NAIINIS akong tumayo sa kinauupuan at binitbit ang aking mga gamit pati na rin ang in-order kong isang baso ng margarita. Lumapit ako sa isang bakanteng table at doon naupo para maiwasan ang mayabang at bastos na lalaking iyon. Subalit ayaw niya talaga akong tantanan.
Lalo akong nabwisit nang bigla na lang siyang naki-join sa table ko at walang pasabing naupo sa bakanteng upuan sa tapat ko.
Muli ko siyang tinaasan ng kilay. "Look, mister! Kanina pa sira ang araw ko kaya p’wede ba huwag mo nang dagdagan pa ang init ng ulo ko?"
Tulad ng dati ay nginitian niya lamang ako nang ubod ng tamis, dahilan para sandali akong matigilan. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Sobrang lakas pa rin talaga dating niya sa akin kahit lagi niya na lang akong binabastos.
"Hey, relax! Masyado ka na namang high blood."
Napa-iling na lang ako sa sobrang kakulitan ni Tyrone.
"Bakit ka lumipat? Ayaw mo ba akong makasama?"
"Obvious ba?" naiinis kong tanong sa kaniya. "Lumayo na nga ako, lapit ka pa nang lapit d'yan."
"Miss ko na kasi ang blow job mo."
"Ano?" pinandilatan ko siya ng mga mata.
"I mean 'yong blow job shots mo." natatawang bawi niya sa naunang sinabi kahit halata namang sinadya niya iyon. "Ang corny ng bar na 'to, walang blow job shots. Mabuti pa 'yong mobile bar n'yo, unlimited 'yong drinks. Sobrang ganda pa ng bartender."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa mga sinabi niya.
"Sa kanila ka magreklamo, 'wag sa 'kin."
"Bakit ba ang sungit mo?"
"Ang bastos mo kasi. Hindi ka na nakakatuwa. Will you please leave me alone?"
"Huwag mo naman akong ipagtabuyan. I just want us to be friends."
"I'm not interested. Marami na akong friends. So please leave me alone."
Subalit hindi pa rin tuminag si Tyrone kahit anong pagsusungit at pagtataboy ko sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin at naka-plaster pa rin sa gwapo niyang mukha ang matamis na ngiti. Halatang nagpapa-cute sa akin.
In fairness, cute naman talaga siya.
Napa-iling na lang ako nang maramdamang tila wala siyang balak na umalis sa table na inuukopa ko.
"You can apply for a position at my hotel if you're looking for work." buong pagmamayabang niyang wika mayamaya. Muli niyang nilapag sa harap ko ang calling card na iniwan ko kanina sa bar counter.
"I'm not interested." Kinuha ko sa loob ng bag ang headset at kinonekta iyon sa hawak kong cellphone. Makikinig na lang ako ng music kaysa makinig sa kayabangan ng lalaking ito.
May-ari ng hotel? Pasimple ko siyang tinapunan ng tingin. Mukhang mayaman naman talaga siya. Ang suot niyang suit at relos ay halatang mamahalin. Iyon nga lang, mayabang!
Sa totoo lang ay natu-turn off ako kapag may umaaligid sa aking lalaki at ipagmamalaki ang estado nito sa buhay. Hindi naman kasi ako ang tipo ng babae na makikipag-relasyon dahil lang sa pera. Mas gusto ko kasing makuha ang mga materyal na bagay na hinahangad ko mula sa sariling sipag at tiyaga.
"You seem to enjoy staring at me."
Saka lang ako tila natauhan matapos marinig ang nakakalokong wika ni Tyrone. Muli ko siyang inirapan para itago ang paghangang nararamdaman.
Sa totoo lang ay gusto ko sanang magpakalasing ng oras na iyon para makapag-unwind. Kaya lang paano akong makakapag-unwind kung may isang asungot na lalaking ayaw akong tantanan?
Dali-dali ko nang inubos ang iniinom ko tapos ay nag-iwan na lang ng pera sa lamesa. Tumayo na ako at muling binitbit ang aking mga gamit. Tinalikuran ko na ang hambog at bastos na lalaking sumira ng gabi ko at tinungo na ang pintuan ng bar.
Subalit sadyang makulit si Tyrone. Agad siyang humabol at pinigilan ang isang kamay ko.
"Maxene, wait. Can I get your number?"
"Don't touch me!" Nagulat ako sa ginawa niya kaya naman biglang umigkas ang kanang kamay ko sa pisngi niya.
Napabaling ang mukha ni Tyrone sa lakas ng sampal ko. Bigla akong nakaramdam ng guilt nang makitang namula ang pisngi niya. Agad din namang nawala ang guilt na nararamdaman ko nang makita ang nakakalokong ngiti sa kaniyang mga labi.
"Ang tapang mo talaga. I like that." naka-ngising wika niya habang hinihimas ang pisngi at matiim na nakatingin sa akin.
Kinabahan ako sa paraan ng pagtitig niya. Para kasing inaarok niya ang buo kong pagkatao. Halatang napikon siya sa ginawa ko at parang gusto niya akong parusahan.
At hindi nga ako nagkamali. Ginawaran niya nga ako ng parusa. Bigla niyang kinabig ang beywang ko palapit sa kaniya at siniil ako ng halik sa mga labi.
Sandali akong natigilan sa ginawa niya. Nang makabawi ay pinilit ko siyang ipagtulakan palayo ngunit masyadong malaki ang katawan niya kaya naman hindi ko siya natinag. Pinilit kong isara ang aking mga labi subalit nagawa pa rin ng dila niya na makapasok sa loob ng aking bibig.
Nagsimula nang maglikot ang dila ni Tyrone sa loob ng aking bibig. Kasabay niyon ay ang paggapang ng kakaibang init sa aking katawan. Aaminin ko, nag-eenjoy ako sa ginagawa niya. Subalit nang maalala ko kung nasaang lugar kami ay bigla ko siyang tinulak nang malakas.
Nang magkahiwalay ang mga labi ay muli ko siyang sinampal.
"Bastos ka talaga!" naiinis kong sigaw para hindi niya isiping nagustuhan ko ang ginawa niya.
Muli ay sinuklian niya lang ako ng nakakalokong ngiti sa mga labi. Halatang nag-enjoy nang husto sa kapangahasang ginawa niya.
Pinilit kong bawiin ang kamay ko na hawak niya pa rin ng mga sandaling iyon. At nang magtagumpay ay tinalikuran ko na siya at dali-daling lumabas ng bar. Hindi ko pinansin ang paulit-ulit niyang pagtawag sa pangalan ko.
Agad akong sumakay ng taxi na nakahinto sa tapat ng bar. Matapos masabi sa driver kung saan ang destinasyon ko ay isang mahabang hininga ang lumabas sa aking bibig.
Mayamaya ay kusang umangat ang isa kong kamay ay humaplos iyon sa mga labing hinalikan ni Tyrone kanina.
Nahihibang na ata ako dahil hanggang ngayon ay tila ramdam ko pa rin doon ang mainit niyang mga labi at ang mapangahas niyang dila. Hanggang sa hindi ko mapigilan ang pagsilay ng matamis na ngiti sa aking mga labi.
In fairness, ang sarap niyang humalik!