"KILALA mo si Anton Imperial?" takang tanong ko habang nakatingin kay Kuya Rodel. "Manahimik ka, Maxene!" "Anong ibig sabihin nito, Kuya Rodel? Bakit ka tinatawagan ni Anton Imperial? May pina-plano ba kayong masama sa akin?" "Sinabi kong manahimik ka!" Sinagot na niya ang tawag at pinindot ang speaker button. Patuloy pa rin siya sa pagda-drive. Nagtagis ang mga bagang ko nang makita si Anton sa screen ng cellphone. "Nasa'n na kayo?" agad na tanong nito. "Papunta na po sa Bulacan, boss." "Wala bang nakasunod sa inyo?" "Wala, boss. Malinis na malinis po." Lalo akong kinabahan sa takbo ng usapan nilang dalawa. Sumabat na ako sa usapan nila at hinawi ang cellphone paharap sa akin. "Anong ibig sabihin nito, Sir Anton? Saan n'yo ako dadalhin?" "Maxene," isang mala-demonyong ngiti an

