ALAS NUEVE NG GABI. Lumabas ako ng event hall bitbit ang bote ng mineral water at isang styro na puno ng pagkain. Nagtungo ako sa parking lot para hatiran ng pagkain si Tyrone. Kumatok muna ako sa bintana ng kotse niya bago pumasok at naupo sa passenger's seat. Inabutan ko siyang natutulog. Pinatong ko sa cup holder ang bote ng mineral water tapos ay niyugyog ang balikat niya. "Tyrone, gising. Dinalhan kita ng pagkain. Kumain ka na." Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Napangiti siya nang makita ako. "Tapos na 'yong event mo?" "Hindi pa. Nagdi-dinner palang 'yong mga guests. Kumain ka na." "Subuan mo ako." "Ano ka baby?" "P'wede mo naman akong gawing baby kung gusto mo. Sige na, Max. Gutom na ako." "Ang O.A.!" "Sige na, Max. Aahh." Binuka niya ang bibig at inabangan ang pagk

