NAGISING ako kinaumagahan nang maramdaman ang pagyugyog sa aking balikat. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Ang g’wapong mukha ni Tyrone ang bumungad sa aking paningin. Naka-upo siya noon sa gilid ng kama at pinagmamasdan ang mukha ko. As usual, napaka-g’wapo niya sa suot na 3-piece suit. "Good morning, mahal." Napangiti ako. Napakasarap talagang gumising kung ganito ka-g’wapo ang unang masisilayan ng aking mga mata. Napakasarap ding pakinggan sa tuwing tinatawag niya akong ‘mahal’. "Nagluto na ako ng breakfast. Kumain ka na." "Mamaya na. Wala pa akong ganang kumain." patamad kong wika. Antok na antok pa ako ng mga sandaling iyon dala ng matinding puyat dahil sa paulit-ulit naming pagniniig kaninang madaling araw. "Past 7 na. Baka ma-late ka." "Wala naman akong pasok ngayon."

