Chapter 3

1532 Words
"How was your exam, Andrea? Naipasa mo naman ba?" Agad na tanong ng kanyang mommy Talya kahit pa halos kakaupo niya pa lamang sa dining para mag hapunan. "Wala pa pong result ma, pero sure naman pong akong naipasa ko. Nag aral naman po ako." Sagot niya saka nag iwas ng tingin nang titigan siya nito. "Mabuti kung ganoon. Kailangan mong ayusin ang grades mo this semester, kung gusto mong matulad sa ate mo na laging top sa klase, kailangan mo pang pag butihan." Dagdag pa nito, kung hindi lamang masama ang sumagot, ngani niyang sabihing mas mataas pa ang nakukha niyang grades kesa sa kanyang ate Nicole na halos palagiang kinukompara sa kanya. "M-ma... Ba-baka po pwede akong lumabas bukas ng gabi? Nagkayayaan po kasi ang mga friends ko, it's just a simple celebration lang naman bago mag end ang school year." Nahihiya man ay lakas-loob niyang pag papaalam dito, pinili niya na lamang ring huwag pansinin ang sarkastikong pag tawa ng kanyang ate Nicole. "Celebration? Mag iinuman lang ang mga 'yan, mommy. Akala mo ba hindi ko malalamang masyado ka nang napapa barkada? Kung sino-sino nalang ang sinasamahan mo sa campus. Pipili ka nalang ng mga kaibigan mga mukha pang walang mararating sa buhay." Bakas ang panunuya sa tinig na sabi ng kanyang ate, pinilit niya namang huwag na lamang pansinin iyon, kahit pa ang totoo ay nasaktan siya sa sinabi nito. "Talya, payagan mo na... Bihirang-bihira lang namang mag paalam na lumabas iyang si Andrea, mabuti nga iyon at nag papaalam sa atin kung saan pupunta, at least alam natin." Singit ng kanyang daddy, tipid naman siyang napangiti bilang tahimik na pag diriwang. "Saan ba ang punta niyo ng mga kaibigan mo, Andrea? Wala pa ngang result ang finals, mag si-celebrate ka na." Singit nanaman ni Nicole dahilan upang pasimple siyang mapa buntong-hininga. "S-sa isang bar lang naman daw malapit sa BGC ate..." "So inuman nga?" Sabi nanaman nito saka ngumisi. Hopeless namang nalipat ang kanyang tingin sa kanyang daddy na tulad niya ay napa buga rin ng hangin saka binalingan ulit ang asawa. "Again, Talya. Let her go. I don't see anything wrong with wanting to have a little fun sometimes lalo at nakaka stress rin naman ang pag aaral." "Ano pa nga ba?" Bakas man ang inis sa tinig, ay wala na ring nagawa ang kanyang mommy kung hindi ang payagan siya. Muli namang nag diwang ang puso ni Andrea saka matamis na ngumiti. "Thanks ma... Hindi naman po ako iinom, sasama lang ako para maki saya." "Oh okay na? Pinayagan ka na. Yey!!! Pwede na bang kumain?" Puno ng katarayan at halos mag dikit na ang kilay na sabi nanaman ni Nicole, naiiling na lamang namang napa ngiti si Andrea at hindi na sumagot pa, sa halip ay nag umpisa na lamang ring kumain. Para kay Andrea ay normal na ang sobrang pag hihigpit sa kanya ng mga kaanak niyang natutunan niya na ring ituring na magulang, madalas ay naiintindihan niya ang mga ito. Pinipilit niyang isaksak sa sariling isipan na gusto lamang ng mga ito na mapabuti siya. Kaya lang kung minsan ay hindi niya na rin maiwasan pang huwag masakal sa pag hihigpit ng mga ito sa kanya, lalo ay bukod sa kailangan niyang i-maintain ang mataas na grades sa eskwela, kailangan niyang palaging maging maayos, sa pananamit, sa pag kilos at pananalita ay kailangan niya ring ipaalam sa mga ito ang bawat kilos niya. Kulang na nga lang yata ay lagyan siya ng kadena ng mga ito para masiguradong kontrolado siya. Kahit ganoon ay pakiramdam niya ay wala siyang karapatang mag reklamo, lalo at mula noong inampon siya ng mga ito ay wala halos araw na pinalampas ang kanyang mommy Talya sa pag papaalalang kailang niyang maging maayos, huwag na huwag bigyan ng kahihiyan ang pamilya. Dahilan kung bakit maging siya mismo ay sinisigurong kalkolado lahat ng kilos niya. Marahas na napa buga ng hangin si Andrea habang tuloy pa rin sa pag kain, tahimik na lamang siyang nakinig sa mga kwentong barbero ng kanyang ate Nicole na karamihan ay tungkol sa kung gaano itong kagaling sa lahat ng bagay. -- "Oh ano? Pinayagan ka ba?" Tanong sa kanya ni Ashley sabay ipinulupot ang braso sa kanyang balikat. "Alanganin pa noong una, pero pinayagan naman." Sagot niya saka ngumisi, mabilis niya pang tinakpan ang kayang tenga nang halos sabay na mag iritan sina Ashley at Raquel. Kasalukuyan silang nasa garden area ng campus, hindi na kasi pumasok ang kanilang prof para sa pang huli nilang subject sa araw na iyon, dahil