6. Mga Itlog ng Lambanang-Tubig

1464 Words
Biglang nagising si Roselda nang marinig ang ilang mga pagkatok sa pinto ng kanyang silid.  “Eda, anak! Bumangon ka na riyan. Aba, tanghali na!” narinig niyang tawag sa kanya ng kanyang Mamang. “Bilisan mo at marami pang gagawin.”  Napakisap ang dalaga at napahikab. Si Mamang talaga, ang aga-aga nambubulahaw, sa isip niya. Ngayon nga lang ako magigising ng tanghali dahil walang pasok.  Bago siya tuluyang bumangon ay nag-unat-unat muna siya. Nakakasilaw ang liwanag na tumatagos sa kanyang kurtina. Tanghali na nga at mataas na ang sikat ng araw. Naririnig na niya ang pagputak ng mga manok sa labas.  Dumungaw siya sa bukas na bintana at natanaw ang ilang kapitbahay. Karamihan sa mga ito ay may kanya-kanyang ginagawa. Si Aling Minda ay nagwawalis sa kanyang bakuran; si Mang Tino ay nagpapanday ng lumang bangka; si Manang Bining ay naglalakad palabas ng kalsada, sa ulo nito ay nakapatong ang isang bilao na puno ng mga sariwang isda; samantalang si di kalayuan, may ilang mga batang naglalaro ng habulan, dinig na dinig niya ang sigawan at halakhakan ng mga ito. Ramdam na ramdam na talaga ang bakasyon.  “Eda!” Muling tawag sa kanya.  “Pababa na po!” pasigaw din niyang tugon.  Pagdating ni Roselda sa kusina, nakahanda na ang almusal sa hapag; isang supot na punong-puno ng pandesal ang naroroon, kasama ang isang tasa na wala nang laman at natitiyak niyang ginamit ni Papang iyon, katabi nito ang isang pinggan ng pritong isda. Natatakam siyang naupo sa tabi ng mesa.  “Bilisan mo ang pagkain,” sabi ni Mamang na noong mga sandaling iyon ay nag-aayos ng mga yari ng native bag.  “Ano ba ang meron, Mang?” wika ni Roselda sa pagitan ng pagsubo ng pandesal.  “Aba, nakalimutan mo atang samamahan mo ako sa pag-deliver ng mga ito?”  Natigilan ang dalaga sa pagsubo. Oo nga pala, araw ng Biyernes ngayon. Nangako siya sa Mamang na sasamahan niya ito sa paghatid ng mga bag na order ng isang suki sa bayan.  Bigla siyang tumayo at lumapit sa matanda. “Ay oo nga pala,” naglalambing na sabi nito. “Ang Papang pala?”  “Kanina pa umalis, ibig nang tapusin ang pagtatahi ng kanyang lambat. Sayang naman daw ang paglipas ng magandang panahon para ipangisda.” Tugon ng kanyang Mamang, “Ewan ko ba dyan sa Papang mo at sige pa rin sa kakapalaot, alam nya namang tumatanda na sya.”  “Mang, alam mo namang kinagisnan na niya ang pangingisda diba? Sabi mo pa nga, nahulog ka sa kanya dahil sa angking kakisigan niya noon,” pabirong sabi ni Roselda.  Mistulang namula ang mukha ng matanda sa narinig. “Pasaway ka talagang bata ka.”  Natawa na lang si Roselda. Ganoon ang karaniwang araw sa kanilang tahanan. “Managat?”  Naramdaman niya ang marahang pagyugyog sa kanyang balikat. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya. Napaangat siya ng ulo. Hawak-hawak pa rin niya ang kamay ng Punog Maayo. At hindi niya batid kung ilang oras siyang nakatulog ng ganoon.  “Managat…” muli niyang maramdaman ang pagyugyog. “Gumising ka na.”  Unti-unting niyang minulat ang kanyang mga mata at hinagilap ang pinagmumulan ng maliit na tinig.  “Managat, pakiusap gumising ka na.”  Napalingon siya at sa kanyang likuran ay naroon ang isang sirenang paslit. Halos puti ang kabuuang anyo nito, mula ulo hanggang buntot; ang pangunahing kulay ng karaniwang sireno at sirena kapag napisa na mula sa kanilang itlog. Ang buhok nitong may kahabaan ay natitirintas ng malasedang uri ng halamang-ugat at nakapatong sa kanang balikat nito. Nakangiti ito sa kanya.  “Sarikit, ikaw pala.” Bungad ng binata sa kanya.  “Mabuti naman at nagising ka na,” malambing na tugon nito. “Kanina pa kita ginigising subalit ang himbing ng tulog mo.”  “Paumanhin,” ani Managat na napatingin sa dako ng punglo, bakas ang lungkot sa kanyang tinig.  “Ikinalulungkot ko,” lumapit si Sarikit sa gilid ng punglo. “Gagaling pa naman siya hindi ba?”  Puno ng pag-asa ang mga mata ng sirenang paslit habang pinagmamasdan ito ni Managat. Ang isang musmos na kagaya niya ay mayroong matibay na pananalig. Sana ay gayun din ako, sa isip niya.  “Oo naman, Sarikit.” aniya. “Makikita mo, bukas, magigising na ang Punong Maayo, at makikipaglaro na ulit siya sa atin.”  “Sana nga po,” anang paslit na tinungo na ang labasan.  Sumunod si Managat sa munting sirena at bago tuluyang lumabas ay nilingon ang anyo ng Punong Maayo. Tila ba natutulog lang din ito ng mahimbing. Maliit lang ang lugar na laan para sa palengke. Hindi din ito kalawakan. Kaya sa tuwing darating ang market day, kagaya ngayon, siksikan talaga ang mga tao. Sa pasukan palang ay hindi na magkasya ang mga mamimili na may kanya-kanyang dalang bayong. Ang ilang maagang dumating ay maaga ring papauwi, samantalang ang mga huli na ay nagkukumahog na mabili ang mga kakailangin dahil mura ang bilihin kapag ganitong araw. Maingay at magulo, ito ang karaniwang makikita.  Nakatayo si Roselda sa labas ng isang kubol. Sa itaas nito ay makikita ang mga katagang “Love Natives” sa hugis-kawayan na mga titik. Sa loob nito ay naroon si Mamang na nakikipagtalakayan sa bantay ng naturang tindahan. Hindi naman niya marinig ang pag-uusap ng mga ito dahil sa salamin na mga  dingding.  Sa kanyang harapan ay naroon ang mga tolda ng samo’t saring gulay at mga prutas, habang ang mga bantay nito ay nagsisisigaw upang ang kanilang paninda ay mabili. Sila ang mga mangangalakal na naglalakbay sa iba’t ibang bayan upang maglako ng kanilang produkto.  “Psst, Negra,” isang kurot sa tagiliran ang naramdaman ni Roselda.  Pag talikod niya, nakita niya si Marissa, ang maingay niyang kaklase. Suot nito ang paboritong damit na matingkad na asul at may mga himulmol na natatalian ng mga abaloryo. Ang buhok nitong kulot ay nakapuyod subalit hindi pa rin maitatangging mistula itong malagong puno kung titingnan sa malayo dahil na rin sa may lahi itong Aeta.  “Maka-negra ka naman, Marissa.” Yamot na tugon ni Roselda rito. “Mas maitim ka pa nga sa akin.” Tumabi siya sa kaklase. Sa kanilang dalawa, mas maitim naman kung ikukumpara ang kaibigan.  Natawa si Marissa at marahang hinampas sa braso ang kaibigan. “Oh sige, ako na mas negra. Pero mas maganda pa rin ako sa iyo.”  Si Roselda naman ang natawa ngayon. “Ikaw na maganda. Ano ba ginagawa mo rito?”  "Ano ka ba? Market day ngayon, malamang namamalengke ako,” nagtataray na tugon ng kaibigan. “Saka, makikipag-date ako,” bulong nito na nilingon ang isang lalaki na nakatayo sa di-kalayuan.  