BAGO matapos ang shift ko ng araw na iyon ay pinag-report nga ako sa opisina ng CEO ng hotel na pinagtatrabahuhan ko, si Tyrone Imperial. Gusto niya raw kasi akong makilala at makita ng personal. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung saan ko narinig ang pangalang Tyrone Imperial.
Habang sakay ng V.I.P. elevator ay hindi ko maiwasang hindi kabahan. Bakit pakiramdam ko ay parang mayroong mangyayaring hindi maganda sa mga susunod ng sandali?
Bigla ko kasing naalala ng sinabi ni Andrew kanina. Alam kong maganda ako, seksi at may malaking hinaharap. Pero hindi naman siguro sapat na dahilan iyon para magugustuhan ako ng may-ari ng hotel na ito.
Nang bumukas ang elevator ay bumungad sa akin ang magarbong hallway. Napapalibutan ang sahig ng kulay abong carpet habang ang mga dingding ay may nakasabit na mga magagandang paintings ng mga sikat na pintor sa bansa.
Sa dulo niyon ay may isang office table kung saan naka-upo ang isang babae sa swivel chair. Sa tapat ng table nito ay may dalawang bakanteng upuan. Ito siguro marahil ang secretary ng boss namin.
"Good afternoon." nakangiting bati ko nang makalapit sa babae at nagpakilala rito. "I'm Maxene Perrera. I'm the newly hired receptionist at the front desk."
"Hi, Miss Maxene. I'm Faith, secretary ni Boss Tyrone." Tumayo ito at nilahad ang kamay sa tapat ko.
Nakipagkamay ako sa kaniya. “Just call me Max.”
"Okay, Max. Kanina ka pa hinihintay ni sir. Grabe! Ang ganda mo pala. Para kang beauty queen."
Para naman akong napahiya sa sinabi nito. "Naku. Hindi naman."
Lumapit si Faith sa pinto at kumatok doon. Iyon marahil ang private office ng boss namin.
"Come in!" ma-awtoridad ang wika na narinig ko mula sa loob ng silid.
Pinihit na nito pabukas ang pinto. "Sir, nandito na po si Miss Perrera."
"Send her in."
"Pasok ka, Miss Max."
Nginitian ko si Faith. "Thank you." Naglakad na ako papasok sa loob ng silid. Si Faith naman ay lumabas na at sinarado ang pinto.
"Please take a seat." sabi ng lalaking naka-upo sa swivel chair.
Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Pero parang pamilyar sa akin ang baritonong tinig na iyon.
Napalunok ako. Bigla kong naalala iyong mayabang na lalaking nasampal ko noon sa party at sa bar noong isang gabi.
Juice colored! Hindi naman siguro siya ang lalaking ‘yon. Mariing tanggi ng isip ko.
Pumihit na paharap sa akin ang kinauupuan niya at gano'n na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang tuluyang makita ang mukha ng bago kong boss.
Bumungad sa akin ang nakakalokong ngiti sa kaniyang mga labi. "Hello, Miss Blow Job. It's nice to see you again." nakakalokong wika niya. Halata sa mukha niya ang matinding galak.
"I-ikaw?" hindi makapaniwala kong bulalas. Ngayon ay naaalala ko na kung saan ko narinig ang pangalang Tyrone Imperial, ang pangalan ng bastos na lalaking kinainisan ko, ang pangalan ng lalaking dalawang beses kong nasampal, ang pangalan ng bago kong boss.
Oh no! hiyaw ng utak ko.
Umangat ang isang gilid ng labi niya.
"Ako nga. Small world, isn’t it?" nakakalokong wika niya. Pinag-krus niya ang mga kamay sa tapat ng dibdib tapos ay sumandal sa backrest ng inuupuang swivel chair at matiim akong pinagmasdan.
Kung si Tyrone ay halatang masaya sa muli naming pagkikita, ako naman ay tila pinagsakluban ng langit at lupa. Kung p’wede nga lang akong magpalamon sa aking kinatatayuan ay ginawa ko na.
Pakiramdam ko tuloy ay bigla kong pinagsisihan ang pagsampal sa kaniya ng dalawang beses.
"Have a seat." Tinuro niya ang isang bakanteng upuan sa tapat ng office table niya.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa utos ng bago kong boss. Napatungo ako sabay kagat ng pang-labi. Hindi ko kasi matagalan ang nakakalokong titig at ngiti niya sa akin.
"M-may kailangan po ba kayo sa akin, sir?" kanda-utal kong tanong. Hindi malaman kung paano siya pakikitunguhan.
"I just want to congratulate you for landing a great job! Welcome to Imperial Hotel, Miss Perrera." Nilahad niya ang isang kamay sa tapat ko.
Bumunot muna ako ng malalim na hininga bago nag-angat ng mukha at tinanggap ang pakikipag-kamay niya. Kung noon ay para akong isang mabangis na tigre sa harapan niya, ngayon ay daig ko pa ang isang maamong tupa kung umasta.
"Thank you, sir." Isang pilit na ngiti ang pinukol ko kay sir Tyrone.
Sinuklian naman niya ang aking ngiti sabay marahang pinisil ang kamay ko. Hindi ko malaman kung ilang segundo o minuto tumagal ang hand shakes namin. Ang tanging alam ko lang ay nakakaramdam ako ng kakaibang sensasyon na nagmumula sa aking palad na gumagapang sa buo kong katawan.
Nang hindi na ako natutuwa pa sa nararamdaman ay ako na mismo ang kusang bumawi sa kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
"I'm so glad to see you again, Maxene. Good thing dito mo naisipang mag-apply."
Tumikhim ako para alisin ang bikig sa lalamunan. "Ni-refer po kasi ako ng best friend ko. Waiter po siya rito."
"Oh, I see."
Nakita kong kinuha ni Tyrone ang kopya ng resumè ko na nakapatong sa lamesa tapos ay binasa iyon.
"Impressive!" wika niya mayamaya. "So, you're still single."
"Y-yes, sir." bantulot kong sagot. Ang daming magagandang nakalagay sa resumè pero bakit ang civil status ko ang napansin niya?
"Great!" Matapos mabasa ni Tyrone ang resumè ay binalik niya iyon sa lamesa at muli akong pinagmasdan.
Naghinang ang aming mga mata. Biglang bumilis ang t***k ng aking dibidb. Hindi ko mawari kung dahil ba iyon sa matinding kahihiyang nararamdaman ko o dahil masyado lang talagang guwapo ang lalaking nasa harapan ko ngayon.
Ako na ang unang nag-iwas ng tingin dahil halos mabingi na ako sa lakas ng t***k ng puso ko.
Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit ganito na lang ang epekto sa akin ng lalaking ito?
Mayamaya ay may inabot siya sa akin na isang maliit na velvet rectangular box.
"Ano po 'yan, sir?"
"A little token of appreciation. Again, welcome to Imperial Hotel."
Tinanggap ko ang kahon. "Thank you so much, sir. Asahan n'yo po na gagawin ko ang best ko para magampanan nang mabuti ang trabaho ko."
"Aasahan ko 'yan, Miss Perrera. You may now go back to your post."
Tumayo na ako at nagpaalam na. Papalabas na sana ako ng silid nang tawagin ni Sir Tyrone ang pangalan ko.
"Miss Perrera,"
Pumihit ako paharap sa kaniya. Bakit parang ang sarap pakinggan nang pagtawag niya sa pangalan ko?
"Yes, sir?"
"You look more beautiful when you're smiling." wika niya sabay kindat. "Siguro naman hindi mo na ako tatarayan at sasampalin ngayon."
Napakamot na lang ako sa ulo. Isang awkward na ngiti ang sumilay sa aking mga labi at bigla kong naramdaman ang pag-iinit ng aking mukha. Bigla akong nagsisi sa ginawa kong pagsampal sa mukha niya, hindi lang isang beses kundi dalawang beses pa. Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya ngayon.
Dapat ba akong mag-sorry?
Pero wala naman akong kasalanan dahil siya ang nambastos sa akin. Giit ng utak ko.
Sa huli ay pinili ko na lang magpaalam sa kaniya. "I'll go ahead, sir."
Tumango lang siya.
Tumalikod na ako at dali-daling tinungo ang pinto. Saka lang ako nakahinga nang maluwag matapos tuluyang makalabas sa silid ni Sir Tyrone. Hanggang ngayon ay sobrang bilis pa rin ng t***k ng puso ko. Pakiramdam ko ay muntik na akong atakihin sa puso kanina.
Bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng lalaki sa mundo ay siya pa ang naging boss ko?
Paano ko siyang pakikitunguan ngayon?
Sana lang ay hindi niya personalin ang ginawa kong pananampal sa kaniya dahil kailangan ko talaga ng trabaho.