Prologue
"Kuya... Masakit!"
Malakas akong napa hiyaw dahil sa sakit nang buong higpit akong hilahin ni kuya Kevin sa aking patilya.
Napangiwi pa ako sa hapdi saka mangiyak-ngiyak kong hinimas iyon nang bitawan rin ako sa wakas ni kuya.
"Ikaw, Andrea ah? Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi magandang palagi kang nakikipag basag ulo. Mabuti kamo at hindi ka pinatulan nun."
Halata ang galit sa boses na sermon sa akin ni kuya Kevin. Napa nguso naman ako saka nag papadyak sa inis.
Panganay na kapatid ko si kuya Kevin, malapit na itong mag dise-otso, sumunod kay kuya si ate Kieshia, desi-sais naman iyon.
Pangatlo ako sa anim na magkakapatid. Maliliit pa at nasa elementarya naman ang tatlo pang sumunod sa akin.
"Hala sige, umuwi ka na sa bahay at kanina ka pang hinahanap ni nanay, layas ka nang layas tanghaling tapat."
Napukaw ako sa muling pag sasalita ni kuya, muli pa akong napa nguso nang samaan niya ako ng tingin.
Kung bakit ba naman kasi ubod ng sungit ang mga panganay na kapatid?
"Kuya naman... Nag lalaro lang naman kami eh."
Pag dadahilan ko saka napa kamot sa pawisan kong noo.
"Nag lalaro ba ang tawag doon, aba halos dumugo ang noo ng anak ni Aling Petra dahil sa kagagawan mo."
"Eh kuya, kasalanan niya naman eh, kalalaking tao pumapatol sa babae."
Reklamo ko saka nag umpisa nang mag martsa pauwi ng bahay.
"Paano nalang kung mag sumbong nanaman iyon kay aling Petra? Mapapa ayaw nanaman ang nanay!"
Halatang nangungunsuming sabi nito.
"Eh 'di mag sumbong siya. Siya naman talaga ang may kasalanan kuya eh!"
"Ano nanaman ba iyang pinag aawayan niyong dalawa at napaka ingay ninyo?"
Mabilis akong nag tatakbo papasok sa maliit naming bahay nang marinig ko ang malakas na boses ni inay, handa na sana akong mag sumbong kaya lang ay naunahan ako ni kuya.
"Etong si Andrea kasi nay, nakipag away nanaman."
"Hindi naman nay eh..."
Sabi ko saka napakamot sa ulo.
"Naku... Ikaw talagang bata ka, kababae mong tao basagulera ka. Hala sige na, maligo ka na at ayusin mo na ang mga gamit mo. Ang sabi ng tiyo Berto mo, mapapa aga ang pag sundo sa iyo dito ngayon dahil aalis sila sa susunod na lingo papuntang Hong Kong."
Naiiling na sabi ni inay, sandali pa akong napa pikit nang haplosin niya ang pawisan kong noo.
Oo nga pala, tuwing bakasyon sa eskwela nga lang pala ako nakaka uwi dito sa amin sa Bicol, tuwing mag papasukan ay sinusundo ako nina tito Robert dito para doon tumira sa kanila sa Manila.
Nangako kasi sina tito na pag aaralin ako sa magandang eskwelahan doon, tinupad naman nila iyon. Malaking tulong din kasi kina nanay at tatay, lalo na kapag nakapag tapos ako sa pag aaral.
Pangako ko kina nanay at tatay pati sa mga kapatid ko na pag bubutihin ko ang pag aaral sa Manila, kaya kahit na nahihirapan akong malayo sa kanila, tinitiis ko nalang.
Kahit pa nga alam kong ayaw na ayaw sa akin ni ate Nicole, ang anak nina tito Robert.
"O basta, Andrea ha? Kagaya ng lagi naming ibinibilin sa iyo ni tatay mo, magpapakabait ka doon, hindi pwede ang pakikipag away mo doon, baka bigyan mo ng konsumisyon sina tiyo Berto mo?"
Bilin sa akin ni itay habang nag lalakad kami papunta sa labasan, naroon kasi ang magandang sasakyan nina tito Robert.
Si tito Robert ay nakaka tandang kapatid ni tatay, sa Manila sila nakatira, may malaking negosyo kaya maganda ang buhay.
Kung minsan nga ay naiinggit ako sa kanila, nakaka punta kasi sila sa iba't-ibang bansa. Nabibili nila ang gusto nila, at nakakain rin sila ng masasarap.
"Hindi 'tay... 'di ba nga, pangako ko sa inyo ni nanay, mag aaral ako ng mabuti, para kapag naka graduate ako, ibibili ko rin kayo ng malaking bahay tsaka malaking sasakyan? Tsaka 'di ba nga? Pag tapos na ako sa pag aaral, ako na sasagot sa pag do-doctor nina Roda at ni bunsoy?"
