KRISTEL
"Aha..."
Nandidilat ang mga mata ko habang pinapanood kung paano mag-usap sina Shamae at Lucky. Nakasandal si Lucky sa kotse habang si Shamae ay nakahalukipkip sa harap niya.
Sabi ko na nga ba may something sa dalawang ito eh. Kung akala ni Shamae na naisahan niya ako, nagkakamali siya.
Kanina pa ako naghihinala sa kanya. There's something fishy on her. Mula pa sa metal ball na sobrang bigat na ipinabuhat niya sa akin hanggang sa kung paano siya tumingin nang maraming beses kay Lucky. Kung makatitig siya sa gwapo naming classmate ay parang may ibig siyang sabiihin dito pero pinipigil niya lang ang sarili sa pamamagitan ng pag-irap at pagtingin nang masama dito. Kung anuman iyon, hindi ko alam. Hindi ako manghuhula. Kayo ang bahalang mag-isip, papahirapan niyo pa ako.
Lalo akong nagtaka nang sabihin niyang babalikan niya sa locker ang libro niya dahil gagawa siya ng assignment. Utot niya. Akala niya siguro ay hindi ko alam na wala namang nababanggit na assignment ang mga guro namin. Ngunit imbes na sabihin sa kaniya ay sumakay na lang ako. Nang pauwiin niya ako ay tumango ako kaagad saka nagmamadaling bumaba. Ang hindi niya alam ay nagtago ako sa may baba ng hagdan. Narinig ko pa ang nagmamadaling yabag niya.
Agad din akong umakyat at sinundan siya habang tumatakbo siya pababa sa kabilang hagdan. Siniguro ko namang hindi niya ako matutunugan.
Nang makarating siya sa parking lot ay nanlaki ang mga mata ko. Patungo siya sa direksyon ni Lucky Pascua mga bes. Subalit naghintay muna ako, baka hindi talaga siya papunta sa kinaroroonan ni Lucky. Pero na-confirm kong si Lucky nga ang pakay niya roon nang magka-face-to-face sila at kinausap pa niya. As in, na-shookt talaga ako.
Ang gaga, pinaglilihiman na ako ngayon. Akala ko ba ako ang bestfriend niya? Humanda sa akin ang babaeng iyan.
Nakakubli ako ngayon sa isa sa mga kotse sa parking lot. Nakahawak ako sa side ng hood at todo silip pa. Sa hitsura ng bestfriend ko ay parang nagrereklamo siya.
Ano kayang pinag-uusapan nila?
Naku-curious talaga ako kaya naman lalo ko pang in-stretch paharap ang tenga ko baka sakaling may masagap. Wala akong narinig dahil medyo malayo sila kaya nagkasya na lang ako sa pagmamasid.
Nataranta ako nang akmang papasok si Shamae sa kotse ni Lucky. What's happening? Bakit siya papasok doon? Saan sila pupunta?
Naghalo-halo na ang mga katanungan sa isip ko nang mga sandaling iyon pero may isang nangibabaw: naisip ko na kailangan ko silang kunan ng picture. Hindi naman ito tanong pero naisip ko lang, bakit ba.
Kandaugaga ako sa pagkuha ng phone. Agad ko iyong itinapat sa kinaroroonan nila. Pinindot ko agad ang capture button hindi pa man lubusang nag-o-open ang camera. Nagulat ako nang ang mukha ko ang nakita kong nakunan ng litrato. Blurred pa.
"Ay shet, naka-front cam!"
Agad kong sh-in-ift sa back camera. Nang itaas kong muli ang gadget ay nakapasok na silang dalawa sa kotse.
"Naku, hindi maaari. Wala pa akong ebidensiya sa crime scene," usal ko.
Akmang lilipat ako ng pwesto nang biglang bumukas ang pinto ng kotseng pinagkukublian ko.
"Aray!"
Napasubsob ako nang nahagip ng pinto ang likuran ko. Pati ang cellphone ko ay tumilapon.
"Oh, sorry! Hindi kita nakita. Bakit ka ba kasi nandiyan?" anang husky na boses.
Handa na akong manikmat nang mga sandaling iyon. Mabilis akong bumangon at hinarap ang may-ari ng boses.
"Hoy, lalaki! Ang sakit nun ah---"
Napatigil ako nang mapagsino ito.
"What? Na-speechless ka sa kagwapuhan ko 'no? What a pleasant surprise. It's nice to see you again."
Napatayo akong bigla. "Ikaw?!"
Lalong nadagdagan ang ngitngit ko.
"Ano'ng ginagawa mo dito? Hindi sila nagpapapasok ng mga hayop dito. Tsupi!"
Sa inis ko ay ngumisi siya. "For your information, dito ako nag-aaral. I am a grade eleven student. Ikaw? Janitress ka rito?"
He gave me a once over with that malice in his eyes.
Nanlaki ang mga mata ko. "Excuse me?"
"You're not excused. Kinakausap pa kita," lalong lumawak ang ngisi niya nang mapunang lalo akong nagngingitngit.
I composed myself immediately. Hindi ako papayag na ma-take advantage na naman ako ng lalaking ito. Nang magsalita ako ay mas kalmado na ang boses ko.
"For your information too, nag-aaral din ako dito, Mister," inirapan ko siya. "Wait a minute, why am I even talking to you? You're not even worth my time. Diyan ka na nga!"
Agad kong pinulot ang cellphone ko at tatalikod na sana nang pigilan niya ako.
"Why are you acting like that? Hindi ka naman ganyan nung gabing 'yun eh. You're so sweet... and naughty. Ano, pagkatapos mo akong harass-in at makuha ang gusto mo, ginaganito mo na lang ako ngayon?"
Natigilan ako. Pinagsasasabi niya? As much as possible, ayoko nang alalahanin ang sandaling iyon subalit ipinaalala na naman ng lalaking ito.
"Dream on! Ikaw pa ang may ganang magsabi ng ganyan eh ako na nga itong binastos mo!"
Hinaplos niya ang pisngi. "Masakit sa gwapo kong mukha ang ginawa mo that night. Alam mo ba iyon?"
My eyes turned to slits. "You deserved it!"
"I demand an apology, lady," he said haughtily.
"Manigas ka."
He just smiled.
"Oh well, marami pa namang pagkakataon. Sisiguruhin kong magso-sorry ka one of these days. Wait, hindi lang pala sorry. Baka lumuhod ka pa sa harapan ko," he said. Hindi nakaligtas sa akin ang double entendre ng mga pangungusap na iyon.
"Hah. Sure, when hell freezes over."
Ang lakas ng loob niyang magpakita sa akin pagkatapos ng nangyari. I met him last week nang naligaw ako sa isang bar. Yeah, naligaw talaga ako I swear.
Ano na nga bang pangalan niya? Kaban? Lucban? Esteban? Ah basta, nakalimutan ko na.
"Huwag kang magsalita nang tapos."
"Look, Kaban---"
"It's Jovan, honey."
"Don't call me honey!"
Okay, baby," he grinned.
"Argh," I took a deep breath. "Wala ka talagang sense kausap. Diyan ka na."
Inirapan ko siya as I turned to my back para tingnan sina Shamae pero nanlaki ang mga mata ko nang wala na ang kotse ni Lucky sa kinaroroonan nito kanina. Agad akong tumakbo patungo sa gitna ng parking area at tinanaw ang hangganan ng driveway pero wala akong nakita.
Bumagsak ang mga balikat ko.
Masama ang tingin na nilingon ko ang lalaking palapit sa akin na nakapamaywang. He's still wearing that irritating grin across his face.
"Wala na sila. Kasalanan mo 'to e!"
"Di'ba si Lucky Pascua iyon?" tanong niya, ignoring my outburst.
"So?"
"Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kung sasabihin kong ini-stalk mo siya kasama ng girlfriend niya? I saw you earlier while I'm inside my car. Habang busy ka sa pagmamasid sa kanila na parang tanga ay pinapanood kita."
I scowled. Mas tanga siya. But wait, girlfriend daw. Parang imposible naman pero knowing my bestfriend's libido level... hindi nga kaya? Ay, ewan.
"Eh 'di sabihin mo. Wala ka namang ebidensiya," kampanteng usal ko.
Sukat doon ay napangisi ang lalaking kaharap ko. Parang may bright idea siyang biglang naisip.
"Well, well, well. Speaking of the word 'evidence,' it suddenly rang a bell on me. Thanks to you."
Tinangka niyang kurutin ang baba ko pero umiwas ako.
"Don't touch me!"
Nawiwiling inihaplos niya sa labi ang mga daliri niya. "Hmmm, a tigress. Tingnan lang natin kung makakaangal ka pa sa mga sasabihin ko."
"What do you mean?"
