Tumayo ako at pinunasan ang luha ko. Pagkaharap ko, nagulat ako nang makita ang lalaking kanina pa. "What are you looking at?" inis kong tanong. Pero seryoso lang ang mukha nito.
"Totoo ba talaga lahat ng sinabi mo?" seryoso nitong tanong.
Natigilan ako at napatingin sa kanya nang diretso.
"Yes," mabilis kong sagot.
Nabuhayan ako. Sana naman kahit siya na lang ang maniwala sa akin.
"Hindi talaga ako si Fe. Believe me naman. Lahat sila hindi naniniwala sa akin. Akala nila nababaliw lang ako. But please, maniwala ka sa akin... nagsasabi ako ng totoo," ani ko, almost begging him to believe me.
Matagal ang naging titig niya sa akin. Pagkatapos ay umiwas.
"Kung hindi ikaw ang kapatid ko... nasaan siya ngayon?" tanong nito na hindi man lang nakatingin sa akin.
"I don't know! Wala talaga akong alam. Kahit nga ang nangyayari sa akin ay hindi ko alam. Basta pagkagising ko, nandito na ako sa katawan na 'to."
Hindi talaga ako naniniwala sa mga multo, sanib, o kahit ano pang may kinalaman sa spiritual things na 'yan. But now? I don't know. Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko. Gulong-gulo ang utak ko.
"Sumama ka sa akin..."
Nabigla ako nang hilahin niya ako pero kaagad akong umayaw.
"What?! Bakit naman ako sasama sa'yo? At isa pa, saan naman tayo pupunta?" nakapamewang kong tanong.
"Kung totoo man 'yang sinasabi mo, kailangan mong tumira pansamantala sa amin hanggang sa makabalik ka sa sinasabi mong katawan."
Natigilan ako.
"Oh my God! So? Naniniwala ka na?"
Huminga naman ito nang malalim at tumango.
"Wala akong choice," nakangiwi nitong sagot.
Hindi ako kumbinsido. Halata kasing hindi siya naniniwala. Pero kahit alam kong hindi siya naniniwala sa akin, mas pinili ko na lang na umaktong masaya. After all, kahit hindi siya naniniwala sa akin, alam kong tutulungan niya pa rin ako. Wala akong matutuluyan ngayon dahil hindi ko rin alam ang pauwi at alam kong baka itaboy lang ako kapag umuwi ako. Wala akong choice kundi ang sumama sa kanya. Kaya ko naman protektahan ang sarili ko in case na may gawin siyang masama.
Bumalik ulit kami sa bahay nila na kung tutuusin ay kasinlaki lang ng CR namin sa bahay. Paano ba sila nagkakasya dito? Tsaka mainit. Mabuti na lang at dalawang palapag ito. Plywood lang ang dingding at alam kong kapag bumagyo ay madali itong mawasak.
"Squatters' area ba 'tong sa inyo? Ang baho, ah. Tsaka hindi ba kayo naaasiwa sa mga kapitbahay n'yong mukhang walang mabuting gagawin?" komento ko pero hindi niya man lang ako pinansin.
Tsk.
Sungit.
Habang naglalakad kami sa daan papalapit sa bahay nila, hindi ko maiwasang tingnan ang kalagayan ng mga kabahayan dito. Iilan lang ang nakikita kong medyo disenteng bahay. Halos lahat tagpi-tagpi. Sa unang tingin pa lang, sasampal na ang kahirapan.
Eh teka, pakialam ko ba?
Never mind.
Pagpasok namin, kaagad kaming sinalubong ng dalawang bata, lalaki at babae. Kambal yata kasi magkamukha. Nasa edad sampung taong gulang na siguro sila. Kumapit sila sa kamay ko at hinila ako papasok. Maya-maya ay may matandang babae na lumabas, galing yata sa kusina. May dala itong sandok.
"Saan ka ba nagpupuntang bata ka? O siya, Larymel, ayusin mo na ang mesa at kakain na tayo. Ikaw naman, Fellen, magbihis ka na diyan at ang dumi mo na," ani niya saka umalis.
So, ang pangalan pala ng lalaking 'to ay Larymel at ako naman si Fellen. No offense, ah, pero ang pangit ng pangalan niya.
"Ate. Ate. 'Yung kaibigan mong uwak, andito kanina. Hinahanap ka," inosenteng balita ng batang lalaki sa akin.
"K-Kaibigang uwak?" tanong ko.
May kaibigang uwak si Fellen?
Ang weird niya.
Nakakatakot pala ang pamilyang 'to.
"Ate!"
Napatingin ako sa pinto nang may tatlo pang batang lumabas at yumakap sa akin nang sabay. Halos mapaatras pa ako sa lakas ng pagkakayakap nila. Dalawang babae ito at isang lalaki. Nasa edad lima hanggang walong taong gulang yata.
Gulat akong napatingin sa kanilang lahat.
My God!
Lima sila?
Idagdag mo pa si Fellen at Larymel.
Pito?
Grabe.
Ang sipag ng mga magulang nila.
"Kain na. Fellen, dalhin mo na dito ang mga kapatid mo. Kakain na!" tawag ng nanay nila.
"Tara na, Ate!"
Hinila ako ng mga bata papunta sa kusina. Doon ko naabutan ang nanay nilang nagsasandok ng kanin para sa mga maliliit na anak. Napatingin ito sa akin at sa suot ko.
"Oh? 'Di ba sabi ko magbihis ka muna? Magbihis ka na doon," utos niya habang inaasikaso ang mga bata.
Pero hindi ko na nagawang sumagot nang dumapo ang tingin ko sa ulam. Tortang talong na apat na piraso at isang platitong sardinas.
Napalunok ako, hindi dahil gutom, kundi dahil hindi ko yata kayang kainin ang mga 'yan.
"Oh, ano pang tinatayo mo diyan? Mamaya ka na magbihis. Kumain muna tayo. Gutom na ako," singit ni Larymel na kakadating lang at iba na ang suot na damit.
"Fellen, kain na," yaya ng nanay nila.
"Um... allergy kasi ako sa talong," ani ko.
At totoo talaga iyon. Mula bata pa lang ako, hindi na ako kumakain ng eggplant dahil namumula ang balat ko at hindi ako makahinga nang maayos.
"Eh 'di ba, Ate, paborito mo ang tortang talong?" takang tanong ng batang lalaki sa akin.
Huli na nang maalala kong hindi ko pala katawan ang gamit ko.
"Ah... ang ibig kong sabihin... h-hindi ako gutom. Magbibihis lang ako," pagpapalusot ko at hindi na hinintay ang sagot nila.
Hindi ko pa pala naitatanong kung saan dito ang kuwarto ko, kung dito ba sa baba o sa taas. Ayaw ko namang magkamali ulit kaya minabuti ko na lang na maupo at maghintay na matapos sila sa pagkain dito sa upuang gawa sa kawayan sa sala nila. Matigas pero wala akong choice.
Habang hinihintay silang matapos kumain, doon lang ako nabigyan ng pagkakataong usisain ang bawat parte ng bahay nila. Sa kaliwa ang pinto papuntang kusina. Katabi nito ang pinto ng banyo yata. Sa kanan naman ang hagdanan papuntang pangalawang palapag na gawa sa kahoy. Tapos sa ilalim ng hagdanan ay may isa pang pinto na kuwarto yata. Marami ring certificate na nakasabit sa dingding. May mga medal pa. May maliit din silang TV sa gilid na may mga sticker pa. Hindi ito flat screen kasi may likod pa at de-antena pa.
Uso pa ba 'yan?
First time ko yatang makakita niyan ngayon.
2024 na kaya.
Malinis naman ang bahay nila kahit kulang lang sa gamit. Maliit lang ang bahay nila pero mukhang masaya sila. Bakit gano'n? Mahirap lang naman sila pero may ngiti pa rin sa mga mukha nila. Akala ko kapag mahirap ka, hindi ka masaya.
I envy them.
Siguro nga totoo ang sinasabi nilang kahit gaano ka kayaman, hindi mo kayang bilhin ang kasiyahan.
I'm rich pero parang may kulang pa rin.
"Oh, akala ko magbibihis ka na? Ano pang ginagawa mo diyan?"
Nagulat ako nang biglang dumating si Larymel.
"Well, duh? Hindi ko alam kung saan 'yung kuwarto."
Pabalang kong sagot.
Napahinga na lang ito nang malalim.
"Itinuloy-tuloy mo talaga 'yang gimik mo, noh?" bagot niyang tanong.
Confirmed.
I knew it.
Hindi nga talaga siya naniniwala sa akin.
"Can you just tell me where my room is?"
Umikot na lang ang mata ko.
Wala na itong nagawa kundi ituro sa akin ang kuwarto ko. Umakyat kami sa taas at may dalawang kuwarto dito. Huminto kami sa ikalawang kuwarto na may sign pang "No Entry."
Seriously?
Pagbukas ng pinto, bumungad sa akin ang kuwarto ni Fellen. May maliit na kama sa gilid at may maliit na table sa tabi nito na tinambakan ng mga notebook. Sa dingding ng kuwarto, halos mapuno ito ng poster ng mga lalaki.
They're familiar.
Ah, yeah.
SB19 nga pala ang pangalan ng group nila.
"Certified A'TIN, huh," komento ko.
Hindi naman ako sinagot ng kasama.
"Magpalit ka muna bago matulog," sabi na lang nito.
Aalis na sana siya nang biglang may pumasok na dalawang bata. 'Yung kambal kanina. May dala pa silang unan.
"Anong ginagawa nila dito?" taka kong tanong kay Larymel.
"Dito muna kami matutulog, Ate," nakangiting sagot ng kambal.
Sabay pa.
Napatingin ako sa kama.
Paano kami kakasya diyan?
Ang liit kaya.
Lumapit ako kay Larymel.
"Do something. Ayaw ko ng may katabi," bulong ko sa kanya.
"Bakit? Palagi naman silang dito natutulog, ah," simpleng sagot niya.
"Maliit lang ang kama. Hindi kami kakasya diyan. Ano ba!" inis kong bulong.
"Sinong nagsabing sa kama ka matutulog?" sagot niya.
Taka akong lumingon dito.
"What do you mean?" tanong ko.
"Kapag dito ang kambal, sa sahig ka matutulog," mabilis niyang sagot na ikinagulat ko.
"What? No. Ayoko. Tsaka uubuhin ako kapag sa sahig matutulog," pilit ko.
"Edi gumamit ka ng banig. Alam mo, tigilan mo na ako sa mga gimik mong 'yan."
"First of all, what is a banig? Second, hindi nga ako gumigimik!"
"Bahala ka," ani niya saka lumabas.
What the hell?!
Napasigaw ako sa inis.
Bwisit na 'yon.
"Ate? Galit ka ba?" tanong ng batang babae.
Pinilit ko na lang na ibaba ang inis ko.
"No. I'm not galit. Um..."
Nilapitan ko silang dalawa at yumuko para pantayan ang taas nila.
"Pwede bang palit tayo? Dito ako sa kama, kayo na lang sa sahig. Please?"
Nagtinginan naman sila.
Sige na, please.
"Hay, sige na nga," sagot ng batang lalaki na napakamot pa ng ulo.
Hay, thanks, God.
Tapos ay may inilapag silang malaking kulay brown na parang gawa sa abaniko.
"Ano 'yan?" tanong ko.
"Banig, Ate. Hindi mo alam?" sagot ng kambal.
Ah.
So, 'yan pala ang banig.
Looks uncomfortable for me.
"Good night, Ate," sabay nilang sabi saka magkayakap pang humiga sa banig nila.
Hindi ko maiwasang tingnan sila.
Kung ako diyan ang hihiga, siguro sasakit ang likod ko.
Pero sila parang sanay na sanay na.
Hindi ko aakalaing mahirap maging mahirap.
Naupo na ako sa kama.
Matigas ito.
Paano ako makakatulog nito?
Walang aircon at sobrang init.
Inamoy ko ang unan at kumot.
Mabuti na lang at mabango ito.
Nagbihis lang ako tapos ay nahiga na.
Matigas talaga sa likod.
Gusto ko na tuloy bumalik sa katawan ko.
Sa bahay namin, malambot ang kama, may aircon at masarap ang pagkain.
Hindi ako sanay sa ganitong buhay.
Gusto ko, pagkagising ko, nakabalik na ako.
Ayoko na dito.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang may mapa-aray dahil may kumagat sa braso ko. Mabuti na lang at natapik ko ito agad. Nang buksan ko ang kamay ko, nadiri ako sa nakita.
Nakapatay pala ako ng lamok.
"Yuck."
Pinunasan ko na lang ang kamay ko.
Baka magka-dengue ako dito.
Ang daming lamok.
Paano sila nakakatulog nito?
Kainis.
"I want to go home," nasabi ko na lang bago ipinikit ang mga mata ko dahil sa antok.