CHAPTER 5

1295 Words
PAGKALIPAS ng dalawang araw ay nakatanggap ako ng tawag mula sa Imperial Hotel, ang hotel na pinagtatrabahuhan ni Andrew. Nakapasa ako sa initial phone interview at ayon sa recruitment specialist na naka-usap ko, bukas din ay p’wede na akong magpunta sa hotel para sa exam at final interview. Kaya naman kinabukasan ay maaga akong nagtungo sa nasabing hotel bitbit ang resumè at ang panalangin na sana ay matanggap na ako sa trabaho. Dininig naman ng Diyos ang panalangin ko. Sa wakas ay natanggap din ako sa trabaho. Pasado alas kuwatro na nang matapos ang job offer ko. Alas-singko ang out ni Andrew kaya tumambay muna ako sa bar ng hotel para hintayin siya at i-share sa kaniya ang magandang nangyari sa buhay ko ngayong araw. Siguradong matutuwa siya sa ibabalita ko. Pumuwesto ako sa bar counter at umorder ng rhum cola. Iinom muna ako habang hinihintay si Andrew. "Max, napapadalas yata ang pag-inom mo ngayon." wika ng lalaking tumabi sa akin sa bar counter mayamaya. Agad akong bumaling sa pamilyar na tinig na iyon. Napangiti ako nang sa wakas ay makita ang aking matalik na kaibigan. "Sorry na po, itay." natatawang biro ko sa kaniya. "Ang mabuti pa uminom na lang tayo. Umorder ka ng gusto mong drinks. My treat." "Aba! Anong meron at bakit biglang nanlibre ang kuripot? "I have good news for you. Hulaan mo kung ano." Isang nakakalokong tingin ang pinukol ko sa kaniya. "Marami kang raket ngayong buwan?" "Nope!" "May boyfriend ka na?" Umiling-iling ako. "Sira! Alam mo namang wala akong time sa lovelife ngayon." “Sirit na!” Bumaling si Andrew sa waiter at um-order din ng rhum cola. "So, ano nga 'yong good news mo?" "May work na ulit ako. I just signed my contract as a front desk receptionist sa hotel na ‘to." Halatang nagulat si Andrew sa sinabi ko. "Talaga? You mean magkakasama na tayo sa trabaho?" Tumangu-tango ako. "It's nice, 'di ba?" "It's nice talaga." Sang-ayon niya at sa sobrang tuwa ay saglit niya akong niyakap. "Congrats, bespren!" Nang nilapag ng bar tender sa tapat ni Andrew ang in-order na alak ay agad niya iyong kinuha. Inangat niya ang high ball glass sa tapat ko at nakangiting tumingin sa akin. "Best of luck on the new start, new world and new goals!" "Thanks." Inangat ko rin ang baso ko at binunggo iyon sa baso ni Andrew. "Cheers!" Sabay naming nilagok ang alak. "Kailan ang start mo?" "Pinagpapasa na ako ng requirements bukas. Once na ma-complete ko 'yon, p'wede na akong mag-start next Monday." "Nice. I'm so happy for you, Max! Finally, may work ka na ulit." "Thanks." “WOW! Ang ganda naman ng best friend ko." buong paghangang wika ni Andrew habang bumaba ako sa hagdanan suot ang aking uniform. "Bagay ba?" nakangiti kong tanong nang huminto sa tapat ng sofa na kinauupuan niya. Umikot pa ako sa harapan niya na tila isang modelo. Suot ko noon ang puting long sleeve na pinatungan ng navy blue suit vest na tinernuhan ng navy blue rin na pencil cut skirt. Ang ganda ng tabas ng pinatahi kong uniform kaya naman bakat na bakat ang magandang hubog ng aking katawan. "Bagay na bagay, bespren. Para kang model sa suot mo." natutuwang wika ni Andrew tapos ay nag-thumbs pa. "Tara na! Baka ma-late tayo." "Sure ka ba na sasakay ka sa motor ko?" "Oo naman. Mas okay na ‘yon kaysa mag-commute ako. Saka para tipid na rin." Hinila ko na ang kamay niya at lumabas na kami ng bahay. Siya na ang nag-lock ng pinto at ng gate. Nakaparada ang motor ni Andrew sa tapat ng bahay ko. Inabot niya sa akin ang helmet at agad ko namang sinuot iyon. Sinuot niya na rin ang sariling helmet na dala. Ito ang unang araw ko sa trabaho. Parehas kami ng schedule ni Andrew kaya sasabay ako sa kaniya papasok at pauwi. 