Tanghali na pero walang araw na masisilayan ngayon. Malamig ang simoy ng hangin. Hindi kataka-taka dahil makulimlim ang panahon. Sana lang ay hindi umulan. Naglalakad si Roselda sa maalikabok na daan. Inutusan siyang bumili ng kamatis at sibuyas sa tindahan. Magluluto sana si Mamang ng sinigang na bangus na kanyang nabili sa bayan kaso nakalimutan niya ang pansahog na kamatis at sibuyas. Umihip ang hangin at nilipad ang buhok ng dalaga. Napahawak siya rito upang pigilang tangayin muli ito ng hangin. Sana pala ay tinali niya ito bago umalis. Napatigil siya sa paglalakad at napalingon nang makarinig na isang pagkaliit-liit na hiyaw. Wala namang ibang taong sa kalsada. Nang muli niyang marinig ang hiyaw, nabatid niyang nagmumula iyon kay Saminsadi, ang kanyang lambana. Saan na naman kaya

