CHAPTER 13

1002 Words

MASAYA kaming nagkuk'wentuhan ni Andrew habang naglalakad sa kinapaparadahan ng motor niya. "Malapit na birthday ko, Max. Bawal kang mag-event ng araw na 'yon." "Oo naman. Naka-reserve talaga ang araw na 'yon para sa 'yo. May event nga sana kami kaya lang nagpaalam na ako kay ma’am Jhosa. Kaya dapat busugin mo ako nang husto sa birthday mo." "Wow! Ang lakas ko talaga sa ‘yo. Don’t worry. Oorderin ko lahat ng paborito mong pagkain at alak.” “Gusto ko ‘yan.” Nang makalapit kami sa motor ni Andrew ay inabot niya sa akin ang helmet na lagi kong ginagamit kapag magkasama kami. "Ano bang plano sa birthday mo?" tanong ko habang sinusuot ang helmet. "Mag-KTV bar na lang tayo." Sumakay na si Andrew sa motor at ini-start na ang makina. "Okay." Papasakay na sana ako nang may humintong pulang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD