Pinili niya ang manirahan sa lugar na ito kung saan ang sinag ng araw ay hinding-hindi nakakarating matapos siyang itakwil ng kanyang mga kauri. Nasa pinakamalalim ito na parte ng karagatan. At kahit na batid niyang madaming kapahamakan ang nakapaligid sa lugar na ito, dito niya natagpuan ang katahimikan. Lumipas ang panahon at ang buong akala niya ay mag-isa lamang siya sa bahaging ito, subalit nakatagpo siya ng mga kakampi. Mga kauri niya ang mga ito noon, bago sila nabago at naging ganito ngayon. Nabawasan ang kanilang talino, pero nakakaunawa pa rin sila. Hindi man sila kaaya-aya sa paningin, iyon ang kanilang naging lakas. Nakakatakot at mabangis kung sila ay ituring. Ngunit sila ay naghahanap lamang ng kalayaan at pagtanggap sa kung ano man sila ngayon. Sila lamang ay hindi nauunaw