7:30 pa lang iyon ng umaga kaya naman hindi pa mainit ang sikat ng araw. Sumakay na siya sa motor at ini-start na ang makina ng sasakyan. "Ready ka na ba sa first day mo?" "Oo naman." agad kong tugon kahit ang totoo ay kinakabahan ako. "Let's go!" Patagilid akong umangkas sa motor at ilang sandali pa ay umalis na kami. Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba habang papalapit kami sa hotel, na lalong lumakas nang makarating na kami sa parking lot. "This is it!" Bumunot muna ako ng malalim na hininga bago bumaba ng motor. Natawa si Andrew matapos kong tanggalin ang helmet sa ulo ko. Marahil ay napansin niyang kinakabahan ako. "Relax ka lang, Maxene. 'Wag kang mag-alala, mababait ang mga tao rito. Well, aside kay Sir Tyrone." "Tyrone? Sino siya?" "Si Sir Tyrone Imperial, siya ang may-ari ng hotel na ito.” "Tyrone Imperial?" Kumunot ang aking noo. Parang pamilyar ang pangalang iyon. Parang narinig ko na ang pangalang iyon hindi ko nga lang maalala kung saan at kailan. "Mag-ingat ka kay Sir Tyrone, Max. Playboy ‘yon. Sa ganda mong 'yan siguradong matitipuhan ka niya." Parang lalo akong kinabahan sa sinabi ni Andrew. Sana lang talaga ay hindi ako matipuhan ng boss namin dahil ayaw kong magkaro'n ng issue sa hotel na ito. Nandito ako para magtrabaho at hindi para maghanap ng boyfriend. Naglakad na kami patungo sa elevator. At dahil hindi ko pa kabisado ang pasikot-sikot sa hotel ay hinatid ako ni Andrew sa opisina ng front desk manager namin na si Ma'am Jenny. “I’ll go ahead, Max. Magkita na lang tayo mamayang lunch break sa locker room. Goodluck!” “Okay, thanks.” Naglakad na siya papalayo. Habang ako naman ay bumunot muna ng malalim na hininga bago kumatok sa pinto ng opisina ni Ma'am Jenny. "Come in." Narinig kong wika niya mula sa loob ng silid. Pinihit ko na pabukas ang pinto at pumasok sa loob. Nakita ko ang isang babaeng naka-upo sa swivel chair na nasa tapat ng office table nito. Tumayo siya at ngumiti nang makita ako. Sa tantya ko ay nasa mid-30's ang edad niya. Maganda siya. Sopistikada siya kung kumilos at magsalita. "Good morning. You must be Maxene Perrera." "Good morning, Ma'am Jenny. I'm Maxene Perrera. I'm the newly recruited receptionist at the front desk." nakangiting pagpapakilala ko sa sarili. Kinakabahan man ay pinilit kong maging payak ang tinig at magmukhang confident sa harap nito. Nilahad nito ang kamay sa harap ko. Agad ko namang tinanggap iyon at nakipag-shake hands dito. "Please to meet you, Miss Perrera." "Same here, Ma'am." "Have a seat, Miss Perrera. Tama nga sila, napakaganda mo nga." "Thank you po, Ma’am." Naupo na ako sa isang silya na nasa tapat ng office table nito. Nag-meet ang greet muna kaming dalawa para makilala namin ang isa't isa. Tapos ay pinaliwanag na nito ang mga magiging trabaho ko sa hotel. Mabait si Ma'am Jenny at masarap kausap kaya naman agad na napalagay ang loob ko sa kaniya. Matapos ang meeting ay inilibot niya ako loob ng hotel para maging familiar ako sa lugar na aking pagtatrabahuhan. Tapos ay nagtungo na kami sa reception area kung saan ako naka-assign. Noong una ay hinayaan niya lang akong panoorin kung paano magtrabaho si Melai, ang makakasama ko sa front desk area. Pagkalipas ng halos isang oras ay hinayaan na niya akong magtrabaho ngunit nakatayo siya sa tabi ko at naka-antabay sa mga kilos ko. Madali naman akong nakapag-adjust sa bago kong trabaho. Malaking tulong ang previous work experience ko kaya hindi ako masyadong nahirapan. At isa pa, naka-alalay sa akin lagi sina ma'am Jenny at Melai. Madali ko silang nakasundong dalawa. Tama nga si Andrew, mababait nga ang mga empleyado sa hotel na ito. Ewan ko lang sa may-ari ng hotel na pinapapunta ako sa opisina nito mamaya para raw personal akong makilala, si Sir Tyrone Imperial.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD