Aki's Point Of View "I didn't saw your father. Where's he?" Tumingin ako sa kanya. Abala siya sa pagmamaneho. "Tsismoso ka rin pala?" Tumawa ako pero binalingan lang niya ako nang tingin. "Auhmm. Patay na," sagot ko. "I'm sorry, I didn't know," anito. Napangiti ako. "Ayos lang. Matagal na rin naman iyon and masaya na ako sa kung saan si Papa ngayon. Ikaw nasaan mga parents mo?" tanong ko. Tumigil kami at nang mapatingin ako sa labas ay nasa harap na kami ng building. Lumabas ito na hindi na naman sinasagot ang naging tanong ko. Wala akong nagawa kundi ang sumunod papalabas. Kinuha ko ang maleta ko sa likod ng kanyang kotse at hinila na iyon para sundan siya. "Hindi mo ba ako tutulunga dito?" tanong ko nang maabutan ko siyang ibinigay sa bellboy ang susi ng kanyang kotse. Humarap it