siguro tapos na rin naman ang final exams nila para sa second sem. "Teka nga, sino ba ang mga kasama natin mamaya? Tsaka baka kung anong bar 'to ah?" Tanong niya saka nangunot ang noo nang mag tinginan sina Raquel at Ashley sabay ngumisi. "Basta... Malalaman mo mamaya. Basta promise, mag i-enjoy ka ng sobra." Ngising sabi ni Ashley. At dahil halatang wala rin namang balak na mag sabi ang mga ito ay wala na rin siyang nagawa kung hindi ang mag hintay, total ay ilang oras na lang naman. -- Alas otso ng gabi ang usapan nilang oras, usapan rin nilang mag kikita-kita nalang sila sa isang resto malapit sa bar kung saan sila pupunta. Ilang minuto bago mag alas otso nang matapos mag ayos si Andrea, isang simpleng kulay itim na fitted dress na umabot sa kalahati ng kanyang hita ang napili niyang suotin, pinaresan niya lamang iyong blazer at high heels. Mabuti na lang at wala ang parents nila sa bahay, napilitan raw na mag out of town para sa biglaang business meeting. Kung naroon ang kanyang mommy Talya at sakaling makita ang ayos niya ngayon, malamang sa hindi, sa halip na gimmick ang puntahan niya ay deretsyo sa kanyang kama. Agad napa ngiwi si Andrea sa isiping iyon saka ngumisi nang makita ang sarili sa salamin. Hindi naman ganoon ka daring ang suot niya. Well, daring din pero kahit paano ay elegante pa rin namang tingnan. Tingin niya ay sakto pa rin naman ang suot niya sa pupuntahan nila. Pasakay pa lamang sana siya kotse para mag pahatid kay manong Alvin nang harangin siya ng kanyang ate Nicole. Tulad niya ay naka bihis rin ito at mukhang may lakad rin. "I need manong Alvin, mag taxi ka nalang." Seryosong sabi nito, hindi naman na siya naka palag pa lalo at hindi na ito nag hintay ng sagot niya at mabilis na sumakay sa kotse, hindi pa ito nakontento at nakuha pa nitong pabalibag na isara ang pinto niyon. Bilang masunuring kapatid, napilitan siyang mag abang ng taxi , hindi rin naman nag tagal ay may dumaan, mabilis niya iyong pinara saka nag pahatid sa kanyang destinasyon. Fifteen minutes patapos ng alas otso nang makarating siya sa resto, hindi pa man nakaka baba ay nakita niya na agad sina Raquel at Ashley. "Wow... Ang sexy... Buti nakalabas ka ng buhay ng ganyan ang suot mo?" Natatawang sabi ni Raquel. Ngumisi naman siya saka umiling. "Walang bantay... Wala sila mommy, nag out of town." "Kaya pala... 'Cause girl, knowing your parents? I'm sure as hell you can't pass through them alive na naka ganyan ka lang." Dagdag pa ni Ashley. Naiiling namang pinanliitan niya ng mata ang mga ito. Hindi rin nag tagal ay nag aya nang mag punta sa bar ang dalawa, naroon na raw ang mag kasama nila at sila nalang hinihintay. Pag pasok pa lang ay agad nang bumungad sa kanila ang malakas na music, sa isang VIP room sila dumeretso, libre raw iyon ng isa sa mga kasama nilang hanggang ngayon ay hindi niya pa rin kilala. Pero agad rin siyang nalinawan nang pag pasok pa lamang ay agad nang napako ang kanyang tingin sa naka upong tatsulok sa may bandang dulo ng pahaba at kulay pulang sofa ng bar na iyon. "Ba-bakit nandito si Triangle Bustamante?" Natataranta niyang tanong kay Raquel na bahagyang hinila sa braso. Ngumisi naman ito saka sumagot. "Surprise... Si Triangle ang treat namin sa iyo dahil for the nth time, ikaw nanaman ang top sa klase natin." "Gaga, hindi... Andrea, Triangle is my boyfriend's friend, biglaan lang ring naaya ni Justine 'yan kasama ang iba pang members ng varsity." Naiiling na kontra naman dito ni Ashley. Hindi naman na iyon pinansin pa ni Andrea lalo ay mariin niyang nahigit ang pag hinga nang mag tama ang tingin nila ng gwapong Tatsulok. Kulang na lamang rin ay kapusin siya ng pag hinga nang matamis siya nitong ngitian sabay angat sa baso ng alak na iniimon nito. Dumagdag pang halos maramdaman niya na ang kanyang puso sa kanyang lalamunan nang puluin nito ang space sa tabi nito. "Go na girl..." Kinikilig na utos sa kanya ni Ashley sabay tulak naman sa kanya ni Raquel. "Hi, Andrea, right?" Agad na sabi ni Triangle, nahihiya namang tumango si Nicole saka umayos ng upo. "He-hello..." Sabi niya. At minsan pang nag wala ang kanyang puso nang lumapit ito sa kanya. sa sobrang lapit ay halos maamoy niya ang mabango nitong hininga, sunod-sunod pa siyang napa lunok nang maramdaman ang bahagyang pag dikit ng labi nito sa kanyang leeg saka bumulong. "You looking so damn hot tonight..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD