Aki's Point Of View "Hoy! Huwag kang matulog sa klase." Siniko ako ni Mina. Inayos ko naman ang sarili ko at pinilit na tumingin sa harap. Ngunit gusto ko na talagang pumikit at matulog. Nakatulog naman ako pero hindi iyon sapat kaya heto ako ngayon na inaantok. Walang pumapasok na kahit ano sa isip ko. Patuloy na bumabalik ang scenario sa isipan ko kagabi. Ang pagdami ng kamay ko sa harapan nito, ang mahigpit nitong pagkakayakap sa akin at ang labi nitong nakadampi sa leeg ko't tila hinahalik-halikan. Dahil sa mga iniisip ko, hindi ko na naman namalayan ang oras at natapos na ang klase. Kahit isang lesson ay wala akong naintindihan dahil lumilipad ang isipan ko. "Ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" Pagkatapos ng klase ay agad kaming pumunta rito sa cafeteria. "W-Wala..." Umiwas ako nang t

