Nakaka bingi man ang malakas na music sa bar na iyon ay hindi na halos mabigyan pa iyong ng pansin ni Andrea, pakiramdam niya kasi ay sapat na ang malakas na kabog ng kanyang dibdib para para masira ang kanyang eardrums lalo nang maramdaman niya ang mga kamay ng tatsulok sa kanyang baywang.
Sumasabay ang pag indayog ng kanyang katawan sa saliw ng tugtugin, hindi niya na rin alintana pa ang pawisan niyang likod.
Mag iinarte pa ba siya at mag mumukmok sa tabi gayong ito lamang ang unang pagkakataong nakawala siya sa hawlang pilit pinapanday ng kanyang pamilya?
May bonus pa siyang Triangle Bustamante ngayon na hindi na halos umalis sa tabi niya mula nang dumating sila sa bar na iyon.
"Do you wanna sit down for a bit?"
Dahil sa lakas ng tugtog ay pilit inilapit ng lalaki ang bibig nito sa kanyang tenga. Mariing napa pikit si Andrea nang maramdaman ang mainit nitong pag hinga sa kanyang leeg, isama pang pakiramdam niya ay nakaka lasing ang mabango nitong hininga.
Tingin niya nga ay hindi niya na kailangan pang dagdagan ang matapang na alak na nainom niya, dahil sapat nang bisyo ang presensya ng lalaki.
Ano ba ang nagawa niyang kabutihan at biglang nag himala ang langit?
Mabilis siyang umiling bilang sagot sa tanong nito saka ngumisi.
Dala na rin marahil ng nainom niyang alak kaya't tila nawalan na rin siya ng pakealam pa sa kung ano man ang sasabihin sa kanya ng kanyang pamilya, lalo ng kanyang mommy na pangarap yatang pag madrehin siya.
Ngayon lamang naman siya naging ganito, manong sulitin niya ang pansamantalang kalayaan niya ngayon lalo at sigurado siyang hindi naman malalaman ng mga ito.
Ika nga nila, it's no sin, to sin in secret.
Matamis siyang napa ngiti dahil sa isiping iyon saka mas pinag buti pa ang pag giling.
Agad niya pang nahigit ang kanyang pag hinga nang maramdaman ang tila lalong pang higpit ng kapit ni Triangle Bustamante sa kanyang baywang.
"Hey... Slow down... People are are looking at you."
Biglang saway nito, wala sa sarili namang naikot ni Andrea ang tingin sa kabuoan ng bar saka napangisi nang mapansing totoo nga ang sinasabi nito, ngunit halos lahat ng matang naka titig sa kanya ay mga kalalakihan.
"Hayaan nalang natin sila, Tatsulok... Alam mo bang bihira pa sa eclipse akong makalabas at mag party ng ganito? Ngayon lang rin ako uminom ng ganito karami, at ngayon lang din ako nakasayaw ng ganito ka-"
"Ka- wild? Seriously, Andrea... I know you are hot and beautiful and these men are probably thinking the same. At Tatsulok?"
Tanong nito, muli namang sumilay ang napag larong ngisi sa kanyang mga labi bago lakas-loob na umikot upang harapin ito.
"Tatsulok... Tagalong ng Triangle... Sa dami ng matinong pangalan bakit ba iyon ang pangalan mo?"
Biro niya saka tumawa.
"I didn't choose my name, Andrea..."
"Joke lang uy... Tsaka hayaan mo silang tumingin... Ikaw ang ang kasama ko ngayon, at ikaw ang kasayaw ko ngayong gabi. Do you have any idea how much I've dreamed for this to happen?
Iyon nga lang... Lagot ako sa parents ko kapag nalaman nila itong pinag gagawa ko."
Kwento niya pa saka muling tumawa.
"I'm glad to know that you find my hotness amusing, Tatsulok..."
Buong tapang na dagdag niya pa saka mariing kinagat ang pang ibabang labi nang makita kung paano siya nitong titigan.
"I'm glad that you're glad..."
Sagot nito. Sandali naman siyang natigilan nang mag tama ang tingin nila. Dala na rin marahil ng kalasinga kaya bigla siyang tumawa.
"What's funny?"
Nag tatakang tanong nito, mabilis naman siyang umiling bilang sagot.
"Wala... It just so happen that I find the fact that you probably only knew that I existed noong isauli mo sa akin ang wallet ko, and now we're here... In the middle of the dance floor, dancing like our whole life depends on it. At nakakatuwa lang din, madalas kitang titigan mula sa malayo, who knows that we will be this close kahit ngayong gabi lang?"