Sinundan ito ng tingin ni Roselda. Mukhang disente naman ang lalaki at matiyagang nag-aantay.  “Tingin ko, naiinip na siya,” bulong din ni Roselda dito. “Pero in fairness ah, cute sya.”  Parang nanlaki ang mga taenga ni Marissa sa narinig. “Ako pa,” mayabang nitong sabi na wari ba’y siya na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. “Oh sya, iiwanan na kita. Inaantay na ako ng aking Papa.”  Muling nagtawanan ang dalawa.  “Uy, nga pala, minsan dadalaw ako sa inyo ah.” Dugtong pa nito.  Tumango si Roselda bilang tugon. “Oo naman, welcome na welcome ka sa kubo namin.”  Tawanan ulit at bigla siyang niyakap ni Marissa. “Bye negra,” panunukso pa nito bago tuluyang tumalikod.  Nangingiting pinagmasdan ni Roselda ang kaibigan na lumalakad papalayo kasama ang lalaki. Buti pa ang negrang iyon, nakabingwit na gwapong isda, sa isip niya. Ako kaya, kailan magkakaroon? Biglang pumasok sa isip niya si Managat. Sa kailaliman ng karagatan, nakaupo ang binatang sireno sa malapad na batuhan sa bahurang hardin ng Palasyo. Dito ay natatagpuan ang makukulay na uri ng korales, espongha, anemona at iba’t ibang uri ng halamang-dagat. Pinagmamasdan niyang naglalaro si Sarikit, ang munting sirena, habang hinahabol nito ang kaakit-akit na mga dikyang naroroon.  Hindi pa rin niya maiwasang isipin ang karamdaman ng Punong Maayo at ang kwento ng Dalit-Kamingawan. Kailangan makahanap siya ng lunas sa lalong madaling panahon. Subalit hindi niya alam kung saan magsisimula. Kung ang karamdamang ito ay libong taon na, natitiyak niyang mahihirapan siyang tuklasin ang lunas. Maari niyang tingnan ang talaan ng mga gamot ni Maalam, ngunit naisip niyang kung maging ito ay sumuko na, nasisiguro niyang wala siyang mapapala. Pero kailangan niyang subukan.  “Managat, tingnan mo, may natagpuan akong mga itlog.”  Hindi niya namalayang lumapit si Sarikit.  Nang kanya itong masdan, dalawang bilo-habang itlog ang naroon sa mga palad ng munting sirena. Mala-pilak ang mga balat nitong may paikid na linyang ginto sa paligid, habang sa ibaba ng mga ito ay mayroong mistulang mga galamay na tila gumagalaw. Nagbibigay ito ng kakatwang liwanag na tila tumitibok-t***k.  “Sarikit, hindi iyan pangkaraniwang mga itlog,” wika ni Managat, may kalakip sa pagkamangha ang tinig nito. “Mga itlog iyan ng lambanang-tubig.”  “Lambanang-tubig?” ulit ng munting sirena.  “Ang mga lambanang-tubig ay mga pambihirang nilalang ng tubig. Kapag nakatagpo ka ng isang lambanang-tubig at Nangintal ito sa iyo, ito ay magiging kasa-kasama mo palagi. Magiging matalik mo itong kaibigan, at ano man ang hihilingin mo dito ay tutuparin niya.” Paliwanag ng binata.  “Talaga?” napuno ng kasabikan ang mga mata ni Sarikit. “Ito, ibibigay ko sa iyo ang isa,” sabay alok ng munting sirena sa isang itlog.  Napatingin si Managat kay Sarikit. “Talaga, akin na ito?” Nahihiya niyang kinuha ang munting itlog.  Tumango ang munting sirena. “Oo Managat, sa iyo na iyan. Tig-isa tayo.”  Napangiti ang binatanong sireno at mahigpit niyang niyakap ang munting sirena. Kahit papaano ay gumaan ang kanyang makiramdam. Salamat kay Sarikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD