NANG matapos naming makapagligpit ni Randy ng mga gamit sa mobile bar ay agad akong nagtungo sa smoking area. Nakagawian ko na talaga ang paninigarilyo kapag sobrang nai-stress ako. Isang linggo na mula nang nag-away kami ni Tyrone at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin. Hindi siya nagre-reply sa mga texts ko at sa tuwing pupunta ako sa opisina niya ay laging sinasabi sa akin ni Faith na wala raw doon si Tyrone o kaya naman ay abala ito at hindi raw p'wedeng istorbohin. Grabe pala siyang magtampo. Hindi ko na tuloy alam kung paano ko siya susuyuin. Hindi ko na rin alam kung itutuloy ko pa ba ang pagre-resign sa hotel niya. Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko man lang namalayan ang paglapit sa akin ni Ma'am Jhossa. Nagulat na lang ako nang bigla niyang kunin

