MABIGAT ang aking mga yabag habang naglalakad papasok sa bahay dala ng matinding pagod. Matapos mai-lock ang pinto ay sinandal ko muna roon ang likod ko at sandaling nagpahinga. Mayamaya ay kinuha ko ang cellphone sa loob ng bag at chineck ang message inbox. Gano'n na lang ang panglulumo ko nang makitang wala na naman ni isang message galing kay Tyrone. Mangiyak-ngiyak na ako sa sobrang inis. Miss na miss ko na ang boyfriend ko. Miss na miss ko na ang mahigpit niyang yakap, ang mainit niyang mga halik, lalo na ang nakakabaliw na pang-angkin niya sa aking katawan. Nang hindi na ako makatiis pa ay tinawagan ko na si Tyrone. Gustong-gusto ko na talagang marining ang beses niya at makita siya ulit. Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang ringtone ng cellphone ni Tyrone. "Oh my god! He'

