ENJOY READING! Aki's Point Of View "A-Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Simon? M-Masyado ka pang bata sa mga ganiyan," sabi ko rito. Tumingin ako sa pinapanood niya. "Oh, iyan dapat ang pinagtutuunan mo ng pansin." "But–" Tumingin ako sa kanya at pinutol na ang dapat niyang sasabihin. "No, buts, okay?" Ngumuso itong tumango at ibinalik ang pansin sa tv. Bumuntong-hininga ako. Hindi ako makapaniwala sa batang 'to. Hindi ko alam kung ilang taon na siya pero kung makapagtanong ay parang matanda. Minana pa niya sa ama ang pagiging strikto ng kanyang itsura. Siguro paglaki nito'y hindi nalalayo ang ugali't itsura kay Hugo. "Hindi ka ba gutom?" tanong ko sa kanya pagkaraan. Tumingin ito sa akin. "A little bit po," sagot niya. Tumingin ako sa pinto ng kuwarto ni Hugo dahil hindi pa rin ito lu