*****
SHAMAE
Halos maiyak ako habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin ng comfort room.
I was donning a very gorgeous black ball gown. Simplicity and elegance is so conspicuous on the dress because of the embellishments. I must admit bagay ito sa akin.
Yet nakasimangot pa rin ako.
Parang nakakabit pa rin sa paa ko ang bolang bakal nang lumabas ako ng fitting room. Pagkagaling namin ng school ay dumiretso kami ni Lucky sa mall. Sabi niya ay may pupuntahan daw kami after dito. Pinagsuot niya ako ng ball gown so most probably, sa ball o party ang pupuntahan namin, right? Right.
Nadatnan ko si Lucky sa labas ng fitting room ng boutique na kinaroroonan namin. Iba na ang get-up niya Nakapamulsa siya sa sport shorts niya. Bahagyang nagsa-sag ang suot niyang sando. Nakarubber shoes din siya.
Natulala ako sa kanya. Shet, bakit ang gwapo niya? Pinadaanan ko ng tingin ang mga balikat niya, pababa sa maskuladong braso... at dibdib na hindi itinago ng sando.
Ulam.
Napaantanda ako. Malakas ang convincing powers ng temptation sa utak ko. Haplusin ko daw si Lucky.
I shook my head mentally.
Hindi! Hindi pwede!
Nakatutok sa paligid ang paningin ni Lucky kaya wala siyang kamalay-malay na kanina ko pa minomolestiya ang katawan niya sa isip ko.
Napalunok ako. Bago pa ako sapian ng malanding alter-ego ko ay nagpasya na akong tawagin siya.
"L-Lucky..."
Parang biglang nag-slow motion ang paligid nang lumingon siya. Itinaas niya ang braso niya upang hawiin ang buhok niya. Dahil doon ay nakita ko ang kili-kili niyang mabuhok. Biglang nanghina ang mga tuhod ko. Why did I suddenly have the urge to sniff his armpit? Why?!
Yes?" he asked kaya napakurap ako. I need to calm myself. Hoo.
Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko bago huminto ulit sa mukha ko ang paningin niya.
Natitigilan siya at napuna kong may hint of admiration sa mga mata niya. Nagagandahan siya sa akin. Pero siyempre, imagination ko lang 'yun.
Actually, naiilang ako sa pagtitig niya. Hindi ko maintindihan kung kinukutya ba niya ako o ano kaya iniiwas ko na lang ang paningin ko.
"O-Okay na 'to? Maganda na ba ako?" tanong ko na lang.
He raised his brow. "Dreaming in daylight, Miss Gomez?"
"Excuse me, pagabi na 'no. Wala nang daylight," depensa ko.
"Either way, hindi ka pa rin maganda."
Aba, nakakarami na sa akin ang pusit na 'to ah.
"Whatever," tumalikod ako upang kunin ang mga gamit ko.
"Bilisan mo, aalis na tayo."
Hindi na ako nagpalit ng damit. Na-instruct na ako ni Lucky kanina na ito ang susuotin ko sa pupuntuhan namin. It made me grimace at once.
Nang palabas ako ng fitting room ay palabas na rin siya ng pintuan. Nagmamadaling sumunod ako sa likuran niya.
Habang pinagmamasdan ang malapad na likuran niya ay napapakagat ako sa kuko ko. Why does he have to be annoying and delectable at the same time?
*****
Halos hindi ko matingnan ang mga nakakasalubong ko dahil sa hiya. All of them were darting curious glances at me.
Bakit hindi?
Sinong matinong tao ang pupunta sa isang fitness center nang naka-ball gown? Definitely none, ako lang ang nag-iisang abnormal.
Tiningnan ko nang masama ang katabi kong naglalakad na si Lucky. His face remained serious although sa loob-loob niya ay tiyak kong nagdiriwang na siya.
Kung meron lang akong magagawa ay lumabas na ako. Pero wala eh. Puppet ako ngayon ni Lucky. Hayop siya.
I took a deep breath. Kung magngingitngit lang ako dito ay hindi ko siya magagantihan. Kailangan kong ipakita sa kaniya na wala lang sa akin 'to.
"Right!" bulalas ko.
"What?" He asked, brows furrowed.
"Wala," nakangising sabi ko at inunahan siya papasok ng fitness center. Natapilok pa ako pero pasimple akong sumandal sa pader.
Pailing-iling na nilampasan niya ako. Nakita kong natigilan ang karamihan sa mga kababaihan at napasulyap dito. They swooned over him.
