Aki's Point Of View Ang lakas ng kabog sa dibdib ko na hindi ko mahabol ang aking paghinga, kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Napako ang mga paa ko sa kinatatayuan habang nakatingin sa malayo kung saan ko nakitang pumasok si Hugo, kasama ang isang babaeng hindi ko mamukhaan. Hindi ako puwedeng magkamali, dahil bulto pa lang ni Hugo ay kilalang-kilala na ng mga mata ko at hindi ko puwedeng sabihin na si Mina ang babaeng kasama nito dahil kausap ko siya kanina na kasama nito ang kaniyang Mama at Papa, may pupuntahan silang business trip. "Sir, excuse me?" Napabalik ako sa realidad ng may tumapik sa akin kaya napatingin ako rito. "Bakit ho?" tanong ko, nang makita ko ang isang ginang na may dala-dalang sim card sa kaniyang magkabilang kamay. "Bibili ka? 10 pesos na lang isa, mal

