Chapter 1
Napakuyom ng kamao si Ashton habang nakikita si Misty na kausap ang isa sa kanyang mga empleyado. Gusto niyang lapitan ang mga ito at suntukin ang lalaki. Pero natatakot siya. Natatakot siya na baka matakot sa kanya si Misty na baka bigla itong mawala sakanya.
Kitang kita nang dalawang mata niya kung paano nito ngitian ang lalaki samantalang pag sa kanya ay tila laging takot ito. Mukha ngang napipilitan lang din ito na magtrabaho sa kanya. Namimiss niya ang dating ito. Nung naaalala pa siya ng babae.
" May gusto ka ba sa lalaking yon?" Pagtatanong niya kay Misty nakabalik na ito sa opisina niya.
" Sino po ba ang tinutukoy niyo, Sir?" Tanong ng babae sa kanya ngunit hindi siya magawang tignan sa mga mata.
" Nevermind." Yun na lamang ang kanyang nasabi. Baka kasi makapagsalita pa siya ng masama o hindi maganda at ayaw niya iyon mangyari baka lalong maturn off sa kanya si Misty.
Habang nagtatrabaho si Misty ay alam niyang may mga matang nakatuon lamang sakanya, ang nagmamay ari ng dalawang matang iyon ay ang kanyang boss na itinuturing niyang weird dahil sa mga kakaiba nitong tingin sa kanya na para bang matagal na silang magkakilala.
Ayaw niya sakanyang boss dahil sa bukod sa masungit ito ay masama pa ang ugali. Palagi nitong sinisigawan ang mga kapwa niya empleyado sa tuwing nagagalit ito. Masyado rin itong matanong pagdating sakanya na hindi niya naman nagugustuhan.
Tutal sekretarya lang siya nito dapat ay wala itong masyadong pake sakanya. Kung pwede nga lang ay magreresign siya sa kanyang trabaho ngunit hindi pwede dahil iyon lamang ang bumubuhay sa kanya lalo pat wala naman siyang pamilya. Mayroon din siyang amnesia at di niya alam kung babalik pa ba ang mga nawala niyang alaala.
" Its lunch time, sumabay ka na sa akin." Seryosong saad ng kanyang boss. Pero hindi niya ito pinansin at nagtuloy tuloy lang sa kanyang ginagawa. Ayaw niya itong kasabay pero hindi niya magawang sabihin dahil natatakot siya. Dahil nakakatakot talaga ito.
" Stop working and have lunch with me. " Muli nitong sabi.
" Busog pa po ko." Sagot niya.
" Busog ka pa o gusto mo lang kasabay ang lalaking iyon huh?" May dating nitong tanong.
" Ano po bang pakialam niyo kung sinong gusto kong kasabay? Hindi ko naman po kayo boyfriend kaya wala kayong karapatan na pakialaman ako. " Matapang niyang sagot sa kanyang boss. Napatayo na rin siya.
" Right. I don't have the rights."
Saka ito umalis ng sarili nitong opisina at naiwan siya sa loob. May pagkaweird talaga ang boss niya.
Nang matapos siya sa ginagawa ay umalis na siya sa opisina ng kanyang boss.
Sakto naman na nakita niya si Duke at Mary ang mga kaibigan niya doon. Alam niya na may gusto sa kanya si Duke ngunit hindi niya na lamang iyon pinapansin.
" Misty, ililibre ka daw ni Duke?" Sabi ni Mary.
Tumingin siya kay Duke parang nahihiya pa ito.
" O sige ba hindi ko tatanggihan yan." Sagot niya.
Napatili naman si Mary dahil sa labis na kilig sabi kasi nito ay bagay bagay daw silang dalawa ni Duke.
Masayang nakikipagbiruan si Misty kay Duke at Mary habang kumakain sila. Ang ibang mga empleyado nga ay napapatingin na lang. Nakikipagkwentuhan lang naman siya sa mga kaibigan niya kaya anong pake nila.
Samantalang si Ashton ay bumalik na sa kanyang opisina. Lumabas lang naman siya kanina dahil tumawag ang kanyang mommy at may sinabi lang, umorder din siya sa isang restaurant para sa kanilang dalawang ni Misty . Ngunit pagbalik niya ay wala na doon si Misty , ano pa nga ba?mukha ngang mas gusto nitong kasabay ang lalaking iyon kaysa sa kanya.
Maya maya pa ay may dumating.
Si Nikita. Ang isa sa mga babaeng may gusto sa kanya. Galing din sa isang mayamang pamilya at gusto din nang daddy niya para sa kanya. Dahil bukod sa maganda ay mabait din daw ito parang katulad lang ni Misty.
Pero para sa kanya ay walang papantay kay Misty. Nag-iisa ito sa kanyang paningin.
" Tito Gray told me na samahan daw kita maglunch dahil wala kang kasabay." Mahinhin pa nitong sabi.
" I don't need you here so you may go now." Walang kwenta niyang sagot sa babae.
" Ash ako na lang na kasi. Kayang kaya ko naman gayahin ang lahat ng tungkol sa kanya."
" Wala kang kailangan gawin. And don't call me Ash. " Isa lang ang pwedeng tumawag sa kanya ng Ash.
" She can't remember you nga diba! At baka hindi ka na rin niya maalala. Just accept that. " Bigla nitong sabi.
Nang makita ang kanyang naging reaksyon ay agaran din nitong binawi ang sinabi.
" I'm sorry I didn't mean to said that." At bigla itong lumapit sa kanya at yumakap.
Kasabay noon ang pagpasok ni Misty.
" I'm sorry Sir. Lalabas na lang po ko ulit." At lumabas na nga ito.
Saka niya lamang naitulak si Nikita.
" Umalis ka na." Sabi niya sa babae.
" Ikaw lang ang gusto ko, Ashton." Sabi nito bago umalis.
Iniisip niya kung paano magpapaliwanag kay Misty. Pero may pakialam ba naman ito sa nakita? Kasi nakikita niya wala naman.