I frowned.
"Gwapo nga, halimaw naman. Masisira lang ang kinabukasan niyo diyan, mga babae. Akin na lang siya," bulong ko. Nang ma-realize ang kagagahan ko ay napahagikhik ako.
Pagsulyap ko sa isang lalaki sa tabi ko ay nagtatakang nakatingin siya sa akin. Akala niya siguro ay nababaliw ako.
Nang sulyapan ko ulit si Lucky ay kausap na niya ang isang lalaki. Mukhang na-sense nilang nakamasid ako sa kanila dahil tumingin silang dalawa sa akin. Kinambatan ako ni Lucky upang lumapit.
Nagtataka akong naglakad papunta sa 'amo' ko. Nakita ko sa peripheral vision ang pagsunod ng tingin ng mga tao sa gym.
Ganyan nga. Mabighani kayo sa ganda ko!
Habang papalapit nang papalapit ay lumalaki naman ang mga mata ng kasama ni Lucky. Nagagandahan din yata sa akin. Charot.
"Norman, this is Shamae Gomez. My slave," ani Lucky. Talagang sinabi pang slave ah. Walanghiyang pusit.
Nanlaki ang mga mata ni Norman. "Ano? Tama ba 'yung narinig ko? Siya... slave mo?"
"Yeah. Is there a problem with that?" nandidilat na sabi ni Lucky.
Saglit na nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming tatlo nang magsukatan ng tingin ang dalawang lalaki. Parang nag-uusap sila sa pamamagitan lang ng mata.
Dahil hindi maka-connect ay nakititg na rin ako. Gwapo rin itong si Norman. Matipuno din ang katawan, halos pareho lang sila ni Lucky. Although in my own bias, mas malakas pa rin ang pang-akit ni Lucky.
"'Diba siya 'yung..." parang nag-alangan saglit si Norman. "Siya 'yung sumira sa t-shirt mo?"
"Yeah."
"I didn't know na nang-aalipin ka na ngayon ng babae," makahulugang sabi ni Norman na walang kakurap-kurap na nakatingin kay Lucky.
"Ngayon alam mo na," pakli ni Lucky, seryoso pa rin.
"Oh, well..." nagkibit-balikat si Norman at tumingin sa akin. Napangiti siya.
"Hi, I'm Norman. Nice to meet you," inilahad niya ang kamay. Agad ko namang tinanggap iyon. "Hindi ka naman ba sinasaktan nitong kaibigan ko?"
Tumikhim ako. "H-Hindi naman. Pinapahiya lang, ganon."
Napatawa si Norman.
"Pansin ko nga," anito habang nakatingin sa ball gown ko.
Lihim na lang akong napaismid.
Nagsimula nang mag-warm up ang dalawa. Ang mga babae naman sa paligid ay halos magtulakan na sa kilig habang nakatitig kina Lucky. Masama tuloy ang tingin ng ilang mga kalalakihan sa kanila.
While me? Masama ang tingin sa mga babae.
Humawak ako sa strap ng bag na nakasukbit sa likod ko. Ayon kay Lucky, kailangan kong buhatin ang pangangailangan ng amo ko. Kaya heto ngayon ako, dala-dala ang mabigat niyang gamit habang naka-ball gown. Ang saya 'no?
Nagtungo ako sa harapan niya.
"Meron po kayong kailangan, master?" nakapamaywang na usisa ko.
Mula sa pagpa-plank ay tiningala niya ako. "Wala. Standby ka lang diyan. Tatawagin na lang kita."
"Okay."
Ilang sandali pa ay tumatakbo na sila ni Norman sa treadmill. Nang bumaba siya roon ay agad na kinuha ko ang tubig at towel na pamunas at mabilis na nilapitan siya.
I handed him the tumbler.
"Naku, pawis na pawis ka na, master. Let me," bago pa siya makatanggi ay pinunasan ko na ang pawis sa mukha niya. Isinama ko na rin ang leeg niya.
Nang tingnan ko ang ekspresyon niya ay ang nakakunot niyang noo ang sumalubong sa akin.
"What are you doing?"
"Ha? Alalay mo ako 'di ba? Therefore, I should do my role," aniko at pasimpleng tumingin sa mga babae. Halatang-halata ang inggit sa mga mukha nila. Lihim akong natatawa. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ang mga ginagawa ko ngayon.
"You're overdoing it."
Napalis ang ngiti ko. "Ikaw na nga itong pinagsisilbihan, ikaw pa ang nagrereklamo?"
"I didn't ask you to. Sabi ko, tatawagin na lang kita," aniya at lumagok sa hawak na tumbler.
"Ano ka ba, pare? 'Di ba dapat maging thankful ka sa alalay mo kasi ahm... inaasikaso ka niya?" sabat ni Norman na kanina pa ngiti nang ngiti. Gwapo pero parang may saltik. Pareho lang sila ng kaibigan niya.
Umiiling na inabot sa akin ni Lucky ang tumbler at naglakad na patungo sa mga equipments.
"Pagpasensiyahan mo na 'yan. Ganyan talaga 'yan kapag nakakakita ng magandang babae," baling sa akin ni Norman.
"You mean me? Ako ba ang tinutukoy mo?"
Tumawa si Norman. "Oo naman. Sino pa ba?"
Napahagikhik ako kunwari tsaka tinapik siya sa braso. "Ikaw naman. Masyado ka namang honest."
He laughed again.
Sinimulan na rin ni Norman ang pagwo-workout habang ako naman ay tumungo sa gilid na kinaroroonan ng mga gamit ni Lucky. Padaskol akong umupo sa sahig, uncaring if I am wearing a ball gown.
Napangalumbaba ako at masama ang tinging sumulyap kay Lucky. Ngunit imbes na sulyap lang ay naging titig na ang peg ko. At sa halip na magngitngit ay napapalunok na ako.
Nakahiga sa bench si Lucky at kasalukuyang nagbe-bench press. Kitang-kita ko ang pagkislot ng mga muscles niya sa braso. Nai-imagine ko tuloy na ako ang binubuhat niya imbes na ang barbel.
Napansin ko rin ang bulge niya. Bakit parang ang laki ng bukol?
Nasampal ko ang sarili ko nang wala sa oras. Ano at nagiging mahalay na yata ako?
"Imoral ka," kausap ko sa repleksyon ko sa salamin.
Upang i-divert ang atensiyon ko nang hindi kung anu-ano ang naapansin ko, pinili kong maglakad-lakad na lang sa buong gym.
"Mabuti ito para sa kalusugan," bulong ko.
Ngunit ilang saglit lang ay napatingin na naman ako kay Lucky. Ilang ulit ko pang sinubukang ilayo ang paningin sa kanya pero bumabalik at bumabalik sa kanya ang mga paningin ko na para bang isa siyang magnet.
Maygad, what's wrong with me?
Mayamaya ay pinagdidiskitahan ko na ang isang dumbbell. Para akong si Hulk habang nagba-bicep curls kunwari. May tumatawa sa paligid ko pero kiber lang ako.
"Aray, ang hirap pala," sabi ko sabay pasimpleng tingin kay Lucky. Nag-i-squats na siya ngayon. Napatingin siya sa akin at nagkatitigan kami nang ilang segundo. Agad ko namang iniiwas ang tingin ko dahil naiilang ako.
Ipinagpatuloy ko pa ang paglalakad-lakad. Dahil busy ako sa kalilingon kay Lucky ay hindi ko nakita ang metal na nakatayo sa daraanan ko. Nauntog ako.
"Ouch," daing ko habang hinihilot ko ang nasaktang noo.
Nasulyapan kong umiiling-iling si Lucky. Si Norman naman ay parang pinipigilan ang halakhak.
Obviously, nakita nila iyon. Nakakahiya.
Na-realize kong nakakahilo pala ang pag-iikot sa buong gym kaya nagpasya akong mag-treadmill na lang. Na-engross ako sa paglakad doon habang naka-gown kaya binilisan ko pa ang speed hanggang sa tumatakbo na ako.
Nang sulyapan ko ang kinaroroonan ni Lucky kanina ay wala na siya.
Inilibot ko pa ang paningin ko. "Nasaan na siya?"
"Are you looking for me?"
May biglang bumulong sa side ko malapit sa tenga ko. Mabilis akong napalingon at nanlaki ang mata ko---si Lucky. At gadali na lang ang pagitan ng mga mukha namin.
Nataranta ako. Aksidenteng natapakan ko ang laylayan ng gown habang tumatakbo kaya nawalan ako ng balanse.
"Ay!"
Nasubsob ako sa treadmill at mabilis na hinila paatras. Para akong palaka nang tuluyang bumagsak sa sahig.
Wala namang masakit sa akin kundi ang ego ko. Naririnig ko ang tawanan sa paligid.
May biglang humawak sa balikat ko. Dahan-dahan kong iniangat ang paningin ko at nakita ko si Lucky.
"Okay ka lang?"
Is this the real life? Or is this just fantasy? Or is this the effect of treadmill?
May nababanaag akong pag-aalala sa mga mata ng amo ko.
"May masakit ba sa'yo? Ano? Ba't hindi ka nagsasalita?"
"O-Okay lang ako. Medyo umikot lang ang mundo ko pero okay lang ako."
"Sigurado ka?"
"O-Oo," dahan-dahan akong tumayo. Inaalalayan naman niya ako.
Nang maitayo ako ay ibinigay sa'kin ni Lucky ang hawak niyang tubig.
"Ano 'to?" takang tanong ko.
"Tubig."
"What I mean is aanhin ko 'to?"
"Kainin mo," nakakunot-noong saad niya. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa sa tubig?"
"'Sungit. Nagtatanong lang naman e."
Nakasimangot akong lumagok ng tubig. Nang matapos akong uminom ay saka ko lang na-realize na nagkaroon kami ng indirect kiss. Omaygash, my virgin lips!
Natutop ko ang bibig ko. Mabilis kong ibinalik sa kanya ang tubig.
"Ayaw mo na?"
"O-Oo."
Nagulat ako nang uminom din siya mula sa tumbler. Double indirect kiss!
Namumula ang mukhang umiwas ako ng tingin. What was that? Bakit ganyan ka Lucky? At bakit nangingiti ako?
Napansin ko ang masamang titig ng mga babae sa akin. I just gave them an irritating grin. A victorious grin.
Nakataas ang mukhang nag-pivot ako at pa-poise na naglakad. Pero nagulat ako nang sumuray ako. Buti na lang at nasalo ako agad ni Lucky.
"Akala ko ba okay ka lang?" parang galit na siya.
"Oo nga. O-Okay nga lang ako."
"Oy, ano yan?" Napatingin kaming dalawa kay Norman na kasalukuyang nagpupunas ng mukha gamit ang hawak na bimpo. "Masyado kayong pa-PDA ha."
Mabilis akong kumalas mula sa pagkakahawak ni Lucky at inayos ang sarili.
"Shut up, Norman," asik naman ni Lucky na halos hindi na maipinta ang mukha dahil sa inis. Binalingan niya ako. "I can't believe you can be this stupid."
Napanganga ako. "Sino ba kasing nagsabing pagsuotin mo ako ng ball gown? Atsaka ikaw ang nanggugulat diyan, bigla ka na lang sumusulpot sa kung saan."
"At sino namang nagsabi na gamitin mo ang treadmill?" balik-tanong niya.
"So ikaw lang ang may karapatang gumamit ng mga equipments?" nakapamaywang na ganti ko.
"Hala. May lovers' quarrel. Exit na ako."
"Shut up!" sabay naming saway kay Norman.
"Hindi na ako magsasalita," itinaas ni Norman ang mga kamay at naglakad na palayo habang nakangisi.
"Tss."
Tiningnan ko si Lucky. Nakatingin din siya sa akin.
"May ipag-uutos ka?"
Tumango siya. Sinenyasan niya akong sumunod sa kanya. Pumasok siya sa isang pintuan sa may isang sulok ng gym. Mabagal akong sumunod sa likuran niya.
Nang makapasok kami ay napag-alaman kong iyon pala ang changing room ng gym.
Tumingin sa akin si Lucky nang diretso sa mata. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hubarin ang basang-basa niyang sando right before my very eyes!
I can't help myself but gawk at the male beauty. Deym!
"A-Anong ginagawa mo?" tanong ko sa nanlalaking mga mata.
Sa halip na sagutin ako ay lumapit siya sa akin nang hindi bini-break ang eye contact namin. Lalo nang tumahip ang dibdib ko. Halos habulin ko na ang hininga ko. Hindi naman ako masyadong nagpakapagod pero pinagpapawisan na ako.
"You may start now," he said in a very husky voice, it was only above whisper that I could barely hear it.
"S-Start w-what?"
Bilang sagot ay dahan-dahan niyang hinaplos ang matipuno niyang dibdib pababa sa six-pack abs niya na punong-puno ng pawis.
Napanganga ako.
Shookt ang lola niyo.
*****
End of Chapter 5