Bibo kong sabi na sabay namang ikina tawa nina Kuya Kevin at ate Kieshia.
"Ako rin Andrea ah? Ibili mo rin kami ni kuya ng magandang sasakyan."
Naka ngiting sabi ni ate Kieshia saka ginulo ang buhok ko.
"Oo naman ate, kahit nga eroplano pa eh."
Mayabang kong sabi na ikinatawa nanaman nila.
Kung ano-ano pa ang mga ibinilin sa akin nina inay at itay bago nila ako niyakap ng mahigpit.
Nakita ko pang nag pahid ng luha si at Keishia at si nanay sabay iyakan ng tatlong maliliit ko pang mga kapatid na yumakap rin sa akin ng mahigpit bago ako hinayaang sumakay sa sasakyan ni tito Robert na siyang mag hahatid sa amin sa manila.
Habang papalayo ang sasakyan ay minsan pa akong lumingon kina inay, pero mabilis ko ring inalis ang tingin ko nang bigla akong kabahan.
Pakiramdam ko kasi, ito na ang huling araw na makikita ko sila, kahit pa kulang isang taon lang naman ako sa Manila, at babalik rin kapag bakasyon na.
Malapit nang mag hapon nang makarating kami sa malaking bahay nina tito Robert, ilang beses na akong nag papabalik-balik dito pero hindi ko pa rin mapigilang hindi mamangha sa laki at ganda niyon.
Sinalubong naman kami ng ilan sa mga katulong nila, kasama si ate Nicole na gaya ng dati ay masama nanaman ang tingin sa akin.
Kasama rin sa sumalubong sa amin si tita Talya, asawa ni tito.
Binati niya lang ako ng kaunti bago niya nilapitan si tito Robert.
"Oh basta, gaya ng lagi kong sinasabi, Robert ah? Ayaw kong pakalat-kalat sa bahay iyang pamangkin mo."
Sabi ni tita Talya saka ako binalingan, mabilis pa akong napa atras nang panlakihan niya ako ng mga mata.
"Sige na, Andrea, pumasok ka na sa kwarto mo, maligo ka at mag pahinga, ipapatawag kita kay manang mamaya kapag kakain na."
Naka ngiting sabi sa akin ni tito Robert, mabilis naman akong tumango saka nag tatakbo na paakyat sa second floor ng bahay, naroon kasi ang kwarto ko.
Kahit alam kong ayaw sa akin nina ate Nicole at tita Talya, kahit paano naman ay hindi naman nila ako kinakawawa sa bahay.
Binibilhan nila ako ng mga damit at mga bagong gamit, kasama na doon ang magandang kwarto. Isinasama rin nila ako sa tuwinang mamasyal sila.
Pero ang bilin sa akin ni inay, kahit daw mabait sila sa akin ay dapat tutulong pa rin ako sa mga gawaing bahay.
Wala namang problema sa akin iyon dahil sanay rin naman akong gumawa sa ilang gawain, hindi na rin naman nila ako sinasaway sa tuwing tutulong ako sa mga kasambahay nila doon.
Gabi, katatapos lang naming mag hapunan nang nang tawagin ako ni tito Robert para aluking kumain ng Ice Cream.
Mabilis rin naman akong lumapit, sino ba naman ang aayaw sa masarap na desert matapos kumain?
Abot tenga ang ngiti ko nang abutin ko ang isang maliit na lagayan ng Ice Cream mula kay tito bago masayang naupo sa malaking sofa katabi ni tita Talya.
Habang naroon ay nakinood na rin ako ng TV, soap opera iyon na pinag bibidahan ng hindi ko kilalang artista.
Sakto namang kaka upo ko lang nang malipat sa balita ang palabas sa TV, susubo pa lang sana ako sa hawak kong Ice Cream nang agad akong matigilan nang makita ko sa screen ang pamilyar na lugar malapit sa bahay namin nila nanay.
"Sa may sa amin 'yan ah..."
Pabulong kong sabi, kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko nang mula sa likod ng nag babalitang reporter ay nakita ko ang napakataas at napakalaking apoy na tumupok na sa halos mahigit kalahati na mga bahay doon.
Kasama ang bahay namin nila inay.
Agad akong napalunok, mayamaya pa ay naramdaman ko ang mainit na mga braso ni tita Talya na mahigpit na yumakap sa akin kasabay ng malakas kong pag iyak nang lumitaw sa sceen ng TV ang mga pangalan ng mga taong hindi pinalad na maka ligtas sa sunog.
Kasama sa magkakasunod na mga pangalan doon ang pangalan nina Inay, ni Itay, ni Kuya Kevin, ni Ate Kieshia, at ng tatlo ko pang nakababatang kapatid.