Sagot niya habang tuloy pa rin sa pag giling ang balakang, hindi niya na rin pinansin pa ang halos magkadikit na nilang katawan, halos mag yakapan na rin kasi sila nito.
Pero bakit ba?
Ito ang unag pagkakataong nagkausap sila ng ganito ng isang Triangle Bustamante, and lalaking alam niyang langit at lupa ang agwat sa kanya...
Aarte pa ba siya?
Who knows, baka bukas, patapos ng lahat ng ito ay hindi na siya nito kilala.
Ngunit agad rin siyang natigilan, kasabay ng muling pag wawala ng kanyang puso nang marinig ang sagot nito.
"Believe me, Andrea Santiago... I know who you are... I know how smart you are, I know how your beauty compliments your brain...
I also know how hard you try to protect yourself from the harsh reality this world has to offer, how perfect you are.
Hindi ko lang alam, and I wanted to know, why do you want to keep your already perfect image more perfect, what are you so scared of, Andrea?"
Mahabang sabi nito, hindi pa man din nakaka bawi si Andrea ay muli itong nag salita.
"I know who you are, because I used to admire you from a far. And the only reason why I'm here tonight."
--
Pasado alas dos ng madaling araw nang mag pasyang magsiuwian ang mga kasama niya.
Kasalukuyan siyang nag aabang ng taxi na mag hahatid sa kanya pauwi nang bumuhos ang malakas na ulan.
Sakto namang tumigil ang isang itim na black sedan sa tapat niya.
"Wala nang na dadaang taxi pag gantong oras, hop in. Ihahatid na kita."
Mula sa binata ng magarang sasakyan ay bumungad sa kanya ang naka ngiting Tatsulok, madilim man and paligid ang nakita niya pa rin ang mapuputi at pantay nitong mga ngipin. Bagay na tila muli nanamang nagpa gulo sa nanahimik niyang puso.
"Si-sigurado ka? Nakaka hiya naman baka maabala ka pa?"
Kagat-labi niyang tanong habang pilit itinatakip ang maliit niyang bag sa kanyang ulo bilang pang sangga sa ulan.
"It's okay, I don't mind. Just hop in, mababasa ka lalo baka magkasakit ka pa."
Sabi pa nito, ito na rin mismo ang nag bukas ng pinto ng sasakyan nito, yamang mukhang totoo namang wala nang daraang taxi ay hindi na siya nag inarte pa, mabilis nalang siyang pumasok sa sasakyan nito.
Ituturo niya pa lamang sana ang daan pauwi sa kanila ay agad na nitong nailiko ang sasakyan nito.
"Sa-salamat ah?"
Nahihiya niyang sabi, hindi na rin sila nagkausap pa kanina sa dance floor nang sabihin nitong kilala rin siya nito. Bigla kasi itong hinila ng isa sa mga kasamahan nito sa vasity para kumuha pa ng maiinom.
"What do you mean by madalas kitang titigan mula sa malayo?"
Biglang tanong nito, agad namang nangunot ang noo niya saka inisip kung anong sinasabi nito.
Mayamaya pa ay agad rin siyang napa yuko at nag iwas ng tingin nang maala ang sinabi niay dito kanina.
"W-wala iyon... Huwag mo nalang pansinin, kunwari wala kang narinig."
Kagat-labing sabi niya.
Hindi naman na nakasagot pa si Triangle nang mapilitan itong itigil ang sasakyan.
"The whole road is flooded. Imposibleng maka daan tayo. Seems like it's not the only part of the road that's flooded, malamang baha rin ang iba pang daan pauwi sa bahay niyo."
Sabi nito sabay nag maneobra ng manebela, mag tatanong pa sana si Andrea kung paano nitong nalaman ang bahay niya, kaya lang ay hindi niya na nagawa nang muli itong mag salita.
"My condo is just a few blocks away. If it's okay with you, you can stay there kahit hanggang tumila lang ang ulan, Then I can drive you home when the road is already safe."
Mariing nakagat ni Andrea ang labi saka wala sa sariling nalipat ang tingin sa bahang kalsada.
"Don't think anymore, wala ka na rin namang ibang choice. I won't touch you, if that's what you're worried about. You are safe with me, promise you."
Dagdag pa nito, sandali pang nga isip si Andrea saka alanganin itong tinanguan.
Malalagot ako nito kina mommy...