ako pa 'tong huling nagising! Mabilis akong naghilamos, nag-tali ng buhok, at lumabas ng kwarto.
Pagtapat ko sa kitchen island, nadatnan ko si Levi na nakasuot na ng kaniyang slacks at white dress shirt. Wala pa ang kaniyang suit jacket at nakatupi ang sleeves nito habang tahimik siyang nagbabasa ng tablet at humihigop ng kape. Sa tapat ng counter, may nakahandang plato ng omelette, dalawang piraso ng toast, at isa pang tasa ng kape.
“Good morning, Miss Santos,” malamig niyang boses nang hindi man lang nag-aangat ng tingin mula sa tablet. “You slept like a log. Inakala ko nang kailangan pa kitang buhusan ng malamig na tubig para magising.”
Napairap ako habang naglalakad papalapit sa counter. “Puyat ako, okay? At tsaka 6:30 pa lang! Anong oras ba ang gising mo? Madaling-araw?!”
“5:00 AM,” maikli niyang sagot. Inilagay niya ang tablet sa counter at tinitigan ako mula sa likod ng kaniyang eyeglasses. “Your breakfast is on the table. Eat fast. 8:00 AM ang klase natin.”
Napakunot ang noo ko habang nakatitig sa pagkain. “Nagluto ka? Teka, ako 'yung housekeeper dito, 'di ba? Ako dapat ang nagluluto at nag-aasikaso sa 'yo!”
Dahan-dahan niyang inayos ang kaniyang salamin gamit ang dalawang daliri. Isang maliit at nakakalokong smirk ang lumabas sa kaniyang mga labi.
“I know my priorities, Natasha. At sa nakita kong pagkilos mo kahapon, baka masunog lang ang kusina ko kapag pinahawak kita ng kawali sa unang araw mo,” malamig niyang usal. “For this week, just keep the living room tidy, vacuum the rug, and load the dishwasher. I won't give you heavy chores yet. Ayokong pumasok ka sa klase ko na mukhang pagod na pagod at bagsakan mo ang subject ko.”
Napa-nganga ako sa kaniya. Medyo nagulat ako sa sinabi niya... so hindi niya pa pala ako kawawaan sa mga gawaing bahay? Akala ko gagamitin niya 'to para pahirapan ako agad!
Pero siyempre, pride muna bago pasasalamat.
“Aba, thank you ha! Napakabait mo namang boss,” sarcastic kong sagot habang nauupo sa bar stool at kinukuha ang tinidor. “Pero kakayanin ko 'yung mga gawaing bahay. I'm not a delicate princess.”
“Really?” panunukso niya habang nakatitig sa akin. “Then prove it after class. Make sure the floor is spotless when I return tonight.”
Napa-angil ako habang kinakagatan ang toast. Bwisit talaga. Napakasungit at napaka-mayabang!
Pagdating sa campus, hiwalay kaming pumasok. Nauna siyang bumaba sa faculty parking habang ako naman ay nagpalipas pa ng sampung minuto sa may gate para siguraduhing walang makakakita sa aming magkasama.
Nang makarating ako sa lecture hall ng BM 101, agad na kumaway sa akin si Babi mula sa gilid.
“Natasha! Dito!” masayang tawag niya.
Mabilis akong tumabi sa kaniya at inilapag ang bag ko.
“Gosh, Natasha, saan ka ba nagtatago kahapon pagkatapos ng class? Bigla ka na lang nawala!” usisa ni Babi habang tinititigan ang mukha ko. “Tsaka wait... mukhang sariwa ang gising mo ngayon, ha? Nakahanap ka na ba ng bagong lilipatan?”
Mabilis akong napa-ubo at pilit na nagpakawala ng isang pilit na ngiti. “A-ah... yeah! Nakakita ako ng... ng panasamantalang matutuluyan. Malapit lang dito. Very quiet, very... minimalist.”
At may napakasungit na katira, dagdag ng isip ko.
“Talaga? Pwedeng pumunta diyan minsan? Mag-overnight tayo! Mag-aral tayo ng BM 101 together!” masayang alok ni Babi.
Nanlamig ang buong katawan ko habang naaalala ang Rule Number 1 ni Levi: No house guests. No Babi.
“Ah! Eh... medyo strict kasi 'yung landlord e!” mabilis kong palusot habang kumakaway ang dalawang kamay ko. “Super sungit ng may-ari! Bawal daw ang bisita, as in zero visitors allowed! Kahit langaw ata bawal pumasok doon!”
Nalungkot ang mukha ni Babi. “Hala, ganun? Ang sungit naman ng landlord mo! Parang si Professor Hoffman lang!”
Mabilis akong napatingin sa pinto nang biglang bumukas ito.
Pumasok si Levi. Suot ang kaniyang tailored dark navy suit, dala ang kaniyang leather briefcase, at taglay ang kaniyang seryosong awra na agad na nagpatahimik sa buong klase.
Nang mag-angat siya ng tingin, dahan-dahang huminto ang mga mata niya sa pwesto ko. Para bang narinig niya ang katatapos lang na usapan namin ni Babi.
Inayos niya ang salamin niya, at isang mabilis na smirk ang ibinigay niya sa akin bago siya tumitig sa buong klase.
“Good morning, class. Settle down. Today, we start with market demand analysis.”
Sumandal ako sa upuan ko at napabuntong-hininga.
Lord, tulungan Niyo po ako. Baka bago pa matapos ang semester na 'to, ako na mismo ang lumamon sa Professor na 'to sa sobrang inis!
Natapos ang klase nang wala akong naintindihan kahit isang salita sa huling kalahating oras ng lecture ni Levi. Paano ba naman, sa tuwing nagtataas ako ng tingin, nahuhuli ko siyang nakatingin sa direksyon ko. Hindi 'yung tingin na may malisya, kundi 'yung tingin ng isang terror prof na naghihintay na magkamali ang estudyante niya para mapahiya niya sa harap ng klase!
Bwisit talaga, bulong ko sa sarili ko habang padabog na isinusuksok ang notebook ko sa loob ng bag ko.
“Uy, Natasha! Tara, kain tayo sa labas!” masiglang aya ni Babi habang isinusukbit ang pink niyang backpack. “May bagong bukas na milktea shop malapit sa gate, balita ko buy-one-take-one daw sila ngayon! Libre ko na 'yung isa!”
Kumalam agad ang tiyan ko sa narinig ko. Gustong-gusto kong sumama. Gustong-gusto kong uminom ng milktea at magpanggap na normal na college student lang ako na walang problema sa pera. Pero biglang pumasok sa isip ko ang nag-iisang bilin ni Levi bago kami umalis ng condo kaninang umaga: “Make sure the floor is spotless when I return tonight.”
Napapikit ako nang mariin at pilit na ngumiti kay Babi. “Gosh, Babi, I would love to, pero kasi... uhm, kailangan kong umuwi nang maaga ngayon eh. May... may errands pa ako.”
Errands. Oo, tama. Errands na mag-vacuum ng sahig ng isang demonyong propesor, mapaklang dagdag ng isip ko.
Napasimangot si Babi pero mabilis din namang ngumiti. “Aww, sayang! Sige, next time na lang. Baka strict talaga 'yung bago mong landlord, bawal ma-late ng uwi? Gosh, daig pa parents mo ah!”
Kung alam mo lang, Babi. Kung alam mo lang.