13. Ang Lihim at Ang Mameleu

1333 Words

“Managat?”  Mahina lamang ang pagkakausal niyon subalit sapat na ito upang matigilan ang binatang sireno at ang kasama nitong munting sirena sa ginagawa nilang paghahalughog sa loob ng lumang guho. Agad na napalingon si Managat sa dakong bukasan, subalit wala namang siyang natanaw mula roon. Nasisiguro niyang walang nakasunod sa kanila nang sila ay magtungo rito. Kanino nanggaling ang tinig?  Mabilis na lumapit si Sarikit sa binatang sireno. May takot itong naramdaman. Papaano kung dakpin sila ng mga kawal.  Nag-ikot nang paningin si Managat, umaasang mali ang kanyang iniisip at nasumpungan ang lambanang-tubig na biglang naningkad ang liwanag. Paikot-ikot ito sa isang bahagi ng kisame at tila tuwang-tuwa ito.  Hindi niya agad napansin ang makinang na bagay na tinatalbugan ng liwanag ku

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD