Dahil wala si Lilian ay na-isipan ni Isabella na mag-boodle fight nalang sila sa labas. Dahil dito ay naging busy sila sa pag-luluto. Kahit si Granny ay nasa-kusina pati na din si Gwen. Dahil kailangan ng dahon ng saging ay si Clifford at Isabella ang nag-volunteer at umalis para kumuha. Ang guard at driver kasi nila ay pina-set up ng table sa lawn nila.
“I never had this boodle fight before,” ani ni Clifford nang namimili pa si Isabella ng puputulin na dahon. Nasa gilid lang sila ng kalsada nangunguha at may dala pang kutsilyo si Isabella.
“Hindi na ako mag-tataka kasi naman mayayaman kayo.”
“But I’ve been wanting to try it my whole life.”
Napa-isip si Isabella noong nag-barbeque sila. Oo nga’t baka gusto talaga ni Clifford masubukan ang mga bagay-bagay and she smiled. “Good! Because today, you, me and the family to you is eating in the leaves of banana.”
What she said made Clifford frown while shaking his head. “Can you not speak English? You sound stupid.”
Tumawa lang ng bahagya si Isabella atsaka nagtatalon para putulin ang isang dahon. Clifford was watching her struggle and it made him grin. She doesn’t even ask for help, he thought.
Maya-maya ay nilapitan na ni Clifford si Isabella kasi parang hindi talaga nito maabot ang dahon.
“Let me do it,” sabi ni Clifford.
“Hindi na! Kaya – ko – naman!” Pag-mamatigas ni Isabella habang tumatalon.
Clifford chuckled sa kataasan ng ego ni Isabella. He grabbed her wrist kaya napa-hinto sa pag-talon si Isabella at napa-titig sa gwapong mukha ni Clifford. Dahil natulala si Isabella ay kinuha niya ang kutsilyo sa kamay nito and smirked.
“I’m doing it,” he uttered and with just one swing the big leaf fell. Pumutol pa siya ng isa pa since marami-rami din silang kakain.
Pagkatapos nila mamutol ay ibinigay ni Clifford kay Isabella ang kutsilyo at kinarga ang dalawang dahon. Nagulat naman sa aksyon ng binata si Isabella. He seemed like a different person who she never thought he’d be.
“Okay lang ba saiyo na may dahon ng saging sa taas ng kotse mo? Ayaw mo kasi ng trash,” sabi ni Isabella. Habang inaayos ni Clifford ang dahon sa loob ng kanyang kotse ay napa-titig si Isabella ng masama sa kanyang dala-dalang kutsilyo.
Pagka-tapos ni Clifford i-arrange ang dahon ay nagulat siya nang pag-lingon niya ay nakatapat na sa kanya ang kutsilyong ginamit sa pag-putol ng dahon kanina. Ang mas nakaka-takot pa doon ay ang may hawak ng kutsilyo.
Isabella’s face was clouded up with hate and anger but her eyes were telling him otherwise. It was as if she was trapped under someone’s spell.
They remained like that for a few more seconds until Isabella laughed. Naka-hinga ng maluwag si Clifford habang naka-kunot ang noo. Galit na kinuha nito ang kutsilyo sa kamay ng tumatawa padin na si Isabella.
“That’s not fudging funny!” He roared.
“Eh ikaw kasi! Nakaka-tawa ka pala magulat.” Isabella was still laughing out loud at him. “Sana nakita mo ang reaksyon mo.”
Clifford didn’t like the joke kaya galit siyang pumasok sa sasakyan. It didn’t feel like a joke to him. Ang mukha kasi ni Isabella at ang kanyang kamay na nanginginig, it made him feel something was up.
“Get in or I’ll leave you!” Galit na sigaw ni Clifford.
Pumasok din si Isabella sa kotse kaya nag-drive na si Clifford. Habang nasa-biyahe ay naka-tingin lang si Isabella sa labas ng bintana. Napapa-isip siya kung bakit ba nanginig ang kanyang mga kamay. Napapa-isip siyang, kaya niya ba talaga?
Lumingon si Isabella sa naka-kunot noong Clifford. “Clifford,” tawag niya pero hindi siya pinansin nito at nag-patuloy pa din siya. “Paano kung sinaksak kita kanina. Anong gagawin mo?”
Clifford then stepped on the break and stared at her with fire on his eyes. “Why? Do you plan to kill me?”
Hindi batid ni Clifford kung gusto lang ba mang-asar ni Isabella or may disorder ba ito. Nakakalito kasi na bigla-bigla nalang gumanon ang babae sa kanya.
“Paano kung oo may plano akong patayin ka?”
Naiinis na si Clifford kaya kinuha niya ang kutsilyo na nasa dash ng sasakyan at ibinigay kay Isabella. Nagulat naman dito si Isabella.
“If you want to then do it,” he told her.
Isabella was shaking as she grip on to the knife. Ang lakas ng t***k ng puso niya habang itinaas niya ang kanyang braso. As she looks at Clifford nagulat siya nang walang bahid ng takot ang mukha nito. Naka-kunot man ang noo nito ay nakaka-kalma padin ang mga mata nito.
Instead of joking around ay ibinaba ni Isabella ang kutsilyo at agad hinalikan si Clifford. Noong una ay nagulat si Clifford sa ginawa ni Isabella pero nang ma-realize niya na ang nangyayari ay binalik niya ang halik nito.
Wala naman silang relasyon o especial na nararamdaman para sa isa’t-isa but Clifford thought, it felt right to kiss her back. The way she tasted was like some kind of expensive wine that gets you drunk instantly. Iyong gusto mong tikman paunti-unti dahil sigurang malulunod ka kung lalahatin mo.
Suddenly Isabella broke the kiss and back off looking down. Hindi pa man tapos si Clifford sa pag-tikim ngunit wala siyang magagawa. He could only nibble his lower lip for the aftertaste.
“Pasensya ka na... nawala ako sa pag-iisip,” ani ni Isabella.
Clifford cleared his throat and lean towards Isabella taking the knife and putting it to the side. Then he cupped her face and raise it up so he could see her pretty face. He smiled when he saw her cheeks turned pink.
“I think it’s best if we take it slow,” he told Isabella. “Let’s settle things out when we go home... but know I honestly like you.”
Pag-katapos sabihin ni Clifford non ay ibinaba niya na ang kamay at bumalik sa pag-ddrive. Hindi nito binitawan ang isang kamay ni Isabella.
Habang hawak ni Clifford ang isang kamay niya ay nalunod nanaman siya sa kanyang mga iniisip. Hindi man lang siya maka-sagot kay Clifford. Bakit ang dali-dali? Why does it feel like, noon pa lang ay kilalang-kilala niya na ang lalaki?
Nagulat si Isabella nang pinisil ni Clifford ang kanyang kamay. Pinisil niya din ito and somehow, she felt like her thought calmed down. She glances at him for a moment and then smiled. Sana sa ibang buhay nalang tayo nag-tagpo... baka sakaling pwede pa tayo.
Pag-dating nila ay agad silang sinalubong ng driver at kinuha ang dahon ng saging para hugasan. Tapos ay inilapag ito sa table na mataas atsaka nilagyan ng kanina at mga iba’t ibang ulam. Pag-katapos maghanda ay nag-dasal at nagpasalamat saka sila kumain ng masaya. Nag-kwentuhan din sila na para bang pareho silang lahat ng mundong kinatatayuan.
Pero lahat ay may katapusan at nag-hapon na. Kailangan nanaman umalis ni Clifford at Isabella dahil nga may pasok bukas. Pag-katapos nilang mag-ligpit ay namaalam nanaman ang dalawa at umalis na may dalang baon.
Matagal din ang biyahe at as usual ay naka-tulog nanaman si Isabella. Nang mag-park ay napa-titig si Clifford dito. She’s weird, he thought. The way she was earlier was not Isabella at all. Ang totoong Isabella ay naka-tago sa kanyang mga mata, and he knows that.
Ayaw naman ni Clifford na gisingin si Isabella kaya una niyang kinuha ang paper bag atsaka binuksan ang door ni Isabella. Kinarga niya ito atsaka isinara ang pinto gamit ang kanyang paa. She wasn’t really that heavy kaya nakayanan niya lang ito.
Buti nalang at card key ang kanilang way in and out kaya hindi na siya nahirapan. Instead of putting Isabella down on her bed ay sa kama niya ito inihiga. Bumalik siya sa labas at inilagay sa ref ang ulam na pinabaon nila. Then finally he lay down beside Isabella.
Clifford couldn’t help but stare at her pretty face. He doesn’t know why he was so drawn to her but he is. “There’s just something about you that is pulling me to you,” he mumbles, tucking a strand of her hair against her ear. “I think fate had decided to take a sweet turn and intertwind our paths. I’m glad it did.”
The smile on his face slowly faded when he started falling asleep. Nang mahimbing na ang tulog ni Clifford ay inimulat ni Isabella ang kanyang mga mata. Nang makita niya ang mala-anghel na mukha ni Clifford ay napangite nalang siya at niyakap ang lalaki.
“I’m also glad it did,” Isabella whispered and closed her eyes.
Kinabukasan ay maagang gumising si Isabella para mag-handa ng agahan nila. Pagkatapos ay bumalik siya sa kwarto ni Clifford para gisingin ito.
“Hoy!” sigaw niya sabay uyog kay Clifford. “Gising na! May pasok na tayo, hoy!”
“Hmm,” he groaned.
“Tch! Hoy gising na para hindi tayo malate! Iiwanan kitang tae ka!” Babala ni Isabella. Hindi pa din bumangon si Clifford. “Bahala ka jan!”
Paalis na si Isabella nang hilain siya ni Clifford pahiga at niyakap siya ng mahigpit. “Give me seven minutes,” bulong nito na nakapikit pa din.
“Pag-ikaw hindi bumangon pagka-tapos ng pitong minuto, ako uubos ng agahan mo!”
Clifford chuckled and opened his eyes to see her staring at him. “I love your eyes. They tell me words you don’t even speak of.”
Isabella’s cheeks turned slight pink and she looked down. “Alam mo ba, feeling ko kilala na kita, dati pa lang.”
“Aminin mo nga, gusto mo na ako noong una mo palang akong nakita no?” he asked, arrogantly.
Isabella backed off a little and scoffed. “Ang yabang mo naman bigla. Baka ikaw ang may gusto saakin! Haler, ikaw unang humalik!”
“That was because I had a drink!”
“Had a drink! Che! Umaga na kaya ‘yon!”
“Oh edi, hangover!” sigaw niya. “Eh ikaw? Hindi ka naman naka-inom kahapon so ikaw ang unang humalik sa atin.”
“Eh ano ‘yon eh!”
“Ano?” panghahamon na tanong ni Clifford.
“Ano ‘yong ano...”
Tumaas ang isang kilay ni Clifford habang hinihintay ang sagot ni Isabella. It was obviously him who kissed first but then he just wanted to put the hot seat on her.
“You’re stupid,” he chuckled. “And adorable,” dagdag pa nito kaya napa-ngite nalang si Isabella.
“Bumangon ka na!” Pabebeng sigaw ni Isabella. “Tapos na seven minutes mo!”
Clifford was being silly and snuggled towards her. “I don’t want to go,” he pouted.
Tumawa naman si Isabella. She never thought this cold-heartless-gloomy guy would be this cute and childish. “Hala! Para kang bata! Huwag ka nga! Isumbong kita kay Granny!”
“Go ahead, I don’t care,” he uttered.
“Awe, baby Clifford na siya.” Gusto lang asarin ni Isabella si Clifford but then he ended up grinning ear to ear. “Nangyari saiyo?”
“I like it. Call me baby more,” he said, winking at her.
Dahil sa kilig ay sinipa ni Isabella si Clifford. “Huwag ka nga!” sigaw niya para hindi mahalata ang kanyang kilig sabay tayo. “Bilisan mo na jaan! Mag-ttricycle pa ako!”
“Are you crazy? You’re riding with me from now on.”
Napahinto si Isabella at tinaasan ng isang kilay si Clifford. “Kung ganon, edi bilisan mo na para hindi tayo dalawa ma-late!” At saka umalis si Isabella sa kwarto ni Clifford. Pag-labas niya ay ngumite agad siya’t pinalabas ang kanyang kilig.
Nag-tatawanan silang dalawa habang palabas ng condo nila at nang tutungo na sa elevator ay naka-sabay nila ang ginang na tinulungan ni Isabella. As usual ay madala itong mga gamit at tinulungan nila ito. Clifford carrying everything. Sa parking lot ay nagpasalamat ang ginang.
“Kay buti niyo naman dalawa. Bihira ang mga batang kagaya ninyo, ngayon.” Nakangite pa ang ginang sa kanila.
“Walang anuman po iyon,” sabi ni Isabella with a half a smile.
“Salamat din sa iyo, hijo. Naka-abala pa tuloy ako.”
“No it’s fine. I’m sorry I didn’t help you last time, I was in a hurry to get home.”
Tumawa ng bahagya ang ginang. “Ay naku! Naiintindihan ko! Sige na at baka ma-late pa kayong dalawa.”
“Yeah, if you need anything just knock on our door.” Ngumite si Clifford dito atsaka kinuha ang kamay ni Isabella para maglakad na sa kanilang kotse.
Before Isabella turned ay naka-eye to eye muna sila ng ginang. Nakita niyang may nakaka-takot na ngite ito sa mga labi kaya napahawak siya ng mahigpit sa kamay ni Clifford.
“Hey, you okay?” tanong ni Clifford nang nasa loob na sila ng sasakyan. Napansin niya kasing nawala ang ngite sa mga labi ni Isabella.
“Ah... o-oo naman. Mag-drive ka na at baka ma-late pa tayo,” sabi ni Isabella at ngumiti ng peke.
Pag-pasok palang ni Isabella sa gate ng Fusen High ay agad siyang sinalubong ng kaibigan niyang si Jean at iniwan ang nobyo nitong si Oppa Jay, para kasi itong koreano kaya tinatawag na Oppa sa school.
“Uy, siya ba ‘yong amo mo? Bakit parang friends kayo?” tanong ni Jean sabay tango na parang isang lalaki.
“Oo siya ‘yon. Friends na kami dalawa kaso may problema ak—“
Hindi pa nga nakakapag-salita si Isabella ay nakita niya na si Penelophy na nag-wave sa kanya kaya napa-lunok siya.