“KINAKABAHAN ako, Max. Sa tingin mo magugustuhan nila ako?” tanong sa akin ni Tyrone habang nagmamaneho siya ng sasakyan papunta sa bahay nina Andrew. Kakagaling lang namin sa mall kung saan kami bumili ng cake at ice cream. Nginitian ko siya. “Mahal, huwag kang kabahan. Sigurado akong magugustuhan ka nina mama. Don't worry, mababait silang lahat. Medyo istrikta lang talaga si mama at may pagka-old fashion pero sobrang bait niya. Basta kapag tinanong ka nila sagutin mo lang ng buong katapatan, okay?" Tumangu-tango si Tyrone. "Saka sa g’wapo mong iyan, siguradong magugustuhan ka nila." “Nambola pa ’to.” Pinatong ko ang kamay sa ibabaw ng kamay ni Tyrone na nakahawak sa manibela. Masuyo ko iyong pinisil na tila ba sinasabi sa kaniya na ako ang bahala at hindi ko siya pababayaan. "Let's

