"MADAM, nag-text na ba sina Myka? Tapos na kaya silang mag-set up sa simbahan?" tanong ko kay Ma'am Jhossa. Naka-upo ako noon sa tapat ng vanity mirror habang inaayusan ng make up artist. "Kakatapos lang nilang mag-design sa simbahan. Sa reception naman, halos patapos na ring mag-design ang team natin. Wala namang problema sa catering dahil nandito lang naman ang mga gamit at pagkain sa hotel. So basically, wala ka nang kailangang alalahanin dahil plantsado na ang lahat." "Iyong mga kasali sa entourage nag-confirm na ba silang lahat?" "Yes! At lahat sila on the way na sa simbahan. Kaya relax ka lang, Maxene. Ako ang wedding coordinator mo, so rest assured that everything will be okay, okay?" Tumango-tango ako ngunit pagkatapos no'n ay napabuga ako ng hangin. "Mag-relax ka nga. Wala ka

