NAGISING ako kinaumagahan nang marinig ang pag-alarm ng cellphone ko. Nilingon ko patalikod ang lalaking nakayakap sa akin na mahimbing pa ring natutulog hanggang ngayon. Pumihit ako paharap sa kaniya at pinagmasdan ang g’wapo niyang mukha. Bahagyang naka-awang ang namumula niyang mga labi na para bang kay sarap halikan. Kalma, Maxene! Ang aga-aga kung ano-ano na agad ang naiisip mo! sita ko sa sarili. Napa-iling ako. Pinagkasya ko na lang ang sarili sa pagtitig sa g’wapo at maamong mukha ni Tyrone. Pagkalipas ng limang minuto ay muling nag-alarm ang cellphone ko kaya naman napagpasyahan kong gisingin na siya. Niyugyog ko ang balikat niya. "Tyrone, gising na. May pasok pa tayo." "Inaantok pa ako." Lalong humigpit ang yakap niya sa akin. "Gumising ka na. Baka ma-late tayo." "Gusto k

