NANG sumapit ang lunch break ay agad akong nagtungo sa locker room para kunin ang aking cellphone at kikay kit. Nadatnan ko roon si Andrew na busy sa paglalaro ng mobile games habang hinihintay ako. "Tama na ‘yan. Kumain na tayo." "Wait lang. Two minutes." Sumandal siya sa locker at seryosong pinagpatuloy ang nilalaro. "Adik ka talaga. Puro ka na lang video games." Binuksan ko na lang ang cellphone at nag-check ng mga social media accounts ko. Gano’n na lang ang tuwa ko nang makita ang friend request ni Tyrone. Agad ko iyong in-accept. Kasunod niyon ay chineck ko ang account ni Tyrone. Karamihan sa posts nito ay tungkol sa hotel. Wala man lang itong posts tungkol sa family or sa ka-partner nito. Gusto ko pa naman sanang i-check kung may girlfriend na ito or asawa. "Yes! Panalo!" s

