"Sh*t! Ma li-late na ako...!"
Malutong na napamura si Andrea nang agad tumambad sa kanya ang malaking orasan sa kanyang silid.
Inabot na kasi siya ng halos mag a-alas tres kaninang madaling araw sa pag ri-review para sa kanilang final exams mamaya.
Nag mamadali siyang bumangon saka agad na dumiretso sa banyo para maligo, binilisan niya nalamang rin sa pag aayos.
Nag susuklay niya pa ang basa niyang buhok nang bumaba siya sa hagdan.
Mabuti na lamang ay naroon an sa baba si manong Alvin, ang kanilang driver.
Kasalukuyan itong nag kakape sa kusina kasama ang kanyang parents at ang kanyang ate Nicole.
"Morning dad, ma..."
Masiglang bati niya sa mga ito saka nginitiian ang nakatatandang kapatid na kagaya ng dati ay inirapan lamang naman siya.
"Good morning... Sit down and have some breakfast bago ka umalis."
Sabi ng kanyang daddy, na dati ay tito Robert niya lamang.
Napilitan kasi ang mga itong ampunin siya legally noong ubusin ng apoy ang buo niyang pamilya noon dose anyos pa lamang siya.
Halos limang taon palang mula noon, at nakasanayan na rin ni Andrean ang pag tawag ng mommy at daddy sa mga ito, bilang iyon rin naman ang gusto ng kanyang tito Robert.
"Hindi na po, dad... Sa school nalang po siguro, baka po kasi ma late ako, exam po namin ngayon eh."
Sabi niya saka bahagyang napangiwi nang makita kung paano siyang pag taasan ng kilay ng kanyang mommy Talya.
"Bakit kasi hindi ka nag set ng alarm, eh alam mo namang kailangang maaga ka sa school kinabukasan."
Bakas ang disappointment sa tinig na sabi nito dahilan upang agad siyang mapa yuko.
"N-na late lang po ako ng tulog kanina ma, inabot po kasi ako ng madaling araw sa pag ri-review."
Halos pabulong ang tinig na pag dadahilan niya, tuloy ay tila lalo lamang tumaas ang kilay nito.
"Hm... Review ba kamo? Naku Andrea ah, baka naman kung ano-ano lang iyang inaatupag mo at baka napapabayaan mo na ang pag aaral mo? Hindi mo gayahin itong ate Nicole mo, nasa fourth year college na pero consistent pa rin na dean's lister. Ikaw nasa first year ka pa lang, alalahanin mong marami-rami pa ang dapat naming gastusin para lang makapag tapos ka.
Nakaka hiya naman sa amin kung halip na pag aaral ay kung ano-ano lang ang inaatupag mo."
Mahabang sermon sa kanya nito dahilan upang pasimple siyang mapa buga ng hangin.
Kung sabagay, wala naman na halos ipinag bago, mula pa man noon ay ganoon na talaga ang palaging pang bungad sa kanya ng kanyang mommy Talya.
"Tama na nga iyan, Talya. Sinabi na nga ng bata na inabot ng umaga sa pag ri-review eh."
Saway dito ng kanyang daddy.
"Bakit ba, Robert? Nag papa alala lang naman ako. Ang sinasabi ko lang naman ay huwag na huwag niyang pababayaan ang pag aaral niya, kung hindi po pa alam, bumaba ng kaunti ang grades niyan sa eskwela last grading period."
"H-hindi ko naman napapabayaan ma... N-nag aaral pa rin naman ako ng maayos. Na-nagkataon lang po kasing nahirapan akong mag habol sa lessong noon kasi nagkasakit ako."
Pag dadahilan niya pa, na sana ay hindi niya na lamang ginagawa dahil mukhang lalo lamang nag init ang ulo nito.
Mabuti na lamang at sumingit ulit ang kanyang daddy, ito na mismo ang nag utos kay Manong Alvin na ihatid na siya sa eskwelahang pinapasukan niya.
Desi- otso anyos si Andrea, kasalukuyang nag aaral bilang isang first year college sa isang sikat at exclusive university sa Manila.
Syempre, courtesy pa rin ng pamilyang umampon sa kanya.
Pag baba pa lamang ni Andrea sa kanilang sasakyan ay agad niya nang natanaw ang mga kaibigang sina Ashley at Raquel, mukhang gaya niya ay na late rin ng gising ang mga ito.
"Hoy, aba himala yata, for the first time in forever, late ka?"
Natatawang biro sa kanya ni Raquel nang lapitan siya ng mga ito.
"Na late ako ng gising, inabot ako ng alas tres sa pag ri-review para sa exam ngayon."
Sabi niya saka napa ngiwi nang sabay siyang irapan ng mga ito.
"Sabagay, ano pa nga ba naman ang bago. Of course nag review ka... Ano pa bang i-re-review mo? I'm sure you already know all the answers kahit pa naka pikit ka."
Naiiling na sabi ni Ashley.
"Syempre, hindi naman pwedeng umasa lang ako sa ganoon, paano kung bumagsak ako? You guys know I can't fail... Ever..."
Paalala niya sa mga ito, pakiramdam niya pa ay mukhang babaliktad ang sikmura niya isipin niya pa lamang na babagsak siya kahit sa isa sa mga subjects niya.
Ano na lang ang sasabihin ng pamilya niya? Lalo na ng kanyang mommy?
"Hay naku oo na. Pero alam niyo ba? Nakita ko ang crush ni Andrea kanina, at sh*t mga be, ang gwapo pa rin... Kaya hindi na ako mag tataka kung bakit baliw na baliw iton si Andrea sa kanya."
Biglang kwento ni Raquel, kulang na lamang naman ay mapa face palm si Andrea nang halos sabay pang mamilipit sa kilig ang mga ito.
Sabangay nga naman, hindi niya naman masisi ang kanyang mga kaibigan, maging siya naman ay hindi niya itatangging agad rin siyang napapa ngiti ng ubod ng tamis masali lamang sa usapan ang isang Triangle Bustamante.
Campus Crush, gwapo, matalino at higit sa lahat ay nuknukan ng yaman.
"Oh my Gosh... Speaking of the devil... Look who's coming..."
Nanlalaki ang mga matang sabi ni Ashley, mabilis niya namang sinundan ng tingin ang kung ano mang naka kuha sa atensyon nito, at halos kapusin siya ng pag hinga nang mapag sino ang papalapit.
"Hi, you're Andrea, right?"
Sabi nito saka ubod ng tamis na ngumiti, natataranta man ay pinilit niya pa rin itong tanguan bilang sagot kahit pa nga halos kumawala na mula sa knayang dibdib ang kanyang puso.
"Here..."
Sabi pa nito sabay abot sa kanya ng kulay pink at pamilyar na wallet.
"I think this is yours, napulot ko sa may gate kanina."
Sabi pa nito saka muling ngumiti ng ubod ng tamis, nanginginig naman ang mga daliring tinanggap ni Andrea ang wallet.
"T-thank y-you..."
Nauutal niyang sabi habang hindi mapigil ang sariling huwag itong titigan.
Sino ba naman siya para sayangin pa ang pagkakataong matitigan ito ng malapitan?
Sh*t... Parang pasadong-pasado ang Tatsulok na ito bilang holiwood actor and model...
And look at those biceps... Kahit naka suot ng t-shirt ang matso niya pa ring tingnan...
Tahimik na bulong ko sa sarili, kung hindi pa ito mag paalam sa kanya ay hindi pa siya matatauhan.
"Oh my God... Did that really happen?"
Hindi makapaniwalang sabi ni Andrea nang tuluyan itong makaalis, wala sa sarili pang napa hawak siya sa sariling dibdib sa pag asang sa ganoong paraan ay mapakalma niya ang nag wawala niyang puso.
"Hanep... Busog na busog ang puso natin ngayon ah? Baka naman makalimutan mo ang mga na-review mo kagabi niyan?"
Natatawang kantyaw sa kanya ni Raquel, napa ngisi naman siya dito.
"Ano ka ba, hindi... Pero tama ka, damn... Parang feeling ko hinaplos ni Saint Benidict ang puso ko... Ang gwapo niya..."
Tila nag di-day dream niyang sabi, tinawanan naman siya ng mga kaibigan.
Sino ba naman ang hindi mananaginip ng gising? Mula yata noong unang araw niyang pasok sa university an iyon ay wala na siyang iba pang hinangaan maliban sa Tatsulok na iyon.
Kung pwede nga lang na pati pictures nito ay ipa tarpauline niya pa at isikit sa bawak sulok ng dingding ng kanyang kwarto ay ginawa niya na.
Andrea always had the biggest crush on him, kahit pa nga alam niyang baka hindi nito alam na nag i-exist siya, lalo at ka batch ito ng kanyang ate Nicole.
Fourth year student, varsity player at marami pang iba, hindi na nga rin siya nag tataka pa kung bakit marami ding nag hahangad na mapalapit kay Triangle, syempre pa, kasama na siya doon.
"Hayy... Ewan ko ba naman sa'yo... Ang ganda mo naman, 'di hamak pa nga na ten times over ka pang mas maganda doon sa ate-ate mong maldita, iyong Nicole... Ikaw rin ang laging pang laban ng batch nating sa mga pa contest ng university, mapa patalinuhan man o pagandahan, lago mo lang tinatanggihan.
Kung ako lang ang mayroon ng utak at gandang meron ka? Malamang sa malamang umaalingasaw na ang pangalan ko sa buong campus.
Sure ako na pati ang nag iisang Triangle Bustamante, kilala ako."
Naiiling na sabi sa kanya ni Ashley na sinangayunan naman ni Raquel.
Nag pilit naman siya ng ngiti sa mga ito.
"Hindi naman... Pero hindi lang talaga kasi iyon ang focus ko ngayon, you know I need to be perfect, in everything I do... I can't afford to give my parents any reason to make them regret having me.
May pagkakataon pa naman siguro para sa mga boys na 'yan..."
Sabi niya saka muling ngumiti.
Magkapareho sila ng pinapasukang iniversity ng kanyang ate Nicole, kahit pa hindi naman sila madalas magkita sa campus dahil nasa fourth year na ito, ay ingat na ingat pa rin ang bawat kilos niya doon sa takot na baka malaman ni Nicole kung sakali mang magkamali siya, tiyak niyang malalaman iyon ng parents nila lalo at ayaw na ayaw nito sa kanya at hindi rin sila close.
Mariin niyang nahigit ang sariling pag hinga, saka muling binalingan ang mga kaibigan.
"Halika na nga para makapag review pa ulit kahit sandali bago ang exams."