“Binili mo na pala ang resort na iyon?” May halong pagkainis ang kanyang pagkasabi ng bawat kataga. “Akala ko ba ay hindi na tayo babalik sa lugar na iyon? Hindi ba’t pinag-usapan na natin ito noon? Nagtiwala ako na buo na ang pasya mo tungkol sa bagay na ito. Bakit mo pa naisipang bumalik roon?” Kasalukuyang nag-iimpake ng mga gamit ang kanyang kausap. Hindi man lang ito lumingon sa kanya habang patuloy ito sa pag-aayos ng mga damit sa isang malaking maleta. “Kung ayaw mong sumunod, magpaiwan ka. Total naman lagi kang busy sa mga negosyo mo. Ni hindi mo man lang naisip na kailangan ka din namin ng anak mo.” Hindi nagustuhan ng lalaki ang narinig na sagot mula sa kanyang asawa. “Holy crap, Cecilia! Ang lahat ng ito ay ginagawa ko para sa inyo. Ano ba ang mapapala mo sa pagbalik roon? Uma

